Chapter 23

30 Days with you

Seulgi

 

On the way kami ni Jennie ngayon sa Subic para manood ng event ni Irene. May tournament sila at ngayon ang pinaka pinal nila.

 

"Excited to see your girlfriend hit the road Seulgi?" basag ni Jennie sa katahimikan. Napangiti lang ako.

 

"Hindi ba delikado ang napili niyang libangan?" tanong sagot ko.

 

"Hindi naman? When you get there makikita mo na it's all Mini Cooper... para lang silang mga batang naglalaro." nakangiting sagot ni Jennie. Napatango lang ako "So how's the shoot going?"

 

"Ayos naman, walang masyadong aberya. Magaling si Jisoo at mga ibang kasama ko sa pelikula."

 

"That's good to know." saglit niyang tingin sa akin bago binaling muli ang tingin sa daan, siya ang nagmamaneho. "Did you finish the sensitive scenes yet?" dugtong niya at parang nag init bigla ang pisngi ko sa hiya.

 

"Ahm, hindi pa. Sabi ni Direk maganda daw magkapalagayan muna kami ng loob ni Jisoo para hindi kami mailang." may hiya kong sagot.

 

"Alam mo Seulgi, hanggang ngayon iniisip ko paano ka nasungkit ni Best. Super opposite kayo eh." sabi niya sabay tawa. "Sorry Seulgi, pero alam mo ngayon lang ata naging sobrang selosa ni Irene, eh. Buti na lang ang haba ng pasensiya mo. Hindi ka ba niya pinupuntahan sa set?" tanong niyang umiiling pa.

 

"Hindi naman, kasi wala daw siyang dahilan pag nakita siya ng mga tao sa set. Kahit magkakilala na sila ni Jisoo, hindi daw sapat yon. Pero madalas pag uwi ko tahimik siya kaya nilalambing ko na lang." paliwanag ko.

 

"I know she trust you, Seulgi. Kaya she just let things be kahit selos na selos na siya at umuusok ng ilong niya sa selos." muling tawa niya.

 

"At ayaw kong sirain ang tiwala niya sa akin, Jennie."

 

"I know, Seulgi. I know." Sandaling katahimikan. "By the way, how's Sunmi?" tanong niya sa serysong tono.

 

"Nasa set namin lagi, pero nakakatuwa nga eh, para ko lang nakikita ang anino ni Irene kay Jisoo. Hindi ako iniiwan lalo na pag nasa paligid si Sunmi." Nakangiti kong sabi.

 

"Wow, mukhang may bagong BFF si Irene..." sabi niyang umi-iling iling. "I guess Jisoo is just acting the way she would kung sakaling siya ang nasa sitwasyon at makita niyang nasa paligid lang ang ex ng boyfriend niya."

 

"Mukhang ganon na nga." ngiti kong pag sang ayon. "At ayos lang sa akin, dahil ayaw ko ding maiwan akong mag isang kausap si Sunmi, maliban na lang pag may eksena siyang hindi ako kasama. Ganon pa man andon lang ako sa paligid nanonood. Tsaka mukhang nabilinan na rin ata niya yong P.A niya dahil hindi ako iniiwang mag isa, laging tinatanong kung anong kailangan ko at nakikipag kwentuhan tuwing may eksena si Jisoo." kwento ko na nagpatawa lalo kay Jennie.

 

"Magaling talaga manligaw si Best pati P.A ata ni Jisoo nililigawan niya." Sabi niyang hindi mapigilan ang sarili sa tuwa sa mga nalalaman niya. Hindi na lang ako nakaimik. Ilang minuto pa ang nakalipas ng magring ang phone ko.

 

"Hello Mk?" sagot ko.

 

"Where are you guys na, Love? We're about to start na." bungad ni Irene sa kabilang linya.

 

"We'll be there in a few B! Malapit na kami! Miss mo na agad girlfriend mo?!" sigaw sagot ni Jennie na parang alam na niya ang sinabi ni Irene kaya napalingon ako sa kanya at natawa.

 

"Tell B, I hate her." sagot ni Irene at muli hindi ako nakaimik.

 

"Mk naman." awat ko.

