TMA 27

Tutoring Ms. Aphrodite


"Tzuyu.. I-" hindi ko na natuloy ang sinabi ko, dahil bigla nya akong hinalikan.


"Alam ko naman na hindi ako yung gusto mo, at kahit sabihin natin na gusto moko, alam ko rin na may mas matimbang sakin" dagdag ni Tzuyu.


Magkadikit ang mga noo namin ni Tzuyu. Nagpapakiramdaman kami. Walang may gustong kumalas at magtaas ng mukha saming dalawa, kaya nagpatuloy sya..


"Naalala mo ba nung mga bata pa tayo? Sabi mo noon, si Renie ang prinsesa mo, ramdam ko naman na hanggang ngayon sya parin" saad nya pa.


Tinignan nya ko, may mga luha na umagos sa kanyang magandang mukha, hindi ko napigilan ang sarili ko, pinunasan ko ito,


"Im so sorry Tzuyu." mahinang sagot ko.

 

"Dont be. Sa minigarden palang sinabi mo na sakin ang dapat kong malaman. I just want to thank you Gi, kasi youve tried. I know you did. But, I guess hindi talaga ako yung pipiliin mo." nginitian nya ako, ngiti na alam kong may halo parin ng sakit. Kung sana si Tzuyu nalang yung nagustuhan ko. Edi sana, hindi ko sya nasasaktan ng ganito.
 

"Nagpaparaya na ko. Kagaya noon, gagawin ko ulit. Makita lang kitang masaya. Kung hihilingin mo, kahit masakit. Gagawin ko para sayo. Ganon kita kamahal Gi." seryosong sabi nya saakin.

 

"Thank you Tzuyu." Hinalikan ko sya sa pisngi, at inakap. Gumaan ang pakiramdam ko. Nung nasa minigarden palang sinabi ko na sakanya na gusto ko rin sya, pero hindi sapat para mahalin. Wala naman daw masama, mas maigi nga daw na hindi ko sya pinaasa. Sabi pa ni Tzuyu sakin, sya na daw ang gagawa ng paraan para marealize ko at para masort ko yung feelings ko.


 Im still thankful that I have her in my life. Na naging mabuti syang kaibigan. Alam ko rin na may mahahanap sya ng taong kayang suklian ang pagibig na kaya nyang ibigay.

 

"Sundan mo na sya. Tumakbo sya kanina nung nakita nyang hinalikan kita, mukhang gumana ata yung plano ko, for sure makakaamin na yon ngayon" nakangiti na sabi ni Tzuyu.


"Pero, pano ka?" nagaalala kong tanong sakanya.
 

"Go na, ill be fine, andyan naman sila Joy, I think I can manage." pagtulak nya pa sakin.

 

Agad kong sinundan ang dalagang tumatakbo palabas ng venue. Halata sa mga galaw nya na nagmamadali sya. Tumakbo ako para maabutan sya. Tsaka ko sya tinawag.

 

"Prinsesa!" sigaw ko, tumigil sya at umikot para harapin ako. Kitang kita ko ang mga mugto nyang mata, kung pano naguunahan ang mga luha na mula dito. Nilapitan ko si Irene, hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.

 

"Bakit ka umiiyak?" tinanong ko sya. Kitang kita ko kung pano nya inihilig ang kanyang mukha sa aking mga palad at kung paano sya pumikit. Inakap ko sya. Binulungan ko na magiging okay ang lahat. Inakap nya ko, akap na parang ayaw nya kong pakawalan.

 

"Ikaw yung gusto ko Irene, ikaw lang" sabi ko ng puno ng pagmamahal. Tinignan nya ko, kagat nya ang kanyang labi, nagiisip siguro sya kung totoo ang mga sinasabi ko.


"Wag mokong pagtripan Seulgi, alam kong si Tzuyu ang gusto mo." Agad syang bumitaw at naglakad nanaman palayo. Hinabol ko ulit sya at muling kinulong saking mga bisig. Pero pinagtutulakan nya ko.


"Baka magalit ang girlfriend mo! Bitawan mo ko" sabi nya. Agad ko syang hinalikan sa labi. Nakita ko ang mga mata nya na unti unti nya ring ipinikit.

 




 

This feeling, hindi ko pa to naramdaman kahit kay Bogum. The way Seulgi's lips meets mine. Pakiramdam ko nasa ulap ako. Sabay kaming bumitaw, hinahabol ang aming mga hininga. Nakita ko ang mapungay nyang mga mata. I just couldnt resist to claim her lips, and so I did. Pinanggigilan ko narin ang lower lip nya.


"Aray ko naman" nakapout na angal nya.

 

Hinawakan nya ko sa bewang, at inilapit nya pa sakin ang katawan nya.

 

"I really really like you Irene" paguulit nya. Tinignan ko ulit sya. Hinawi nya ang mga munting buhok na tumatabing sa aking mukha. Hinalikan nya ako sa noo pababa sa aking ilong. Inaantay ko na halikan nya ako ulit sa labi pero hindi nya yon ginawa. Bagkus, hinawakan nya ulit ako sa mukha, habang ako ay tuluyan ng nakaakap sakanya.


"Alam ko naguguluhan ka pa. Bago rin to sakin to noon. Nakakatakot. Kasi baka mamaya ipagtabuyan moko, pero im taking my chances. Aantayin kita hanggang sa ready kana." sabi ni Seulgi. Kitang kita ko ang sensiridad nya.
 

"Pero bakit sabi mo gusto mo rin si Tzuyu? Narinig ko kayo sa minigarden at--" she kissed me once more, this time mas mapusok, I kissed her back with the same intensity she's giving me. And when we stopped.. She puts my hand infront of her chest, sa may puso.
 

"Sinabi ko kasi gusto ko naman talaga si Tzuyu bilang kaibigan lang. Pero itong puso ko, ikaw yung gusto" seryosong sabi nya.


"Seulgi, ayoko sanang madaliin, alam mo naman na kakagaling ko lang sa break up. Pero gusto ko lang din na malaman mo na gusto kita, na nagseselos ako pag kasama mo si Tzuyu, na akala ko sya yung gusto mo, na nakita ko na hinalikan ka nya, parang dinudurog ang puso ko sa sakit." seryosong sabi ko sakanya. Inakap nya ko ulit. Naririnig ko na ng tibok ng puso namin dalawa.

 

"We'll take things slow. Kung hindi ka ready. As what I've said, aantayin kita. Pero itong nararamdaman ko para sayo. Totoo to." sabi niya ulit sakin.

 

"Yes, we'll take things slow. And yes, gusto din talaga kita Seulgi" nakangiti kong sabi sakanya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!