TMA 23

Tutoring Ms. Aphrodite

Sweet Talker: magandang gabi sayo Wifey. Wag magskip ng dinner.


Joy: done na kong kumain. Ikaw?

 

Sweet Talker: tas na pero kakain ako ulit, kung ikaw magpapakain.

 

Joy: manyak ka.

 

Sweet Talker: hala. Ikaw tong madumi utak.

 

Joy: whatever s.

 

Sweet Talker: sayo lang po.

 

Joy: eww. Manigas ka.

 

Sweet Talker: wala pong titigas.

 

Sweet Talker: kamusta exams mo? Nakasagot kaba ng maayos?

 

Joy: ano


Sweet Talker: anong ano? Kamusta kako exams mo.

 

Joy: mahirap. Pero mukhang papasa naman.


Sweet Talker: osige. Minsan tuturuan kita pag may hindi ka alam.

 

Joy: bakit matalino ka ba?

 

Sweet Talker: turuan kita mag miniminimaynimo.

 

Joy: gago! Paasa ka.

 

Sweet Talker: sagutin mo muna ko.


Joy: nagrereply naman ako.

 

Sweet Talker: sana exam nalang din ako.

 

Joy: para sagutin kita?

 

Sweet Talker: hindi. Para mapagaralan mo rin akong mahalin.

 

Joy: bahala ka nga dian

 

Sweet Talker: tulog na tayo?

 

Joy: okay. Goodnight s.

 

Sweet Talker: goodnight wifey.

 

Kinaumagahan, pagkagising ni Joy agad nyang tinignan kung nagmessage na ang katext nya ng goodmorning. Simula kasi ng maging magkatext sila, walang palya ito sa pag bati sakanya tuwing umaga. Tama nga sya, agad syang nakatanggap ng text mula dito.


Sweet Talker: Maganda ka pa sa umaga Wifey.


Agad syang nagreply. At nagaayos. Aalis sila ngayon nila Yeri para bumili ng damit.  At balak narin nilang pestehin si Irene dahil buong linggo itong parang wala sa sarili. Sinundo nya si Yeri at nagtungo na sa condo ni Irene.


"Ano kayang meron at nagkakaganyan si Madam?" tanong ni Yeri sakanya.

 

"Ewan ko din. Pero after nyang magpunta kela Seulgi naging ganyan na sya" sagot naman ni Joy.

 

"Baka nagaway sila ni Cutie?" maang tanong ni Yeri.

 

"Hindi ko rin talaga sure" sagot naman ni Joy.

 

"AAAAAHHHHHHHH!!!" sigaw ni Yeri.

 

"Hoy! Punyeta! Ang sakit sa tenga. Ano kaba!" saway ni Joy sakanya.

 

"Finollowback ako ng crush ko!!!!" Kilig na kilig si Yeri.

 

"Sino?" tanong ni Joy.

 

"Saeron Lim" agad na sagot ni Yeri.

 

"Sino yun?" tanong nanaman ni Joy. Sinamaan ng tingin ni Yeri si Joy.


"Ano kaba. Sikat sya sa Korea. Actress sya. Shet pakibatukan nga ako. Pakiramdam ko nananaginip ako" saad ni Yeri. Agad naman syang binatukan ni Joy.

 

"Aray ko! Bat moko binatukan?!" Singhal ni Yeri.

 

"Sabi mo kasi. Sinunod lang kita. Youre welcome" sagot ni Joy. Nakarating sila sa condo unit ni Irene. At nagdoorbell. Pagkabukas ng pinto ni Irene, agad silang pumasok at pinilit nila itong sumama sakanila.

 

"Ayokong umalis. Wala ako sa mood" sabi ni Irene na pahiga na sa kama. Agad syang binuhat ni Joy at Yeri papuntang banyo.

 

"Maligo kana. Alam namin kung asan mga susi mo dito kaya kahit maglock ka dian, mabubuksan parin namin at pag di ka sumama kami ang magpapaligo sayo" sabi ni Yeri kay Irene.

 

Walang nagawa si Irene kundi ang sumunod. Pag itong dalawang to ang kasama nya kahit mas matanda sya ay hindi umuubra. Hindi ata takot sakanya. Kaya napilitin syang sumama sa dalawang intrimitida. At pinipilit nalang nyang madistract.

 




Linggo


Setting: Mall

Oras: 2:39pm

 



Nagsstroll si Tzuyu at Seulgi sa mga shops sa isang mall sa Maynila. Nagpasama kasi si Tzuyu kay Seulgi dahil may event daw na need puntahan ito.


"Seulgi? Feeling ko hindi to maganda" sabi ni Tzuyu habang nasa fitting room sya.


"Patingin!" excited na sigaw ni Seulgi. Lumabas si Tzuyu na suot ang isang knee length white dress. Kung tutuusin, napaka ganda ni Tzuyu. 


"Ang ganda mo naman! Grabe. Magmumukha akong chimay pag katabi kita." sabi ni Seulgi.

 

"Ano kaba. Ayaw mo kasing magayos." sabi ni Tzuyu. Lumapit ito kay Seulgi at kinurot ito sa pisngi. 


"Sating dalawa. Mas cute ka parin." at pinanggigilan pa nya ang pisngi ni Seulgi

 

"Aray ko naman Yui" reklamo ni Seulgi.

 

"Yan nalang bilhin mo. Ang ganda sayo. Parang match made sayo yang damit na yan, Maraming lilingon sayo tiyak yan" sabi pa ni Seulgi.

