TMA 38

Tutoring Ms. Aphrodite


Joy: nasan ka kanina?


Sweet Talker: huh?
 

Joy: bat wala ka kanina?


Sweet Talker: ah eh, may ginawa lang.
 

Joy: okay ka lang ba?
 

Sweet Talker: oo naman. May inasikaso lang talaga ko.
 

Joy: since wala ka kanina. change of plan pala tayo. next time mo nalang iexplain yang mga kachuchuan mo sakin.


Sweet Talker: bakit???
 

Joy: aabsent absent tas magtatanong!
 

Sweet Talker: pero sige okay lang din naman. It gives me more time.

 



 

Dumaan pa ang ilang araw. Busy si Seulgi at si Irene na naguusap sa minigarden.

 

"Hmm Irene?" pagkuha ni Seulgi sa atensyon ni Irene.

 

"Bakit?" sabi ni Irene, habang tinitignan si Seulgi. Kitang kita nya ang nyerbyos ni Seulgi.


"May sakit ka ba?" Inilagay ni Irene ang kanyang kamay sa noo at leeg ni Seulgi.

 

"Ah hehe, wala naman. May gagawin kaba this weekend?" mahinang tanong ni Seulgi. Tinignan sya ni Irene at kumunot ang noo nito dahil sa tanong.

 

"May lesson ba tayo sa weekend? Balak ko lang sana matulog maghapon or magcuddle lang tayong dalawa kung pupunta ka sa condo" sabi ni Irene.


"Pwedebatayomagdate?" Mabilis na sabi ni Seulgi. Sa sobrang bilis ng sabi ni Seulgi yung date lang ang naintindihan ni Irene.
 

"Ano sabi mo?" nakangiti nitong tanong kay Seulgi. Napapikit naman si Seulgi ulit. Bumuntong hininga sya at humugot ng lakas ng loob.


"Pwede ba kita maidate ngayong weekend?" tanong ulit ni Seulgi.


"Talaga ba, idedate mo ko??" halata sa boses ni Irene ang pag kabigla at parang.. Basta may iba. Pero pinawalang bahala ito ni Seulgi.


"Oo sana. Kung okay lang sayo."  sagot naman ni Seulgi.


"Oo-okay lang naman. San ba tayo pupunta?" nakangiting tanong ni Irene. Kita niya ang pag smile ni Seulgi na talaga naman nakakatunaw ng puso.


"Secret" mapanginis na sagot nito sakanya.

 

Buong maghapon silang nagaasaran dahil ayaw sabihin ni Seulgi kung san sila pupunta.


 




Friday


Setting: Park
Oras: 8:46 pm


 

"Ready na ba lahat?" tanong ni Tzuyu.
 

"Yes!!!" sagot ng apat na babae na kasama nya.


"Hoy mga es. Wait for me!" sigaw ni Yeri.


"Oh bat ka nandito" tanong ni Joy.


"Malamang kasama ko sa barkadang to. Edi dapat kasama ako. Ano bang tanong yan Joy" pabalang na sagot ni Yeri.


"Okay. May mga darating pa so wait lang tayo ng another 15mins." sabi ni Tzuyu.

 

Lahat nagulat ng dumating ang buong barkada ni Seulgi. Winelcome naman sila ni Tzuyu. Halata sa mukha ni Solar ang pagkabigla. Ngayon nalang kasi ulit nya makikita ng ganitong kalapit si MoonByul.


Agad lumapit si Jeong kay Nayeon para tignan kung may mga baon ba itong pagkain, at si Chae naman kay Mina.


Si Wendy naman nagmamasid lang, dahil kahit gustuhin nyang lapitan si Joy, hindi nya magawa dahil kasama nito si Yeri.


Si MoonByul ang naging savior ni Wendy. Inakbayan sya nito at sinabihan ng nakakatawa kaya nawala ang pagkabog ng dibdib nya. Mataman lang silang tinitignan ni Solar.

 

"Wait nalang natin yung dalawa?" sabi ni Mina.


