TMA 20

Tutoring Ms. Aphrodite


"Ano ba yan! Hoy Chuchi, wag moko dinadaan daan sa tangkad mo ha! Di kita uurungan!" gigil na sabi ni Irene ng maunahan sya ni Tzuyu sa paghawak sa door knob.


"Iksi kasi ng biyas mo." natatawang sagot ni Tzuyu na lalong kinairita ni Irene. Patuloy pa sila sa kanilang bangayan. Samantala, naalimpungatan naman si Seulgi dahil sa ingay at kalabog sa may pintuan nya. Kahit tuloy groggy sya, ay bumangon ito para pakinggan ang pinamumulan ng ingay. Tinapat nya ang kanyang tenga sa pinto. Nanglaki ang kanyang mga mata ng marinig nya na parang may nagsasabunutan na mga babae. "Baka si Aling Moneng at si Nanay yon ah!" isip nya. Agad nyang binuksan ang pinto, shocked sya sa nakikita nya. Imagine na nakapulupot ang kanang braso ni Tzuyu sa leeg ni Irene at kinukutusan ito ni Tzuyu sa bumbunan.

Nagkusot ng mga mata si Seulgi. Tama ba tong nakikita nya? O nananaginip sya? Anong ginagawa nila Irene at Tzuyu dito? Tumayo ng tuwid ang dalawang kanina pa nagaaway.


"Hi" sabay nilang sabi. Kumunot ang noo ni Seulgi. Pakiramdam talaga nya nananaginip sya. Sinundot nya ang pisngi ni Irene. Pagtapos ay ang pisngi naman ni Tzuyu.
 

"Hala. Gising ako. Totoo kayo?!" bulalas ni Seulgi.


"Yeah" "Oo" sagot nanaman nila ng sabay. 


"Ako ang kausap ni Seulgi, sabat ka nanaman ng sabat" mariin na sabi ni Irene. Agad naman syang sinagot ni Tzuyu.


"She's talking to me too, diba Seulgi?." Agad nanamang nagpalipat lipat ang tingin ni Seulgi sa dalawa. Sumasakit nanaman ang ulo nya.


"Ano bang ginagawa nyo dito? May exams pa kayo ah." tanong ni Seulgi.

 

"Tapos na exams ko" "done with it na" sabay nanaman. Punyeta. Gulong gulo na si Seulgi. Bukod sa nahihilo sya dahil masama ang pakiramdam nya, nahihilo din sya sa dalawang nagsasabayang pagbigkas.


"Teka nga, tatanongin ko kayo ng hindi sabay" sabi nito.


"Irene, bat ka andito? Hindi ba sinabi ni Wendy na hindi ako makakapasok?" turo nito kay Irene.
 

"Sinabi naman kaso sabi nya may sakit ka kaya nagpunta ko dito. May dala akong mga gamot at pagkain. Tara na sa baba?" nakahawak na ito sa kanang braso ni Seulgi.
 

"Wait, at ikaw Tzuyu? Bat ka andito?" turo naman nya dun sa isa.

 

"I came here to visit. Heard from Wendy na you got fever daw. I bought some traditional medicines from Taiwan. Very effective. Hindi pa masisira ng atay mo" sunod na sagot naman ni Tzuyu.
 

"Ah okay. Sige. Asan si Nanay?" tanong nya ulit dun sa dalawa.


"Umalis" "Nagdeliver" sabay nanaman. Haru Jusko! Tumango nalang si Seulgi at sinabihan ang dalawa na bumaba na muna at doon nalang sya antayin.
 

"Baba na kayo. Magbibihis muna ko at magttoothbrush." sabay sara ng pinto ng kwarto nya. Mukhang sya ang magbababy sit dun sa dalawa ah.


Pagkababa nya ay tahimik na nakaupo ang dalawa sa sala. Nagtataka si Seulgi kung bakit biglang ganito ang naging asal nila Irene. Pakiramdam nya ay may nagawa ang mga ito.


"Oh bat ang tahimik nyo na pareho?" tanong nya. Nagirapan naman sila Irene at Tzuyu.


"Kumain na ba kayo?" tanong ulit nya. Eto nanaman pala. Nagsabayang pagbigkas nanaman ang dalawang dalaga sa sala.
 

