Chapter 2

30 Days with you

Third Person's Pov

 

"Uy B, kagabi ka pa tulala diyan. What's wrong with you?" pansin ni Jennie sa kaibigan.

 

"Iniisip ko lang yong takbo ng usapan namin kahapon, bigla tuloy akong nahiya. Parang ayaw ko na tuloy magpakita sa kanya." mahina niyang sagot.

 

"Bakit may balak ka pang makita siya ulit? Haha knowing you siguro tinarayan mo siya ano?" usig ng kaibigan. Binalikan lang siya ng masamang tingin ni Irene.

 

"Baka andon ulit siya sa tulay mamya." bulong niya pagalis ng tingin sa kaibigan.

 

"Doon ka galing kahapon?" takang tanong ni Jennie at tango lang ang sagot ng isa. "Don't ever go there again pag ganong oras especially pag palubog ng araw." sabi nito na parang bata lang ang pinagsasabihan. "Ang gala mo talaga kararating lang natin kahapon nawala ka na agad."

 

"Bakit mo nasabi na huwag akong pupunta sa putol na tulay lalo na sa hapon?" pagbabalewala niya sa paalala ng kaibigan. Tiningnan lang siya ni Jennie pero makulit lang talaga si Irene at ayaw niya tigilan ang kaibigan.

 

"I've heard when I first came here that every late afternoon is Seulgi's time staying in that place. Maraming gusto mag stay sa lugar na yon pero when late afternoon comes nawawala ang mga tao dahil alam nila darating si S." umpisa ni Jennie.

 

"Wow ha, is that how bossy she is? No wonder how she spoke to me yesterday." irap ni Irene pero hinampas lang siya ni Jennie. "Aww! Ano ba B!" sigaw niya.

 

"Patapusin mo muna kaya ako, pwede." as she rolled her eyes to her. "I think she's well loved in the family being the youngest nga di ba? and the whole town as well. Kilala siya as the lovable and jolly Seulgi since she's little sabi ng mga taga rito. Maliit na bayan lang naman ito eh. But then something happened daw that suddenly she became so aloof and has been a loner na lang though she's not snob naman." kwento ni Jennie.

 

"Maybe when the people learned about her uality kaya naging ilag na siya sa tao." singit ni Irene.

 

"I don't think so. Alam nila ang ual preference niya but the people didn't mind dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal nila sa pamilyang Kang. Ayaw ko lang magtanong pa ng magtanong kasi nakakahiya naman, I'm just a guest here baka isipin nila chismosa ako."

 

"Ako nga nasabihan niya ng chismosa." sabi ni Irene.

 

"Ha!? Sinabihan ka ni S?! Bakit anong mga tinanong mo?" usisa ni Jennie.

 

"Wala naman, you know me. Just curious." sagot ni Irene.

 

"Leave her alone, makakalaban mo ang buong bayan na to, sige ka."

 

"What? I'm not gonna hurt their little princess?"

 

"Irene, I'm serious." mariing saway ni Jennie.

 

"If you only knew kung paano niya ako sagutin kahapon." depensa ng isa.

 

"Bahala ka, if something happens to her, hindi ka na makakabalik ng Manila." banta ni Jennie.

 

"Ok lang."

 

"Ano?!" gulat na sagot ni Jennie pero tawa lang ang ginanti ni Irene. "Ay ewan ko sa'yo, let's eat breakfast and we'll go diving and snorkeling. Hurry up."

 

"What time are we gonna be back?"

 

"Hindi pa lang tayo nakakaalis, pabalik na agad ang gusto mo. Why?"

 

"Nothing. We need to be back before sunset." mataray na sagot ni Irene saka naglakad papuntang bathroom.

 

"Not her B, I'm warning you!" sigaw ni Jennie sa kaibigan. "And by the way, didn't you find her familiar?" tanong ni Jennie sa saradong pintuan ng bathroom nila at napangiti siya dahil biglang nagbukas ang pinto at dumungaw ang curious na kaibigan.

 

"What do you mean?" tanong niya.

 

"She's into indie films before and may sarili siyang banda pero matagal na siyang hindi active." sagot niyang naka crossed arms.

