Chapter 3

30 Days with you

Irene's Pov

 

Inumaga na akong kakaisip kung bakit yon ang kinanta ng babaeng yon sa akin. Ang lakas din ng trip niya, bumawi ata dahil nakita ko siyang nag blushed sa mga hirit ko sa kanya.

 

"Alam mo mula ng nanggaling ka sa putol na tulay lagi ka ng natutulala Best. Delikado na yan baka mamya magpakalunod ka na lang sa dagat." rinig kong sabi ni Jennie at biglang may pumasok sa isip ko.

 

"Oo nga noh! Bakit dko nasabi yon sa kanya as one way to suicide. Ang luwang ng dagat at nasa harap pa namin pero hindi ko man lang naisip na sabihin." wala sa isip kong nasabi.

 

"You what? Ano na naman'g pumasok diyan sa utak mo at may balak kang mag suicide?" baling ni Jennie.

 

"Actually Best, yon ang inassumed ni Seulgi when she saw me staring down the bridge. Ewan ko ba naisip ko lang naman pero I won't do it, ano ka ba. Eh di patay ako sa'yo pag ginawa ko yon. I was just so consumed with everything that's going in my mind that's why." may sabi kong katotohanan. "You know me too well to do that, marami na akong worst na pinagdaanan para ngayon pa sumuko. Maybe I just felt fed up."

 

"I know, kaya nga kita niyaya dito eh. Kaso mas lalo ka atang na stress dahil kay Seul." ngiti niyang sabi.

 

"Actually, Best I forgot everything and just the thought of her filled my mind since we met. I got curious about her since day one. She's kinda weird and mysterious."

 

"So dapat pala akong magpasalamat sa kanya?"

 

"Hey! don't say anything to her B, ok?"

 

"Why?"

 

"We had an agreement."

 

"Agreement?" at tumango lang ako. "What kind of agreement?" at nakwento ko sa kanya.

 

"What?!!!" gulat niyang sagot pagkatapos. "Are you crazy? Why did you do that? Alam mo bang pinasok mo?" kontra na ni Jennie.

 

"It just happened, I saw her concern and effort to make me realized that ending my life is not the best option. I mean the way I felt that moment was...I don't know. I'm hurt and felt betrayed, kung wala ka lang baka hindi ko na rin alam ang ginagawa ko ngayon."

 

"You don't know what you're gotten into, Best."

 

"I can't explain myself when I'm talking to her B. I think she got my attention and her mysterious side attracts me."

 

"You know that she's---"

 

"---I know B. But we both know that gender's never an issue with regards to friendship."

 

"What if she fell for you?" alalang tanong niya. "What if she'll get hurt?"

 

"Hindi naman siguro."

 

"Ok lang if you fall for her too."

 

"What?!" pero nginitian niya lang ako.

 

"But the big problem is what if you fall for her but she's in love with someone else."

 

"Hey, ano ka ba sobrang advance ng utak mo B. FYI, we just met the other day at sabi ko nga curious lang ako sa kanya. Bakit falling in love na agad yang nasa utak mo."

 

"Well we have 30 days to find out, I mean 27 days to be exact." sabay kindat niya at tinalikuran na ako.

 

- - -

 

Last day namin ngayon ni Jennie dito sa resort pero bakit parang ang bigat ng loob kong bumalik ng Manila bukas, nakatanaw ako sa may bandang tulay then I glanced at my watch. It's already 10 past 5 in the afternoon pero wala pa akong nakikitang tao sa putol na tulay. Kanina pa ako kinukulit ni Jennie na magpa body spa na kami pero tumanggi ako kaya siya na lang mag isa doon. Kagabi nag inuman kami pero hindi rin ako makatulog kakaisip sa babaeng nasa tulay. Nasa tulay talaga, what's with the bridge nga ba? It's not actually a bridge kwento ni Jennie dahil natanong na daw niya sa mga taga resort. It's more of a port pero hindi natuloy, mataas daw dahil para rin sa malalaking barko. Nagprotesta ang mga taga roon dahil mawawalan ng kabuhayan ang mga maliliit na mangingisda at ang mga yamang dagat sa lugar. Isa daw ang ama ni Seulgi sa nakinig sa daing ng mga taga roon kaya hindi natuloy ang port. Hindi ko namamalayan na naglalakad na ako papunta sa lugar na yon. Ano ba kasing bagay ang curious ka kay Seulgi, Irene at bakit gustong gusto mo siyang makausap tanong ko sa sarili ko. Pagkatao niya? Ugali niya? Pamilya niya? Bakit hindi na siya active sa banda at sa indie films? Ano nga ba? Marami din at malalaman ko unti unti. Sa loob ng ng 27 days na natitira malalaman ko. I hope so, you're funny Irene, you've never been that curious to anyone patol ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal doon ng maramdaman ko ang lamig ng hangin.

