TMA 43-part 1

Tutoring Ms. Aphrodite


"Irene!!" sigaw ko ng makita ko siyang palabas ng classroom. Dali dali ko syang nilapitan.


"Ready kana magreview princess?" tanong ko sakanya. Tumango naman ito at agad din akong hinawakan sa braso.


Clingy. 

 

"Seul, sasama ka sa elyu diba?" tanong nya sakin habang nasa byahe kami pauwe.

 

"Hmm di pa ko nakakapagsabi kay nanay. Need ko ba talaga sumama don?" agad naman nya kong pinalo sa braso.


Bayolente.


"Ang tagal ko ng sinabi sayo yun e. Bat di kapa nagsasabi kay tita?" maktol nya.

 

"Eh kasi humahanap pa kong tiyempo. Recently kasi laging masakit ulo ni nanay. Kaya minsan pag uwe nya, nag papahinga nalang sya." sabi ko kay Irene. Napansin ko naman agad na parang lumungot si Irene, kaya pinisil ko ang kanyang mga pisngi. Nakapout pa ito.


Cute.

 

"Wag mo kong hawakan." palabi nyang sabi.


Natawa naman ako. Minsan talaga ganyan sya. Suplada tas biglang sweet. Naiisip ko nga minsan na parang may switch yung mga emosyon nya.

 

"Mag papaalam ako mamaya. Promise" agad kong sabi sakanya. Dali dali naman nya kong kinapitan ulit sa braso.

 

"Sabi mo yan ah!" sabi nya. Nag switch nanaman yung mood nya. Napailing nalang ako.


Nang makarating kami sa bahay nila, nag merienda muna kami at kinuha na nya ang mga notes nya upang masimulan na ang aming tutoring sessions.


"Hindi ko magets. Bakit need pa natin tong aralin!" maktol na naman nya.

 

Stubborn.

 

"Kasi nga kasama tong topic na to sa exam. Sabi ni Ms. Lia, majority ng questions dito sa topic na to iikot." malumanay kong sabi.

 

"Tss. Wala namang pinagkaiba yung mga nasa libro ni Kotler compare kay Baines. Halos lahat naman pare pareho" pairap nyang sagot.

 

"Kahit na pareho halos lahat, may kanya kanya parin silng strategy. Kaya please aralin muna natin to. Sige ka. Baka bumagsak ka ng Finals, ikaw pa tong di makasama sa Elyu" pananakot ko dito. Agad naman nanglaki ang mga mata nya.


"Akin na yung libro, babasahin ko ulit." mabilis nyang pagkuha sa inabot ko.

 

Determined.


Tinitigan ko sya habang sinasagot nya yung mga workbook na ginawa ko para sakanya. Napangiti ako. Etong babaeng to ang nag papatibok ng sobrang bilis sa puso ko, ngayon ko lang naramdaman to. Hindi ko narin kayang pigilin, kailangan ko ng sabihin sakanya, na halos gabi gabi sya ang nasa isip ko. Pag tulog, pag gising. Siya lang. Ganito pala yon, malungkot ka pag di mo sya masilayan kahit sandali, namimiss mo, hinahanap mo. At pagka magkasama naman kayo, halos gusto mo syang akapin, gusto mo syang mapasaya. Gustong hali...........

 

Wait, halikan? narinig ko nalang si Irene na may sinabi sakin.


"Alam mo, tunaw na ko." sabi nya sakin. Hindi umaangat ang mukha nya. Lalo ko pang inilapit ang mukha ko sakanya. Tinitigan ko pa sya lalo.



"Ang ganda mo." walang maang sabi ko sakanya.



"Alam ko na yan. Wala na bang iba?" sagot nya sakin, hindi parin nya ko tinitignan.

 

"Bat ka ba ganyan tumingin sakin?" sabi nya.

 

"Panong ganyan?" maang kong tanong.

 

"Yan! Na parang humaling na humaling ka sakin. ert ka talaga" sagot nya habang dinuduro yung mukha ko.

 

"Irene.." tinawag ko sya.

 

"Ano?!" gulat nyang sabi nung hinawakan ko ang kamay nya.

 

 

 

"Mahal kita."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!