TMA 22

Tutoring Ms. Aphrodite


Sabado

Setting: Condo ni Solar

Oras: 7:35 am

 




Nagluluto si Solar ng umagahan nila ni MoonByul. Dito kasi ulit ito umuwe galing practice.


"Yongko" akap sakanya ni MoonByul. Nagulat pa sya dahil ang alam nya ay tulog pa ito.


"Hmm? Ginugulat mo nanaman ako" sagot sakanya ni Solar habang binabaliktad ang pancakes.

 

"Ambango ng pancake mo" bulong ni MoonByul sakanya sabay halik sa balikat.

 

"Parang ambastos nong dating" tatawa tawang sabi ni Solar.


"Talaga naman ambango at ang sarap ng pancake mo." mas hinigpitan ni MoonByul ang pagkakaakap kay Solar. Tumawa nalang si Solar sa sinabi nito.


"Alam mo bang mahal na mahal kita?" seryosong sabi ni MoonByul.


"Parang hindi naman" birong sabi ni Solar habang pinapatay ang kalan.


"Seryoso ako. Mahal na mahal kita." usap sakanya ni MoonByul.
 

"Anong meron? May kasalanan ka ba?" Harap ni Solar sa nakabackhug sakanya. Isiniksik ni MoonByul ang kanyang mukha sa leeg ni Solar. Inakap naman sya ni Solar at hinalikan ito sa noo.


"Kain na tayo?" alok ni Solar sakanya. Naghum lang si MoonByul as response. Naghain na sila at nagsalo na sa pagkain.


May something ngayon, yun ang pakiramdam ni MoonByul. Pakiramdam nya may mangyayare na hindi maganda. Kaya as soon as nagising sya, hinanap nya agad si Solar at niyakap ito. Natatakot sya na baka mawala si Solar sakanya.

 

"Byulko, ayaw mo ba ng pagkain? Kanina kapa off" mahinahon na usap sakanya ni Solar.

 

"Hmm? Hindi. Nanaginip kasi ako." saad ni MoonByul.

 

"Pakiramdam mo ba panaginip parin to?" sabi naman ni Solar.

 

"Hindi, naaalala mo ba nung first year palang tayo. Galit na galit ka sakin kasi akala mo sinilipan kita." natawa ng malakas si MoonByul.

 

"Bat ka kasi nandon?!" singhal ni Solar sakanya.

 

"Pero eventually naman nasuyo kita. Salamat kasi binigyan moko ng chance." suyo ni MoonByul sa kanyang nobya.
 

"Yongko, mahal mo naman ako diba?" Nakayuko ngayon si MoonByul na nagaantay ng sagot ni Solar.


"Oo naman ano bang klaseng tanong yan" agad na sagot ni Solar.

 

"Kumain na muna tayo tas tsaka tayo magmovie marathon? Or gusto mong maggala sa mall?" sunod na tanong ni Solar.

 

"Magmovie marathon nalang tayo muna?" sabi naman ni MoonByul.

 

Nang matapos silang kumain ay nagring ang phone ni Solar. Sinagot nya ito. Tinignan lang sya ni MoonByul kahit pa abala sya sa paghugas ng pinggan. Sinenyasan sya ni Solar na pupunta muna sya sa kwarto. Tumango lang si MoonByul at nagpatuloy na sakanyang ginagawa. Nagiisip si MoonByul, never pa syang dumaplis sa mga hinala nya. May mangyayare ngayon o sa mga susunod na araw na hindi nya gusto. Ganyan kasi yung pakiramdam nya nung nawala ang mga magulang nya dahil sa aksidente.


Naulila sya pagkagraduate nya ng elementarya. Paluwas na papuntang probinsya ang kanyang mga magulang ng ang sinasakyan nitong van ay bumangga.
 