 

"Tell her or sa'yo ako magagalit." balik niya kaya napatingin ako kay Jennie at napalingon naman siya sa akin.

 

"What, Seulgi? She said she hates me?" at nakita ni Jennie ang gulat sa mga mata ko. "Hahaha I knew it! Tell her I love her so much kahit na mas mahal ka pa niya!" balik ni Jennie. Hindi na ako nakaimik. 

 

"She'll see when she gets here..." may halong banta sa boses ni Irene.

 

"Mk, malapit na kami. Mahal kita huwag ka ng mainis. Miss rin naman kita." pag alo ko na lang sa kanya. Saglit na katahimikan.

 

"Ok Love. See you and miss you, too." malumanay na niyang sagot. "Bye."

 

"Sige, Mk. Bye." paalam ko na rin.

 

- - -

 

Pagdating namin sa race track ay nakaabang na sa amin si Ms. Shin.

 

"Hello Ms. Jennie, Seulgi. Tamang tama ang dating niyo mag uumpisa na. Nakapwesto na nga si Irene, nagbilin siya na abangan ko kayo." bungad ni Shin sa amin sabay senyas kung saan nakapwesto si Irene. Napansin namin kumaway si Irene at nag aktong flying kiss sa gawi namin. Kumaway kami pabalik sa kanya.

 

"I'm sure hindi sa akin ang kiss na yon." ngiting patungkol ni Jennie sa flying kiss ni Irene. Hindi ko namalayan ang pumumula ng mukha ko kung hindi pa nagsalita si Shin

 

"Naiinitan ka ba Seulgi o talagang namumula ka lang?." komento niyang tanong. Napakamot na lang ako ng kilay. "Tara pwesto na tayo." aya na niya sa amin.

 

Nakakatuwang pagmasdan ang karera ngunit hindi rin maalis sa akin ang kaba sa bawat pag harurot ng mga sasakyan. Nagdarasal na sana ay matapos ng maayos at hindi masaktan ang mga kalahok, lalo na ang Mahal ko. Napansin ni Jennie ang alala sa mukha ko.

 

"Don't worry Seulgi, isang beses pa lang naman siyang nabangga and it was not that serious." sambit niya na lalong nag paalala sa akin.

 

"Kaya nga mas lalo akong nagaalala Jennie dahil paano kung sa sunod seryoso yon." sabay punas ko ng mga palad ko sa aking pantalon.

 

"Nothing to worry, full gear sila and may medics na laging nakaabang dito. Like I told you hindi naman ganon kabibilis ang mga sasakyan nila." pagkalma ni Jennie at napatango lang ako.

 

Natapos ang karera at kita ko ang suporta ng mga fans ni Irene. Pumangalawa siya at tuwang tuwa nagsilapitan ang kanyang mga tagahanga. Ngunit hindi rin nakalampas sa aking paningin ang mga kasama niya sa pangangarera, ngayon ko napansin na siya lang ang babae. Kita ang pag hanga ng mga lalaki sa paligid niya, ang masuyong pagyakap at paghalik sa kanya bilang pagbati.

 

"Siya lang ang babae?" wala sa loob kong nasambit.

 

"Yup, niyayaya nga niya ako eh. Sabi ko hindi ko linya yan baka mas marami pa akong flat tire kesa trophy." natatawang sagot ni Jennie. Hindi ako nakaimik, napako ang paningin ko sa dalawang lalaking hindi lumalayo sa tabi niya, ang masayang tawa ni Irene sa bawat paguusap nila. Napansin kong lumingon si Irene sa gawi namin at kumaway pero hindi ko nagawang kumaway pabalik. Malayo man ay parang napaka linaw ng mukha ng dalawang lalaking malapit sa kanya na nakangiting napalingon sa gawi namin tapos ay muling bumaling kay Irene, niyakap siya at hindi pa natapos doon. Masuyo siyang hinalikan at kita ang maaliwalas at masayang mukha ni Irene. Sino sila?

 

"Jealous?" gising ni Jennie sa diwa ko.

 

"Ha?" mahina kong tanong at baling sa kanya.

 

"Nag-aalala ka ba dahil siya lang ang babae o nagseselos dahil sa dalawang yon na malapit sa kanya?" tanong niya muli.

