TMA 24

Tutoring Ms. Aphrodite


Nang nakauwe si Seulgi galing sa mall. Agad syang nagmano sa kanyang nanay at nagkwento ng kaonti sa nangyare sa mall. Pagtapos ay nagpaalam na syang aakyat. Isa isa nyang tinaggal sa paper bag ang mga binili nila ni Tzuyu. Napatingin din sy sa kanyang tokador, andon ang mga paper bag na bigay naman ni Irene. Kinuha din nya ito at inilagay sa kasama kasama ng mga bagong damit na galing kay Tzuyu.


"Makakabuti ba to?" isip nya sa sarili nya.

 

Isa isa nyang sinukat ang mga ito. At ipinakita sa nanay nya. Tuwang tuwa ang nanay nya dahil mistulan silang nagfafashion mag-ina. Bumili din kasi ng bagong daster at blouse si Aling Anita sa ukay ukay sa kanto nila.


"Anak. Ang ganda nyang mga bago mong damit. Parang pinaghalong asul at lila ang kulay. Mukha kang mayaman" turan sabi ni Aling Anita.


"Galing po kay Irene to nay, yung iba kay Tzuyu" sagot naman ni Seulgi.


"Oo nga pala. Kamusta na nga pala yung batang yon?" tanong ng nanay nya.


"Okay naman po ata nay." sagot ni Seulgi habang sinusukat naman ang checkered na polo na galing kay Tzuyu.
 

"Nay eto kaya? Bagay?" tanong ni Seulgi.


"Aba! Nako anak. Hindi kita nakilala. Tama nga sila. Bagay nga sayo yang ganyang mga pormahan" tuwang tuwa ang nanay ni Seulgi.

 

"Nay tingin mo pagtitinginan nila ako pag nagbago ako ng damit bukas? Nakakapanibago kasi" sabi ni Seulgi.

 

"Seulgi, ang damit mo lang naman ang mababago. Hindi yung personalidad mo." saad ng kanyang nanay.

 

"Malamang pagtitinginan ka nila. Maganda ka e. Mana ka sakin. Aba'y kung di mo natatanong. May asim pa ang ganda ko anak. Pwede pa" nagtawanan nanaman sila. Gumagaan ang pakiramdam ni Seulgi dahil sa nanay nya.


Nang malapit na syang matulog, nakatanggap sya ng text mula kay Tzuyu.

 

Tzuyu: Gi, thank you sa pagsama ha. Nagustuhan din ni papa yung dress. <3

 

Agad nagreply si Seulgi.

 

Seulgi: Ui. Mabuti naman. Salamat din sa mga damit ah. Inirampa ko na lahat kanina si nanay ang tagapalakpak. Ang gaganda daw.

 

Tzuyu: see! I told you. Bagay naman kasi sayo. Mag goodbye kana sa maluluwag mong tshirts.


Seulgi: oi grabe. Hindi ko muna itatapon to. Nagagamit pa naman ah. Pambabahay ko nalang.


Tzuyu: hahaha true. Pwede mo naman alternate. Minsan hot ka. Tas minsan meh. Hahaha.


Seulgi: tsk. Haha. Maka meh ka. Gusto mo nga ako.


Tzuyu: haha yes. Gusto kita.


Seulgi: alam ko.  -.0
 

Tzuyu: ano yang emoji mo?


Seulgi: inaantok na ko. Isang mata nalang ang dilat. Hahaha


Tzuyu: haha sige na. Matulog na tayo. Good night Gi. <3


Seulgi: goodnight Yui --.--

 


 

Kinabukasan ay naisipan sunduin ni Tzuyu si Seulgi sakanila. Nagulat pa si Seulgi.

 

"Anong ginagawa mo dito???" takang tanong ni Seulgi.

 

"Sinusundo ka, and wow. You look so good. Sabi ko na bagay sayo button up shirts e." sabi ni Tzuyu habang pinapasadahan si Seulgi ng tingin.


