TMA 14

Tutoring Ms. Aphrodite


Bad mood si Irene. Kasaluluyan silang nasa cafeteria at kasalukuyan din nyang tinitignan ang pinaka dulong lamesa sa malapit sa entrance. Andon si Seulg, si Wendy at ang babaeng pinakilala ni Seulgi sakanya. Sewi? Meli? Tzuchi? Basta yon. Nalimutan na agad ni Irene. Una dahil ayaw nya na nakikita ito na feeling close kay Seulgi at pangalawa, masyado syang masaya pag kasama si Seulgi.

 

"Wow. Friendly pala talaga silang magkakaibigan noh? Pati yung transferee kaibigan na nila" saad ni Nayeon. Napairap si Irene. Mabait naman kasi yung magbestfriend kaya hindi maiiwasan na kahit sino pwede nilang makasundo.

Ang kinakairita lang ni Irene ay sobra kasi talagang lapit nung babae kay Seulgi. Parang ayaw umalis nito sa tabi nya.


"Girl, ano ba yan. Tunaw na si Cutie. Kung makatitig ka para mo silang aawayin, akala ko ba bati na kayo?" tanong ni Yeri
 

"Oo bati na kami." maiksi na sagot ni Irene.


"Eh bakit ganyan ang mukha mo?" sabi ni Joy. Lalo pang napasimangot si Irene ng nakita nyang sinubuan ni Seulgi si Tzuyu..
 

"Bakit parang nagseselos ka?" natigilan ang lahat ng magtanong si Mina. Tumungo nalang si Irene, hindi nya alam ang nararamdaman nya. Hindi naman sya ganito kay Bogum.

 



 

Day 20


Setting - Library. Left Wing. Pinaka dulong upuan.

Oras: 4:38pm

Mga Karakter: Seulgi, Irene, at chanchananan TZUYU.

 


 

Nakahalukipkip si Irene. Hindi naaabsorb ng utak nya ang mga nangyayare. Kung bakit kasi nandito si Kalachuchi, bakit sumama sya sa session nila ni Seulgi. Nasa rules ni Irene na kapag ayaw nya, dapat itigil kaso since kakabati lang nila ni Seulgi, susubukan nya munang di magpaka.


"Seulgi, is this the correct one?" tanong ni Tzuyu kay Seulgi na  nagccheck ng activities na pinagawa nya kay Irene kanina. Nakasimangot nanaman si Irene. Yung atensyon na dapat sakanya lang, binibigay pa ni Seulgi sa iba. She doesnt like to share. No, she definitely doesnt like to be ignored.


"Ah Seulgi, diba may iba kapang ituturo sakin? Ituro mo na, sayang oras" sabi ni Irene na agad tumango si Seulgi.


"Im sorry Seulgi, i dont get this. What's the correct answer?" sabad naman ni Tzuyu.


Magkakastiffneck na ata si Seulgi sa papalit palit na paglingon sa dalawa nyang kasama. Not a good idea.


"Ako ang tinututor dito. Humanap ka ng ibang magtututor sayo. Hindi yung nakikiagaw ka" mariing sabi ni Irene.


"Well Seulgi agreed to teach me narin e. So why not grab that opportunity?" sabat naman agad ni Tzuyu.


Ramdam ni Seulgi ang tension. Pinagpapawisan sya. Kelangan matigil ito bago pa man may magsabunutan sa harap niya.


"Girls.. 5pm na. Study session is now over. Uwi na tayo." maagap na sagot nya habang inaayos ang mga gamit nya.


"How are you going to get home Seulgi? I can give you a ride" tanong ni Tzuyu. Hindi naman nakalapagpas kay Irene ang mga ito. Agad din syang sumagot. Competitive si Irene. So she wont back down. Not now. Not ever.


"Ah Seulgi, ako nalang maghahatid sayo. Para madalaw ko rin si Tita Anni" sabi ni Irene.

