Chapter 4

30 Days with you

Irene's Pov

 

Hindi ko alam bakit bigla akong na bad trip kanina. Siguro dahil uuwi na kami ni Jennie pero mabigat ang loob kong umalis. Ngayon pabaling baling ako sa kama habang si Jennie ay mahimbing nang natutulog sa katapat kong kama. Geez, ano ba to? I stared my phone and looked at Seulgi's number, it's already late sigurado tulog na yon kaya nilapag ko ang cellphone sa dibdib ko at tinapik tapik. What to do? matagal akong nakatingin sa kawalan ng may nag message at nagulat ako.

 

Seul: Binibining Irene. Hindi ka makatulog?

 

Bakit niya alam? may lahi bang manghuhula to. Hindi ko alam kung sasagutin ko at matagal akong nag isip ng tumunog ulit.

 

Seul: Nag misscall ka kasi twice pero binababa mo rin agad.

 

What??? gulat kong tanong sa sarili at tiningnan ko ang call log at sh.it tumawag nga ako sa kanya. Naalala ko ang pag tapik tapik ko ng screen ng cellphone ko kanina. I'm so embarrassed that I don't know what to do or say. Ayoko ng sagutin at nilapag ko na ang cellphone sa side table. Minutes passed at nag ring na. I reached for it at si Seulgi. Sh.it tumatawag siya, what to do? Napabangon ako at nataranta na. Matagal ng nagriring pero nakatingin lang ako sa screen.

 

"Answer it B or ako ang sasagot. Kung ayaw mong matulog just go to the veranda and you can talk to her all night if you want." rinig kong sabi ni Jennie na nakahiga sa kabilang kama pero nakatalikod sa akin. What? did I hear her right, her??? alam niya???

 

"Hey what do you mean her?" sagot kong inis.

 

"O c'mon Irene, kung ibang tao yan inoff mo ng phone mo or sinigawan mo na for calling you this late hour." sagot niya and she laughed silently. I just rolled my eyes at her kahit hindi niya ako nakikita, saka ako kumilos pababa ng kama papuntang veranda. I was about to answer her call ng nawala na ito. Sh.it ang tagal mo kasi sumagot Irene, sermon ko sa sarili ko. Hindi pa ako nakakalabas ng veranda, alam kong malamig kaya kinuha ko ang jumper ni Seulgi, eto pa hindi ko na nagawang ibalik sa kanya. Dalawa ng nasa aking gamit niya and to think kailan lang kami nagkakilala. I was so engrossed with my phone, iniisip ko kung idadial ko ang number niya o hindi as I walked and sat at the rattan chair in the veranda when I received a new message from her. Bigla akong na excite. Gosh, bakit para akong naging teenager. Irene, she's a girl, paalala ko sa sarili ko.

 

Seul: You really like wearing me, do you?

 

Nagulat ako, at biglang napalingon sa paligid at nakita ko sa di kalayuan si Seulgi nasa veranda ng isang cottage katapat namin, kumakaway. Hindi man masyadong maliwanag pero kita ko ang ngiti niya. Agad kong dinial ang number niya at sumagot agad.

 

"Hi." Sagot niya sa kabilang linya. Gosh ganito ba talaga boses nito sa phone o dahil gabi lang.

 

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko.

 

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong naman niya.

 

"Answer my question first." kunwang taray kong sagot at narinig ko siyang tumawa habang nakikita ko ang tawa niya sa malayo. We're practically facing each other pero malayo lang ang distance.

 

"Nag alala ako sa'yo kasi bigla kang tumahimik kanina kaya dumito muna ako. Maayos ka na ba?"

 

"Okay na ako ngayon." Kasi nakausap na kita dugtong kong sabi pero sa isip ko lang.

 

"Good. Sige matulog ka na."

 

"Wait." pigil ko. "'Yong last message mo ikaw ba talaga nagsend non?" duda kong tanong.

