TMA 21

Tutoring Ms. Aphrodite


"Wala na si Gigi, sana di nya tayo malimutan" sabi ni Yui. 


"Magpromise na tayo na hindi na tayo magaaway" sabi naman ni Renie. Agad itong sinangayunan ni Yui.

 

-end of flashback-

 



 

"Seulgi? Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Irene.


"May sumasakit ba sayo?" tanong naman ni Tzuyu.


"Wala naman naaalala ko lang yung mga kalaro ko noon sa inaasta nyong dalawa." napangiti si Seulgi habang inaalala si Renie at Yui.

 

"Tara kumain na tayo. Gutom na talaga ko. Maghapon ata akong tulog kahapon, wag na kayong magaway dalawa ah. Kakainin ko pareho tong dala nyo." sabi ni Seulgi habang kumakain. Napatango nalang ang dalawa at kumain narin.


"Hep! Okay na ko. Ako na ang maghuhugas. Wag na kayong magtalo na dalawa" pagsingit ni Seulgi sa dalawang nagaagawan sa pinggan.


"Bitaw na kasi. Baka mabinat pa si Seulgi e!" sabi ni Irene.


"I bet you dont even know how to wash the dishes" sagot ni Tzuyu.


"Papaalisin ko kayong dalawa pag di pa kayo nagkasundo" seryosong sabi ni Seulgi.


"Okay fine." "Sige na nga" sabay na sabi nilang dalawa. Ang cute nila, para silang mga bata na pinagalitan. Kinurot sila ni Seulgi sa kanilang mga pisngi.


"Nakoooooo, ang cute cute. Naaalala ko tuloy si Yui at si Renie sa inyo" habang pinanggigigilan ang pisngi ni Irene at Tzuyu. Nang mabanggit ni Seulgi ang mga pangalan na iyon. Biglang nagulat ang dalawang dalaga.


"Gigi?!" sabay nilang sabi. Nanlaki ang mga mata ni Seulgi. Ang tagal na simula ng tinawag sya non. Pero teka.. Ibig sabihin.. Sina Yui at Renie ay sina Tzuyu at Irene?!


"Yui? Renie?" mangha na mangha si Seulgi. How twisted. Nasa harap nya ngayon ang dalawa nyang kalaro sa playground noong bata pa sya.


"Oh gosh! Ang tagal kitang hinanap!" agad syang niyakap ni Tzuyu. Napaakap narin sya. Pero agad din syang hinila ni Irene. At inakap din sya nito. Nagulat sya. Eto na ata yung pinakamahigpit na akap na naramdaman nya mula kay Irene.
 

"Bat hindi mo sinabi sakin na ikaw si Gigi" bulong sakanya nito. Inakap din nya si Irene. Iba ang pakiramdam nya sa akap ni Tzuyu at sa akap ni Irene.


Bumibilis ang puso nya pag kasama nya si Tzuyu.. Pero pag si Irene, parang laging nagsskip ng beat. Naguguluhan sya. Nang kumalas ng akap si Irene ay bigla nitong hinarap si Tzuyu.


"Yui?" Inabot ni Irene ang kamay nya kay Tzuyu. Tinanggap naman ito ni Tzuyu.


"Renie" may ngiti sa mga labi ni Tzuyu. At ganon din kay Irene. Natuwa si Seulgi mukhang tinupad nga ng dalawa ang mga pangako nila sa isat isa noon.


Naging okay naman kasi talaga yung dalawa pagalis ni Seulgi. Pero hindi parin nawawala ang pagiging competitive nilang pareho, at nung nagmigrate na sina Tzuyu. Naiwan na lagi si Irene magisa. Si Yui at Gigi lang naman talaga ang kaibigan nya noong bata sya. Kaya ang laki ng naging impact nito sakanya. Pero ngayong nandito na ulit sa harap nya ang dalawa, ay hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya.

Nagkwentuhan pa sila at ng dumating si nanay Anita ay binalita ni Seulgi na nakita na nya ang dalawang pinakmamahal nyang mga kalaro noon. Nakisali narin ang nanay ni Seulgi sa kwentuhan, Mag aalas sais na ng gabi ng nagpaalam sina Irene at Tzuyu na uuwe na.