 

"Hep hep! Umuwi na kayong dalawa. Uuwi narin ako. Kaya kong umuwing magisa. Magingat kayo okay? See you both bukas" sabi ni Seulgi. Hindi nya na inantay na makasagot ang dalawa. Pakiramdam nya ay may mga katabi syang bomba, anumang oras ay sasabog kaya dinefuse nya agad ito. 


"You know. I really dont like you." maiksing sabi ni Tzuyu kay Irene.


"Really? Then its a tie" pairap naman na sagot ni Irene. Mabilis silang naghiwalay ng daan pauwe.


 



 

"Hi Jeongyeon! Hi Chaeyoung!" masiglang bati ni Nayeon sa dalawang dalaga na nasa harap nya.


"Tara sa loob, nagpprepare palang kami. Nasa kitchen si Mina" makahulugan ang tingin na ipinukol ni Nayeon kay Chaeyoung. Agad naman itong tumango at pumasok sa loob.


"Thank you kasi pumunta ka." abot hanggang tengang ngiti ni Nayeon, matagal na nyang crush si Jeongyeon. Lalo na ngayong nagpagupit sila ni Chaeyoung ng buhok. Mas pogi pa sila sa mga oppa sa kdrama. Yun nga lang, hindi sya bet ni Jeongyeon. Napilitan lang itong sumama dahil kay Chaeyoung at dahil narin kay Mina.


"Okay lang. Youre welcome, i guess?" Bored na sagot ni Jeongyeon. Hinila na sya papasok ni Nayeon at naabutan ang dalawa pa nilang kaibigan na magkatulong sa pagluluto. Tinignan agad ni Nayeon si Jeongyeon, nakita nya sa mukha nito ang regret at lungkot. Matagal narin alam ni Nayeon na gusto ni Jeongyeon si Mina, kaso nga lang naunahan na sya magtapat ni Chaeyoung, kaya hindi nalang nya sinubukan makipagcompete. Mas higit pa kasi sa tunay na magkapatid ang turingan ng mga ito sa isa't isa, kaya nagparaya nalang ito.


"Tara. Maghain tayo?" aya ni Nayeon habang hawak ang kamay ni Jeongyeon. Agad itong tinanggal ni Jeong, napapout nalang si Nayeon.


"Kelan mo ba makikita na ako ang para sayo?" tanong ni Nayeon sa sarili nya. Ever since kasi na una nyang nakita si Jeong, nalovestruck na sya. Kaso nga mali mali naman ng pinana si Cupido.


"Hey, can I ask you something? Tingin mo may pagasa si Chae kay Mina" tanong ni Jeongyeon sakanya habang tinitignan ang dalawa na abala sa pagluluto.


"I think so. Bakit?" agad nyang sagot. Nakita nya na seryoso ang mukha nito at para bang ang lalim ng iniisip. Tumango lang ito at ibinaling na sa iba ang atensyon.


Walang nagawa si Nayeon kundi pagmasdan nalang sya. "Kung ako lang sana ang una mong nakilala. Baka ako yung mahal mo ngayon" isip ni Nayeon.

 


-flashback-


Kasalukuyan silang nasa bar, lumabas sila ni Mina para tawagin ang driver na maghahatid sakanila pauwe. Sa kanilang barkada. Sya at si Mina lang ang hindi palainom. More on taga kain sila ng pulutan.


"Mina, dito ka nalang kaya? Ako nalang kakatok kay kuya Rey. Mukhang nakatulog na e. Di na sumasagot sa tawag ko." usal ni Nayeon habang nagdidial parin sa kanyang cellphone.


"Hmm sige. Dun lang ako sa may entrance." turo ni Mina sakanya. Sumangayon naman sya. Nakarating sya sa kotse at agad ginising si kuya Rey ng may marinig syang komosyon. May mga lasing na kumakausap kay Mina, kitang kita nya kung paano sumugod si Jeong, Chae at Byul para protektahan si Mina..

 

-end of flashback-

 

Dun sya nalovestruck. Dun din nagstart ang pagkacrush nya kay Jeong, sad to say, un din pala ang oras na nalove at first sight ang dalawang magkaibigan kay Mina.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!