TMA 39

Tutoring Ms. Aphrodite


Mag aalas dose ng madaling araw narin ng makarating kami sa Pampanga. Naipit din kami sa bad traffic, mukhang marami ang dadalo sa event ngayong taon. Isama mo pa ang panaka naka naming pag stop over dahil medyo malamig ay madaming gustong pumunta ng restroom. Sulit naman ang byahe, kumportable kami dahil sobrang spacious nung coaster nila Tzuyu. May tv, dvd, vcd, vhs at may karaoke system pa ata sa coaster na yon. Tahimik lang din kami ni Irene. Siguro napagod sya, hindi sya naka pasok kahapon, sabi nya andami daw inutos ng daddy nya sakanya at kanina naghalfday lang sya, para daw makapaghanda sya ng dadalhin nya at first date daw namin ito.

 

"Wow. Ang yaman nyo pala talaga Tzuyu, ang ganda ng bahay bakasyunan nyo dito" manghang mangha na sabi ni MoonByul.

 

"My mom used to live here bago sya nameet ni papa sa Manila" sagot ni Tzuyu.



"Wow. Sino na nakatira dito?" pagusisa naman ni Wendy.

 

"Yung pinsan ko si SanChai" sabi ni Tzuyu.

 

Pinakilala kami ni Tzuyu sa mga pinsan nya. Napatunganga si MoonByul nung makita nya ang loob ng bahay. Sobrang ganda daw kasi. Parang galing sa magazine.

 

"Jusko Tzuyu, high ceiling, wide living room... Ang ganda ganda. Itira mo naman ako dito kahit isang taon lang" pagsunod pa ni MoonByul.

 

"Edi wag kana sumama paguwe samin. Dito ka nalang" mariin naman na sagot ni Solar.

 

"Ikaw ba si Tzuyu?" pabalang na sagot ni MoonByul. May tensyon sa pagitan ni MoonByul at Solar. Nagpapalit palit lang kami ng tingin. Lahat kami napalingon ng biglang sumigaw si Wendy.

 

"Whoa! May grand piano kayo?!" excited na sabi ni Wendy.

 

"Ah yes. Sa grandmother ko, do you want to play?" sagot at tanong ni Tzuyu.

 

 "Oo sige, patry, gitara nalang kasi natutugtog ko ngayon" umupo si Wendy at inilagay nito ang kanyang mga daliri sa tiklado. Maganda ang itnugtog ni Wendy, lahat kami napapalakpak.

 

"Bat hindi ka tumutogtog sa school?" manghang tanong ni Joy. Kita ko na nagulat si Wendy sa biglang tanong ni Joy. Kaya sinalo ko na ang bestfriend ko.

 

"Ah kasi more on singing talaga sya, wala syang mapapagpraktisang piano, di ba Wendy?" sagot ko. Agad naman tumango si Wendy.

 

Kanya kanya na kaming punta sa kwarto, inaya naman kaming kumain nila Tzuyu pero mas pinili naming matulog nalang.


"Wait sino katabi kong matulog?" tanong ni MoonByul.
 

"Kami ni Bhie ang magkatabi" sabi ni Chae.
 

"Ako at si Yeri" sabi ni Joy. Agad umangal si Yeri.

 

"Ayoko. Bubwisitin mo lang ako, ke Solar ako sasama or kay Nayeon" agad na sabi ni Yeri.


"Ako nalang katabi mo pwede?" tanong ni Jeong kay Nayeon. Lumingon kaming lahat.


"Wait. Draw lots kung sino magiging magkatabi" sabi ni Wendy.


"Actually, hindi na need yon. Dun tayong lahat matutulog sa living room" biglang sabi ni Tzuyu. Nagangalan naman sila Solar at Irene
 

"Bakit??? Wala bang kwarto tong mansyon nyo?" tanong ni Solar.


"Meron kaso mas kasya tayong lahat dito. Kesa magaway away kayo" sagot pa ni Tzuyu.
 

"Game ako diyan." sagot ni Jeong.
 

"Ako din. Basta malambot yung kutson" sabi ni Chae.

 

Lahat naman kami wala ng nagawa. Nagset up yung mga maids nila.Tzuyu ng tulugan. And in all fairness, kasya nga kaming lahat. Patulog na sana ako nung bigla akong kinalabit ni Irene.

 

"Seulgi?" Mahinang tawag nya sakin.

 

"Hmm?" humarap ako sakanya. Kita ko ang namumungay nyang mga mata. Umurong sya palapit sakin at inakap ako. Inakap ko rin sya at nag good night na kami sa isa't isa.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Anong oras na ba at bakit ang ingay? Bumungad sakin ang natutulog na mukha ni Seulgi. Ganito rin kaya ang naramdaman nya nung unang beses kaming nagtabi matulog? Kahit kasi pag masdan ko lang sya mag hapon mag damag ay okay lang. She look so peaceful. Aaminin ko, pag akap ako ni Seulgi, sobrang himbing ng tulog ko. I feel safe sa akap nya, never ko tong naramdaman kay Bogum.

 

"Ang cute ko ba matulog?" sabi ni Seulgi habang nakapikit pa ito.
 

"Nyeh. Ang lakas ng loob. Haha" sagot ko naman sakanya.
 

"Good morning Irene" sabi ni Seulgi. At nag inat na ito.


