Chapter 5

30 Days with you

Seulgi's Pov

Pagkatapos ng palitan namin ng messages ni Irene ay hindi pa ako agad makatulog. Dinadama ko ang puso ko, bakit ganito ang nararamdaman ko. Kailan ba huling nadama ko ang ganito? Pero bakit mas matindi ngayon, pero kailan ko lang siya nakilala? Samantalang si Sunmi, ilang taon kaming mag kasama, kababata at naging matalik ko pang kaibigan. Nangungulila pa rin ba ako sa'yo Sunmi kaya ganito ako ngayon? Natatakot ako sa maaaring isagot ni Irene sa mga itinanong ko sa kanya kanina kaya pinutol ko na, paano kung hindi pala ako ang tinutukoy niya pero paano rin kung ako? Artista siya Seul, huwag mong kalilimutan, sikat siya sa industriya. Isa pa ay sariwa pa ang sugat sa puso niya mula sa katatapos niyang relasyon. Higit sa lahat hindi siya maiinlove sa'yo, straight siya, straight. Tandaan mo yan, sermon at paalala ko sa sarili ko.

- - -

Nakalipas ang isang linggo at tanging "Hi" at "Hello", "good morning" at "good night" lang ang madalas na naging palitan namin ng mensahe ni Irene. Gusto ko na siyang iwasan dahil baka masaktan lang ako. Pero may agreement kami at kung titingnan ay 11 na araw pa lamang, pero bakit ganito nasasabik ko na muli siyang makita? Bakit parang nangingulila na ako sa kanya? Kahit man lang sana marinig ang boses niya. Pero umiiwas ako dahil natatakot na ako sa nararamdaman ko. Kasalanan mo rin naman Seulgi eh, ikaw ang nagsuggest ng 30 days ngayon panindigan mong tulungan siya sa loob ng 30 days, sermon ko sa sarili ko. Ano tong pinasok mo Seul? Sabi mo hindi ka na ulit iibig pa pero bakit ngayon mukhang napasubo ka at sa isang straight pa. Subsob kong inihiga ang mukha ko sa unan at pilit na muling matulog nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Irene: Still awake?

Sasagutin ko ba?

Irene: Are you avoiding me?

Anong isasagot ko, nararamdaman ba niya na iniiwasan ko na siya?

Irene: Are you backing out this early with our 30 day-agreement?

Bakit hindi ako makasagot? Hindi ko alam ang isasagot ko ng tumunog muli ang cellphone ko.

Irene: No matter how exhausted I am, pissed or mad about some situations I always look at the brighter side because I promised to follow your suggestion of 30 days of being positive.

Anong ginawa mo Seul? Bakit ngayon ikaw ang sumisira sa sarili mong payo. Nasapo ko ang ulo ko.

Irene: And you're one of those positive thoughts that I want to think of.

Irene, bakit mo to sinasabi?

Irene: I just want to let you know.

Nanatili lang akong nakatitig sa cellphone ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko at sasabihin ko o ang iisipin ko.

Irene: Just missing you. Good night.

Yon lang at iniangat ko na ang phone sa tenga ko.

"Hello Seul?"

Namiss ko ang boses na yon, pakiramdam ko yon lang nagpapakalma ng puso kong nagwawala.

"M-miss you, too." Yon lang nasabi ko. Agad agad, hindi naman obvious na namiss mo siya ano Seul? Kantiyaw ko sa sarili ko. I heard her giggle at parang musika yon sa tenga ko.

"Hindi naman obvious na namiss mo ako ano?" Kantiyaw niya sa akin.

"Sino kayang unang nagsabi ng I miss you?" depensa ko. 

"Hindi ko sinabi, message kaya yon." Kantiyaw pa rin niya.

"Pareho lang yon." balik ko at narinig ko muli siyang tumawa. Ang sarap pakinggan.

"Aren't you sleeping yet?"

"Hindi pa."

"Why?"

"Marami lang akong iniisip."

"Mga babae mo?"

"Hala! Sobra ka naman Irene! Mga babae talaga?" at natawa muli siya sa sagot ko. Irene, huwag mo akong sanayin sa tawa mo sabi ko sa isip ko.

"So isa lang nasa isip mo ngayon?"

"Oo naman."

"Maganda?"

"Sobra." sagot ko.

"Pang Model?"

"Pwedeng pwede."

"Artistahin ang peg?"

"Oo naman."

"Gusto mo siya?"

"Siguro. Oo." sige Irene tulungan mo akong ligawan kita. Ligawan? Seryoso ka Seul? Ano ba to kausap ko si Irene at sarili ko, nasisira na ata utak ko sabay iling ko.

"Malayo siya sa'yo ngayon?

"Oo." matipid kong sagot. Saglit siyang natahimik at nakiramdam ako. Saka siya ulit nagsalita.

"Mabait ba?"

"Pwede." sagot ko lang.

"Pwede? Bakit pwede? Bakit masungit ba siya?" At nangiti ako sa tanong niya.

"Sobra." sagot ko.

"Hoy! Grabe ka naman Seul! Anong sobra ka diyan. Di ba dapat ang sagot ay Oo, hindi at pwede lang bakit may 'sobra'!" protesta niya at hindi ko napigilang tumawa at narinig kong tumahimik siya sa kabilang linya.

"Bakit ngayon nagrereklamo ka kanina pa kaya ako sumasagot ng sobra pero bakit ngayon ka lang nagprotesta." depensa ko at hindi pa rin siya sumagot. Nahiya kaya siya o nag blushed? Sayang hindi ko siya nakikita, nakakatuwa sigurong makita ang pamumula niya.

"Ewan ko sa'yo. Sige na matutulog na ako. Isipin mo na lang ng isipin yang babae mo." Sagot niya.

"Baka hindi siya makatulog pag iisipin ko siya, kawawa naman." sagot ko.

"Problema na niya yon kung hindi siya makatulog at konsensiya mo na kung hindi mo siya papatulugin." taray niyang sagot.

"Baka kasi makaapekto sa trabaho niya pag napuyat siya. Sabagay kahit puyat siya hindi naman nababawasan ang ganda niya." sabi kong hanggang tenga na yata ang ngiti ko.

"Hay naku sa kanya mo sabihin yan sa harap niya at huwag sa akin. Sige na good night."paalam na niya.

"Gusto mo kantahan kita?" 

"Huwag na! ayaw kong kinakantahan ako ng isang taong ibang tao ang nasa isip niya." Suplada naman ng babaeng to. Bipolar lang?

"Sige matulog ka na nga, mukhang kailangan mo ng matulog para mawala ang taray mo." sabi ko at natawa ako. "Goodnight magandang binibini."

"Good night ka diyan. Hmpp. Sige bye." at nawala na siya sa linya pero naiwan akong napapangiti. Ang sarap talaga niyang asarin.

- - -

Irene

Loko yon ah, baka iniisip niya na ang nasa isip ko ay ako ang tinutukoy niya? Hindi ba Irene? Kung makareact ka parang inassumed mo na ikaw ang tinutukoy niya di ba? Tanong ng isip ko. Oo nga ano, bakit ako nag react ng ganon??? Sh.it Irene masyado kang obvious. Hay naku! "Mali! Mali!" sabi kong malakas sabay subsob ng ulo ko sa unan.

"Anong Mali?" tanong ng nasa likod ko.

"Suzy!" gulat kong sabi. "What are you doing here? Anong oras ka dumating?" sunod sunod kong tanong at natawa siya.

"Hey! bakit masyado ka atang hyper and to think it's already late." sabay lapit niya at yakap sa akin. "Miss you li'l sis. Just arrived at sinilip lang kita kung gising ka pa pero mukhang gising na gising ka pa." bati niya sa akin.

"Glad to see you, Suzy. I miss you." pagkunwa kong sabi at nag iba ng tono ang boses ko na parang naging isang batang naglalambing sa ate niya.

"Sorry at ngayon lang ako nakauwi, I had to check a lot of things bago umuwi dito. Dad can't make it yet, natali siya sa mga commitments niya sa London." paliwanag niya habang yakap at masuyong hinahagod ang likod ko. Kahit malayo kami sa isa't isa, we always see to it that no matter what, we stay together in moments when we needed each other so much. At this moment alam nilang kailangan ko sila.

"It's ok Suzy. I'm glad you're here." sabi ko. I felt her pulled away and looked at me.

"But I think you don't need me anymore. Look at that face. You even looked like what? Blushing? Blooming?" pansin niya.

"No! Of course not. That's because I'm mad!" kunwang galit kong paliwanag.

"To whom you're mad at?" tanong niya ulit. "Kaya ka ba sumisigaw ng mali, mali." sabi niya. Hindi agad ako nakaimik. Natawa siya.

"Don't worry keep it to yourself if you still don't want to talk about it." rinig kong sabi niya.

"Suzy, what if I fall in love again but to someone you've never expected...I mean---"

"---Don't make that person you're rebound, sweetie. It'll be unfair to him." sagot niya.Not him Suzy. Napabuntong hininga lang ako.

"Yeah, that's why I want to be sure about my feelings." nasabi ko na lang.

"Good, because as much as I don't want you to get hurt I also don't wanna see you hurting other people's feelings." sabay yakap niya sa akin. "Sleep now. Good night." at humalik na siya sa akin. Naiwan nanaman akong tulala. Am I really falling for her? Or just infatuation or curiousity. Da.mn this heart for falling again and to a girl?

- - -

Seulgi

Sigurado ka sa sarili mo Seul that you'll fall for her pero siya will she ever fall for you? Tanong ko sa sarili ko. Nasaktan ka na nong una, kaya mo ba ulit ang masaktan? Binantayan mo ang sarili mo ng napakatagal na panahon Seul, apat ba o limang taon? hindi ko na matandaan at ayaw kong isipin. Ngayon ay kaya mo bang tanggapin anuman ang kahihinatnan ninyo ni Irene? Susugal ka bang muli? Tanong ko sa sarili ko. Kaya ba ng puso ko, tanong ko muli sabay hawak sa dibdib ko. Bago ko tuluyang sagutin yon kailangan ko munang gawin ang matagal ng pinapakiusap ng pamilya ko. Humugot ako ng malamin na hininga bago muling pumikit. Mula ng nakilala kita Irene, hindi na ako makatulog ng maayos. Masyado mong sinasakop ang isipan ko. 

- - -

Day 23

Nagtaka ang Nanay at Tatay, pati na sila Kuya Kai at Ate Yeon, dahil kasama nila ako ngayon sa hapag kainan. Almusal, madalas hindi ako sumasabay. Madalas hindi agad ako bumababa o nasa labas na ako kasama si Shadow at binabaybay ang bakahan at taniman namin.

"Anong nakain mo?" tanong ni Ate Yeon.

"Hindi pa nga ako kumakain eh." sagot ko lang at napansin kong napangiti si Tatay. Saka ako sumubo ng pagkain, lahat sila nakatingin sa akin na mukhang may bago pero hindi ko sila pinansin. Hala nakalimutan ko pa palang nagdasal bago kumain, biglang tahimik ako at pumikit para magdalasal, alam kong tinitingnan nila ako. Pagkunwa ay sumubo na ulit ako.

"Tay?" tawag ko sa aking ama at napatingin siya sa akin. "Maari na po ba akong bumalik sa banda at gumawa ulit ng pelikula?" tanong ko at nakita ko siyang ngumiti pati si Nanay at kita ang gulat sa mukha ng dalawang kapatid ko.

"Maari basta gawin mo muna ang dapat mong gawin dahil para sa sarili mo rin yon." sagot ni Tatay at tumango lang ako.

"Anak." tawag ni Nanay at napalingon ako sa kanya "Wala ka bang ipapakilalang bagong kaibigan?" tanong niya at napatingin silang lahat sa akin.

"Kahit hindi ko naman ipakilalala siguradong kilala niyo na." tanging nasabi ko lang at nagtawanan silang lahat sabay tayo ni Nanay at lapit sa akin.

"Iba pa rin ang makilala namin ng personal. Mahal na mahal ka namin bunso, ingat lang sa puso mo." at humalik siya sa noo ko.

"Mahal ko din po kayo, Nay. Huwag po kayo mag alala kaya ko po ito. Yaan niyo po pag balik niya pakikilala ko sa inyo. Tay, Kailan po ang schedule?" tanong ko kay Tatay at pag iwas na rin.

"Anytime anak. Gusto mo bang ipaalam kina kuya mo Daniel, Kris at Yeol?" tanong ni Tatay patungkol sa mga kapatid kong malayo sa amin ngayon.

"Nasa inyo po yon Tay. Hindi naman po malaking bagay sa akin."

"Malaking bagay sa amin anak. Tiyak matutuwa din sila" sagot ni Tatay at nangiti lang ako. Sa aming magkakapatid ako lang ang laging gumagawa ng gusto ko kahit na sinusunod ko si Tatay pero naging matigas ako ng naging matigas din ang puso ko. Tapos na akong kumain at magalang na nag paalam.

"Nagmamadali ka naman agad, Anak, bakit hindi mo muna tawagan ang gusto mong tawagan bago ka lumabas. Katatapos mo pa lang kumain eh, makakasama sa'yo yan pag lumabas kayo agad ni Shadow." paalala ni Tatay na nakangiti at tinaasan ko siya ng kilay.

"Tay." mahinang saway ni Nanay kay Tatay pero pati siya ay nakangiti na rin.

"Sino namang tatawagan ko Tay?" tanong kong patay malisya.

"Wala ba Anak? Kasi napapansin ko lagi mo ng hawak ang cellphone mo, sa loob ng tatlong linggo hindi na napirmi sa bulsa mo ang cellphone mo." may halong kantiyaw ni Tatay.

"Nay oh! Ako lang po talaga binabantayan niyo sa bahay na to noh Tay?" sumbong ko kay Nanay.

"Kasi ikaw ang bunso." sagot naman ni Ate Yeon.

"Ewan ko sa inyo." biglang tayo ko.

"Huwag muna kayong aalis ni Shadow, Seulgi." habol ni Tatay pag tinawag kami sa buong pangalan sigurado seryoso siya kaya hindi na ako umimik at nagpaalam na lang sabay akyat sa kwarto ko. Makapag toothbrush muna nga ako.

Isang linggo na lang at magkikita na muli kami ni Irene, babalik siya dito at malalaman ko kung anong desisyon niya. Sana nakatulong ang kasunduan namin. Sana ok na siya. Nakangiti akong hawak hawak ang phone ko saka ako nagdial. Ilang rings pa pero walang sumasagot, ibababa ko na sana ang tawag ng.

"Morning Seul." bati ni Irene sa kabilang linya. Ang sarap pakinggan ng boses niya sa umaga.

"Maganda talaga ang umaga pag ikaw ang bumati." hay Seulgi nagiging corny ka na, sabi ko sa sarili ko.

"Wow there must be really good in the morning." balik niya at kung makikita ko siya ay maaring nakangiti siyang sinasabi yon.

"Wala naman, sabik lang akong malaman kung nakapag desisyon ka na para sa muli mong pagluwas dito." paliwanag ko.

"Ah, yes. About that Seul. Yes I already have a decision but the thing is I might not able to make it on the exact date. But I'll try."

"Walang problema Irene, ang importante naman eh nakapag desisyon ka na at malalaman ko na lang pag luwas mo dito. Kahit anong araw pa." sabi ko na lang para mawala ang lungkot niya. "Basta sabihan mo lang ako." habol ko pa.