 

"Interesting." sabay taas ng kilay niyang isinara muli ang pinto.

 

"She's mysterious alright so keep your distance B!" sigaw muli nong isa.

 

-

 

Irene's Pov

 

Pinilit kong makabalik kami ng Resort ng late afternoon kahit matinding protesta ni Jennie. I started to be curious about Seulgi, why she's here kung may sarili siyang banda at artista siya sa mga indie films. I've been to indie films, too but I don't know kung nagkita na kami.

 

"Hey, B how'd you know that she's an actress at what are the indie films she just starred in." tanong ko ng pabalik na kami sa sakay ng bangka, pinanlakihan niya ako ng mata at tiningnan ang mga nasa tabi naming nasa bangka na sinakyan namin.

 

"Shut up, B, you want us to get killed here, right now? Don't ask questions about her infront of their own people." bulong niya sa akin kahit malakas ang motor ng bangka.

 

"Hindi naman nila tayo naririnig, maingay ang motor noh!?" sagot ko but she just rolled her eyes. "At sabi mo nga mababait ang mga tao dito, di ba Manong?" sigaw ko sa lalaking may hawak ng manibela ng bangka at ngumiti lang siya. Bumaling ako kay Jennie pero nagtakip lang siya ng tenga.

 

Nakarating na kami ng resort at pagbaba namin sa bangka ay lumihis ako ng daan papuntang putol na tulay. I think I saw her at gusto ko na siyang puntahan agad.

 

"Hey B! Where are you going?" tanong sa akin ni Jennie

 

"I think I saw her, puntahan ko lang." tanging sagot ko.

 

"Hey! Didn't I tell you huwag mo na siyang puntahan. Leave her alone at pupunta kang hindi man lang nagbibihis?" habol niya.

 

"Why, what's wrong with my swimsuit? saglit lang naman ako. Don't worry I won't ask too many questions and I'll be back before you know it. May sasabihin lang ako sa kanya." mabilis kong paglakad palayo, narinig ko lang ang tawag ni Jennie pero nagpatuloy pa rin ako sa pag alis, medyo malamig na ang hampas ng hangin dahil palubog ng araw, gusto ko lang siyang habulin dahil baka umalis na siya.

 

-

 

Seulgi's Pov

 

Tahimik kong pinagmamasdan ang dagat habang tumitipa ako ng gitara ko. Hindi ko maiwasang mapangiti pag naaalala ko ang nangyari kahapon, kaibigan pala siya ni Jennie, pero mukhang malayo sa ugali ng kaibigan niya. Parang mapusok si Irene at madaling mapikon. Nangingiti akong inaalala ang mga palitan namin ng salita at naiiling lang ako.

 

"You seemed to be in deep thought that you didn't notice my presence." rinig kong pamilyar na boses at ng lumingon ako at tumingala ay bumungad sa akin ang mala diyosang nakatayo na naka swimsuit lang na nababalutan ng manipis na saplot panlabas kaya mababakas mo pa rin ang kanyang suot sa loob.

 

"Irene..." tanging nasabi ko. Sana hindi niya napansin ang pagkagulat ko at ang paghangang tingin sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" habol kong tanong.

 

"Just want to know if I can still find you here. You came still kahit na inaway kita." mahina niyang sabi "Can I sit?" tanong niya.

 

"Oo naman, tulay ito ng bayan hindi lang sa akin. Bakit naman ako magpapaapekto sa nangyari kahapon, naging tambayan ko na to halos araw araw."

 

"Pero bakit ikaw lang lagi mag isa dito?" tanong niya.

 

"Binigay na nila itong oras na ito sa akin." mahina kong sagot.

 

"So dapat pala alis na rin ako?" tanong niya.

 

"Ikaw ba?" balik ko sa kanya at kita ang inis sa mukha niya. Nakakatuwa talaga siyang mainis.

 

"You don't like me being here?" tanong niya muli.

 

"Ikaw, ayaw mo bang andito ako?" sagot kong tanong din.

 

"It's useless to ask questions to you. I came here just to say sorry about yesterday. Yon lang. Sige bye." sabi niya at saka agad na tumayo.

