TMA 5

Tutoring Ms. Aphrodite


"Luh! Bat may inlove ka pang sinasabi dito. Di naman ako pumapatol sa kapwa ko." nakangusong sabi ni Seulgi.


"Well sa ganda kong to. Imposibleng hindi ka magkagusto noh, mayaman ako, y." mataray na sagot ni Irene with matching hair flip.


"Panget naman ugali" mahinang bulong ni Seulgi.


"Anong sabi mo???" nanlalaki ang mga mata ni Irene.


"Ha? Wala sabi ko oo. Ikaw na maganda, mayaman at y. Bingi ka lang" sarkastik naman na sagot ni Seulgi.

 


"Im warning you. Hindi porke't nakikipagusap nako sayo meaning you can mock me anytime you want. Remember those rules we signed. Deals off kapag may lumabag don" tumayo na si Irene at lalabas na ng mini garden, ng bigla syang humarap kay Seulgi. 

 


"Ayusin mo ang pagtuturo mo sakin pag nakapasa ko. Hindi ka na guguluhin ng mga barkada ko. Pero hanggat wala pang bunga ang tutoring session na to. Magdusa ka sa mga parusa na para talaga sayo. Ganti ko yan sa pamamahiya mo sakin sa cafeteria." Pagbabanta ni Irene sa nakangangang si Seulgi.

 

Akala ni Seulgi tapos na. Yun pala pinagpahinga lang sya sa mga pambubully sakanya.

 


Day 1



Setting - Library. Left Wing. Pinaka dulong upuan.

Oras: 3:17pm

Araw: Monday

Mga Karakter: Seulgi na tutor at Irene na ayaw magpatutor

 


"Binabasa mo lang ba? Hindi mo ba pwedeng intindihin din?" nagtitimping tanong ni Seulgi. Kasalukuyan siyang nagpapasagot ng mga questionnaires kay Irene para alam nya kung ano o san nahihirapan si Irene. Pre test kumbaga. Pero wala pang 3 minuto binalik na agad ni Irene yung questionnaires sakanya. Halatang hindi binasa at nag miniminimaynimo lang sa sagot. Ugh!!!! Napaka tigas talaga. Naffrustrate si Seulgi. Magdamag nyang trinabaho ang questionnaires na yon.


"Ulitin mo." pagbalik ni Seulgi ng papel kay Irene.


"Rule 3 and 4" maiksing sabi ni Irene.


"Ano? Ano ba yung ginagawa ko na ayaw mo? Nagpapasagot ako para malaman ko kung anong tamang style or anong akmang materials sa pagtuturo ang dapat gawin para mas magets moko. Plus madali lang ang mga questions kung trinay mo lang sana" pigil na pigil na hindi ilakas ni Seulgi ang kanyang boses. Baka palayasin sila ng librarian pag nagkataon.


"Rule 4- mahirap yan para sakin. Usapan youll make it easy. Rule 3 ayokong pinipilit ako. Both mong nilalabag ang rules." Nakapangalumbabang sagot ni Irene.

 

 


Day 2



Setting - Library. Left Wing. Pinaka dulong upuan.

Oras: 4:02 pm

Araw: Tuesday

Mga Karakter: Seulgi the explorer and Irene the swiper.


 


"Teka break muna. Walang pumapasok sa isip ko. I need a break." Hawak hawak ngayon ni Irene ang kanyang sentido.


"Sige. 10 minutes break lang. Kasi madami pa kong librong ipapacheck sayo. Naghanap ako kagabi ng mga methods and formula na mas madaling intindihin. Inexplore ko ang google para sayo." sagot ni Seulgi habang nag bbrowse ng libro.


Napatingin lang si Irene sa sinabi nya. Tama ba ang rinig ni Irene? Para sakanya? Para sakanya tong ginagawa ni Seulgi? Hindi maiwasan ni Irene na hindi magblush. Ngayon nalang ulit sya nakarinig ng mga ganon salita. Nang lingunin nya si Seulgi, nakita nya na itong patagong kumakain ng lava cake na gawa ng Lemon Square. Isusubo na sana ni Seulgi ang pagkain pero mabilis na swipe ni Irene ang mumunting cupcake ni Seulgi. Kinain nya ito, gulat ang mukha ni Seulgi ng titigan nya ito. Magagalit sana sya pero ngumiti si Irene.


"Hahahaha." Tawang tawa si Seulgi, andaming chocolate sa ngipin ni Irene. At meron din ito sa may gilid ng labi. Pinaningkitan sya ng mata ni Irene.


"Sorry Sorry.. Teka" kinuha ni Seulgi ang kanyang panyo at dahan dahang inilapit ang kanyang sarili kay Irene. Nagkatitigan sila. Nagpapanik si Irene. Dahil sa bigla. Sinuntok nya si Seulgi sa tiyan.

