TMA 37

Tutoring Ms. Aphrodite


Napagpasyahan kong kausapin si Nayeon ngayon. Nakailang texts, chat at tawag narin ako pero walang sagot at kahit seen wala. Ilang araw narin ang lumipas simula nung nakaengkwentro ko si Chaeyoung. Sa totoo lang, tinitimbang ko narin ngayon yung nararamdaman ko. Gusto ko narin makipagbati kay Chaeyoung. And para naman kay Mina. Siguro tama nga na tigilan ko na sya.

 

Inaabangan ko sa tapat ng DMU si Nayeon, gusto ko syang makausap. Tsaka ko na siguro iisipin pano ko iaapproach sila Mina at Chaeyoung. Nang makita ko si Nayeon, agad akong lumapit sakanya.
 

"Nayeon." tawag ko sakanya. Agad din naman syang sumeryoso, tinignan din ako ni Yeri na para akong sasapakin.


"Anong ginagawa mo dito? Ayaw ka nyang kausap or makita" sabi ni Yeri.


"Im sorry" sabi ko. Agad silang tumingin sakin. Nakita ko naman sa mukha ni Nayeon na para syang iiyak.
 

"Bakit mo ba ko need makausap?" tanong nito sakin.


"I want to say sorry. Sa lahat ng nagawa ko. At sa--" naputol ang pagsasalita ko ng babae na dumating.


"Nayeonie! Let's go na?" akbay nung babae kay Nayeon. Nakakairita. Bat kailangan nyang akbayan si Nayeon? Eto namang isa parang gustong gusto pa.
 

"Tamang tama ang dating mo ate Momo, go na kayo sa date nyo" pagtutulak ni Yeri sa dalawa. Halata sa mukha nung babae na confused sya pero ngumiti nalang ito at inaya na ulit si Nayeon. Tinignan naman ako ni Nayeon na parang inaantay nya akong magsalita.


"Wait lang. Need lang kita talaga makausap ng tayong dalawa lang" sabi ko. Trying to get their attention.


"Ay ang kulit din pala talaga kaya pala parehong stress si Nayeon at Mina sayo" pabulong na sabi ni Yeri. Tinignan ko sya ng masama, nag peace sign naman sya. 


"Okay" sagot ni Nayeon.


"Meron kang 2 minutes para sabihin sakin yung dapat mong sabihin. Timer starts now." Pagmamadaling sabi sakin ni Nayeon
 

"Pwede bang yung tayong dalawa lang?" Tanong ko. Agad naman nyang tinuro ang relos nya na pinapahiwatig sakin na totoong inoorasan nya ko.


"Patawarin mo ko sa mga nagawa at pambabaliwala ko sayo. Alam ko tanga ako. And kung okay lang sana. Magstart tayo ulit kahit friends lang ulit. Im so sorry. Insensitive ako and selfish" tumungo ako pagkasabi ko non. Inaantay ko ang sagot ni Nayeon.
 

"Yun lang ba?" sagot nya. Tumango ako.
 

"Okay walang problema." saad nya. Sabay talikod na.


"Nayeon.." paghabol ko. Lagi nalang akong naghahabol. Pero kung ang pag habol ko naman kay Nayeon means magiging ayos na ang lahat then sige, hahabulin ko sya.


"Okay na Jeongyeon. Wag kana masyado magalala, ayusin mo nalang din muna yung sarili mo and sana maging okay na kayo ni Chaeyoung" nakangiti nyang sabi.
 

"Friends?" sabay abot nya ng kanyang kamay. Mabilis ko itong tinanggap.


"Friends" nakangiting sabi ko. One step at a time lang.

 



 


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Chaeyoung sa taong nakatayo sa gate nila.


"Pwede ba tayong magusap?" sabi nito. Ayaw sana ni Chaeyoung na mas makipagaway kay Jeongyeon, pero dahil nga girlfriend nya na si Mina, hindi naiwasan na magaway sila lalo na't gusto rin ni Jeong si Mina.