 

"Sorry, din." habol ko, bakit parang ayaw ko pa siyang umalis agad. "Ginawa ko lang yon para hindi mo ituloy ang balak mo." paliwanag ko.

 

"Don't worry, hindi ko muna itutuloy." madiin niyang sabi sa muna. Napangiti naman ako ng naramdaman ko na siyang muling umupo.

 

"Bakit hindi mo bigyan ang sarili mo ng panahon. Alisin mo muna sa isip mo ang pagpapatiwakal at bigyan mo ang sarili mo ng panahong lasapin ang sarap ng buhay."

 

"What do you mean?" tanong niya muli at naramdaman ko siyang umisod sa tabi ko.

 

"Tatlongpung araw, kahit isang buwan lang. Tingnan mo ang buhay mo sa magandang aspeto kahit na makaranas ka ng hirap at sakit, sa loob ng isang buwan puro magagandang bagay ang pagtuunan mo ng pansin. Pagkatapos ng panahon na yon pag nakita mo o naramdaman mong wala na talagang saysay ang buhay mo bumalik ka dito." litanya ko at tiningnan niya akong mabuti.

 

"And?" tanong niya.

 

"Magkita muli tayo sa putol na tulay na ito."

 

"And?"

 

"Ako na mismo ang tutulak sa'yo sa tulay na to." sagot kong tumitig din sa kanya.

 

"Are you kidding me?" nanlaki ang mata niyang tanong at bigla akong natawa. "What's funny?"

 

"Ikaw. Ang ganda ng hitsura mo kung makikita mo lang sarili mo. Mukhang gulat na gulat ka talaga eh." hindi ko pa rin mapigilang tumawa at napansin kong napapangiti na rin siya.

 

"Ang cute mo pa lang tumawa, mas lalong lumalalim ang dimple mo." ngiti niyang komento at naramdaman kong nag init ang pisngi ko kaya bigla akong napatigil sa pagtawa at natahimik.

 

"Why? Did I say something wrong?" tanong niyang nagaalala.

 

"W-wala." tanging nasabi ko at Seulgi nautal ka pa talaga paalala ko sa sarili ko.

 

"Are you blushing?" bigla niyang tanong.

 

"Hindi ah!" depensa ko.

 

"Bakit ka sumisigaw?" tanong niyang napapangiti.

 

"Malakas lang talaga ang boses ko."

 

"Yeah right." ngisi niyang sabi saka bumaling ang tingin sa dagat at napahalukipkip siya ng dumaan ang malakas na ihip ng hangin. Inilapag ko ang gitara sa tabi ko at hinubad ko ang jumper na suot ko saka ko ipinatong sa balikat niya, bigla siyang napalingon sa akin.

 

"Malamig na tuwing ganitong oras, sana nagpalit ka muna ng damit." sabi ko habang inaayos sa balikat niya ang jumper. Nagmamadali ka atang pumunta dito, buti sa loob loob ko lang nasabi kaya napangiti ako.

 

"Thank you." sagot niya lang at inayos ang jumper ng napatingin sa akin."Why?" tanong niya kaya biglang bawi ang ngiti ko at napailing.

 

"Wala naman, may naalala lang ako." sagot ko agad.

 

"What?" tanong niya, lagot na.

 

"Ahm, kasi kahapon halos ipagtulakan natin ang isa't isa sa tulay." ngiti kong sagot, pang salo sa ibang nasa isip ko kanina. "Pwede rin pala tayong mag usap ng ganito."

 

"Ikaw naman nag umpisa eh." baling niya sa akin, hindi na ako sumagot baka kung saan nanaman mapunta ang usapan. "Nagrebelde ka?" bigla niyang tanong at tiningnan ko siyang nakakunot ang noo.

 

"Bakit mo natanong?" balik ko.

 

"Hindi ka talaga marunong sumagot ng tanong, ano?" balik niya at tumahimik na ako dahil mukhang mataray nanaman siya pero bakit parang natutuwa pa ako sa pagtataray niya. "Kasi may tattoo ka." pansin niya sabay tingin sa kanang kamay kong may tattoo.