 

"Gabi na bakit nandito ka pa?" rinig kong boses sa likod ko at may bumalot sa katawan kong bagay. "Hindi ka nanaman nagsuot ng pang laban sa lamig." dugtong niya habang naramdaman ko ang jumper sa katawan ko. And again I felt the warmth from that piece of clothing I had the night before and the smell of her sweet perfume that I'm beginning to familiarize myself with. Hindi agad ako nakaimik. "Inuuwi mo ng damit ko ng walang paalam. Baka makaipon ka na ng jumper ko niyan." ewan ko kung biro pero parang bigla akong nahiya kaya inalis ko na lang at ibabalik ko na sa kanya pero maagap siya. "Hindi ka na mabiro." sabi niya at muling ibinalik ang jumper sa katawan ko habang nakangiti. Ang lapit namin sa isa't isa. Ang cute niya lalo ng malapitan. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Gabi na bakit andito ka pa? Hinihintay mo ako?" wow ha masyadong asa naman tong babaeng to, bilib sa sarili. "Kinain na ba ng isda ang dila mo? Bakit ang tahimik mo? Kumain ka na ba?" sunod sunod niyang tanong.

 

"Ang daldal mo." sagot ko lang at natawa siya, napangiti nanaman ako sa tawa niya. Bakit parang nahahawa ako sa tawa o kahit ngiti niya lang.

 

"Nakakapanibago ka kasi ang tahimik mo." sagot niya.

 

"U-uwi na kami bukas." mahina kong sabi, my words betrayed me because she looked at me with a worry face.

 

"Bakit ganyan ang mukha mo?" pansin niya sa akin. "Mamimiss mo itong tulay?" at mas lumapit sa akin "O ah... ang kanta ko sa'yo." dugtong niya.

 

"Wow, ha. Lakas ng hangin mo." bato ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

 

"Sige huwag ka nang hihiling ng kanta kung ganon." balik niya, matagal kaming nagkatitigan. Bakit ganito parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.

 

"Are we friends?" wala sa loob kong tanong.

 

"Bakit, hindi pa ba?" sagot niya.

 

"Kaya you're singing for me because we're already friends, right?" tanong ko sa tanong niya.

 

"Nakuha mo ako don ah." ngiti niya sabay pisil ng ilong ko. And I felt something in me na hindi maipaliwanag. "Madilim na hatid na kita sa resort." aya na niya.

 

"Nag dinner ka na?" tanong ko.

 

"Ikaw, nag dinner ka na?" balik niyang tanong. Kainis talaga.

 

"Hindi pa, sabayan mo ako?"

 

"Gusto mo?"

 

"Kung ayaw mo huwag mo." mataray ko ng sagot habang naglalakad kami at natawa muli siya. Gustong gustong niya talaga akong asarin. Hay para akong pabebe na ewan. Naglalakad na kami pareho at napansin ko nanaman ang kabayo niya.

 

"It fits his name, he's like your shadow." pansin kong sabi.

 

"I can trust him with my life, he's more like a bodyguard." sagot niya. Biglang nagring ang phone niya.

 

"Hello Nay... Opo... opo dito na po ako maghahapunan. Sige po. Salamat po Nay." rinig kong pakikipag usap niya.

 

"They're looking for you?" tanong ko at tumango lang siya. "Bantay sarado ka pa rin, ilang taon ka na ba?"

 

"Hindi naman sa ganon, kasi sabay talaga kaming kumain ng hapunan. Madalas kasi hindi kami kumpleto sa almusal at tanghalian kaya hanggat maaari pag hapunan kumpleto daw dapat sabi ni Nanay." paliwanag niya.

 

"Is it alright to take your time, baka magalit sila?" tanong kong nagaalala.

 

"Hindi noh, matanda na ako." ngiti niyang sabi at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

 

We arrived at the resort and ate dinner, mapapansin ang pagiging malapit ng mga tao doon kay Seulgi. In particular ang mga ilan ilang mga babaeng crew doon dahil mapapansin ang maya't maya nilang alok ng kung ano pang kailangan ni Seulgi at pagbigay ng tubig sa kanya. After ng dinner namin ay may lumapit na namang isang matangkad at makendeng na babae at naglapag ng tea sa mesa sa harap ni Seulgi.

 

"Seul, tsaa mo." ngiti niyang sabi at ngumiti lang si Seulgi na nagpasalamat, nakangiti lang ang babae na mukhang wala pang balak umalis kaya nagsalita na ako.

 

"Can I have coffee please?" sabi ko at tumango lang ang babae kay Seulgi habang seryoso ang mukhang tumingin sa akin. I'm with her so back off, sabi ng utak ko.

 

"Bestie!!!." rinig naming sigaw ni Jennie at patakbong lumapit sa amin. "Bakit hindi niyo ako hinintay?" tanong niya ng makalapit na sa amin. "Hi Seul!" kaway nito "Nice to see you again."

 

"Hi Jennie, halika ka na. Samahan mo na kaming kumain kahit tapos na kami. Anong masasabi mo sa body spa namin dito?" tanong ni Seulgi.