Hindi nya maiwasan hindi magisip. She tried to shrugged it off. Pero andon parin. Baka need nya lang talaga ng distraction. Naalala nya kagabi, tinext sya ni Seulgi. Sa tinagal nyang kaibigan si Seulgi, ngayon lang ito nagkwento about sa buhay pagibig neto. Kaya hindi nya alam kung matutuwa ba sya o malulungkot. Napatigil ang kanyang pagmumuni muni ng may nagdoorbell sa pinto ni Solar.

Nasa harap nya ngayon ang isang babae na may edad na pero hawig ni Solar at si Eric, ang dating nobyo ni Solar. Kilala ni MoonByul ang babaeng ito. Sya ang ina ni Solar, metikulosa, at ang sabi ni Solar noon, ay homophobic ito.

 

Nagbow sya, dirediretsong pumasok ang mga ito. Tamang taman naman ang paglabas ni Solar galing kwarto.


"Byulko, tara na?" napatingin sya sa mga tao sa kanyang sala.

 

"Ma-Ma?! Kailan kapa umuwe?" Akap nito kay Solar at halik sa pisngi nito.

 

"Iha, sino ang babaeng yan?" turo nito kay MoonByul. Hindi naman nageexpect si MoonByul na aamin si Solar pero hindi rin nya iniexpect yung sinabi ni Solar sa kanyang ina.

 

"Ah. Kagroupmate ko ma. Nakitulog lang. Sya si MoonByul. Malayo kasi bahay nila" mabilis na sagot ni Solar. Napapikit lang si MoonByul. Nagsalita ulit ang nanay ni Solar.


"Pwede kana sigurong umuwe? Tapos naman na siguro ang dapat nyong gawin ng anak ko?" mariing sabi ng nanay ni Solar. Napatango lang sya. At kinuha ang gamit nya. Tinignan nya si Solar at matipid sya nitong nginitian. Nagpaalam sya sa mga ito, pero hindi na sya pinansin.


Nang makalabas sya ng pinto, narinig nya ang nanay ni Solar.


"Ayoko nang makita ang babaeng yon." napabuntong hininga sya.

 

Tinawagan nya sila Wendy. Kailangan nya ng kausap.

 

Nagkita kita silang magbabarkada. Si Seulgi at Tzuyu ay magkasama. Si Wendy, si Chaeyoung at si Mina. Wala si Jeongyeon. Napagkwentuhan nila ang nangyare. Mabuti ito at naaaliw sya.

 



 

 

"YongSun, nasabi sakin ni Eric na hindi mo daw sya pinakiharapan nung una syang pumunta dito?" sabi ng kanyang mama.

 

"Ah tita. Dumating kasi si MoonByul noon" sabat naman ni Eric.


"May project kami. Wala ka namang maitutulong kaya pinaalis kita" masunget na sabi ni Solar.


"YongSun! Ganyan ka bang makipagusap sa fiance mo?!" saway ng kanyang mama.

 

"Fiance?! Matagal na kaming hiwalay ni Eric ma!" mariin na sagot ni Solar.

 

"Nonsense Iha! Sinabi sakin ni Eric na nagkaron lang kayo ng kaunting pagtatalo pero hindi kayo hiwalay. Hindi ba Eric?" tanong nito sa binata.

 

"Opo tita. Alam nyo naman si Solar, gusto nagpapakipot" biro ng binata. Napaismid si Solar. Hindi nya gusto to.

 

"Ah tita, labas po muna ko. May tumatawag po sa phone. Business." Sabi ni Eric at lumabas ito ng condo unit.

 

Nagdilim ang mukha ng mama ni Yongsun at seryoso syang hinarap.


"Hiwalayan mo ang babaeng yon YongSun. Alam ko nang nobya mo ang babaeng nandito kanina. Hindi ako papayag na magkaron ng anak na kagaya mo. Itatakwil kita pag ipinagpatuloy mo pa ito." maawtoridad na sabi ng kanyang mama.

 

Naiiyak sya. Alam nyang nagsumbong si Eric. Ang hindi nya maintindihan ay bakit ayaw nalang syang hayaan ng kanyang mama.
 

"Alam mo na ang dapat gawin YongSun" seryosong dagdag nito.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!