 

"Pag nagpatatto ba rebelde na?"

 

"Sorry...I don't mean that---"

 

"Pinalagay ko ito nong nasa banda pa ako. Pinahihinto na ako noon ni Tatay pero ayaw ko." paliwanag ko lang.

 

"Sign of protest?"

 

"Hindi naman sa ganon. Mahabang kwento" hindi na ako nagsalita pa, bigla kong pinigilan ang sarili ko. Bakit nagiging madaldal ata ako sa babaeng ito. Kahapon lang kami nagkakilala, kahit sabihin pang kaibigan siya ni Jennie.

 

"You don't have to tell me if you're not comfortable to talk. Sorry for asking too much." bigla niyang sabi, napansin niya ata ang pananahimik ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti, hindi ko alam ang reaksyon pero nalaman ko na lang ng nagsalita siya muli. "Cute talaga ng dimples mo, bagay sa mga mata mo lalo na pag naka ngiti ka." Bigla kong pigil sa pagngiti ko at natawa siya. May sarili rin trip tong taong to. "And it's amazing how I made you blushed twice already." kantiyaw at sabay tawa niya. Nanadya ba to?

 

"Nasobrahan ka ata ng tubig dagat at masaya kang asarin ako?" pagbibiro ko sa kanya at lalo siyang natawa.

 

"I never thought you'll have that sense of humor in you. You really are something." masaya niyang komento at may ningning sa kanyang mga mata, bakit masaya akong makita siyang masaya.

 

"Mabuti naman at kahit paano napapatawa kita." wala sa loob kong sabi at pareho kaming biglang natahimik. Ako sa sinabi ko pero siya hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng pananahimik niya.

 

"Then you'll help me within the period you set for me." bigla niyang sabi.

 

"Ano?"

 

"You suggested that I gave myself 30 days to rethink, right? then you should help me."

 

"Suhestiyon lang naman yon."

 

"And I'm taking it. But you should be there for me for the whole 30 days."

 

"Hindi naman kayo magtatagal dito di ba?"

 

"Not necessarily being physically present, I mean."

 

"Ire--"

 

"You suggested it Seul..."

 

"Anong tawag mo sa akin?"

 

"Seul... ayaw mo ba?"

 

"Sinabi ko bang ayaw ko?"

 

"Fine...so Seul are you in to help a suicidal me?" tanong niyang nakangiti.

 

"S-sige." tipid kong sagot. Napasubo na.

 

"So this will be our day 1." sabi niya.

 

"Hindi. Kahapon ang unang araw." sabi ko.

 

"Fine. you win." sabay niyang taas ng kamay. "Any song for me today?" bigla niyang tanong sagot.

 

"Bakit?"

 

"Remember, yesterday you sang a song for me. How 'bout today?" taas kilay niyang tanong. Matagal ko siyang tinitigan at napangiti.

 

"Meron." sabi ko sabay kuha ng gitara sa tabi ko at nag umpisa na akong tumipa. Pagkakataon ko na tong makabawi. Nag strum na ko at nagumpisa na akong umawit.

 

"We got the afternoon

You got this room for two

One thing I've left to do

Discover me

Discovering you

Your body is a wonderland

One mile to every inch of your skin like porcelain

One pair of candy lips and your bubblegum tongue

 

And if you want love

We'll make it

Swimming a deep sea of blankets

Take your big plans

And break 'em

This is bound to be a while

 

Your body is a wonderland

Your body is a wonder, I'll use my hands...."

 

Bigla na akong napatingin sa kanya at nakita kong mahigpit niyang hawak ang jumper ko at iniyakap sa sarili niya habang tulalang nakatingin sa akin.

 

"Ayos ka lang?" tanong ko dahil mukhang namumula na siya.

 

"Ah, yes. Y-yes. I need to go. Its getting late." taranta niyang sabi sabay tayo at alis.

 

Naiwan akong natatawa at napapailing. Sorry Irene ikaw kasi eh, inumpisahan mo, bulong ko sa sarili ko.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
0 points #1
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1023 streak #2
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #3
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
31 streak #4
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #5
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#6
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#7
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#8
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#9
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#10
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu