Chapter 29

30 Days with you

Seulgi

 

Ramdam ko ang init ng mga palad ni Irene na humahagod sa aking likod. Ang mahihina niyang ungol na nakadadarang. Ang kanyang mga titig sa akin na bumabaon sa aking pagkatao. Ang mga halik na nagsasabing ako lang ang minahal niya ng ganito. Sa bawat galaw niya sa ilalim ko na nagsasabing kailangan niya ako. Mas lalo akong nadadala, mas lalo ko siyang nais angkinin, mas lalong kong nais madaliin ang panahon upang tuluyan siyang maging akin.

 

"Love, I feel your desire during that moment." bulong sa akin ni Irene na nagpagising sa aking pagkatao. Muli na naman akong nadala sa eksenang yon.

 

"Whoah! Bagay! Kayo na!" sunod naming narinig sa paligid. "Iuwi mo na ako Seulgi! Kahit isang gabi lang" sigaw pa ng isang babae.

 

Napangiti akong tumitig kay Irene at naramdaman ko ang kanyang palad na marahang humaplos sa aking kamay. "I can't wait for us to get married, Love. I want that scene to be real." mahina niyang bulong muli, ramdam ko ang init ng aking pisngi kahit na malamig sa aming paligid. Tama siya eksena lamang yon, at nang mga panahon na yon ay nadala ako sa eksenang yon. Ganon pala kung ang kapareha mo ay ang taong mahal mo, hindi mo maiiwasang maging makatotohanan ang bawat salita na binibitiwan at galaw mo. Matapos ang eksenang yon at pag uwi namin ni Irene ay sa condo ko ako natulog dahil baka hindi ko kayang pigilan ang sarili ko, alam ko kung hindi ako lalayo ay matutuloy ang eksenang aming ginawa. Pero tukso talaga ang mahal ko dahil pilit niya akong kinakatok sa aking kwarto ngunit madiin kong sagot na hindi ko matitingnan sa mga mata ang mga magulang ko pag may nangyari sa min. 'Konting tiis na lang Seulgi, malapit na kayong ikasal' yon na lamang ang pang kalma ko sa sarili ko no'ng mga panahong yon. Mahal na mahal ko si Irene at alam ko kung gaano niya rin ako kamahal. Mula ng matapos ang shooting at pag promote ng pelikula kita ang ningning sa aming mga mata. At kung tinatanong si Irene sa aming mga interviews kung may posibilidad bang mahalin niya ako, tahasang niyang sinasabi na hindi ito malayong mangyari.

 

"I believe that when we fall in love, we fall in love. Seulgi's the person whom you can easily fall in love with."

 

Yon ang madalas niyang isagot. Ngunit may mga bumabatikos pa rin sa kanyang mga sagot. Sinasabing bahagi lamang ito ng pelikula kaya mas magugulat ka sa sagot niya sa ganitong mga batikos.

 

"I don't think so. Seulgi and I will be inseparable from now on."

 

Ngiti niyang tugon.

 

At ngayon nga ay nandito kami sa premier night ng pelikula namin ni Irene at simula ng sabay kaming dumating ni Irene sa sinehan na to hanggang sa pagbati at pagsasalita sa lahat ng manonood bago umpisahang ipalabas ang aming pelikula ay hindi binitawan ni Irene ang kamay ko. Ang tanging sagot niya sa bawat tinging tanong ko sa kanya ay "If I can't say it yet, Love, then let me just show it. It's for them to think and judge." at binigyan lang ako ng makahulugang ngiti. Paano ba umabot sa ganitong desisyon ang mahal ko? Saka ko muling naalala ang mga naganap.

 

"Hi Irene!" bati ng lalaking papasok na ngumiti lang sa akin.

 

"Suho?" rinig kong tawag ni Irene "What are you doing here?" bago pa ako tuluyang nakalabas ay narinig kong tinawag ako ni Irene. "Seul could you please come back here." pakiusap niya.

 

"Visiting someone special to me." sagot ni Suho

 

"Why?" sarkastiko ng tanong ni Irene at pagbaling ko ng tingin sa kanila ay sa akin na siya nakatingin at taas ang isang kamay na wari mo ay hinihintay na hawakan ko. "Come here Seul. Please." muli niyang sabi, kaya napilitan akong bumalik sa kinatatayuan niya, pagkalapit ko ay marahan niyang hinawakan ang kamay ko at hindi tinanggap ang bulaklak na dala ni Suho. "Seul, this is Suho, my former loveteam and ex boyfriend. Suho this is Seulgi, my present loveteam and girlfriend." pakilala niya sa isa't isa sa amin ni Suho, nagulat ako at kita rin ang saglit na pagka bigla sa mukha ni Suho ngunit napalitan yon ng tawa. 

 

"Haha, hindi ka pa rin talaga nagbabago Irene, you and your moves. Nice to meet you Ms. Seulgi, heard so much about you. Kahit yata ako maiinsecure for someone as talented as you." bati niya sa akin.

 

"Kinagagalak din kitang makilala, Suho." matipid kong sagot.

 

"Why are you here?" ulit ni Irene.

 

"Bawal na bang bumisita ang dating kaibigan?" Tanong ni Suho.

 

"No, just be sure that you're really here as a friend." mataray ng sagot ni Irene na hindi binibitiwan ang kamay ko at hindi yon nakaligtas sa tingin ni Suho.

 

"Baka maging totoo yan, Irene." biro niya kay Irene patungkol sa hawak kamay namin.

 

"I don't care and I don't mind." Deretsa niyang sagot at nagbago ang mukha ni Suho.

 

"Think about your career." Mahinang sagot ni Suho

 

"I've thought of that, thank you but I don't need your concern." muling sagot ni Irene. 

 

"This is your life." mariing sabi ni Suho. 

 

"She. Is. My. Life." Seryosong punto ni Irene na nakatingin sa akin na biglang nagpainit sa pisngi ko. Nang bumaling na siya kay Suho ay nakita na niya ang maamong mukha nito.

 

"Irene, I know I hurt you and I'm sorry---"

 

"---and thank you for that pain you've caused me, Suho. I've learned to love myself and found the one for me." Putol ni Irene sa kanya.

 

"Ahm... Ahem. Andito ako. Sorry to interrupt you guys but I don't think this is the right place for you to talk. Sorry Suho, may trabaho pa sila." Singit ni Cess

 

"Sorry, Ms. Cess. Napadaan lang naman ako kasi my shoot kami malapit dito, so I decided to drop by." Paliwanag ni Suho

 

"How'd you know where here?" tanong muli ni Irene. Hindi agad nakasagot si Suho.

 

"Ahm. Tweets? From your fans." nakangiti niyang sabi.

 

"Stalker ka na pala ng loveteam nila ngayon." Biro ni Cess at natawa lang si Suho.

 

"Got to go, sorry kung naka istorbo ako. Nice meeting you Seulgi. Bye Irene. Cess." Paalam ni Suho habang pahakbang na siya palabas ng pinto.

 

Naputol ang pagbabalik alaala ko ng marinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Tapos na ang palabas at nagtayuan na ang mga tao. Naramdaman ko ang muling pag hawak ni Irene sa kamay ko.

 

"Let's go Love. Can't wait for our moment alone." malambing niyang bulong.

 

"Pero Mk, may dinner pa tayo kasama ang buong production ng pelikula baka nakalimutan mo." ngiti kong paalala sa kanya.

 

"Oh my. I almost forgot." Medyo malakas niyang sabi sabay takip ng bibig. "Oo nga pala. It's ok Love, magkasama naman tayo eh." ngiti niyang sagot. Wala siyang pakialam sa kislapan ng mga camera at cellphone camera na kumukuha sa amin, nanatili siyang nakahawak kamay sa akin.

 

"Irene! Seulgi! Picture please!" sigaw ng mga fans sa amin at mas lalong inilapit ni Irene ang katawan sa akin, sabay akbay niya at halos magdikit na ang aming mga pisngi. 

 

"Nice! Thank You!" sigaw muli ng mga tagahanga at manonood.

 

"Thank you, too for all the support and love!" tugon ni Irene habang kumakaway.

 

"Maraming salamat sa inyong lahat!" sabay ko na rin.

 

- - -

 

Irene

 

"Congratulations everyone! This is the premier night and the response is overwhelming, like what Direk said since day one, we have a new loveteam! Cheers!" Cess said almost shouting while holding her glass of champagne as we all raised our glass of champagne as well. We're here at the private bar owned by Cess' closed friend and the bar was reserved for tonight exclusively for us.

 

"SeulRene is born!" someone shouted and all shouted in agreement.

 

"Ang tanong is SeulRene for real?" a young girl curiously asked and every one kept silent waiting for an answer, Seul looked at me and I just gave her a sweet smile before facing the people around.

 

"Why not? I mean anything is possible. Isn't it Seul?" I said now looking at Seulgi, she didn't say a word because she's blushing.

 

"Ok, guys enjoy the night just don't drink too much na hindi na kayo makauwi ng maayos. Ayokong mag alala ang pamilya niyo, ok?" Cess said to get the attention and everyone does their own business while Cess approached us. "You two ok?" she asked full of concern.

 

"Yes, Cess. Thank you, we'll sit next to you guys." I said in assurance.

 

"Ok then, let's go and have fun then." 

 

- - -

 

The night is almost over and most people around us are a bit tipsy but obviously having fun. We had games and everyone participated. I can always sense that Sunmi is always looking at me and Seulgi as she always does every time we're in the same place. I learned to ignore her but still I can't avoid the moments when she's getting my attention, especially when she's looking at Seulgi, she's like the other woman secretly looking at my Seulgi always finding ways to get her attention and talk to her. But I won't and will not allow it under my watch and Seulgi knew that, and I can feel she's avoiding any tension that will arise between me and Sunmi.

 

"Mk, sayaw tayo?" Seulgi lovingly whispered.

 

"Ok Love." I said as she held me and assisted me to the dance floor. It was a sweet music and can't help but smile how Seulgi dared to ask me for a dance despite her cautiousness. Maybe she's at home with the people around us.

 

"Alam mo Love, kung nakakasakit lang ang tingin. Siguro bago matapos ang pelikulang ginawa natin puro pasa at sugat na kayo ni Sunmi." she whispered as she smilingly stared at me. Our faces are so close to each other. Our place in the dance floor is a bit dim but I can see Seul's face visibly. I can even see her bedimpled smile flashing brighter than the lights around us.

 

"What?" I asked sounding irritated but deep inside embarrassed. She knew about the staring between me and Sunmi.

 

"Oh huwag ng magalit, Mk. Matagal ko na kayong napapansin pero magaling kayong magtago." she said again with a small laugh written on her face.

 

"Are you making fun of us?" I asked in a serious voice. "Feeling mo ang haba ng hair mo?" I added.

 

"Uy Mk, ano ka ba? Hindi naman sa ganon. Ayaw ko lang kayong pansinin noon dahil hindi pa naman kayo nagpapang abot." she explained while gently caressing my side with her thumb. 

 

"Love, can't wait for our London trip." I said smiling back at her, her gentle gives me a soothing feeling. We agreed that after our commitments we'll be flying to London to meet my Dad, she'll formally asked my hand from my Dad in marriage. She's really a gentlewoman.

 

"Ilang gabi na nga akong hindi makatulog Mk. Kinakabahan ako sa pagkikita namin ng Daddy mo." she said nervously and I can't help but smile.

 

"You already met my Dad, Love. Mas gusto ka na nga ata niya kesa sa akin eh." I said with a hint of jealousy.

 

"Hey guys. Hindi na sweet ang music pero para pa rin kayong kambal tuko na nakadikit sa isa't isa." we heard Cess saying as she held us both.

 

"Ma'am! Hayaan niyo na dalang dala eh. Sarap kunan ng video. Sobrang sweet. Magwawala na naman mga fans niyo niyan!" shouted one staff. We just laughed it off, we saw Ms. Shin coming towards us.

 

"Ms. Irene may tawag ka." she said and handed me my cellphone.

 

"There's the private room. Doon ka na makipagusap para hindi masyadong maingay." Cess said pointing to the direction of the private room.

 

"Hello? Yes Mom, wait a sec I'll just go to the private room." I said while walking towards the room. "Yes Mom?"

 

"Suzy and I just want to congratulate you sweetie and sorry we weren't there to watch the movie premiere with you and Seulgi. The emergency meeting finished late this evening." Mom explained. "We're just about to go home because we still need to inspect the units that need to be replaced."

 

"It's ok Mom, I understand. No worries and you need to get rest, it's already late." I calmly said.

 

"Hey Irene! Congrats! Your movie's trending!" I heard Suzy shouting in the background.

 

"Tell Suzy thank you and drive safely, Mom. See you tomorrow."

 

"I will, ok sweetie you take a rest too. Don't drink too much, ok. Bye. Say hi to Seulgi for me, will you?"

 

"I'm not Mom, don't worry. Yeah I'll tell her. Goodnight. I love you... Send my love to Suzy Bye." as I ended the call and that's when I remember Seulgi. Oo nga pala it will be too obvious if she'll follow me in the private room.

 

"Ms. Irene nasa CR si Ms. Seulgi pero nakita kong sumunod si Sunmi." Ms. Shin said as I opened the door of the private room. Just then my mood changed.

 

"Ok, come on Ms. Shin" I said as we walked towards the area "As usual." I said as she knew what I meant. She's been watching our back ever since.

 

"As always." she said smiling.

 

"Thanks, Shin" I said as I slowly opened the door. As I entered I saw Seulgi just about to get out from the cubicle and Sunmi obviously waiting for her.

 

"So we won't see each other again?" she asked Seulgi.

 

"May dahilan ba para magkita pa tayo? Tapos ng proyekto natin di ba?"

 

"Can't we at least be friends?"

 

"Alam kong higit pa rin don ang hangarin mo?"

 

"Irene isn't what you think she is, Seulgi."

 

"Wala kang karapatang husgahan siya, Sunmi." 

 

"Suho said Irene still loves him---"

 

"So you and Suho are friends now. Since when Sunmi?" I interrupted and I saw a surprised look from Sunmi's face. "I can see that all these gossips and tricks about me and Suho has something to do with you?."

 

"Huwag kang mang bintang, Irene."

 

"I'm not. I'm just asking. Why look so guilty?" I seriously said. "But looking back with all the coincidences that happened. It's quite strange, wasn't it?"

 

"Gawain mo bang mag duda sa mga tao sa paligid mo?"

 

"Ikaw? gawain mo rin ba ang mag bantay ng bawat kilos ng tao sa paligid mo?" I butted in.

 

"Seulgi's my friend."

 

"But you're acting like a lover."

 

"I'm just concern."

 

"You're just bitter."

 

"Mk..." I heard Seul gently called me then she looked at Sunmi. "Tama na, kahit anong gawin mo Sunmi hindi na magbabago ang pagmamahal ko kay Irene. Tanggap mo man yon o hindi. Kaibigan pa rin kita at sana huwag kang gumawa ng hakbang na pati ang pagiging magkaibigan natin ay mawala ng tuluyan." Seul said as she walked passed by Sunmi and approached me. "Halika na Mk." she said as she held my hand.

 

- - -

 

Seulgi

 

Buong biyahe namin pauwi ay tahimik si Irene. Nagmagandang loob si Cess na isabay kami pareho pauwi, hindi pa tapos ang kasiyahan pero nagpasya na si Irene na umuwi. Nagdahilan na lamang siyang pagod kaya nag kusa si Cess na ihatid siya.

 

"Oh Ms. Seulgi masama ang pakiramdam ng girlfriend mo, ihahatid ko na siya baka gusto mong sumama para naman maalalayan mo siya." Biro ni Cesa kanina.

 

"Naku Ma'am, pag sila nagkatuluyan bilib na kami sa pagiging tulay niyo." Kantiyaw ng mga nasa bar at tinawanan lang ni Cess.

 

Kaya heto kami malapit na sa aming condo pero nanatiling tahimik ang mahal ko. Ako ngayon ang humahawak sa kamay niya at masuyong hinahaplos ngunit nanatili lamang siyang nakatanaw sa bintana ng kotse.

 

"Sure you guys ok?" tanong ni Cess na nakaupo sa harapan kasama ang driver niya. Nasa likod kami ng kotse ni Irene. 

 

"We're good Cess, just tired and a bit tipsy." sagot ni Irene at napatango lang si Cess.

 

"Same condo, right?" kunwang tanong niya.

 

"Yes." sagot lang ni Irene

 

"Ok, Manong pakipasok sa parking sa loob ng building na yan." sabi ni Cess sa driver sabay turo sa condo building naming tinutuluyan ni Irene. Malalim na ang gabi at alanganing oras na kaya nagsabay na kaming bumaba ni Irene sa kotse dahil alam naming wala na ding makakakita.

 

"Thanks Cess. Congratulations to you for a successful movie." bati ni Irene ng nakakababa na at humalik kay Cess na bumaba din.

 

"Congratulations to us, Irene. Thank you! Take care and goodnight." sabay yakap at halik ni Cess.

 

"Good night, Cess." paalam niya at nagsimula ng maglakad patungong elevator. 

 

"Salamat Cess, sa lahat." tanging nasabi ko at yumakap na rin sa kanya. "Ingat kayo pauwi."

 

"Thanks Seulgi. I should be the one thanking you." ngiti niyang sabi. "I knew something happened at the bar." dugtong niya. "I saw you and Irene and Shin coming from the CR and when I entered I saw Sunmi coming out. Hindi maiwasan noh?" pabiro niyang sabi.

 

"Oo nga hanggang sa huling sandali talagang nahanapan niya ng pagkakataon makapag usap kami." ngiting tugon ko habang tanaw ko ang pagsara ng pinto ng elevator na sinakyan ni Irene. 

 

"Narinig niya ba kayo?" tanong muli ni Cess.

 

"Nalaman niyang naging kaibigan ni Sunmi si Suho." tanging nasabi ko.

 

"That explains everything." simpleng sagot ni Cess at napatango lang ako. "Pero mukhang sumuko na si Suho, tahimik na siya."

 

"At sana ganon din si Sunmi." dugtong ko.

 

"She will, in time. Still hoping pa rin yong tao. Maybe because she really loves you." komento niya.

 

"Tapos na kami. Malinaw ko na yong sinsabi sa kanya."

 

"Desperate yata." pabiro niyang sabi. "We'll talk some other time, you go after your fiancée."

 

"Ok, sige Cess. salamat muli."

 

- - -

 

"Bakit hindi ka pa matulog, Mk. Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Irene ng paglabas ko ng banyo ay wala siya sa kama kaya lumabas ako ng kwarto at nakita ko siya sa may sofa habang nanonood ng tv.

 

"Can't sleep." tanging tugon niya.

 

"Ang layo mo naman sa TV, Mk. halika doon tayo sa may reclining chair baka mangawit ka diyan." aya ko.

 

"No, it's alright Seul."

 

"Ayaw mo manood sa kwarto natin?"

 

"Baka matutulog ka na eh, I don't want to disturb you." tipid niyang tugon. Kinuha ko ang remote control sa may center table at pinatay ang TV, mabuti na lang at hindi siya nagalit. Masuyo ko siyang inalalayang tumayo.

 

"Mas hindi ako makakatulog pag hindi kita katabi" lambing kong sabi kaya tumayo na rin siya ng tuluyan. Sunod lamang siyang naglalakad sa akin ng hindi ko binibitiwan ang kamay niya, pagpasok ng kwarto ay inayos ko ang unan niya at masuyo ko siyang inihiga habang sinindi ko ang TV.

 

"Huwag mo ng lakasan ang volume, its ok Love." sabi niya kaya hindi ko na nilakasan ngunit inilagay ko sa tabi niya ang controller baka magbago ang isip niya. Umayos na rin ako ng pwesto at humiga na ng kama, lumapit ako sa kanya at yumakap. Pinakikirdaman ko siya habang ako ay nakapikit.

 

"She'll do anything to get you back." bulong niya ngunit hindi ako nagmulat ng mga mata.

 

"I will do anything to stick with you." sagot ko na hindi pa rin nagmumulat ng mata. Naramdaman ko siyang humiwalay ng konti sa akin na para bang tinitingnan ako ngunit hindi pa rin ako nagmumulat ng mata.

 

"She's serious and desperate to get you back, Love."

 

"I'm serious and desperately in love with you, Mk." 

 

"Love." seryoso niyang tawag sa akin

 

"Mk" tugon kong nakapikit pa rin.

 

"Let's make love..." rinig ko sa sinabi niya at bigla akong nagmulat ng mata.

 

"A-ano Mk?"

 

"Do you really love me Seul?"

 

"Tinatanong pa ba yan, Mk? Hindi mo ba nararamdaman?"

 

"I do, it's just that. It's like you don't want me."

 

"Irene, alam mo na hindi totoo yan. Alam ko at ramdam mo na kailangan kita." pero hindi siya umimik. "Gusto ko lang maging maayos ang lahat." hindi na siya nagsalita. "Pag nasa London na tayo maayos din ang lahat, Mk"

 

"I'm not going. You can talk to my Dad if you want." nagulat ako sa sagot niya.

 

"Mk, hindi pwede. kailangan nandon ka."

 

"What for? You're just going to ask permission. You can do that on your own. I told you it's ok for Dad kahit hindi na tayo pumunta doon. Then we have to go back again for our wedding which is when pa?" Inis na niyang sagot, tinopak ng Mahal ko.

 

"Mk, kailangan nandon ka. Handa na ang lahat, saglit lang naman tayo di ba?" Kulit ko pero balewala at hindi na siya umimik at kunwang nanonood. "Kailangan nandon ka." ulit ko pero hindi siya nagsalita. "Hindi magiging kumpleto ang lahat kung wala ka. Ikaw ang mas kailangan doon, Mk. Kung wala ka balewala ang pagpunta ko doon."

 

"Why, what for?" tanong na niya at hindi ko alam kung sasagot ako o hindi.

 

"Nakikiusap ako, Mk. Sumama ka na ha?" pero walang sagot. Umayos ako ng pwesto at umangat ng konti kaya pantay na kami. Yumuko ako ng konti upang halikan ang balikat niya. Hindi umimik. Inulit ko mas marahan at mas masuyo.

 

"Seul, don't start something that you can't finish." may himig seryosong boses ni Irene. Napasubo na.

 

"Mahal na mahal kita Irene, walang araw na pinangarap ko na maging isa tayo. Kailangan kita, mula ng makita kita sa tulay na yon, pinangarap na kitang makasama." bulong ko. "Pakiusap sumama ka na sa London, inaasahan na tayo ng Daddy mo doon." masuyo kong pakiusap habang nakatingin na sa kanya. Nilingon niya ako at tuluyang humarap sa akin, hinawakan ang magkabilang pisngi ko, dama ko ang init ng kanyang mga palad.

 

"I just missed you Seul, I just wanted you so much." tanging nasabi niya at tuluyan na akong hinalikan, masuyo sa una hanggang naging mapusok at wala akong magawa kundi ang madarang sa mga halik niya. Ramdam ko ang kanyang pananabik, ang pangamba, ang kasiguraduhan. Pareho kaming hingal ng sandaling maghiwalay ang aming mga labi. At napansin ko ang mumunting butil ng luha sa kanyang mga mata.

 

"Mk." masuyo kong tawag.

 

"I just missed you Seul and at the same time afraid that despite this ring on my finger you'll never be mine."

 

"Mk, hindi totoo yan." pag alo ko sa kanya habang marahang pinupunasan ang kanyang luhang unti unti ng pumapatak. "Kaya nga mas kailangan mong sumama sa London para matapos ng lahat ng pangamba mo."

 

"Why?" tanong niyang nagtaas ng kilay.Hindi agad ako nakasagot. "Seulgi?" seryoso niyang tawag sa akin. Wala na ata akong magagawa, kailangan ko ng sabihin. "Is there something you're not telling me Seulgi?" ulit na niya at tuluyan ng umupo sa kandungan ko. Kailangan ko ng ipagtapat baka iwrestling na naman ako nito.

 

"Mk, kasi nakahanda ng lahat sa pagdating natin doon."

 

"And why is that? I thought we'll be there to ask permission from my Dad?"

 

"Nagawa ko na... bago pa man ako nagtapat sa'yo ng kasal."

 

"How? When? Why didn't you tell me?"

 

"Tinawagan ko muna siya at ng may pagkakataon ay lumipad ako para personal siyang kausapin."

 

"How come I didn't know about this?"

 

"Paumanhin Mk, pero alam ng Mommy mo at ni Suzy."

 

"What?" gulat niyang tanong. "What's there to do pa eh nakausap mo na pala si Dad?"

 

"Kailangan dahil expected na tayo. Kung wala tayo, wala din sila."

 

"Sila?"

 

"O-oo. Sila Nanay at Tatay at Ate. Sila Mommy Clara at Suzy. Pati si Jennie. Sila Direk at Cess." nasambit ko at biglang nanlaki ang mata niya.

 

"You mean?!" sigaw tanong niya at napatango lang ako.

 

"We're getting married?!" pagkukumpirma niya at muli tango lamang ang naisagot ko. Wala na akong nagawa kundi ipagtapat na sa kanya. Nagulat na lang ako sa biglang yakap niya sa akin. "Why didn't you tell me?" Muli niyang tanong.

 

"Dahil gusto ko sanang maging sorpresa ang lahat. Mapawi ang pangamba mo at mawala ang takot sa iyong puso. Alam ko hindi pa napapanahon dahil may mga obligasyon ka pang dapat gawin, ngunit ramdam ko ang balisa mo, ang pangamba na kahit suot mo na ang singsing na yan ay maaring nagdududa ka pa sa hangarin ko. Kaya pupunta tayo sa Daddy mo para magpakasal, simpleng seremonya ngumit makahulugan sa atin at sa ating pamilya. Patawarin mo ako kung nilihim ko Irene, pero hindi ko ito gagawin kung alam kong hindi mo gusto. Tsaka pwede ka namang tumanggi pag dating natin doon." pagtatapat ko at biro sa kanya. "Marami ka pang proyekto at mga isipin kaya ako ng nag ayos lahat. Pwede naman tayong ikasal muli kung nanaisin mo basta ang mahalaga ngayon ay maitali na kita sa akin at ganon din ako sayo." nakangiti kong sabi. Kita ang gulat ngunit saya sa kanyang mga mata. Muli ay narandaman ko ang kanyang mga labi na dumampi sa akin.

 

"I love you so much, Seul. I can't wait to be one with you." pagkunwang sabi niya.

 

"Mahal na mahal din kita, Irene. Ako rin hindi na ako makapaghintay." malambing kong sagot.

 

"So since we both can't wait. Let's start our honeymoon?" pilya niyang sambit.

 

"Ha?!"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1018 streak #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
25 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