 

"Aray ko po." napayuko si Seulgi sa sakit.


"Bibigay ko lang yung panyo ko. Magpunas ka ng labi. May chocolate kapa." Saad ni Seulgi.


Agad nagpunas at uminom ng tubig si Irene. Tinitignan nya ngayon si Seulgi na bumalik na sa pagbabasa.


"Oh. Yung panyo mo." Inaabot ni Irene yung panyo.


"Labhan mo naman bago mo ibalik. Jusko. Pinahiram na nga kita, ako pa maglalaba?" sagot ni Seulgi.


Wala nang nagawa si Irene. Hay nako. Sana matapos na ang araw na to. Nasabi nya sa sarili nya.


 

 


Day 5



Setting - Library. Left Wing. Pinaka dulong upuan.

Oras: 3:25 pm

Araw: Friday

Mga Karakter: Seulgi the patient and Irene the doctor


 


"Oh since nakatapos naman na tayo sa first 3 chapters. Need mo na sagutan to. Ito ang magiging quiz mo para sa lahat ng pinagaralan natin mula Monday. Multiple choice nalang to. May 3 choices ka. Ayan ah. Di na mahirap yan. Wag kana sana magrereklamo. Ipapakita ko yang exam mo kay dean kasi." Mahinahon na saad ni Seulgi.


"Pano kung di ako pumasa diyan. Ibigsabihin matatanggal kana sa scholarship mo?" nakasmirk na tanong ni Irene.


"Hindi noh. Practice test to. Hindi official." simangot na sabi ni Seulgi. Kung tutuusin, alam naman nyang matalino si Irene. Nauuna lang talaga ang katamaran nito at pagkawala ng pasensya. Magiging crush pa ni Seulgi ito kung may tiyaga lang sana at kung mabait sa kapwa. Kaso hindi talaga.


Inabot nya ang sasagutan ni Irene at binigyan din nya ito ng scratch paper and index card kung saan sinulat ni Seulgi lahat ng formulas na pwedeng gamitin ni Irene.


Busy na si Irene sa pagsasagot. Si Seulgi naman ay nagbabasa ng libro na kakapublish lang ng kanyang paboritong author. Makalipas ang 30 minutes, sinilip nya si Irene. Abala ito sa pagsagot. Seulgi smiled internally. Mukhang mapayapa ang araw na to para sa kanila. Hindi pa sila nagtatalo simula ng makarating sila dito sa library. Good. Magandang pangitain to. Lumipas pa ang ilang saglit. Kinalabit na sya ni Irene at inabot ang kanyang test paper.


Agad na sinara ni Seulgi ang libro na binabasa nya. At pinagtuunan ang mga sagot ni Irene. Nakakunot ang noo nya. Sa 25 items na pinasagot nya. 3 lang ang tama ni Irene. Halatang hinulaan pa.


"Patingin nga ng scratch paper mo? Asan at pano mo nakuha ang sagot nito? E kahit pagbaliktarin mo dapat letter C to." takang pagtatanong ni Seulgi.


"Tama ako. Wag ka ngang nagmamarunong. Ganito sagot ko dian. Etong formula mo ang mali" sabat naman ni Irene.


Eto nanaman po sila. Joke lang pala yung sinasabi ni Seulgi kanina na mapayapa ang araw na to. Okay Seulgi. Paysiyens.


Nilagay ni Seulgi ang mga dapat na sagot at pinakita ito kay Irene. Agad kinuha ni Irene ang lapis at binura ang mga sagot nya. Chineckan pa nya ito ng red ballpen pagtapos ay ibinalik nya ito kay Seulgi. 


"Oh ayan tama na. Chineckan ko narin. Pwede mo na pakita kay tito" nakangiti na saad ni Irene.


Are you serious right now? Napailing nalang si Seulgi. Mukhang Doctor ata ang gustong kurso ni Irene. Marunong magdoctor ng sagot e.


"Break muna ng 10 minutes. Basahin ko muna to." Buntong hingang sabi ni Seulgi.


"Ano yan?" tanong ni Irene.


"Dumb Ways to Survive by Author HyunGissi" sagot ni Seulgi. Hinablot ni Irene ang libro at tinignan.


"Bat ka nagbabasa ng ganito?" tanong nya habang fliniflip ang mga pahina ng aklat. Kinuha ulit ito ni Seulgi at hinanap ang page 23. Pinabasa nya ito kay Irene.


"Giving up is for the weak. Kaya laban lang hanggang kaya." tinignan nang makahulugan ni Irene si Seulgi.


"Oh diba. Kaya sagutan mo ulit. Hindi ka Weak. Kaya laban lang hanggang kaya." nagthumbs up pa ito. Napatungo nalang si Irene at binawi ang papers at sinubukan ulit magsagot.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!