 

"Ha?" tanging sagot ko. 

 

"So, both?" ulit niyang tanong. Tiningnan ko lang siya.

 

"So that means yes, then." siya ng sumagot.

 

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko.

 

"Shin, look at Seulgi. Mukha ba siyang nag aalala o nagseselos?" baling niya sa katabi namin na hindi pinansin ang tanong ko.

 

"Pareho." sagot ni Shin at nagtawanan sila.

 

"See? Told you." balik ni Jennie sa akin.

 

"H-hindi naman, nagulat lang ako na siya lang ang babae. At mukhang malapit siya sa dalawang yon." depensa kong sabi habang bumalik ang tingin namin kay Irene na ngayon ay pinapa unlakan ang mga fans niya para magpapicture.

 

"Actually lahat naman sila malapit kay Best, parang bunso nila ang turing sa kanya. Pero si Sam And Jay ang talagang malapit sa kanya. Like best buddies." paliwanag ni Jennie at muli tango lang ang naisagot ko, napansin kong masayang nagpaalam na si Irene at papalapit na sa amin. Kita ang saya sa kanyang mukha, dahil ba nakita niya ako o dahil sa mga kausap at kasama niya kanina? Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya sa amin, naramdaman ko na lang ang yakap niya sa akin.

 

"I miss you, love." bulong niya at humalik saka dahan dahang humiwalay. Hindi agad ako nakaimik at napansin ko ang pagtaas ng kanyang kilay. "What's wrong?" sunod niyang tanong.

 

"Jealous." ubong sagot ni Jennie at napalingon ako sa kanya bigla.

 

"What?" kusot ng mukha na tanong ni Irene.

 

"W-wla, Mk." awat ko. "Binabati kita, ang galing mo kahit kinakabahan ako kanina dahil sa bilis ng pagpapatakbo mo." dugtong ko at nakita ko siyang ngumiti.

 

"Don't worry love, sanay na ako." mahina niyang sagot. "Need to go back there for the awarding." paalam niya at pisil sa kamay ko. Iniiwasan pa rin naming makakuha ng atensiyon sa mga tao. Muling siyang humalik sa amin ni Jennie at nagtungo muli sa lugar kung saan gaganapin ang pagbibigay ng tropeo.

 

Hindi ko alintana ang init at ingay. Kay Irene lang nakatuon ang aking paningin. Napapansin ko ang sobrang lapit niya sa mga kasamahan niya partikular na sa dalawang lalaking una niyang nakausap kanina, si Jay at Sam. Sino kaya sa kanila ang mas malapit sa kanya? Pareho silang malambing at masuyong makipag usap sa kanya. Samut sari ang nasa isip ko ng namalayan ko na lang na kinalabit na ako ni Jennie sabay nguso sa kinaroroonan ni Irene na ngayon ay hawak na ang tropeo at masayang itinataas habang kumakaway sa amin. Sinabayan ko ang palakpakan nila Jennie at kumaway pabalik sa kanya.

 

"Hindi talaga halatang nagseselos ka" kantiyaw ni Jennie sa akin.

 

- - -

 

Irene

 

We're on our way home and I asked B kung pwedeng kami na ni Seul ang magkasamang umuwi. Shin stayed with her at si Seul na ang sumabay sa akin. Seul's driving and we're almost half way of our trip but still she seldom speaks. After congratulating me and a hug, she's just all smile but kept silent.

 

"Love, is something wrong?" I broke the silence.

 

"Wala naman Mk. Bakit mo natanong?"

 

"You've been silent kanina pa." I said.

 

"Ah, nagiisip lang." 

 

"Thinking of what?"

 

"Ikaw lang pala babae don." she then said.

 

"Ah, yes. Dati tatlo kami but then nag stop muna yong isa. Then other got married and now full time wife na." I explained.

 

"Ilan naman sa mga yon ang manliligaw mo?" her next question. I looked at her questioning but she just smiled back. "Nagtatanong lang Mk, kasi sa ganda mong yan imposibleng walang nanliligaw sa'yo."

 

"I don't know, I don't assume. They're kind and supportive and I appreciate that much but i don't think na may iba silang motibo." I answered. She just nod and fell silent again.

