TMA 7

Tutoring Ms. Aphrodite


Kinabukasan, maagang nagising si Seulgi, sya kasi ngayon ang maglalako at magbubuhat ng paninda ni Nanay Anita. Habang nagaayos sya ng paninda, naalala nya ang nangyare kahapon bago sila umuwi ni Irene.

 

*Flashback*


Nagaayos na sila ng gamit dahil tapos na ang tutor session nila ni Irene. Sabay narin silang lumabas. Naalala nya na naiwan nya sa ang kanyang baunan sa teacher's lounge. Dali dali syang pumunta don para kuhanin ang dapat ay merienda nila ni Irene, nakikilagay kasi sya ng pagkain sa refrigirator ng mga teachers lalo na't pwedeng mapanis ang dala nyang pagkain. Hahabulin nya si Irene at ibibigay ang pagkain na inihanda ng nanay Anita nya. 

 

"Nako. Sayang naman to. Nakaalis na ata ang bruha" bulong ni Seulgi sa sarili nya.


"Bat nandito kapa?" Napatalon si Seulgi sa gulat dahil biglang nagsalita yung taong hinahanap nya kanina.

 

"Ah, kinuha ko yung baunan ko. Ikaw bat andito kapa?" tanong ni Seulgi.

 

"Im hungry. Kaso sarado na yung cafeteria" nakapout na sagot ni Irene.

 

"Nays. Tamang tama. Eto biko with latik, gawa ni Nanay. Masarap yan. Di gaanong matamis. Kaso medyo malamig ha. Naiwan sa ref e." sabi ni Seulgi habang inaabot yung plastik ng biko.

 

"What's biko?" maang na tanong ni Irene. Kung gulat lang ang paguusapan. Tinalo ng nararamdaman na pagkagulat ni Seulgi ang lahat. "What's Biko?!" Saang lupalop ba nakatira ang babaeng to at hindi nya alam ang biko?!

 

"Kakanin yon. Sticky rice. Pero sige itry mo nalang muna" inabot ni Irene ang supot.

 

"Baka may lason to?" Pagdududang tanong ni Irene.

 

Tinaasan lang sya ng kilay ni Seulgi at kumagat narin ito sa biko na para naman sakanya. Wala ng nagawa si Irene. Gutom na sya. Kaya tinikman nya ang pagkain na bigay ni Seulgi. Nanglaki ang mga mata ni Irene. Ngayon lang sya nakakain ng biko kaya naubos nya ito agad. Pinapanuod lang sya ni Seulgi. Nang mailunon ni Irene ang nasa bibig nya ay binalingan nya si Seulgi at tinignan ang plastik na hawak nito na para bang humihingi pa. Kung susumahin, sa limang araw na lagi silang magkasama ay nakakapansin narin naman si Seulgi ng mga maliit na pagbabago sa ugali ni Irene.


Tatawa tawang inabot ni Seulgi ang supot na hawak nya kay Irene. Hinablot nya ito agad at kinain. Para syang bata. Ang sarap nyang kurutin sa pisngi.

 

"Masarap?" tukso ni Seulgi

 

"Uum, pero gutom lang siguro ako." pagmamatigas na sagot ni Irene. Tinawanan nya lang ito ulit. Magsasalita sana si Irene pero naudlot ito dahil dumating na ang sundo nya. Tumango nalang si Seulgi at nagwave.


*end of flashback*

 


 

"Anak, may order si Ms. Monreal sakin, pwede bang ikaw na ang magdeliver?" tanong ni Nanay Anita kay Seulgi.

 

"Sige nay, akin na yung address at buong name. Dati talaga akong taga food panda e." tatawa tawang sagot ni Seulgi.

 

Naghiwalay sila ng nanay nya. Ang nanay nya naglako sa kabilang barangay, samantalang si Seulgi, ay papunta sa masugid na customer ng kanyang ina. Madaming beses na itong nakaorder sakanila at talaga namang walang palya. Every month iba iba ang inoorder ni Ms. Monreal kay nanay Anita. Ultimo, maja balanca, ube halaya, minsan bibingka pa. Lahat pinagbibigyan ng kanyang ina dahil sabi nito, ay hawig ni Seulgi si Ms. Monreal kaya hindi nya matiis na hindi pagbigyan ang request.

