TMA 19

Tutoring Ms. Aphrodite


"Nayeon? Bat parang puyat na puyat ka?" tanong ni Solar sakanya.


"Ah wala. Umatake kasi bigla ung migraine ko kagabi. Nahirapan akong matulog." bakas sa boses ni Nayeon na umiyak sya magdamag, pero hindi nalang din inusisa pa ni Solar. Tumango nalang sya sa sagot ni Nayeon.


"Pag ready kana magsabi, andito lang kami. Alam mo naman yon diba?" yun nalang ang sinabi nya. Nakita nyang ngumiti ito ng matipid at tumango. Agad nya itong niyakap. At inaya na sa kanilang klase.

 



 

Nagising si Jeongyeon na wala syang katabi. Nakaready na ang kanyang uniporme at meron naring agahan. Naguguluhan sya. Alam nya si Mina ang kasama nya kagabi, at alam din nyang may nangyare sakanila. Sumasakit ang ulo nya. Naligo sya at nagbihis. Sinilip nya ang kwarto ni Chaeyoung, pero mukhang hindi talaga ito umuwe. Palabas na sya ng may nakita syang bracelet sa may pintuan. Pinulot nya ito at tinitigan maige. Ito yung friendship bracelet nila Mina. Alam nya lahat sila meron nito, dahil galing daw ito kay Yeri. Napagpasyahan nyang itago ito at pumasok na sa eskwela.

 



 

Sweet Talker: kumain kana ba wifey?


Joy: oo. Wag mo nga akong tawaging wifey.

 

Sweet Talker: yie. Kinikilig yan.

 

Joy: nek nek mo. Kelan ka nga magpapakilala sakin?

 

Sweet Talker: wag tayong magmadali wifey. Baka mamaya pag nakita mo ko di mo na ko pakawalan.

 

Joy: ang kapal mo!

 

Sweet Talker: sayo lang titibok ang puso ko. ;)

 

Joy: ulul! Pumasok ka na nga!

 

Sweet Talker: next time sabay na tayong papasok. Habang hawak ko yang kamay mo. <3

 

Sweet Talker: yie. Kinikilig haha sana all pinapasok! Malay mo soon. ;D

 

Joy: Bastos ka. Putangina mo.

 

Sinilid na agad ni Joy ang kanyang phone sa bag. Nakangiti sya. Well, natatawa sya sa katext nya. Ang kulit kasi nito at panay ang banat. Nakarating sya sa school at nakasabay nya yung babaeng nakakita sakanya na umiiyak. Hindi nya ito pinansin at dirediretso lang sya papunta sa kanyang klase. Nagvibrate ang phone nya.

 

Sweet Talker: nasa school kana ba wifey?


Joy: oo

 

Sweet Talker: bat ang sunget mo nanaman.

 

Joy: ano

 

Sweet Talker: haist. One word nanaman mga reply mo.

 

Joy: ano gusto mong sabihin ko

 


Sweet Talker: sabihin mona na akoy iyo at ikay akin lamang.

 

Joy: malala kana talaga.

 

Sweet Talker: sayo lang wifey. Sayo lang. Kumbaga sa addict, ikaw ang droga ko. You got me feeling like a psycho.

 

Joy: tawag na ba akong pulis?


Sweet Talker: ikaw dapat ipapapulis ko.

 

Joy: bat ako?

 

Sweet Talker: kasi magnanakaw ka. Ninakaw mo puso ko. Ibalik mo na. Ransom ko na katawan ko sayo.

 

Joy: ang baboy mo. Kaya ako tatawag mg pulis para ipatokhang kana.

 

Sweet Talker: wag wifey. Baka malungkot ka pag natokhang ako.


Joy: papagmisa nalang kita.

 

Sweet Talker: ang tanging misa na gusto ko ay yung misa sa kasal natin at misa ng binyag ng mga magiging anak natin.


Joy: baog ako.
 

Sweet Talker: handa akong magbuntis para sayo.

 

Joy: babae ka?

 

Joy: hoy!

 

Joy: pag di ka nagreply. Never narin kitang rereplyan.


Sweet Talker: sorry. Kakarating ko lang sa classroom e. 

 

Joy: so babae ka nga?