 

"Mukha kasing malapit ka sa kanila lalo na doon sa dalawang pinakilala mo sa akin." she said after the long silence. Then I remembered introducing her as my friend to Sam and Jay. I stared long at her. "Bakit Mk?"

 

"Are you jealous?" I asked.

 

"Hindi. Nagtatanong lang naman Mk."

 

"They're just my best buddies Seul, nothing to be jealous about." I calmly said, but deep inside I'm smiling and giggling just the thought of her getting jealous.

 

"Pero nanliligaw sila sa'yo?" she repeated.

 

"Nope. I don't think so." I honestly answered.

 

"Baka nag aalangan lang silang manligaw."

 

"And why is that?"

 

"Kasi baka magalit ka o layuan mo sila pag niligawan ka?"

 

"And why would I do that?"

 

"Ok lang sa'yo na ligawan ka nila?"

 

"Love, they're not courting me."

 

"Pero may gusto sila sa'yo?"

 

"I don't know..." I said and I'm starting to feel irritated because she can't say straight or admit that she's jealous. "Ano naman pong masama kung may gusto sila sa akin?"

 

"Magpapaligaw ka?"

 

"Of course not, Seul. May girlfriend na ako. You want me to tell them that we're together? I can tell them if you want me to." I challenged, she wanted me to keep our relationship secret since nasa showbiz ako.

 

"Mk..."

 

"Are you jealous, Seul?"

 

"Masama bang magtanong Mk?"

 

"Hindi, but if you're asking me if I will allow them or anyone else to court me then its a big NO. Ok?"

 

"Galit ka?"

 

"No!" I almost shouted.

 

"Bakit ka sumisigaw?"

 

"Because... wala... never mind." I said in surrender when my phone rang.

 

"Hi Sam." sagot ko sa tawag and I saw Seul looked in my direction and I noticed the tightened grip of her hand on the steering wheel. Selos nga. "Sorry, I'm not sure kung makakapunta ako sa victory party tomorrow. I need to rest prepare for tomorrow's shoot, too" I said at halata pa rin ang pagiging stiff ni Seulgi. "Ok bye. See you. Take care." I said ending the call. 

 

"Pupunta ka ng victory party?"

 

"You heard naman di ba? I told Sam I'm not sure." seryoso ko ng sabi. "You want us to go?" I turned to her.

 

"Bakit mo ako isasama?"

 

"Ayaw mo?"

 

"Mk, nagtatanong lang naman ako eh. Kasi mukhang may gusto sila sa'yo."

 

"Then the more reason na sumama ka sa akin for you to find out kung talagang may gusto sila sa akin." I reasoned.

 

"Galit ka ba kasi nagseselos ako?"

 

"Akala ko ba hindi ka nagseselos? At nagtatanong ka lang?" I shot back. She didn't answer anymore. She's really jealous.

 

"Matagal mo na ba silang kaibigan?" she said after a 5-min silence.

 

"Yes." I said plainly.

 

"Pero nanligaw sila sa'yo?" she asked and I shot a stern look at her that made her uneasy and nervously rub her neck. She didn't say a word anymore.

 

- - -

 

Seulgi

 

Malapit na kami sa Maynila at hindi pa rin kami nag uusap ni Irene matapos niya akong tapunan ng taas kilay na tingin. Baka bigla siyang umusok at pababain ako ng kotse kaya tumahimik na lang ako.

 

Nagseselos ako sa mga lalaking umaaligid sa kanya lalo na yong dalawang malapit sa kanya pero diko maamin. Alam kong wala sa kanya pero nagseselos pa rin ako.

 

"Anong gusto mong dinner Mk?" basag ko sa katahimikan "Gusto mong kumain na lang tayo sa labas?" alok ko.

 

"I wanna go home." tipid niyang sagot.

 

"Sige take out na lang tayo?" alok ko muli.

 

"You can take out but I want to go home." sagot niyang hindi tumitingin sa akin. Hindi na ako umimik, napansin kong malapit na kami sa resto ni Vernon kaya doon na ako dumaan para magtake out ng pagkain, wala si Vernon kaya hindi rin ako nagtagal. Hindi na rin bumaba si Irene. Natatawa na lang ako at napapailing, heto ako nagseselos pero mukhang ako pa ang manunuyo. Pagbalik ko ng sasakyan ay tahimik pa rin si Irene hanggang sa makarating na kami sa condo.