"Pangako mo hihintayin mo ako?"

"Oo naman, mahirap na walang tutulak sa'yo."

"Sira!"

"Sige na, ang aga mong magsungit. Mag almusal ka na."

"Yeah right, you woke me up early tapos aasarin mo lang ako."

"Just want to hear your bedroom voice." sagot ko at sandaling katahimikan narinig ko siyang humugot ng malalim na hininga.

"I will miss this Seul, will it be the same after 30 days?"

"Depende sa desisyon mo, Binibini." sagot ko. "Kung tatalon ka hindi na tayo magkakausap pa, pwede pa rin pero hindi na kita maririnig." dugtong ko.

"Yeah right, ewan ko sa'yo. Ang sarap mo lang mang asar eh noh?"

"Masarap ka lang asarin."

"Pwes, hindi ako madaling maasar."

"Oo nga, madali ka lang mapikon." at natawa ako.

"Why do you like seeing me pissed?"

"Dahil ang cute mo lang."

"Ganyan ka ba pag nanliligaw?"

"Kanino?"

"Ewan ko sa'yo"

"Bakit pwede ka na bang magpaligaw ulit?"

"I don't know, depende siguro?"

"Anong depende?"

"Depende sa manliligaw."

"Oo nga naman pag hindi mo gusto, agad agad hindi ang sagot mo. Sa taray mong yan." biro ko.

"Ang babaw naman ng taong yon kung mdaling sumuko dahil lang mataray ako. Bakit kung ikaw ba tarayan ka lang ayaw mo na?"

"Bakit kung gusto mo ba tatarayan mo?"

"So you mean pag tinatarayan, ayaw na agad?"

"Bakit hindi ba?"

"Ewan sa'yo, aga aga ang labo mong kausap. I'd better go. Bye." paalam na niya.

"Bye Binibining Sungit."

"Hindi ako masungit. Ikaw kasi asar. Sige na. Bye." sagot niya pa at natawa ako.

"Kung hindi kita aasarin, mas lalo lang kitang mamimiss, Irene. Bye." paalam ko na at inoff ko ang cellphone ko dahil nabigla ako sa sinabi ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
0 points #1
Chapter 33: Finished reading this alr 🥹 Definitely one of the best Tagalog Seulrene fics I've read so far. Salamat sa likha mong ito, author! Tinawid ako ng kwentong ito sa ilang araw at gabing pagod mula sa Univ. Will keep on reading and rereading your works! :)
xantheaverielle
#2
Chapter 20: I love reading about their arguments and how they resolve it. Sobrang pure ng relationship nila and naaappreciate ko 'yung pagiging vocal nila sa isa't-isa though it may be triggered by intense emotions of jealousy or anger at first. I think they're handling it pretty well naman at naaayos nila at thankful ako with the way this was written. Sobrang galing! Thanks author, hope I can still go back and read Chapter 17, if mapublish ulit. 🥹
xantheaverielle
#3
Wala na po bang Chapter 17? 🥺🥺🥺
xantheaverielle
#4
Chapter 16: Ang ganda ng angst grabe at bumalik pa si Sunmiii what will happen to them na kaya 🥹
xantheaverielle
#5
Chapter 13: Nag-I love you na si Irene ajhdkahdkajs kakilig huhu and ngayon na lang ulit ako nakabasa ng Seulrene Tagalog fic na super dama 'yung pagiging couple nila 🥹🥹🥹 I'm so glad that I took the time to read this
xantheaverielle
#6
Chapter 12: AAAA intense per chapter and I like Irene's spontaneity rin at times, it adds thrill sa story 😁
xantheaverielle
#7
Chapter 7: Ang bagal ko magbasa pero ang ganda-ganda ng storyline nito. I love how complex Seulgi and Irene's characters are lalo na't nababasa namin 'yung thoughts nila. 🥹 Will continue reading this! 🤍
xantheaverielle
#8
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1028 streak #9
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #10
Chapter 33: Rastro?