 

"Oo naman, bakit dahil ba hindi tagalog?" and I heard her chuckle "Ang hirap kasing mag type sa tagalog kaya paumanhin binibini. But expect me na pag text medyo banyaga. Sinanay lang kasi kami nila Tatay at Nanay na panatilihin ang sariling wika." paliwanag niya.

 

"Ok, well just to answer your question. I don't intend to wear your jumper, it's just that it's the only thing that's within my reach when I got out." paliwanag ko, nagpaliwanag talaga ako at narinig ko ang mahina niyang tawa.

 

"Sabi mo eh. Pahinga ka na, di ba maaga pang alis niyo bukas?"

 

"Will you bid us goodbye tomorrow?" tanong ko na rin, nahawa na ako sa tanong na sagot niya.

 

"Kung 'yon ang ibig mo Binibini." sabi niya sa halos pabulong na sagot.

 

"I don't want you to see us tomorrow." sagot ko at nakita ko ang pag seryoso ng mukha niya. Lungkot ba yon?

 

"Sige kung yon ang ibig mo, hindi na ako magpapaalam sa inyo bukas." seryoso niyang sagot sa kabilang linya at narinig ko siyang nag buntong hininga. Hindi siya nagtanong pero gusto kong sagutin kung bakit. Baka hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko bukas Seul. Bulong ko sa sarili ko.

 

"Matulog ka na. Goodnight. Bye. Ingat sa pagmamaneho." sabi niya at bigla na lang naputol ang linya. Bigla akong na guilty, ano ba to bakit bigla akong nag alala sa kanya. I should not care, she's just a new friend, depensa ko sa sarili ko pero hindi ako mapakali. Lalo na at napansin ko na siyang pumasok na sa cottage niya. Mas lalo akong hindi mapakali. May sariling atang utak ang kamay ko dahil naramdaman ko na lang na dinial ko ang number niya. Ilang rings bago niya sinagot.

 

"Hello?" she really has this attractive voice.

 

"Galit ka?" tanong ko. "Please don't answer me with a question." habol ko and I heard her sigh.

 

"Hindi naman. Inaantok lang ako. Bakit naman ako magagalit?" sagot tanong niya.

 

"Just asking. Ok you should sleep then. Goodnight." sabi ko na at hinihintay ko siyang ibaba ang tawag pero nanatili lang siyang nasa kabilang linya at ramdam ko ang hininga niya. "Seul.." tawag ko.

 

"Goodnight Irene." sabi niya at naputol na ang linya. It's not a good night for me Seul, hindi mo nanaman ako patutulugin.

 

- - -

 

I let Jennie drive dahil wala ako sa mood at wala akong presence of mind. Naobserbahan din yon ni Jennie kaya siya na rin ang nagpresentang mag drive.

 

"Bakit wala siya, hindi ba niya alam na alis na tayo ngayon?" tanong niya ng paalis na kami.

 

"Alam niya but I told her not to see us leave." matamlay ko lang na sagot.

 

"Ah, kaya pala ganyan ang mukha mo. Ayaw mong makita niya." asar niyang tawa.

 

"Whatever." sagot ko na lang.

 

Tahimik ang buong biyahe at wala ng imikan. Panay ang tingin ko sa cellphone ko pero walang message galing sa kanya.

 

"Tawagan mo na lang kaya, kesa tingin ka ng tingin sa cellphone mo." - Jennie

 

"Why should I? Sino ba siya?" inis kong sagot.

 

"Sino nga ba siya?" balik tanong niya sa akin, nahawa na ata ito kay Seulgi. 

 

"Ewan ko sa'yo!" inis kong sabi and I pretended to be sleeping, pero pinakiramdaman ko ang cellphone ko. Then suddenly nag ring kaya tiningnan ko agad. Halata ang dismaya sa mukha ko at hindi yon nakalampas kay Jennie. 

 

"Not the one you're expecting?" tanong niyang nakangisi.

 

"Don't start B." banta ko pero tinawanan niya lang ako.

 

"Hello Mom? Yes we're on our way home. See you later. Love you too, Mom. Bye."

 

"Worried na si Tita? We're supposed to arrive yesterday pero nagpa extend ka." may kantiyaw niyang sabi.

 

"I said don't start B." irap ko sa kanya at taas kamay na siyang sumuko.

 

"Take a nap or should I say sleep, mukhang hindi ka nakatulog eh." sabi niya at hinayaan ko na lang kesa makipagtalo pa ako sa kanya. Mahaba ang biyahe namin at naramdaman ko na lang ang traffic, nasa Manila na kami. Kung hindi lang sa Alabang ay deretso na ako sa condo ko. Pagdating sa condo ni Jennie ay ako ng nagmaneho papuntang Alabang. Mula pa kanina ay wala pang message or tawag man lang si Seulgi at ewan ko kasi naiinis ako sa pag deadma niya.

 

"Hi Mom, how are you?" bungad ko ng pagdating sa bahay.

 

"Gorgeous as always." ngiting sagot at sabay yakap at halik sa akin. "And my princess?" tanong niya pabalik

 

"Gorgeous like you, of course." balik ko habang yakap siya. "Miss you Mom." sabi ko.

 

"How's the trip?" kamusta niya at halata ang pag alala sa mukha niya. "You looked exhausted."

 

"It's the long trip plus the traffic Mom. But I'm good. I just need to rest. I really feel tired."

 

"Want some snacks before you take a nap?" tanong niya habang marahang hagod ang likod ko.

 

"I'm alright, Mom. Just need to sleep." paalam ko sabay halik sa kanya at umakyat na ako sa kwarto ko sa attic.

 

Da.mn you Seul for making me think of you. What have you done to me that I can't get you out of my head inis kong sabi sa sarili ko.

 

- - -

 

"Hey sweetheart, wake up. It's dinner time." malambing na tapik ni Mommy sa pisngi ko. Ganon ako katagal nakatulog?

 

"It's already dinner?" takang tanong ko kay Mommy at tumango siya. Nagulat ako saka bumangon at naupo sa kama at hinanap ang cellphone ko, natuwa ako ng may nakita akong mga missed calls pero nalungkot ako ng wala man lang text o tawag galing sa taong inaasahan ko. I can't tell kung gaano ako kadismayado until Mom spoke.

 

"Expecting a call?" mahinahon niyang tanong. "Do you still expect him to---"

 

"---No not him, Mom." putol ko. "I'm trying to get over him." sagot ko or I'm already over him sabi ko sa isip ko.

 

"Then who?" tanong niya sabay tingin sa akin at haplos ng mukha ko.

 

"I need to be sure of one thing first, Mom." sabi ko lang at tumango siya.

 

"I trust you Baby, I just don't want you to get hurt." may ngiti niyang sabi.

 

"I'll be fine Mom. You being always by my side is enough for me to overcome everything Mom. Thank you and I love you." sabay yakap ko sa kanya. 

 

"Sentimental Sweetheart?" lambing niya at natawa kami pareho. "Fix yourself and I'll wait for you downstairs for dinner." sabay halik sa noo ko at nagpaalam na.

 

What's with you Seul, sinabi ko lang na ayaw kitang makita sa pag alis namin, tumahimik ka na. Kainis talaga.

 

- - -

 

"Kahit message lang?" tanong ko sa sarili ko na nakaharap sa salamin. "Wala kahit isang message lang? Kahit na 'Hi Irene, kamusta ang biyahe niyo? Anong oras kayo dumating' Kahit ganon lang wala. Wala!" drama ko sa harap ng salamin. Matutulog nanaman ako pero hindi nanaman ata ako makakatulog nito. Kainis talaga.

 

"Anong tingin niya sa sarili niya? Porket nagpapa cute sa kanya ang mga babae don feeling niya ang ganda ganda niya." sabi ko pa rin sa salamin, para na talaga akong sira. "Pag tumawag siya hinding hindi ko siya sasagutin at kahit magtext siya hindi ako magrereply, akala niya lang ha." paninindigan ko saka ako nagtoothbrush na nanggigil ako sa sarili kong ngipin.