 

"Sure ka?" tanong ni Tzuyu sakanya. Tumango tango si Seulgi habang nagtthumbsup kay Tzuyu. Binili nila ang damit. 

 

"Gigi, bibili din kita ng damit." saad ni Tzuyu habang hila nya si Seulgi sa isang shop.

 

"Andami ko pa namang damit Tzuyu. Tsaka wala akong pera para pambayad. Sayo na yan. Okay lang ako sa mga damit ko" sagot agad ni Seulgi. 

 

"Hindi kita binabago ah. Gusto ko lang talaga na makita ka na naka fit naman." Saad ni Tzuyu.

 

"Plus, take it as a gift kasi sinamahan moko and you helped me picked my dress para sa event" pangungumbinsi pa ni Tzuyu sakanya.

 

"Please???" pagmamakaawa pa ni Tzuyu.

 

"Okay. Sige. Ngayon lang to ah" sabi naman ni Seulgi.

 

Inakay na sya ni Tzuyu sa unang shop. Shop ito ng mga damit.


"Try mo to." sabi ni Tzuyu habang tinutulak si Seulgi sa fitting room.


Napanganga si Tzuyu sa itsura ni Seulgi. Bagay na bagay ang mga button up shirt sakanya. Imbes na isa lang ang bibilhin nya para kay Seulgi ay naging tatlo ito. Isang white, checkered at isang black.

Binili din nya si Seulgi ng isang fitted na maong at slacks. Halos magmakaawa si Seulgi kay Tzuyu na wag na syang ibili at sobrang hiyang hiya na ito sakanya. Pero hindi napigil si Tzuyu. Wala namang nagawa si Seulgi.


Nang matapos silang mamili ay nagpunta sila sa isang eat all you can na restaurant. Masaya silang kumakain. Pero agad din silang nainterrupt ng nasa kabilang table. Nanlaki ang mga mata ni Seulgi.


Nasa kabilang table si Irene, Yeri, at Joy. Kitang kita ni Irene ang mga dalawa na pumasok sa restaurant. Inaya kasi sya nila Joy na magshopping para sa Charity ball ngayong darating na sabado. At ng magutom na si Yeri, napagpasyahan nilang sa eat all you can ito dalhin. Naghaharutan sila Yeri at nakatapon ng pagkain kaya hiyang hiya si Irene. Ayaw naman talaga nyang mapansin sya nila Seulgi. Pero dahil sa nangyare, nakatingin na ito sakanya.


Tinignan at nginitian sila ni Tzuyu. Sinagot ito ng matipid na ngiti at tango ni Irene. Kitang kita rin nya ang paghawak ni Tzuyu sa kamay ni Seulgi. Parang kinukurot ang puso nya. Agad syang nagbaling ng tingin at inaya sila Joy na umalis na.

 

"Sis, sila na ba ni Cutie?" tanong ni Yeri. Hindi sumagot si Irene.

 

"Infairness, bagay sila." sulsol pa ni Joy. Biglang bumilis ang lakad ni Irene at iniwan ang dalawang kasama nya.


"Ang arte nyang frenelyn natin noh?" sabi ni Yeri
 

"Haha. Ganon ata pag ayaw sa topic. Nagmamadaling lumayo" tawang tawa na sagot ni Joy.
 

"Huy gaga. Sakanya tayo nakasakay kanina! Baka iwan tayo!" biglang hila ni Yeri kay Joy para habulin si Irene.

 

Sa totoo lang, hindi alam ni Irene ang gagawin nya. Gusto naman nyang maging masaya para kay Seulgi kaso parang hindi nya mapilit ang sarili nya na gawin yun. Naalala nya ang nangyare sa minigarden nung Friday.

 

-flashback-


Nakatambay sya sa isang bench. Iniisip nya ang mga nangyayare sakanya at trinatry nyang isort ang feelings nya ng may marinig syang naguusap sa kabilang bench. Nakatalikod ang dalawang babae.

Alam nya kung sino ang mga ito. Si Seulgi at si Tzuyu. Simula ng iwasan nya si Seulgi, mas naging mas malapit na ito kay Tzuyu. Siguro ay duwag sya. Pero hindi rin nya kasi talaga alam kung ano ang nararamdaman nya. Masaya sya pag kasama si Seulgi dahil parang she can be herself. Pero dahil sa naging usapan nila ni Tzuyu, mas lalo syang naconfused. Idagdag pa ang pagbalik ni Bogum sa buhay nya. Tinanggap nya na muli si Bogum, pero ang usapan nila ay manliligaw ito ulit sakanya. Kumbaga parang magsisimula sila from scratch. Yun din naman talaga ang matagal na nyang hiling ang magkabalikan sila ng dating nobyo. Pero ngayon, parang hindi na nya yon prioridad. Hindi nya sinasadya na marinig ang pinaguusapan ng dalawang babae.


"Alam mo bang matagal ko ng gustong sabihin na gusto kita." sabi ni Tzuyu.


"Bata palang tayo. Alam ko na sa sarili ko na ikaw yung gusto ko." sabi pa nito.


"Kung tatanungin ba kita ngayon kung may pagasa ako, masasagot mo?" tanong pa ulit ni Tzuyu kay Seulgi. Dapat talaga ay umalis na sya. Dinurog ang puso nya ng narinig nya si Seulgi na sumagot.


"Tzuyu, i like you too" sagot nito.


Mabilis syang umalis sa minigarden. Nagpunta sya sa private lounge at doon umiyak.


"Bakit ang sakit?" hikbi nya sa sarili nya.

 

-end of flashback-

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!