 

"As always, so relaxing and refreshing. Nakatulog nga ako." masiglang sagot ni Jennie at sumenyas si Seulgi sa babaeng mukhang kanina pa nagaabang ng tawag niya.

 

"Ano yon, Seul?" tanong ng babae ng makalapit.

 

"Pahanda rin para sa kanya ng hapunan, Salamat." nakangiting sabi ni Seulgi.

 

"Sige." ngiting sagot niya kay Seulgi. Papansin?

 

"Where's my coffee?" putol ko sa tingin niya kay Seulgi.

 

"Ah oo nga po pala, sorry po Ma'am. Saglit lang." magalang niyang sabi pero I was already pissed.

 

"No need. It's ok, I'm not having coffee anymore." taray kong sagot.

 

"Ayos ka lang?" tanong ni Seulgi.

 

"Excuse me, papahangin lang ako." sabay tayo ko at lumabas na. Naiwang tulala si Seulgi at Jennie.

 

-

 

Seulgi's Pov

 

Nang nakalayo na si Irene ay napansin kong napailing na nakangiti si Jennie

 

"Sinumpong?" tanong ko.

 

"Tinopak." sagot niyang natatawa.

 

"Bakit?" tanong ko muli. "Nainis bigla, eh."

 

"Mukha nga." sang ayon niya. "Lambingin mo."

 

"Ha!?" gulat kong tanong.

 

"I mean suyuin mo." bitaw niyang salita.

 

"Bakit ako?"

 

"Mukhang sa'yo naman may tampo eh, hindi sa akin." natatawa pa rin niyang sabi.

 

"Di ba best friend mo siya?"

 

"Oo nga kaya alam ko kung sa akin siya inis o hindi. Sa ngayon inis siya pero hindi sa atin but I think mas ikaw ang makakapag pakalma sa kanya." ngiti niyang makahulugan.

 

"Jennie." tawag ko sa kanya.

 

"Thank you for occupying her mind this past days, Seul. Somehow nawala ang sakit na nararamdaman niya from her recent break up. Remember when I came here na broken hearted din? This place I guess is as mysterious as you, I was comforted by the warmth of the people, the calmness of the sea and the beauty of it all. I'm really thankful I found this place. I never thought I would enjoy this place and the small island you showed me before where I spent my time. It helped me a lot at nakapag isip isip ako. But it's funny dahil Irene wasn't kasi iisa lang ang naka occupy sa utak niya during our stay." ngiti niyang sabi.

 

"Jennie." nalilito kong tawag sa kanya.

 

"I don't know what happened to you two, pero hindi niya makalimutan ang bangayan niyo that turned out to be a good one naman. Mabuti na rin yan so she would stop crying over that guy who broke her heart at istorbohin ako gabi gabi." Sabi niya habang naguumpisa ng sumubo dahil dumating na rin ang pagkain niya. "She gave her all to that bastard and now she's all broken. She wanted to go on hiatus pero nataong marami pa siyang projects and she's professional to finish her work. Pero kahit paano they gave her kahit 3 days, that's why we're here."

 

"Salamat at dito mo siya dinala." mahina kong sagot at kita ang takang tingin niya sa akin. Hindi ko rin alam bakit ko nasabi yon.

 

"Seulgi." tawag niya.

 

"Huwag kang mag alala, Jennie magkaibigan lang kami at natutuwa akong makilala siya. Hindi rin naman ako papatulan ng kaibigan mo eh. At humahanga lang naman ako sa kanya." sabi ko at napangiti siya. "Saglit sundan ko lang." sabi ko at hindi ko na siya hinintay na sumagot.

 

Nakaupo lang si Irene habang pinagmamasdan ang alon na humahampas sa dalampasigan, mahigpit ang yakap sa sarili habang suot pa rin ang jumper ko. Mukhang bagay na sa kanya ang damit ko, ngiti kong sabi. Hoy Seulgi magtigil ka! Saway ko sa sarili ko.

 

"May problema?" bungad ko nang makalapit na ako, tiningnan niya lang ako saka muling tumingin sa dagat, umupo ako sa tabi niya.

 

"Can I call you pag nasa Manila na ako?" tanong niya lang.

 

"Oo naman." sagot ko at nakita kong nilahad niya ang kamay niya. Kaya nakuha ko na. Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay ko sa contact pero hinila niya bigla.

 

"Ako na." sabi niya. "Baka mali pang number mapindot mo." Hala sigurista. Matapos niyang nagdial ay narinig ko na lang may tumunog na cellphone, saka niya inabot pabalik sa akin ang cellphone ko. "Isave mo na lang, nakaregister na rin sa akin ang number mo." sabi niya saka tumayo. "Uwi ka na huwag mo na akong ihatid sa resort, ayan lang naman oh." pauna na niya.

 

"Ayos ka lang ba?" alala kong tanong at tumango lang siya. "Goodnight, Irene." paalam ko.

 

"Goodnight Seul." sabi niya lang at saka naglakad ng palayo pabalik ng resort.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1021 streak #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
28 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