 

"You can go now, I will be going home." matipid niyang sabi pagka park ko ng kotse, nagulat man ay mahinahon pa rin akong nagsalita.

 

"Mk, andito na tayo sa condo natin." sabi ko kahit may hinala na ako sa ibig niyang sabihin.

 

"Uwi ako ng bahay." walang tingin niyang sagot. Sabi ko na eh.

 

"Mk, galit ka ba?"

 

"Nagseselos ka ba?" balik niya.

 

"Hindi ko lang maiwasan, Mk." malumanay kong sagot.

 

"So nagseselos ka nga?" ulit niya.

 

"Oo." matipid kong sagot.

 

"Then why didn't you tell me earlier?" tanong niya. Hindi agad ako nakasagot bagkus nagkamot na lang ako ng batok. 

 

"You can go now, Seul. I need to go home." muli niyang sabi.

 

"Ihahatid na kita."

 

"No need."

 

"Hindi kita papayagan kung hindi kita ihahatid." sabi ko sa seryosong boses na hindi tumitingin sa kanya pero kinakabahan dahil baka umusok siya at wala akong magagawa pag umiral ang katarayan niya. Ilang segundong katahimikan at hudyat yon ng pagpayag niya kaya muli kong pinaandar ang sasakyan at tahimik naming binaybay ang daan patungo sa kanila.

 

- - -

 

Pagdating sa kanilang bahay ay agad bumaba si Irene. Wala man lang lingon likod. Galit pa rin. Paalis na ako ng mapansin ko ang paparating na sasakyan. Si Suzy. Marahan kong binuksan ang pintuan ng kotse nang nakita ko siyang bumaba sa kotse niya.

 

"Hi Seulgi, buti at nakapasyal kayo?" bungad niya sabay halik sa akin.

 

"Hi Suzy. Uwi na rin ako, nasa loob na si Irene." sagot ko.

 

"You're leaving?" takang tanong niya sa akin. "Yeah I saw her, I thought susunod ka sa loob."

 

"Hindi, Suzy hinatid ko lang siya."

 

"Nag away kayo? Nagselos na naman siya?" alalang tanong niya. Napakamot ako ng batok sabay iling. "You didn't fight? Shes's not jealous? Then what? Bakit mukhang nag away kayo?" kulit niya sa akin. Pero hindi ako umimik. Napangiti siya sabay hawak sa kamay ko. "Let's go inside, kumain na kayo?" tanong niya at umiling lang ako. "Kaya nga dapat ang away hindi nagtatagal kasi hindi na kayo makakain, hindi pa kayo makatulog." sabi niya habang hawak kamay niya akong niyayang pumasok ng bahay.

 

"Saglit Suzy, nagtake out kasi kami." sabi ko at kinuha ko ang pagkain sa loob ng kotse.

 

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay wala na si Irene, deretso na siyang umakyat sabi ko sa isip ko.

 

"Let's eat." sabi ni Suzy sabay kuha ng hawak ko at deretso sa kusina. "Wait at the dining table, kakain na tayo. Idagdag ko lang tong dala niyo." ngiti niyang paalam habang kinuha ang dala dala ko.

 

Naglakad na ako at deretso na sa hapag kainan, nakita ko ang isang pinggan sa ibabaw ng mesa. Si Suzy na lang ang hindi pa kumain, sabi ko sa isip ko.

 

"Maagang natulog si Mom, she said she's not feeling well kaya napauwi ako ng maaga. Kaya hindi rin kami nakaattend kanina sa race ni Irene." bungad ni Suzy galing sa kusina kasunod si Manang na may dalang mga pinggan, nilapag niya sa tapat ko at sa tapat ng katabing upuan ko. "Let's eat." aya na niya. "Manang pasuyo na lang po pakitawag na po si Irene." pakiusap niya at tumango lang ang may edad ng kasambahay at naglakad ng paakyat ng hagdan. "Pakisabi po naghihintay si Seulgi." pahabol niya at nagulat ako.