"I brought you food. Pwede nating kainin dalawa"   "May dala ko, share tayo"


Tinignan ni Seulgi ang mga paperbag na nasa lamesa. Since andaming pagkain napagpasyahan nya na silang tatlo ang magsasalo salo doon. Hinain nya ang mga pagkain.


"Andami nyong bitbit. Kaya magsshare tayo sa lahat ng to." wika nya.


"Tara na dito at kumain na tayo." aya nya sa dalawang dalaga. Agad naman silang sumunod kay Seulgi. Bago pa man makakuha ng pagkain si Seulgi ay pinaglalagyan na sya ng dalawa nyang kasama ng pagkain. Halos umapaw ang pinggan ni Seulgi.
 

"Wait nga! Para naman akong bibitayin!" sabi ni Seulgi habang tinitignan ang pinggan nya.


"Pero masarap yan." sabay na turan ng dalawang kaharap nya.


"Sumasakit ulo ko lalo" mahinang sabi ni Seulgi.


"Tubig?" "Water?" sabay nagabot ng tubig ang dalawang dalaga. Parang dejavu, naalala bigla ni Seulgi ang mga dati nyang kalaro dahil sa inaasta ng mga nasa harap nya.

 



 

-Flashback-


Nasa playground si Seulgi ng narinig nyang nagaaway ang dalawang batang kasing idaran nya ata. Nilapitan nya ito.


"Yui! Pag ako nahulog ishushumbong kita kay daddy! Bad ka!" sigaw nung isang mas maliit na bata


"Renie, bat kasi nauna ka dian sha shwing!" sagot naman nung isa. Bumaba ang tinawag na Renie at tinulak yung Yui. At dun nga nagsimula sila magtulakan at magaway. Since wala ng bata sa swing, umupo dito ang batang si Seulgi. Naagaw nya ang atensyon ng dalawang nagaaway na bata.


"Hoy! Bata bat ka umupo dian!" sabi nung mas maliit na bata.


"Oo nga! Kwuwesto namin yan!" sigaw naman nung isa. Tinignan lang sila ni Seulgi. At bumaba ito sa swing.


"Nagaaway naman kayo kanina. Bat di nalang kayo dun sa siso para dalawa kayong makapaglaro" turo ni Seulgi dun sa dulo ng palaruan.


"Anong pangalan mo?" sabay na sabi nung dalawang bata.


"Gigi" sagot naman ni Seulgi. Nagtinginan ang dalawang bata at sabay nilang hinila yung mga braso ni Seulgi.
 

"Sakin sya makikipaglaro! Bitaw ka Yui!!" maktol nung batang maliit.


"Ako una nyang kausap. Sakin makikipaglaro si Gigi!" sagot naman nung isa.
 

"Wag kayo magaway. Pwede naman tayo maglarong tatlo e" sabi ni Seulgi.


Tuwing hapon naglalaro ang tatlong bata sa playground. Laging nagaagawan sa atensyon ang dalawa na nakilala ni Seulgi, bilang Yui at Renie. Pero patas ang turing ni Seulgi sa dalawa. Kaya tuwing nagaaway ito, sya ang tagabati.

 

"Gigi oh. Bigay to sakin ni papa, sabi nya pag nalulungkot ako mapapasaya daw nito" inabot ni Yui ang maliit na stuff toy kay Seulgi.


"Ito din Gigi, napapasaya ako nito, pwede mo syang kalaro." binigyan din sya ni Renie ng stuff toy. Ngayon ang alis ni Gigi, lilipat na sila ng nanay nya dahil ang pinagtatrabahuan ng kanyang nanay ay sa Amerika na titira.


"Salamat Yui! Salamat Renie! Sana magkita tayo ulit! Susubukan kong pumasyal! Iingatan ko tong mga to. Wag na kayong magaway dalawa ah. Magpromise kayo sakin" sabi ni Seulgi.


"Promise!" "Pangako!" agad inakap ng dalawang bata si Seulgi, pareho itong umiiyak. Iba kasi talaga ang naging marka ni Seulgi sakanila. Mas naging masaya ang hapon nila dahil kay Seulgi.


"Bye Renie! Bye Yui!" sigaw ni Seulgi habang nakasakay na ito sa taxi.


Kumaway nalang ang dalawang bata na naiwan sa playground sa papalayong sasakyan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!