Habang nasa labasan na sila, hinarap ni Tzuyu si Irene.


"Its good to see you Renie." seryosong sabi ni Tzuyu.


"You too Yui." sagot naman ni Irene.


"Im going to be honest. I like Seulgi, I hope your not interested in her too?" tanong ni Tzuyu.

 

"I-im n-ot." maikling sagot ni Irene.

 

"Great! Im planning to tell Seulgi that I like her" usal pa ni Tzuyu. Hindi kumibo si Irene. Tinignan ito ni Tzuyu.


"Bat hanggang ngayon duwag ka parin?" mariin na tanong ni Tzuyu kay Irene. Umiwas ng tingin si Irene. Sa totoo lang hindi talaga sya sure sa nararamdaman nya. Alam nya kasi mahal nya pa si Bogum at baka kasi distrakted lang sya dahil laging andiyan si Seulgi.


"Ganyan ka rin noon." muling sabi ni Tzuyu.


"Binigyan na kita ng pagkakataon Irene. Pero hindi mo parin pala ginawa, ni hindi mo rin pala nasabi ang nararamdaman mo noon" sabi pa ni Tzuyu sakanya.


"Siguro ako talaga ang dapat na para sakanya" saad pa nito. Nagiisip na si Irene. Hindi talaga sya sigurado, pero nappressure sya. Tumingin sya kay Tzuyu.


"Wag kang magalala. Hindi ako interesado kay Seulgi. Andito lang ako bilang kaibigan nya. " Sabi ni Irene.


"Im just making sure Irene." sagot ni Tzuyu.


Tumango ito at umalis na. Andaming iniisip ni Irene at halo halo nanaman ang nararamdaman nya.


 





 

Umiiwas si Irene. Yun ang pakiramdam ni Seulgi, pag nagtututor sila ay tahimik lang ito at hindi na kagaya ng dati na madaldal.


"Okay ka lang ba? Gusto mo ba muna ng break?" tanong ni Seulgi. Tumango lang ito at lumabas ng library. Walang nagawa si Seulgi.


Kinabukasan ay nagulat nalang sya ng ipatawag sya ng dean nila para sabihin na nagpatransfer si Irene sa ibang tutor. Kailangan nya itong makausap. Hindi nya magets, hindi ba dapat mas maging okay sila kasi dati na silang magkakilala at alam nya na nagoopen na sakanya si Irene. Wala bang worth kay Irene yon?


Trinay nyang tawagan at itext to. Pero out of coverage, iniisip nya sinadya na maliin ang binigay na number ni Solar sakanya para hindi nya ito makausap. At kahit pumupunta sya sa classroom nito, ay para lang syang hangin na dadaanan ni Irene.


"Ano bang problema?!" pagmamakaawa ni Seulgi. Bored syang tinignan ni Irene.

 

"May nagawa nanaman ba ko na ayaw mo? Im sorry kung ano man yon" desperado na si Seulgi. Gabi gabi nalang nyang iniisip kung bakit bumalik nanaman sila sa dati. Kung bakit parang sa isang iglap hindi nanaman sya mahalaga kay Irene.

 

Nagdaan pa ang ilang araw, bumalik na sa dati ang lahat.


Hindi na pinilit ni Seulgi si Irene. At umiiwas narin sya.


Nasa minigarden sila ni Tzuyu, tahimik. Kalmado. Hinawakan ni Tzuyu ang kamay niya.


"Alam mo bang matagal ko ng gustong sabihin na gusto kita." sabi ni Tzuyu.


"Bata palang tayo. Alam ko na sa sarili ko na ikaw yung gusto ko." sabi pa nito. 


"Kung tatanungin ba kita ngayon kung may pagasa ako, masasagot mo?" tanong nito sa ngayon ay nakapikit na Seulgi.


Tumingin si Seulgi sakanya.


 


"Tzuyu, i like you too..."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!