TMA 42

Tutoring Ms. Aphrodite

"So, gusto mo malaman kung legit tong contract?" nakakunot na tanong ni Tzuyu.


"Oo sana, kung meron bang fine print na nagsasabi na pag di ako sumunod ay may mawawala sakin" sagot ni Irene.

 

"Pa? What do you think?" sabay abot ni Tzuyu sa papa nya ng nasabing papeles.

 

"Okay Irene, this contract is very simple. And you agreed. Nag sign ka pa. Ang napagkasunduan nyo lang naman is regarding money and stocks lang tama? And wala naman nakasaad sa kontrata na to na pag umayaw ka ay may dapat mawala sayo. Kumbaga hindi ito specific, wala ring time frame. So yes, pwede itong hindi sundin" tuloy tuloy na sabi ng papa ni Tzuyu habang binabasa ang papel na hawak nya.


Matapos ang paguusap namin ni Tzuyu. Napag pasyahan kong kausapin at ipagtapat na kay papa ang lahat ng nangyayare. Sana lang talaga ay tama ang ginagawa ko.

 



 

Setting: School's Private Lounge
Time: 11:35 am

 


 

"Malapit ng matapos kalbaryo natin! Naeexcite na kong mag elyu!" masayang sabi ni Yeri.


"Bago ka mag saya, mag aral ka muna oy. Pag bagsak ka baka di ka pasamahin ni tita sa lakad natin ng sembreak" agad na sabi ni Nayeon na ikinasimangot naman ni Yeri
 

"Ang KJ mo. Nahahawa kana kay Irene" pangaasar nito.


Tinignan sya ng masama ni Irene, agad din naman tumigil sila Yeri at nag patuloy nalang sa kanilang pagkain.

 

"Sasama daw ba sila Seulgi sa atin sa Elyu?" tanong ni Yongsun.

 

Tumango lang si Irene. Napagpasyahan na nyang kausapin si Seulgi sa mga nangyayare pag nasa elyu na sila. Everytime kasi na makikita nya si Seulgi na masaya na kasama sya hindi nya magawang sabihin ang totoo. Inis narin sya sa sarili nya dahil nagiging unfair narin sya kay Seulgi at lalo lang syang nababon sa guilt na dinadala nya. Naputol lang ang kanyang pagmumuni muni ng dumating si Joy na kasama si Wendy.


"Whats up es!" eksaheradang sabi ni Joy sakanila.


"Kami na ni Sweety" sabay hila sa braso ni Wendy dahilan para mapakandong ito kay Joy.


"Ugh? Ate? Napaka hard to get mo. Swear" sarkastik na sabi ni Yeri kay Wendy.


"Ha! Eh." Yun lang ang naisagot ni Wendy.


Agad naman silang nakatanggap ng kantyaw sa mga ito.

 



 

Habang nasa library si Tzuyu ay nagvibrate ang kanyang phone. Agad nya itong tinignan. Unknown number. Mabilis syang humanap ng lugar sa sulok ng library upang walang may makarinig sakanya.


"Hello?" mahinang nyang usap.


"Tzuyu. Let's meet." usap ng lalaki sa kabilang linya.


"Ngayon na?" tanong nya dito.
 

"Yes. Alam kong wala ka nang klase. Ive got eyes and ears sa campus nyo, just so you know" tatawa tawang sabi ng lalaki sa kabilang linya.


"Ah. Okay. Text me the meeting place. And ill meet you there." palinga linga pa na sabi ni Tzuyu.


"Great! See you Tzuyu and tell your daddy na need na rin naming mag usap" sagot nang lalaki.
 

"Yes Cee, see you" sabay baba ni Tzuyu ng cellphone.

 



Setting: Hotel del Rio - Lobby Lounge
Time: 1:43 pm

 



Alas dos pa ang usapan namin ni Cee. Excited akong makita sya ulit. Kaya kahit na may tinatapos pa akong reviewhin ay agad akong nagtungo sa lugar kung saan ko sya makikita.


Umupo ako sa may gilid ng lounge area ng hotel. Agad naman lumapit sakin ang isa sa mga waiter at binigyan ako ng wine.


"Ms. Miranda, buti at napadalaw kayo." biglang sulpot ni Eunwoo.


"Ah yes. Im here to meet Cee" maikli kong sagot sa manager ng hotel.


"Well. Buti at nakita kita ulit Tzuyu. Kamusta kana?" tanong nya sakin at binigyan nya pa ko ng matamis na ngiti.


"Okay lang Eun, ikaw?" seryoso kong sagot.


"Di ka pa rin nag babago. Sinasaktan mo pa rin ang damdamin ko." Iiling iling nyang sabi.


Naging kaklase ko si Eunwoo noong nasa Taiwan pa kami at sabi nya gusto daw nya akong ligawan. Likas naman na magandang lalaki ito at mabait din. Pero agad ko rin syang binusted dahil alam kong hindi naman magwwork kahit ipilit namin dahil iba ang gusto ko.


"Wag ka na kasing umasa" pabiro kong sabi sakanya. Agad naman nya itong ikinatawa.


"Oo na. Alam ko naman na. Matagal mo nang sinasabi. Baka lang makalusot." biro din nya pabalik.
 

"Pero pwera biro Tzuyu. Kamusta paghahanap nyo kay-" hindi na natapos ni Eunwoo ang kanyang sinasabi ng marinig namin si Cee.


"Tzuyu!" masiglang bati ni Cee sakin.


"Cee! Namiss kita" agad ko syang niyakap.
 

"Namiss din kita. Umorder ka na ba? Eunwoo, mag pahanda ka ng masasarap na pagkain para samin ni Tzuyu" agad na utos nito kay Eunwoo. Tumango lang ito at umalis narin.


"Bat ngayon ka lang tumawag?!" maktol ko dito.


"Bakit nagppout ang babygirl namin?" nakangiti nyang sabi.
 

"Tss! Sabi mo kasi tatawag ka. Inantay ko yun pagka dating na pagkadating ko pa lang ng Manila. Umasa lang ako sa pangako mo." padabog kong sabi sakanya.


"Relax Tzuyu.  Alam mo naman na madami akong negosyo at inaayos." maalam nyang sabi.


"Pero kahit na. Dati namin kahit isang chat, naguupdate ka." sagot ko pabalik.
 

"Sorry na." maikli nyang sagot.


Dumating ang mga pagkain at kumain kami habang nagkkwentuhan.

 

"Salamat sayo at sa papa mo dahil tinutulungan nyo ko sa plano ko." seryosong usap nya sakin.
 

"Anytime Cee." sabi ko sakanya.
 

"Ituloy na natin ang susunod na napagusapan." sabi nya na ikinabigla ko.
 

"What do you mean?" kinakabahan kong tanong sakanya.

 

"You'll know later. Kumain na muna tayo" sagot nito sakin sabay turo sa conference room.

 

 

 




Author's Note:

Belated Happy New Year everyone! I planned to discontinue the story, mainly because, my laptop got formatted and all drafts that I created from Chapter 42 to 55 got deleted. Pero, ayun, I was able to remember naman some of the chapters I created before, kaya nagrerewrite ako ulit. Please bear with me while I slowly update this story. Thank you for your understanding!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!