TMA 43 - part 2

Tutoring Ms. Aphrodite


Pauwe na ko ng naaninagan na nakaparada ang sasakyan nila Tzuyu malapit sa kanto namin. Dinalian ko ang lakad. Naabutan ko si Tzuyu na masinsinang kausap ang nanay. Nang makita ako ni nanay ay agad nyang binitawan ang pagkakahawak nya sa kamay ni Tzuyu.


"Tzuyu? Bakit ka andito gabi na ah" sabi ko habang nakatingin lang silang dalawa sakin.



"Ah. Dumaan lang sya anak. Pati nangangamusta" si nanay ang sumagot ng tanong ko. Kitang kita ko ang pag buntong hininga ni Tzuyu. Humarap ito sa akin.



"Oo nangamusta lang ako. Plus sinabihan ko narin si tita na mag la-La-Uñion tayo ng sembreak. Pumayag na sya" sabi ni Tzuyu. Malungkot ang mga mata nito. Parang may itinatago sya sakin.



"O sya, halina kayo. Pumasok na tayo sa loob. Dito kana mag hapunan Tzuyu." Aya ni nanay sa kanya.



"Wag na po tita. May..." pag tanggi ni Tzuyu. Agad ko rin pinutol ang kanyang pagsasalita

 


"Tara na. Baka mag tampo pa si nanay sayo." sabi ko sa kanya.

 


"Ha? Osige na nga." nakangiting sabi ni Tzuyu.

 


"Tawagin mo narin si Pogi at nang sumabay na sa atin" sigaw ni nanay mula sa kusina.



"Ako na tatawag. Pumunta kana don. Paki tulungan mo nalang si nanay. Baka tumakas ka pa e." baling ko kay Tzuyu. Tinanguan naman nya ako at dali dali kong tinawag ang driver ni Tzuyu.



Habang nasa hapag kainan kami napapansin ko na tahimik lang ang nanay. Hindi ko rin alam kung bakit ang awkward naming tatlo. Ang bilis naman kasing kumain ng driver ni Tzuyu. Sinubukan kong basagin ang katahimikan bumabalot samin.

 

"Tzuyu, bat ka pala nagpunta dito? May di ka ba nagets sa lessons?" sabi ko.


 

"Hmm. Wala naman. Nakita ko kasi si tita kanina sa may labas ng subdivision namin at.." sagot ni Tzuyu. Marahan nyang tiningnan si nanay at bumaling sakin.



"Nakita nya ko. At naisipan nya kong ihatid dito para daw hindi na ko mahirapan sumakay. At dahil nga pinagpapaalam ka nya papunta sa La Uñion. Hindi ba Tzuyu?" maang sagot ni nanay. Tumango lang si Tzuyu at nagpatuloy na ulit kami sa pagkain.



Nang matapos kami ay hinatid ko na si Tzuyu sa labas.



"Umamin na ko kay Irene na mahal ko sya." sabi ko sa kanya.

 

"Oh? Anong sabi nya?" tanong nito sakin.

 

Napabuntong hininga ako.

 



 


-flashback-

 


"Mahal kita Irene" sabi ko sakanya. Kitang kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.

 

"Ma.. Mahal mo din ba ako?" Mahina kong tanong sa babaeng kaharap ko ngayon. Iniintay ko syang sumagot. Tila ba ang lalim ng iniisip nya.

 

"Seul, kasi.." hindi pa nya natatapos ang pagsasalita nya, ay inakap ko na sya.

 

"Alam ko hindi kapa ready. Naguguluhan kapa. Hindi mo naman kailangan sagutin ngayon.." akap ko pa rin sya.

 

"Seul, maantay mo ba ko? I mean alam ko naman na papunta narin dun yung feelings ko pero.. kasi.." sagot nya.

 

"Makakarating ka naman diba? Kahit gano katagal aantayin kita." sabi ko at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya.

 

-end of flashback-

 



 

"Swerte ni Irene sayo." sabi ni Tzuyu sakin.

 

"Swerte rin naman ako sakanya. Alam ko medyo magulo lang talaga sitwasyon namin ngayon. Pero nararamdaman ko naman na masusuklian din nya yung nararamdaman ko para sakanya." buong tiwala kong sabi kay Tzuyu.



"Sana all" pangaasar ni Tzuyu.


 

"Heh! Umuwi kana nga. Wala kang naidulot sa kwento ko. Puro hmm lang sagot mo" pabiro kong pagtulak sakanya.


 

"Ako nalang mahalin mo. Sasagutin kita agad ngayon" patuloy nyang pangaasar.


 

"Sus. Deds ka nanaman sakin." baling ko dito. Nagulat ako ng bigla syang tumawa ng pagkalakas lakas. Pati tuloy mga bumibili ng isaw sa kanto namin naglingunan saming dalawa.


 

"Oh my gosh Gi! You're so cute talaga." Pinisil pa nya ang pisngi ko. Anyayare sa babaeng to. Wala naman nakakatawa sa sinabi ko. Sinimangutan ko sya.


 

"Anyway, I better go na." tatawa tawa parin nyang sabi.


 

"Oh sya. mag ingat ka." sabi ko.


 

"Magiingat ako kasi baka mahalin mo rin ako?" Banat nito sakin.

 


"Ay nako. Sige na sige na. Banat pa." Pinagtutulakan ko na sya sa may sasakyan nila.


 

"I'm serious Seulgi. You know na mahal din kita diba? Ill even wait for you if you'd ask me to." confident nyang sabi.



"Tzuyu." pagbabanta ko.

 


"Basta. Mas maigi narin na alam mo yon. You can always lean on me." Sabi nito pagkaupo nya sa kotse.

 


"Thank you Tzuyu." nahihiya kong sagot.

 


"Good night Seulgi. See you tomorrow!" pagpapaalam nito sakin habang kumakaway.

 

Kumaway nalang din ako at natawa nang nag flying kiss pa ito. Iiling iling nalang akong bumalik ng bahay.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!