 

"Baka hindi bumaba si Irene pag nalaman niyang andito pa ako, Suzy." alala kong sabi, pero nginitian lang ako ni Suzy.

 

"I doubt. If she gets down, that's because gusto ka niyang makita. Kasi pag bad trip yon hindi na siya bababa para kumain." ngiti niyang sabi. Ilang saglit lang ay napansin na naming nakabalik na si Manang. Maya maya pa ay kasunod na niya si Irene. Lihim akong natuwa, maayos na siya. Sana, bulong ko sa sarili.

 

"Why are you still here?" tanong niya sa akin ng magtama ang tingin namin.

 

"I invited her over dinner, hindi pa pala kayo kumain eh." si Suzy ang sumagot at taas kilay lang siyang tiningnan ni Irene. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at nagsimulang kumuha ng pagkain. Tahimik kami pareho, ngunit sa akin ay mainam na yon kesa hindi siya bumaba para kumain. Ilang minuto pang katahimikan bago nagsalita si Suzy. 

 

"How's the tournament? And congratulations by the way Li'l Sis." baling niya kay Irene. "Wala bang victory party after?"

 

"I chose not to attend because someone's jealous..." sagot niya at napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin.

 

"Who's jealous to whom?" tanong ni Suzy, hindi umimik si Irene bagkus ay taas kilay lang akong tiningnan. Naghihintay ng sagot.

 

"Nagseselos ka Seulgi?" takang tanong sa akin ni Suzy. Nahihiya man napatango na lang ako bilang tugon sa tanong niya. "Oh my..." sambit nito.

 

"What, why?" tanong ni Irene pero sa akin tumingin si Suzy at hindi pinansin ang tanong ni Irene. 

 

"Nagseselos ka? Bakit parang ikaw pa ang nanunuyo? Siya pa ang galit?" balik tanong ni Suzy sa akin at hindi ako nakaimik.

 

"And what's that supposed to mean?" Kunot noo niyang baling kay Suzy.

 

"Sweetie, she's jealous pero bakit ikaw pang galit?"

 

"Because there's nothing to be jealous, Suzy? I already toldher that, di ba Seul?" baling niya sa akin.

 

"Hindi mo naman maiiwasang magselos si Seulgi, di ba Irene? Especially you're not yet out." mahinahong sabi ni Suzy. Natahimik si Irene, biglang hinto sa pagkain.

 

"Let's finish our food first." Yon lang nasabi niya at tahimik na kaming kumain.

 

- - -

 

"Never sleep on your misunderstanding, you know that pretty well, Seulgi, Irene." paalam ni Suzy sa amin ni Irene bago umakyat. Naiwan kaming tahimik ni Irene.

 

"Paumanhin kung nagseselos ako, hindi ko lang maiwasan." mahina kong sabi. "Huwag ka ng magalit, ikaw nga pag nagseselos ka hindi naman ako nagagalit di ba?" dugtong ko pa.

 

"Is that an issue? Then get mad if you want to." mataray niyang sagot. Maling salita nagamit mo Seulgi, sermon ng utak ko.

 

"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin Mk." malumanay kong sagot at napa buntong hininga na ako. "Sige na magpapaalam na ako, congratulations ulit." sabay lapit at halik ko sa noo niya. "Good night, Mk." masuyo kong sabi saka humakbang paalis.

 

"It's already late. dito ka na matulog." sabi na nagpahinto sa akin sa paghakbang.

 

"Hindi na Mk, uwi na lang ako." tugon ko.

 

"Ayaw mong matulog dito?" mataas at seryso ng boses niya. Lagot na.

 

"G-gusto Mk, siyempre." sagot kong nagaalangan.

 

"Yon naman pala eh. Then don't go home." sabay irap niyang sagot at pahakbang na paakyat ng hagdan.

 

"Ganyan ka ba manuyo?" habol kong tanong.

 

"What?" balik lingon niya sa akin. Kunot noo at matalim ang tingin.

 

"K-kasi di ba sabi ko nagseselos ako? Pero bakit ikaw pa ang mukhang galit?" malumanay kong tugon. Nagulat ako ng padabog siyang naglakad pabalik sa akin. Napasubo na talaga. Nilapitan niya ako at napaatras ako ng ilang hakbang dahil sa lapit ng mukha niya ng magpang abot kami. Huli na ng mapansin kong pader na pala ang nasa likuran ko. 