 

Nakarating si Seulgi sa isang yayamaning subdivision. Compund ata ito ng mga mayayaman at mga artista. Muntik pa syang hindi papasukin ng guard dahil wala syang ID na dala. Buti nalang ay itinawag muna ng guard kela ms. Monreal si Seulgi kaya hinayaang pumasok.


Nasa tapat na si Seulgi ng bahay mg customer. Nakita nyang may nagbukas ng pinto. Blonde at monolid din na gaya nya. Tama nga ang nanay nya hawig nga nya, kahit na alam mong may edad na ito, hindi maikalaila na maganda parin sya. Nangarap tuloy si Seulgi na sana ganyan din sya pagnakaedad na. 

 

"Hello! Ikaw ba yung anak ni Aling Anita? Yan na ba yung order kong cassava cake?" turo sa bitbit nyang bilao. Tumango si Seulgi at iniabot ito kay Ms. Monreal. Nagkwentuhan pa sila sandali, at nagpaalam na si Seulgi. Napadaan si Seulgi sa isang club house. Nakita nya ang mga batang naglalaro sa playground at ang mga nagjojogging.


Masyadong magarbo ang lugar na ito. Napaka ganda ng paligid. Patuloy pa syang naglalakad ng may nakitang babae na nakaupo sa bench, tila nagbabasa ito ng libro. Nilapitan ito ni Seulgi. Kita nya ang babae na umiiyak.


"Miss? Okay ka lang?" Inabutan nya ito ng panyo. Tinanggap naman ito agad ng babae. At tinignan sya at nginitian. Isang matamis na ngiti. Bumilis ang tibok ng puso ni Seulgi. Parang pamilyar ang babaeng ito turan nya sa isip nya. Parang nakita na nya ito noon, pero hindi nya lang maalala.


"Xiexie" sagot ng babae sakanya. Napakamot lang ng ulo si Seulgi. Chinese pala itong babaeng kausap nya. Nagbow nalang sya at akmang aalis na ng biglang nagsalita ulit ang babae.


"Salamat. Sorry nacarried away lang ako sa binabasa ko. Baka isipin mo nababaliw ako, umiiyak magisa." natatawang sabi ng babae.

 

"Ha? Hindi naman" umupo na si Seulgi sa bench.


"Ano ba yang binabasa mo?" tanong ni Seulgi at tinuro ang libro na hawak ng kausap nya.


"Sari-Sari" maikling sagot nito sakanya.

 

"Nakipagbreak kasi yung main character ng story, naawa lang ako dun sa iniwan. Naramdaman ko kasi yung sakit e. May mahal kasi talaga na iba yung main character dito." pagkukwento nung babae kay Seulgi.

 

"Nako. Ansakit naman pala talaga." napatingin si Seulgi sa gilid at nakita nyang may iba pang libro na andon. Mahilig siguro syang magbasa talaga.

 

"Nabasa mo na ba lahat yon?" turo ni Seulgi sa mga libro.

 

"Im studying talaga ulit magtagalog. Kasi mahirap. Kaya I bought ng novels na alam kong makakahelp sakin in speaking the language. Here," pinakita ni Tzuyu isa isa ang libro.

 

"Rivero and Andrada, Wag moko maTerry Terry, Takipsilim" Binasa ni Seulgi isa isa ang title ng mga libro.

 

Ah ito yung sinasabi sakin noon ni Wendy na magagandang stories. Talaga naman palang sikat ang mga ito. Nacucurious tuloy sya. Tinignan sya ng babae at muling tinuon ang atensyon sa libro.

 

"Sorry ha. Feeling close ako agad" sabi ng babae na nakatungo na.

 

"Okay lang. Masaya din yung paminsan minsan nakakapaglabas ka ng sama ng loob or ng mga nasa isip mo sa di mo kilala. Kasi sa ganon di ka nila majjudge. Di naman nila alam kwento ng buhay mo e." ngiting sagot ni Seulgi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!