 

Sweet Talker: ang ibig kong sabihin kanina, willing akong magpakabit ng matres para sayo. Ganon kita ka love e.

 

Joy: pwede ba yon?

 

Sweet Talker: ang alin?

 

Joy: ang magpakabit ng matres?


Sweet Talker: minsan iniisip ko na talaga kung bakit kita nagustuhan.

 

Napahalakhak si Joy sa reply ng kanyang katext.

 

"Miss Arroyo? Is there something you wish to share with the whole class?" sita sakanya ng kanyang prof. Hindi nya pala namalayan na dumating na ito. Nagsorry sya.

"Keep your phone or else" masunget na dagdag ng kanyang prof. Dali dali nya itong itinago at hindi na muna nireplyan ang katext.

 



 

Agad hinanap ni Irene si Seulgi. Mukhang absent parin ito. Hindi na sya makatiis. Papakiusapan na nya ang kanyang ama na baka pwede syang sumaglit kayla Seulgi. Agad syang nagpaalam at nagtext sa papa nya. Payagan man sya o hindi ay pupuntahan nya ito.


Half day lang ang klase nila ngayong araw dahil nga tapos na ang exams at  magffoundation week na ay sinamantala ni Irene na mapuntahan si Seulgi. Saktong alas onse nasa parking lot na sya. Bumili muna sya ng ibat ibang klase ng gamot para sa lagnat at pagkain narin. Nakarating sya sa lugar nila Seulgi, pero agad din nyng nakita si Kalachuchi na pababa ng kotse nito. Nagkatitigan sila, at parehong nagmadaling tinahak ang eskinita na papunta kela Seulgi.

 

Sabay pa silang kumatok sa pinto. Nagkatitigan nanaman sila. Binuksan ni Nanay Anita ang pinto at nagulat pa ito dahil parang magpapatayan ang dalawang nasa labas ng bahay nya.


"Hello po!" "Hi tita!" sabay na nagsalita ang dalawa. Nagpabaling baling si nanay Anita sakanila.


"Si Seulgi po?" sabay nanaman nilang sabi. Naiinis na si Irene. Kanina pa sya bwiset dito sa katabi nya.


"Ay teka. Pumasok nga muna kayong dalawa." mabilis na sabi ng nanay ni Seulgi. Pagkapasok nila ay narinig nila ang pagubo ni Seulgi. Agad nanaman silang nagkasabay sa pagtanong. Tumawa nalang si nanay Anita sa inaasal ng dalawa.


"Aba. Ayren, sino ba itong isang magandang dalaga na kasama mo?" maang tanong niya habang nginunguso si Tzuyu.


"Sino pong maganda? Tayong dalawa lang ang maganda tita. haha" biro naman ni Irene. Ikinasimangot yon ni Tzuyu.


"Hello tita. Ako nga po pala si Tzuyu. Magandang hapon po" tumayo si Tzuyu at nagmano kay nanay Anita.


"Aba napakagalang na bata naman nire, kaawaan ka ng Diyos" sabi ni nanay Anita kay Tzuyu. Ngumiti naman ito.


"Ipaghahanda ko kayo ng pagkain" akmang tatayo na ang nanay ni Seulgi nang biglang nagsabay nanaman magsalita sila Irene at Tzuyu.


"Wag na po may dala po ako" "tita i brought foods po"

 

"Hala sige. Akin na yang mga dala nyo at ihahain ko. Bat ba kayo sumadya dito? At pwede isa isa lang ang sasagot" saad ni nanay Anita.


Hindi talaga sila nagpatalo. Kahit nasabihan na. Sabay parin silang nagsasalita. Tumatawa na ngayon ang nanay ni Seulgi.


"Jusko kayong mga bata kayo. Tamang tama ang dating nyo. Pwede nyo bang bantayan si Seulgi at may idedeliver lang ako" pakiusap ng matanda sa dalawa.


"Opo" chorus na sagot nila Irene.


"Minsan iisipin ko na kambal kayo, bibilisan ko lang para makapagpahinga rin kayo. Salamat" saad naman ni aling Anita. At umalis na ito.


Nagtitigan ulit ang dalawang naiwan at nagunahan nanaman sa pag panik sa kwarto ni Seulgi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!