"Ano bang kelangan mo?" masunget na tanong ni Chae.

 

"Im sorry Chae, kung naging insensitive ko and selfish. I want my brader back" nakatungong sabi ni Jeongyeon.

 

Pinagbuksan ni Chaeng si Jeong ng gate at pinapasok ito.

 

"Anong gusto mong inumin? Merienda?" alok ni Chae.

 

Nagmuestra si Jeong ng gusto nya ng akap mula kay Chae. Agad naman umiling ang isa pero lumapit parin ito at inakap si Jeong.

 

"Akala ko tuluyan na tayong masisira." Sabi ni Chae.


"Tanga ako. Alam ko naman. Basta alagaan mo si Mina ha. Pinapaubaya ko na talaga sya. Nakapagisip isip na ko" saad naman ni Jeong.

 

Sinuntok sya ni Chae sa balikat.

 

"Gago! Malamang iingatan ko. Jowa ko na e, pero thank you" seryosong sabi ni Chae.


"Magsosorry din pala ako kay Mina sana, kung papayag ka." saad ni Jeong.


"Sabihin mo na ngayon, nakikinig naman sya e" sabay nguso ni Chae kay Mina na pababa sa hagdan.


Nakangiti ito sakanilang dalawa. At lumapit ito kay Chae.


"Im sorry, sa stress at sa gulo na ginawa ko" sabi ni Jeong.


"Basta ba okay na kayo ni Chae. Okay na din sakin" nakangiting sabi ni Mina.


"Group hug!" sigaw ni Chae.


"Yeeeeyyyy!!!" excited naman na sabi ni Jeong.


"Wag na pala. Baka mananyansing ka lang kay Mina" tawa ng tawa si Mina.


Nagkulitan na ulit yung dalawang magkaibigan habang naghanda naman ng meryenda si Mina.

 



 

"Hep!!! Nasan si Yeri?" tanong ni Nayeon sa grupo.


"Di din namin alam, di sya pumasok kanina" sabi naman ni Mina


"Argh! Asan ba yon?! Hindi ba nya alam na nagaalala tayo? Pati tong si Irene wala pa" sabi ni Joy.


"I think late si Irene today. May need daw syang imeet e" sabi ni Solar. Habang naguusap ang magbabarkada, dumating si Tzuyu sa private lounge na kinaroroonan nila. Nagulat pa sila, dahil sila lang naman dapat ang pwede don.


"Pano ka nakukuha ng keycard?" takang tanong ni Joy.


"My family owns 20% shares ng school." sagot ni Tzuyu sabay upo sa sofa.


"Im inviting you all pala here." Inabot ni Tzuyu ang dala nya sa mga dalagang kasama nya.


"Ano to?" sagot ni Mina.


"Oh Em Gee! seryoso ka??? Gusto ko din pumunta dito, free to?" sabi ni Nayeon.
 

"Yes, ill text you the details, when and where kayo susunduin" sabi ni Tzuyu.
 

"What's the catch?" seryosong tanong ni Solar. Nakita ng mga dalaga ang pag ngiti ni Tzuyu. Lahat sila nagaabang sa mga sasabihin nito.

 



 

3rd Person POV

 

"What do you want to eat?" tanong ng isa.


"I want to eat you again" sagot naman ng kausap nya.


"Ssh. Kagabi pa tayo nagse, ganyan mo ba ko kamiss?" pilyang kinurot sa tagiliran ang kausap nya.


"Oo. Ang tagal naman kasi. Kala ko ba, you sort it out na?" sagot sakanya habang hinahalikan nanaman sya sa leeg.


"Magbihis kana nga. Baka may makahuli pa satin o baka mamaya may bumisita sakin dito. Lagot tayo" tulak nya papalayo sa nakaakap sakanya.


"Haha. Okay okay. Pero isang round pa ha?" Hinalikan nya ito at pinagpatuloy ang kanilang kapusukan.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!