"Yes. Dapat kanina pa pero, wala pang reply si Seulgi" sabi ni Tzuyu habang chinicheck nya ang kanyang phone.

 




Papunta na ko sa unit ni Irene ng makita ko sya na may kausap na lalaki. Nung una, para silang lovers naghaharutan, may dalang bulaklak ang lalake at ibinigay ito kay Irene, tinanggap naman nya ito. Nang may magbukas na pinto sa malapit sa kinatatayuan ko. Mabilis silang lumingon, nakita ko rin ang pagbawi ni Irene sa kamay ni Bogum. Nagwave si Irene sakin at pinalapit ako. Pagkalapit ko ay agad nyang hinila ang braso ko papunta sa tabi nya at kinausap muli si Bogum.

 

"Thank you sa flowers Bogum. Pero I think need mo nang tumigil sa panliligaw sakin." seryosong sabi ni Irene.


"Dahil sakanya?" tiimbagang na turo sakin ni Bogum.


"No. Dahil ayoko na" mariin na sabi ni Irene. Nagwalkout si Bogum na may halong galit ang kanyang mukha.


"Sorry kanina. Nabigla din ako nung pumunta sya e." Masuyong sabi ni Irene sakin.


"Okay lang. Ready kana?" tanong ko naman ulit sakanya.


Kinuha nito ang kanyang bagpack, inabot ko naman ito at ako na ang nagbitbit.


"Pinagdala mo ko ng pair ng damit, undies, shorts at tshirts. Anong meron? Magsswimming ba tayo?" excited na sabi ni Irene


"Nope. Wala akong sasabihin" sagot naman ni Seulgi, di naman natiis ni Irene na di sya paluin sa tiyan. Tawa lang sila ng tawa hanggang sa makarating sila sa park.

 


 

"Ang tagal nyo! 8:54 na!" sigaw ni Yeri


"Luh. Parang kakarating mo lang din naman. Bat makareklamo ka diyan" sagot ni Joy.


"BAT KAYO ANDITO?!" gulat na sabi ni Seulgi


"Ill explain, Irene put your things na sa coaster," agad na paglapit ni Tzuyu sa nagugulumihanan na si Seulgi.


"Tzuyu nung humingi ako ng pabor, sabi ko sasakyan lang. Bat andito buong tropa?" sabi ni Seulgi.


"Well naisip ko na first time ko rin kasing makakapunta sa ganon. So imbes na mabored ako ngayong weekend, I decided to invite them nalang din. Alam mo na, the more the merrier" pangungumbinsi ni Tzuyu kay Seulgi.


"Hmm okay. I guess masaya din naman pag kasama tropa." pagiisip ni Seulgi. Tinignan nya si Irene na maigi din silang pinagmamasdan ni Tzuyu.


"Tara na. Para naman makapahinga pa tayo pagdating" sabi ni Tzuyu. Agad naman syang tumango at nagtungo na sa mini bus nila Tzuyu.

 

Kanya kanya silang upo sa mini bus. Si Mina at Chae magkatabi. Si Nayeon nagsolo, pero agad din syang tinabihan ni Jeong. Si Joy, hila hila si Yeri, pero mabilis din umalis si Yeri, sabi nito mas gusto nyang magisa sa upuan. Si Solar, ay umaasa na tatabihan sya ni MoonByul pero kay Wendy ito tumabi. Si Tzuyu naman ay umupo sa bandang harapan. At si Irene at Seulgi ang mag katabi.

 

"Off to Pampanga na tayo" sabi ni Tzuyu sa driver.


"Pampanga?" baling ni Irene kay Seulgi. Tumango naman si Seulgi.

 

"Papakita ko sayo ang lahar" tawang tawa si Seulgi ng makita ang nakabusangot na mukha ni Irene. Agad din nya itong pinisil.


"Sana di mo ko dalhin sa cheap at boring na lugar" bulong ni Irene sa sarili nya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki 49 streak #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!