 

"Did I not tell you there's nothing to be jealous?" seryoso niyang bulong habang ang mukha namin ay magkalapit. Wala na akong maatrasan.

 

"M-mk..." gulat kong tugon.

 

"You don't trust my heart Seul?"

 

"Nananalig ako sa pagmamahal mo Irene."

 

"You know how much I love you, right?" bulong na niyang nakatitig sa mga mata ko.

 

"O-oo."

 

"Tell me, how can I prove my love to you." malambing na niyang sambit at nanlalambot na ang tuhod ko sa tingin niya na ngayon ay bumababa na sa aking ilong at labi.

 

"M-mk..."

 

"Tell me, love..."

 

"Hindi mo kailangan patunayan dahil nararamdaman ko naman..."

 

"Will this be enough..." sambit niya at tuluyan na niyang inangkin ang mga labi ko. Marahan, masuyo at punong puno ng pagmamahal.

 

"M-mk..." tanging nasabi ko ng maghiwalay kami.

 

"I've never loved anyone like i love you Seul. Deep inside kinikilig ako knowing na nagseselos ka kahit wala namang dapat pagselosan." bulong niya habang haplos ang mga pisngi ko.

 

"Bakit ikaw pa ang galit?" wala sa loob kong tanong.

 

"Kasi ayaw mong umamin na nagseselos ka. Hulaan na naman tayo eh." taray na niyang sagot.

 

"S-sorry na. Ngayon rin lang naman kasi ako nag selos ng ganito ." pagtatapat ko.

 

"Kaya ngayon alam mo na, kung anong nararamdaman ko pag nakikita ko ang ex mo?" balik niya.

 

"Bakit biglang balik sa akin?" gulat kong tanong.

 

"Bakit hindi?"

 

"Mk, ako ang nagseselos..."

 

"Bakit nagseselos din naman ako ah."

 

"Mk, ngayon ako ang nagseselos." paalala ko sa kanya

 

"Ikaw ngayon lang, care to know kung kailan, saan at kani kanino ako nagseselos?" bato niya pabalik. Hindi ako nakaimik. Suko talaga ako sa babaeng mahal ko.

 

"Sige na sorry na, matulog na tayo." pagsuko at aya ko na sa kanya. Nakita ko na siyang ngumiti. "Bakit?"

 

"So you really are jealous." ulit niya.

 

"Oo na. Selos na selos na." sagot ko ng tumunog ang phone ko. Gulat ako sa pangalan naka rehistro at biglang angat ko ng tingin kay Irene.

 

"Let me guess. Sunmi?"

 

"Paano mo alam Mk?" tanong ko.

 

"Kita sa mukha mo kung sino, Love." nakangiti niyang sagot sabay lahad ng kamay niya. Wala sa sariling iniabot ko ang cellphone ko sa kanya, pinindot niya ang loudspeaker.

 

"Hello?" sagot niya.

 

"Irene?"

 

"Yes?"

 

"Ugali mo ba talagang sagutin ang hindi mo telepono?" boses ni Sunmi.

 

"Ugali mo din ba ang tumawag sa ex mo?" sagot ng mahal ko.

 

"It's all about work." si Sunmi.

 

"At this hour?" bato ni Irene. Ako? parang napako sa kinatatayuan ko. Tuod lang, tahimik na nakikinig.

 

"Are you two living together?" tanong ni Sunmi.

 

"What if I say yes?" balik ni Irene.

 

"Her parents won't allow that." banta ni ex.

 

"And what will you do? Tell them? Go ahead magsumbong ka... baka sakaling ikasal kami ng maaga." sagot ni Irene saka ipinasa ang telepono sa akin. "Seul, producer mo." sabay sabi saka tumalikod paakyat.

 

"Hello Sunmi, bukas na tayo mag usap. Bye." paaalam ko saka patakbong humabol kay Irene. Mahabang oras ng suyuan na naman ito, sabi ko sa isip ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
0 points #1
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1023 streak #2
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #3
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
31 streak #4
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #5
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#6
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#7
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#8
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#9
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#10
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu