Kanta, K'wento, Kape at Karina

Dagli
Please Subscribe to read the full chapter

 

Here’s rockstar Winter and Karina jamming as they occupy the front seats while Giselle and Ning are asleep at the back ft. Winter’s brother’s Chevrolet Silverado Crew Cab

 

Ning

 

“Okay ka na? Grad na lang hinihintay mo?” tanong ko kay Winter. Sabay kaming naglalakad papunta sa parking lot ng Mapúa. Tumango naman siya at nagthumbs up. Una naming narating ang sasakyan ko, “Since wala ka naman nang gagawin, gusto mong sumama?” pabitin kong tanong habang hila ang pinto ng backseat.

 

“Saan?” paghawak ni Winter sa isang strap ng kanyang bag. “Sa Quirino for a week,” lapag ko sa mga gamit na pinauwi na sa ‘min, “kung hindi mo lang balak umuwi sa Zambales ha.”

 

“Parang ang layo naman?” Natatawa ko siyang sinagot, “Mayro’n bang nagbakasyon na hindi lumabas ng city?”

 

Kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa, “Next month pa naman ako uuwi so p’wede.”

 

“Nice,” pagstart ko sa sasakyan. “Kasama sila?” pasimple niyang tanong habang nagta-type. Nginisihan ko si Winter, “Malamang, Win.”

 

“Nagtatanong lang eh. Malay mo busy na pala sila,” kunot-noo niyang ibinulsang muli ang telepono. “Aw… hindi ka ina-update ni Rina?” mapang-inis kong silip sa kanya dahil nakabukas pa naman ang pinto ng kotse.

 

Tiningnan niya lang ako nang masama bago itulak pasara ang pinto. Ibinaba ko ang bintana, at dinungaw siya na papindot pa lang sa susi ng kanyang sasakyan, “Okay lang ‘yan, Winter. Malay mo magkaprogress na kayo sa Quirino.”

 

“Ewan ko sa ‘yo!” sigaw niya bago tuluyang sumakay. Kumaway na lang ako bago magmaneho palabas ng Intramuros.

 

Pagkauwi ko’y nagmessage na ako kina Karina na sa Huwebes na kami aalis pa-Quirino. Joking them na magcocommute lang kami. Agad nag-initiate ng group call si Giselle.

 

“Anong pumasok sa isip mo?”

 

Napabangon ako sa kama nang marinig ko ang gigil sa boses niya habang tumatawa si Karina, “It would only tire the four of us kung magdrive tayo.”

 

“But Ning,” subok niyang pagdadahilan ngunit siningitan siya ni Rina. “I think it’s a good idea, Gi. At saka madaya ka kaya sa shifting kapag salitan sa manibela,” rinig ko ang pagkaluskos ng bedsheet niya.

 

“Fine,” buntong hininga ni Giselle. “What time tayo bi-biyahe on Thursday?”

 

“6PM tayo aalis dito. Ay, by the way, ang unang stop over ng bus is dinner so no need to pack food,” ngisi ko, buti na lang natanong ko kung paano nagwowork ‘yung long bus rides.

 

“See, Gi? Sometimes, convenient din to commute.”

 

“Alright, alright! Pagtutulungan ‘nyo na naman ako eh.”

 

“Anyway, Rina?” pag-iiba ko sa paksa. “Hmm?”

 

“How are you and Winter?” Si Gi naman ngayon ang napatawa, “Oo nga, Rina. How’s Winter?”

 

Naiimagine ko ang pabirong pag-ikot ng mata ni Karina sa biglaan niyang pagsinghap, “Shh… let people enjoy without having to think about what makes them happy.”

 

“Umayos ka Karina Yu ha,” pareho kaming natawa sa pagbabanta ni Gi. “Ano na namang ginawa ko?” natatawang tanong ni Karina.

 

“Basta ang take away ko sa sinabi ni Rina, pinapasaya siya ni Winter,” wika ko na ikinahalakhak nilang dalawa. “Punta na lang kayo dito sa house para sabay-sabay na tayo,” in character ko pang dagdag.

