TMA 4

Tutoring Ms. Aphrodite


"Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo kaya? Mali ata talaga tong pagpayag ko sa gusto nila Dean. Maling mali." hanggang ngayon napapaisip parin ako sa sinabi nya. Andito na ko sa tapat ng aming classroom. Nakita ko narin si Wendy sa loob at nagsusulat. Dali dali ko syang nilapitan.

 

"Wan!" tawag ko sakanya. Bigla nyang itinago ang kanyang sinusulat sa kanyang bag. At ackward na ngumiti sakin.


"Ano yon? May assignment pa ba tayo? Mukhang seryoso ka kasi sa pagsusulat kanina." tanong ko sakanya. Kita ko na para syang namula.


 

"Uhm wala naman. Gusto ko lang gumawa ng reviewer? Ah oo. Notes. Alam mo naman malapit na ang midterms" ninenerbyos sya. Halata sa boses nya na hindi sya nagsasabi ng totoo. Pero hindi ko nalang ito pinansin. Hinayaan ko nalang sya. Isa si Wendy sa pinakamatalik kong kaibigan, kaya alam ko na kapag hindi pa sya ready sabihin, hindi dapat pinipilit. Nagkukusa naman kasi sya. Lima kaming magkakabarkada, ako, si Wendy, si Byul, si Chae at si Jeong.

 

Yung dalawa samin, nasa ibang school at paminsan minsan dinadalaw kami dito. Magkakaklase kami since elementary. Alam na namin ang ayaw at gusto ng bawat isa. Sa aming lima, 3 silang attracted sa babae. Kami nalang ata ni Wendy ang hindi. 

 


Mabilis natapos ang pangumaga naming klase, lunch break ngayon. Hahanapin ko pa nga pala si MGL. Nagpaalam ako kay Wendy at tinahak ang accountancy department. Hinanap ko ang room ng bruha. At nung nakita ko na, dahan dahan ko itong sinilip. Walang tao sa classroom? Mali ba ko ng pinasok? Pero sabi sa schedule, ngayon palang dapat matatapos ang subject nya.


"What are you doing here?" kilala ko ang boses na yon. Napastraight ako ng tayo. Okay Seulgi. Kompidens. Tandaan mo yung prinaktis mo kanina. Humarap ako sakanya at tinignan ko sya. Opo. Tinignan ko na po. Di na ko takot. Kompidens!! 


"Ah-kkaa-kasse. Kwan, ano.. Yung sa tutoring nga" nautal nanaman ako. Asan yung kompidens?!


"Hmm…" sinusuri nya ako ng tingin nya. Napalunok nalang ako ng bigla nyang nilapit ang kanyang mukha.


"Ill set the rules bago tayo magsimula. At dapat sumangayon ka" bossy. Napaka bossy. Well, hindi ako magbaback down.


"Uhm oo ssii-ge, ppero kailangan pareho tayong sasangayon sa mga rules mo na yan" mahina kong sagot. Inabutan nya ako ng bond paper.


"Ano to? Kontrata?" tanong ko sakanya habang binabasa ko nakasuat sa papel.


"Yes, you need to sign it." Bored nyang sagot.


"Teka. Kelangan ko muna tong basahin. Ayokong pumirma ng basta basta. Baka mamaya sinasanla ko na pala ang bahay namin sa inyo di ko pa alam." sinuri kong maigi ang laman ng papel. Puro pabor sakanya.


"Hindi ko pipirmahan yan, puro pabor sayo yan e. Walang pabor sakin. Kita mo tong no. 7 sa rules mo! Pag nagutom ka ako ang dapat bumili ng pagkain?!" matigas kong sagot habang binabalik ang papel sakanya.


"Well kung ayaw mo, magpaalam ka narin sa scholarship mo." Nakasmirk ang bruha. Akala naman nya wala akong weapon na magagamit sakanya.


"Edi maggoodbye ka narin sa mga luho mo." Nakita ko na napanganga sya sa sinagot ko sakanya, mabilis din nyang isinara ang kanyang bibig.


"Revised natin yung kontrata mo. Dapat patas tayo. Pareho naman tayong magbebenifit. Ikaw papasa, at ako magkakaextrang time para makatulong sa nanay ko. Win win. Kaya please. Pumayag kana." nauubos na ang kombinsing powers ko sa babaeng to. Tinignan ko sya, na para bang ang lalim ng iniisip.


"K" sa dami ng sinabi ko. Yan lang ang isinagot nya! What a waste of oxygen. Pero atleast pumayag na sya. Bago ako tuluyan umalis, inabot ko sakanya ang sandwich na gawa ni nanay. Nagulat siguro sya.


"Pinapabigay ni nanay. Masarap yan. Promise. Osya aalis na ko. Mamaya ah. Sa library. Left wing, pinaka dulong upuan. Aantayin kita" sabi ko sakanya. bago ako tumalikod, nakita ko ata syang tipid na ngumiti? Nagulat ako ng kinalabit nya ko at nagsabi ng "Thanks". Tumango nalang ako at naglakad palayo.