"For sure, madaming maglilingunan sayo." pagpapatuloy ni Tzuyu.

 

"Parang yun ang sinabi ko sayo kahapon ah" sagot naman ni Seulgi.

 

"Tara na. Baka malate tayo. Gusto kong mas maipagpamalaki na ikaw yung gusto kong babae" sagot ni Tzuyu at kumindat pa ito.

 

Tumawa nalang si Seulgi at umalis na sila. Pagkarating na pagkarating nila sa parking lot ay biglang kinabahan si Seulgi. Andon kasi ang grupo nila Irene.

 

"Bat parang lahat ng estudyante asa parking lot?" takang tanong ni Tzuyu.
 

"Di ko din alam. Baka dito nila naisip mag flag ceremony?" sagot ni Seulgi.

 

Pagkababa nila ay nakita na nila ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Andon si Bogum sa gitna at may hawak na bouquet at nakaluhod sa harap ni Irene. Napaka romantic nito sa iba, pero hindi para kay Seulgi. Nakita nya kung pano tinanggap ni Irene ang bulaklak at kung papaano sya inakap ni Bogum. Nakita nya ang paglingon ni Tzuyu sakanya, hinawakan sya nito sa kamay, hawak na ramdam nyang hindi sya nito iiwan.


"Im here." sabi ni Tzuyu. Nginitian nya ito at hinigpitan lalo ni Tzuyu ang hawak sa kamay nya.

 

Hindi nakalagpas sa mga estudyante ang pagttransform ni Seulgi. Madaming lumapit sakanya at nagpapakilala. Mga dating hindi pumapansin sakanya, ngayon ay parang gusto na syang kausap.

 

"Wit wiw. Ampoganda mo" sabi ni MoonByul.


"True! Bagay sayo yan Seul!" sabi naman ni Wendy.

 

Kasalukuyan silang nasa hallway at tutungo sa klase nila ng makasalubong nila sila Irene.

 

"Oh em gi, Cutie!! Ikaw na ba yan? Sheeettttt!" Biglang bulalas ni Yeri.
 

"Wow nerd. Bagay sayo." Sabi naman ni Joy, nakita rin nito si Wendy pero inismidan lang sya ni Joy.

 

Tinignan lang din sya ni Irene. Mapapansin na hindi nagkikibuan sila Solar at MoonByul. Dirediretso na silang umalis. Nang matapos ang morning class nila Seulgi ay agad syang nagtungo sa library, sya na kasi ang student assistant dahil hindi na sya ang tutor ni Irene. Hindi nya maiwasan ang hindi isipin ang mga nangyare sakanila ni Irene.

 

"Hi!" masiglang bati ni Tzuyu.


"Oh, bat ka andito? May klase kapa diba?" mahinang sabi ni Seulgi.


"Namiss na kita e. Tsaka maaga kaming dinismiss" saad ni Tzuyu.


"Osige. Hanggang 4pm ako dito. San ka tatambay?" tanong pa ni Seulgi.


"Pumayag naman si Miss Dara na sa loob ako magstay. Dun oh." tinuro ni Tzuyu yung table na pinaglalagyan ng mga gamit ng student assistant sa library.
 

"Weh? So dun ka uupo sa table namin?" tanong ulit ni Seulgi.


"Oo. Tsaka magsasagot akong assignments. Advantage na kasi matuturuan moko" sagot ni Tzuyu.


"Sige tara na dito." Aya ni Seulgi sakanya.


Lumipas ang oras. Busy ng dalawa sa assignments, paminsan minsan tumatayo si Seulgi para magayos ng mga libro at ayusin ang mga upuan sa library. Pagsapit ng 3pm, nakita nya si Irene na pumasok kasama ang bagong tutor nito na si Wheein.


Nagkatinginan sila pero agad din syang nagalis nang tingin at binalikan si Tzuyu.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!