 

- - -

 

What time is it. Irene, you need to sleep. You'll be start working tomorrow kumbinsi ko sa sarili ko. I tossed and turn in bed, got up and back again then got up again when my phone beep at daig ko pa si supergirl na nilipad ang kama at para akong nakatanggap ng magandang regalo sa nakita. Seulgi's name flashed on the screen. I was about to open it when my phone went off. Sh.it lowbat pa. Argghh. Halos iuntog ko ng ulo ko sa headboard. I got up and took the charger and charged my phone. Ilang minutes pa nag on na. Saka dali dali kong binasa ang message niya.

 

Seul: Hi, Irene. Hope you arrived safe. Good night.

 

Yon lang?! Yon lang messge niya?! Akala mo sasagutin kita. Kainis. Pinaghintay niya ako ng matagal pagkatapos yon lang sasabihin niya. Akala mo kung sino siya. Teka nga. Bakit ganito ako makapag react? Friends lang naman kami di ba? Friends. Matagal kong tiningnan ang message niya. Magrereply ba ako? Di ba sabi ko hindi? But I need to focus tomorrow so I have to settle this right now.

 

Kinuha ko ang cellphone at sa powerbank ko isinaksak saka ako pumwesto sa kama at nagtype ng message.

 

To Seul: Got back safe. Thank you and good night too."

 

I lie down and keep my eyes fixed on the ceiling. Iniisip ko kung sasagot siya o hindi. Pero umaasa akong sana ay magreply pa siya kahit pareho na kaming nag goodnight. After a minute nag beep ulit at agad kong tiningnan. Pakiramdam ko ang ngiti ko hanggang tenga. Tsk tsk Irene, just like what Jennie said, what have you gotten yourself into.

 

Seul: Can't sleep again?

 

: Yeah

 

Seul: Thinking of him?

 

: No! Of course not! 

 

Bakit niya inisip na nasa utak ko yong ex ko? 

 

Seul: Peace. So bakit hindi ka makatulog?

 

: May iniisip lang.

 

Seul: Ano? Bagay?

 

: Hindi.

 

Seuli: Lugar?

 

: Hindi.

 

Seul: Pagkain?

 

: Hindi. 

 

Napapangiti na talaga ako sa tinatakbo ng usapan namin.

 

Seul: Tao? 

 

Bigla akong nahinto.

 

: Oo

 

Seul: May hitsura?

 

: Oo naman, Seul. And for your info lahat po tayo may hitsura. 

 

Sagot ko at natutuwa ako sa mga tanong niya.

 

Seul: Sorry na. Ahmm... Napapangiti ka kung naiisip mo siya?

 

: Oo.

 

At napangiti nga ako. Sh.it bakit ganito, para akong high school talaga. Kinakabahan na ako sa pwede niya pang itanong.

 

Seul: Malapit sa puso mo?

 

: Pwede.

 

Seul: Malayo sa'yo ngayon?

 

Kinabahan ako bigla.

 

: Oo.

 

Matagal bago siya nag reply.

 

Seul: Cute siya?

 

: Oo.

 

Patlang muli.

 

Seul: Malalim na ang gabi hindi ka pa rin ba inaantok?

 

Biglang kambiyo niya. Parang pati siya ay hindi na rin alam ang itatanong.

 

: Sige, I'll try to sleep na. Good night Seul and thanks for keeping me company.

 

Seul: Wala yon, gusto mo bang awitan kita?

 

Alok niya at biglang gusto kong marinig muli ang boses niya pero nag pigil ako, mas lalo akong hindi makakatulog nito sabi ko sa isip ko.

 

: It's alright Seul, I'll be fine. Good night. 'Till next time.

 

Seul: Ok sweet dreams, Irene.

 

: Thanks, you too.

 

And she didn't reply back while I was once again left staring blankly.

 

What's happening to me? Tanong ko sa sarili ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1022 streak #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
29 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