TMA 41

Tutoring Ms. Aphrodite


3rd Person POV

Setting: Bar sa Makati



"Alam mo Bogum, mukhang masyado na silang nagiging close ni Irene. Dont you think na kailangan mo ng gawan ng paraan?" sabi ng lalaki habang nakatingin ito kay Bogum na prenteng nakaupo sa sofa.

 

"May tiwala ako kay Irene, takot yun mawala ang luho nya, besides, chill ka lang. May hawak naman tayong ebidensya sa pustahan." tugon ni Bogum.

 

"Irene is a smart girl. Kailangan hawak mo sya sa leeg para mapasunod mo. Let me remind you that you owe me big time Bogum. Might as well, do something or youre out sa plano" madilim na saad nito kay Bogum.


Tumango nalang si Bogum at uminom ng alak. Sabay nag paalam at nilisan ang bar.


"Hindi pwedeng masira ang plano ko. Kailangan magbayad ni Seulgi sa mga nangyare sakin. I want her to suffer." sabi nito sa kanyang isipan. Nagdial sya sa kanyang cellphone at inantay sagutin ng tao sa kabilang linya ang kanyang tawag.

 

"Minho, anong balita?" tanong nya dito.



"Alam ko na ang ruta ng matanda. Aalis ng bahay ng umaga para mag lako, ilang barangay lang din naman ang pinag lalakuan nito. Uuwi ng bandang alas singko o alas sais ng hapon." sagot ni Minho.

 

"Pag pumalpak si Bogum, alam mo na ang dapat gawin" saad naman nya kay Minho


"Ok" maikling sagot tsaka ibinaba ang tawag.

 

"Ipaparamdam ko sayo kung pano mawalan ng magulang Seulgi. Mmmhahahahaha" malademonyong tawa nito.
 



 

Kasalukuyang nag hahanda para matulog si Irene ng biglang may nag doorbell. Pagkabukas nya ang lumantad si Bogum na agad syang siniil ng halik. Amoy alak ito, tinulak nya ito palayo, pero tumawa lang si Bogum at unti unting hinuhubad ng kanyang damit.


"Umalis kana Bogum!" sigaw ni Irene.
 

"Huh? Bakit? Hindi mo ba ko namimiss?" sabi ni Bogum habang papalapit sya kay Irene.
 

"Ayoko na Bogum. Nakokonsensya na ko. Sasabihin ko na kay Seulgi yung totoo" matigas na sabi ni Irene.
 

"Ah tsk tsk tsk, nainlove kana nga ba ng totoo kay Seulgi?" maang na tanong ni Bogum.
 

"Oo" maikling sagot ni Irene. Agad naman huminto si Bogum at tumawa lang ito ng tumawa.

"You are making this difficult Irene. Tsk. May mga consequence ang lahat ng bagay and you are choosing the wrong side." tinapik tapik ni Bogum ang pisngi ni Irene.
 

Ngayon lang nakita ni Irene ang ganitong side ni Bogum and its freaking her out, takot sya pero pinanindigan nyang maging matapang. Mabuti nalang at hawak nya ang kanyang cellphone. Tinulak nya si Bogum palayo at nagdial ng security.

 

"Umalis kana bago pa ko mag patawag ng pulis" madiin na sabi ni Irene, iiling iling naman si Bogum, lalapit pa sana ito ng biglang dumating ang mga security. Nakahinga ng maayos si Irene. 
 

"You are making a huge mistake Irene. We'll see kung hanggang saan mo kayang panindigan yang sinasabi mong pag mamahal." sabi ni Bogum sakanya.

 

"Sir, tara na po sa labas." aya naman ng security kay Bogum, agad inalis ni Bogum ang kamay na nakakapikit sakanyang braso.

 

"Kaya kong lumabas! Wag nyo kong hawakan! Irene! Magsisisi ka" huling sabi ni Bogum bago ito tuluyang umalis.
 

Nagpasalamat si Irene sa security at agad sinara ang kanyang pintuan. Napabuntong hininga sya. Sasabihin na nya kay Seulgi ang totoo, humahanap nalang sya ng tiyempo.


Alam nya sa sarili nya na mahal na nya si Seulgi, sino bang hindi maffall dito, mabait ito. Mapag pasensya. Matalino. Talented. Mapag bigay. Lahat ata halos ng hahanapin nya na kay Seulgi na. Noon pa nya napag isipan na ipagtapat kay Seulgi ang totoo. Pero kailangan nya muna gumawa ng paraan para mapawalang bisa ang kontrata na ginawa nila Chanyeol.
 

 

--Flashback--


"Chanyeol? Pwede ba tayong mag-usap?" sabi nya sa lalaking nakatayo sa harap nya.
 

"Sure Irene. Ano yon?" maang tanong naman nito pabalik.

 

"Yung sa pustahan kasi sana, ay-.." hindi na natapos ni Irene ang kanyang sasabihin ng biglang mabilis na sumagot si Chanyeol.

 

"Wag kang mag alala. Tumutupad ako sa usapan. Katunayan nga nyan ay balak nga kitang puntahan pero kita mo ikaw na tong lumapit sakin. Heto ang kontrata." sabi ni Chanyeol habang may inaabot kay Irene na brown envelope. Kumunot ang noo ni Irene habang inilalabas ang dokumento.

 

"As you can see. The deal that we made is already sealed." Nakasmirk na sabi ni Chanyeol.

 

Gulong gulo si Irene. Pilit nyang inaalala ang mga nangyare sa bar. Para syang manlulumo ng naalala nya na pumirma nga talaga sya sa sinsabing dokumento.

 

"Legal yan. Pinaduplicate ko yung copy ko. Sayo na yang original para kahit itanong mo sa attorney nyo, masasabi nyang legit" pahabol pa ni Chanyeol

 


 

Napabuntong hininga nalang si Irene. Kagabi pa sya hindi mapakali. Ayaw nyang mawala ang tiwala ng daddy nya sakanya pero ayaw din nyang mawala si Seulgi. Isa lang ngayon ang naiisip nyang gawin, kailangan planuhin nya ng maayos ang mga susunod nyang hakbang, agad nyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang taong hindi nya aakalaing hihingan nya ng tulong.

 

"Tzuyu? I need your help"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!