Bago pa ko makasagot ay narinig na namin sila Solar na tinatawag na kami para mag almusal.


"Mga sleeping beauty, gising na. Kayong dalawa nalang ang nakahiga diyan. Kakain na tayo" pang aasar ni Joy.


"Sunod kami" saad ko naman. Nauna akong mag morning routine pag tapos ay si Seulgi naman. Pagka punta namin sa dining ay bumungad samin ang napaka daming pagkain. Nagsisimula na si Yeri at si Jeong, habang yung iba ay kami ata ang inaantay. First time ko nanaman to kung tutuusin, usually kasi hindi ako naaappeal-an sa silog food. Pero sabi ni Seulgi masarap daw. Ganon pala yung lasa ng tocino at longganisa. Napakasarap.


Matapos ang nakakabusog naming almusal ay naghanda na kami papunta sa Angeles. Ay tinour muna kami ng pinsan ni Tzuyu na si SanChai, bubbly sya and sabi nya masaya daw dun sa pupuntahan namin pero mas maigi daw na hapon nalang kami pumunta para mas maenjoy namin. Halatang mga excited tong kasama ko. Ako nalang ata ang hindi nakakaalam kung san at anong event meron. 

 

"Irene. Okay ka lang?" tanong sakin ni Seulgi.


"Oo nag space out lang ako ng konti" saad ko naman

 

Mag aalas onse na ay pumunta kami sa korean town at don kami kumain. Sangyupsal Sangyupsal Sangyupsal. Unlimited lahat sulit na sulit pag madami kaming kakain.



"Im so full! Yeri buhatin mo ko" sabi ni Joy


"Luh. Parang tanga. Mas malaki ka sakin. Ibig sabihin non mas mabigat ka" pambabara ni Yeri.


Kita ko rin ang pagkakasundo nila Nayeon at Jeong, pati sila Mina. Tanging ang awkward lang ay si Solar at MoonByul.


"Seulgi, nag kwento na ba sayo si MoonByul?" tanong ko sa katabi ko.


"Oo. Pero pag tinatanong ulit namin sya sabi nya okay naman na daw sya." sagot naman nito sakin. Tumango nalang ako at itinuon ko ang aking pansin sa kapaligiran ko. Nagulat ako ng hawakan ni Seulgi ang kamay ko.

 

"Hahawakan kita kasi ayokong mawala ka" sabi nito sakin. Nginitian nya ako and nagpatuloy na kami sa paglibot sa bayan ng Angeles.


Nang malapit ng maghapon ay nagtungo na kami sa sinasabi nilang lugar. Halata talaga sakanila na excited sila. Ang nakakaasar lang sa date namin nitong si Seulgi eh, napaka lihim nya. Magugulat ka nalang sa mga gagawin nya para sayo.


Bandang alas kwatro ng hapon, nakarating kami sa Clark. Andaming hot air balloon. At medyo maraming tao. Namamangha ako. Andito siguro kami para sa sight seeing, nang bigla akong hilahin ni Seulgi papalapit sa mga ito.

 

"Teka. San tayo pupunta" sabi ko habang pinipigilan ko si Seulgi sa pagkaladkad sakin.


"Susunod na tayo sa sasakay" sabi naman nito sakin.


"Ah yun naman pala e---! What?! Anong sasakay sinasabi mo? Ayokong sumakay dian! May fear ako sa heights! No way. Ikaw nalang mag isa. Bahala ka dian" akmamg magwa walk out na ko ng pinigilan ako ni Seulgi.


"I saved a lot para mabili ung ticket. Kahit ngayon lang, try lang natin." pangungumbinsi ni Seulgi


"Ang taas nyan! Pano pag bumagsak yan?! Or kung saan tayo mapadpad?! Pag nawalan bigla ng hangin?!" hesterikal na sabi ko.


"Safe yan, they've been doing this for years na. I really wanted to try this with you" sabi nya pa. Ewan ko ba kung papaano nya ko napapayag. Ang alam ko nalang ay naghahanda na ang driver ng hot air balloon na sasakyan namin at sobrang kapit ko kay Seulgi, na parang mahuhulog ako pag bumitaw ako sakanya. All through out ng pag panik namin sa himpapawid ay nakapikit ako na nakaakap kay Seulgi. Narinig ko nalang tumawa ang loko.

 

"Pano mo makikita yung view kung nakapikit ka. Dilat kana, sobrang ganda ng tanawin" sabi nito sakin. Unti onti kong idinilat ang aking mga mata, ang ganda nga ng tanawin.


Madaming mga hot air balloons na kasabay na lumilipad, kitang kita ko rin ang magandang tanawin ng pag lubog ng araw. Kagaya ng sa Moa, pero this time mas sentimental.

 

Malamig ang hangin, kita ko ang paglubog ng araw. Napangiti ako, nageffort si Seulgi na gawin to para sakin, humarap ako sakanya, hinawakan ko ang kanyang kamay.


"Seulgi, Ang ganda. I feel so free" tugon ko.


Seulgi smiled at me, her eyes turning into crescents, as she intertwined our hands and pressed a soft kiss on it. Her words pierced my heart.


"I never really thought I'd be here you know, in Pampanga, much more with the person I like. I never thought of the things that's happening right now, but I'm glad it happened. You were an unexpected surprise, and you were something that I wouldn't have chosen but now you're someone I never want to lose. You're the best thing I never knew I needed, Irene."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!