 

**

 

3rd Person POV

 

Mini Garden (School - 3pm)

 


"Oh my gosh! Malas ka! Dont come any closer!!!" maririnig na nagtatalo si Irene at Seulgi.


"Hoy anong malas! Ikaw tong bumangga sakin, kita mo, natapon yung peanut butter sandwich ko, tsk. Pahirapan nanaman akong magkusot neto e." medyo malakas na boses ni Seulgi.


"If you were not that clumsy hindi mo sana matatapon yang sandwich mo sa damit mo, tsaka usapan kasi aantayin mo nalang ako sa library, bat moko sinundo and dun kapa talaga kumakain sa may hallway, kaya ka nababangga e!" depensa ni Irene.


"Gutom ako. Hindi ako nakapaglunch kasi hinanap kita kanina. Baka kasi taguan mo nanaman ako." Mahinang sagot ni Seulgi.

 


Hindi na sumagot si Irene. Hindi nya rin alam kung bat nakakaramdam sya ng guilt. Dapat naman kasi talaga ay tatakbuhan nya ulit ito at hindi dapat sya sisipot sa usapan. Pero kasi tinext sya ni Bogum at pinapaalala ang pustahan nila. Kaya wala syang choice. Ayaw nyang matalo. Pagkakitang pagkakita nya kay Seulgi, binangga nya ito, agad na nabitawan ni Seulgi ang sandwich at dumiretso ito sa kanyang puting polo. Imbes na magsorry, agad lumayo si Irene at sinabi na ayaw nya na ganon ang itsura ng magtututor sakanya. Nakakadiri kasing tignan, isipin mo nalang yung kulay ng peanut butter ni Aling tekla na malabnaw, na umaagos sa puti mong polo. May point naman talaga si Irene.

 


"Kung ayaw mo sa library. Dito nalang tayo. Atleast maganda simoy ng hangin. Tsaka mas maaliwalas yung kapaligiran. Wag mo nalang tignan yung damit ko para di ka mandiri" seryosong usap ni Seulgi kay Irene.

 


"Tara dito. Malinis dito sa pwestong to. Dito kami ni Wendy madalas tumatambay" tinapik tapik pa ni Seulgi ang bench na inuupuan nya. Sumunod naman si Irene.


"Okay, may kontrata ka kanina diba, yun na muna ang gawin natin. Dapat pareho tayong may copy pareho. Baka kasi dagdag bawas ka" saad ni Seulgi habang kumukuha ng papel sa kanyang bag.


"Excuse me?! Are you accusing me of being a cheater??!" tili ni Irene.


"Hindi sa ganon. Mas maigi na yung sigurado." pagkumbinsi nito sa kausap nya. Inabot ni Seulgi ang papel at ballpen sa kanyang katabi.


"Nope. I have my own pen." Inilabas ni Irene ang kanyang colored pens. Napailing nalang si Seulgi. Ang arte! Kailangan may pink at violet na ballpen?! Kala mo loveletter ang gagawin e. Tsk. Pangungusap ni Seulgi sakanyang sarili.


"Bat ganyan ang mukha mo?" Iritang tanong ni Irene, ng mapansin nya na nasalubong ang kilay ni Seulgi habang nakatitig sa pink na ballpen.

 

"Ganito ang mukha ko kasi Cute ako, dalian mo na sayang oras natin" winasiwas ni Seulgi ang kanyang kamay.


"Ugh Cute my ." pairap na sagot ni Irene. At tinuon na nya ang kanyang atensyon sa kontrata nila ng tutor nya.


 

Irene's Rules:

 

Rule 1: Follow all my rules.

 

Rule 2: What I say is always right



Yan palang ang nakita ni Seulgi ay agad na syang umalma. 


"Baguhin mo nga yan! Sa rule 1 mo pala halatang wala akong say!" iritadong pagpoint ni Seulgi sa papel ni Irene.


Binago ni Irene ang papel at marahang tinapik tapik ang dulo ng ballpen sa kanyang baba.. Na tili ba ay nagiisip ng malalim.


"Maganda ka sana, ugali lang talaga problema" bulong ni Seulgi. Mukhang di naman narinig ni Irene dahil patuloy na ito sa pagsusulat.


Nagsulat narin si Seulgi ng kanyang rules. Matapos ang 20 minuto, nagexchange sila ng papel.

 




Irene's Rules


Rule 1: After school lang ang tutoring session. (3-5 pm only), Weekend sessions are not necessary unless mahirap ang module na pagaaralan. Sa bahay ko gagawin ang pagtututor. No buts!


Rule 2: Break time is break time. I need breaks too.


Rule 3: Always follow what I want. Kung ayaw ko sa ginagawa mo, stop it right away.

*ill let you know what I dont like in the future*


Rule 4: Make everything easy for me. Wag mo akong pahirapan.

 

Rule 5: Lastly, since lagi tayong magkakasama, NEVER FALL INLOVE WITH ME. DONT TOUCH OR EVER FEEL NA CLOSE TAYO. Let's be strictly professional.

 



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki 50 streak #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!