 

Winter will be bringing her brother’s pickup truck naman kasi talaga.

 

---

 

“Akala ko ba we’d commute?” bungad na tanong ni Gi nang makita niya ang nakabukas na cargo bed ng pickup truck ng kuya ni Winter. “Sinabi niyang commute?” pag-angat ng tingin ni Winter sa ‘min.

 

“Ang ewan mo, Ning!” pabirong sakal sa ‘kin ni Giselle.

 

5:45 na nang umaga, wala pa rin si Karina. “Sinong kausap mo, Win?” tanong ni Gi sa kanya habang nakaupo sa cargo bed. “Si Karina.”

 

“Saan na raw siya?” tanong ko.

 

“Natagalan daw ‘yung girlfriend ng ate niya sa pagsundo sa kanila eh. 10 minutes pa raw.”

 

Tumango kami ni Giselle. “So paano ang shifting sa pagmamaneho?” tanong ko sa kanila. “Ako na ‘yung first,” volunteer ni Gi.

 

“Okay. Si Karina na lang ang after mo para siya ang gising while Winter drives midnight to sunrise,” ngisi ko.

 

“Hindi ‘nyo na tatanungin kung okay lang sa kanya?”

 

Sakto ang pagbusina ng isang Montero, nagbaba ng windows ang driver. “Ate Lisa, ate Rosé!” masiglang bati namin ni Giselle sa kanila habang bumababa sa sasakyan si Karina.

 

“Ingat kayo ha. Talagang nagplan ka bago ang graduation ha?” natatawang tanong ni ate Lisa sa ‘kin. “We’ll be safe!” firm kong paninigurado sa kanila.

 

“Update this kabadong sister of Rina from time to time.”

 

“Will do po. Saan pala kayo pupunta?” dinig kong tanong ni Gi bago ko lingunin ang dalawa na inaayos ang gamit ni Karina sa cargo bed bago ito i-lock.

 

“Thank you. Good morning, Win,” halik ni Karina sa pisngi ni Winter. Bumaling siya sa ‘kin nang makita niya akong palapit, “Good morning, Ning,” beso niya sa ‘kin bago ako yakapin.

 

“Hindi ka nagulat na hindi tayo magcocommute?” kunot-noo kong tanong sa kanya.

 

“No. Winter informed me after our call. Hindi mo siya sinabihan sa plano mong prank eh,” kapit niya sa braso ko, tangay patungo sa Montero.

 

“She’s tulog na ulit?” tanong ni Karina kay ate Lisa. Tumango naman ito.

 

“Thank you,” paglapit niya para ibeso rin ang girlfriend ng ate niya. “Send my regards to the rest of your barkada,” paalala niya nang bahagya siyang makalayo.

 

“Sama na kayo next time,” ngiti nito bago tuluyang magmaneho palayo.

 

“You’ll drive after me,” nakangising tapik ni Gi sa balikat ni Karina bago su

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
hala, nooo! there's no update po. nag-import lang ako ng codes na apparently aff couldn't show.

Comments

You must be logged in to comment
jushshhh #1
Chapter 28: hindi na sinoli yung hair tie 😂
azxryll #2
Chapter 1: i miss this au sm >⁠.⁠<
franzii
#3
Chapter 10: God, I hate that it took me just now to read this. But god, from the AirDrop to this post-credits marriage proposal is so romantic. Tumaas nanaman standards ko. Grabe yung kilig 😭 tama na kayo, JiminJeong!!!!!
howdoyouknowmee
529 streak #4
Chapter 32: Still here 🌷🤍
lattecream #5
2024 na ikaw pa rin gusto ko sa lahat 🥹
Young_DP
#6
isa na to sa fave kong jmj fic hehe
Kklavs #7
Chapter 28: willing din naman ako mag-third wheel anytime anywhere basta ba kasing cute ng dalawang 'to
Kklavs #8
Chapter 13: single by choice naman ako pero napapa-sana all pa rin talaga ako
fifth_
#9
miss u dagli
srjmj0916 #10
Chapter 13: ano ba yan