SPECIAL CHAPTER

Tutoring Ms. Aphrodite


Author's Note:

Imagine nalang muna tayo mga frenelins. So itong chapter na ito ay series ng moments simula ng maging mag M.U ang dalawang main karakters natin. May mga numbering ang moments. May background music din dapat  tayo.

Because of You by 98 degrees. (open new browser)

Wag maguluhan ha. Mwapzszx.

 



 

-Scene1-

Setting: Tagaytay

 

Seulgi is currently backhugging Irene while they're appreciating the view. Kinuha ni Irene ang Pringles at susubuan si Seulgi, pero bigla nya itong nilayo at sya ang kumain. Nagulat sya ng bigla syang kinagat ni Seulgi sa balikat sabay kiss sa pisngi nito. Inakap ni Seulgi si Irene ng mahigpit at sa wakas sinubuan na ni Irene si Seulgi ng pringles.

 



 

-Scene 2-

Setting: Arcade

 

Naglalaro sila Seulgi at Irene ng dance dance revolution sa timezone, sinubukan ang crane game at nagbasketball. Laging talo si Seulgi, sinubukan nila magcar race. Talo padin si Seulgi. Lastly, nagpicture sila sa photobooth. Bago sila umalis, hinawakan ni Seulgi ang kamay ni Irene at hinalikan ito.

 



 

-Scene 3-

Setting: Mini Garden ng School

 


Kasalukuyang vacant nila Seulgi at Irene. Nagbabasa ng libro sila Seulgi habang nakahiga sa lap ni Irene, hinahaplos ni Irene ang buhok ni Seulgi..

"Inaantok ako." sabi ni Seulgi.

"Edi matulog ka" sagot ni Irene.

"Kissmoko" mabilis na sabi ni Seulgi.

Tumawa naman si Irene at ginawaran nya ng halik sa noo si Seulgi habang patuloy na hinahaplos ang buhok nito.

 



 

-Scene 4-

Setting: Barangay Kalayaan
Event: Fiesta


"Seulgi! Habulin mo si Ayren!" sigaw ng nanay ni Seulgi.

"Eto na nga nay!" Madaling binantayan ni Seulgi si Irene para hindi ito makapuntos.


Kasalukuyang naglalaro ng basketball ang mga kabarangay ni Seulgi at naanyayahan nila silang sumali. Isang puntos nalang at panalo na ang team ni Irene ng mahawakan ni Irene ang bola, nasa likod nya si Seulgi, umikot sya at kiniss nya si Seulgi sa lips. Natulala si Seulgi at nakashoot si Irene.


"Seulgi! Uwe kana! Talo na kayo!" sigaw ng tanod.

Tawanan ang mga nakasaksi at nanunuod.

 



 

-Scene 5-

Setting: Classroom nila Irene

 

Nasa labas si Seulgi, at magppresent si Irene sa susunod nyang subject. Nakita ng prof nila si Seulgi at dahil close ng prof nila si Seulgi, alam na nya ang pakay ng estudyante. Nagthumbs up lang ang prof., nilabas ni Seulgi ang kartolina na may nakalagay na:

"Go Prinsesa ko! Kayang kaya mo yan!"

Winagayway pa nila Wendy at Byul ang mga flags na ginamit nila sa pagccheer kay Irene. Ayun. Kinilig si Irene at nakapagpresent sya ng maayos.

 



 

-Scene 6-

Setting: Kusina nila Joy


Kasalukuyang nagpprepare ang magttropa para sa kakainin nila for movie night. Biglang nilagyan ni Irene si Seulgi ng harina sa mukha. Hinabol ni Seulgi si Irene at pinahiran din ito.


"Ano ba yan! Kayo maglinis nyan!" Sabi ni Joy, agad din syang pinahiran ni Wendy. Nakisali narin ang barkada sa trip na pahiran ng harina. Ending, umorder nalang sila ng pizza para sa movie night.

 



 

-Scene 7-

Setting: Park

 


"Seulgi!! Tataob ako! Ahhhhhhh!" sigaw ni Irene.


"Hawak naman kita bat ka tataob? Dahan dahan lang ang padyak kasi. Pag tutumba ka baba mo agad mga paa mo sa lupa." turo naman ni Seulgi.


"Hindi mo ko bibitawan?" nagaalalang tanong ni Irene.


"Never" nakangiting sagot si Seulgi


Nung araw ding yon natuto si Irene na magbisikleta.

 



 

-Scene 8-

Setting: Other School (Seulg's Chess Competition)


"GO SEULGI!!!!! WUHOOOO!!!" sigaw ni Irene mula sa taas ng gym.

"Friend, ang ingay mo. Chess match to, parang basketball yang pangcheer mo" saway sakanya ni Tzuyu

"wakompake! GO SEULGI! SEULGI SEULGI FIGHT FIGHT FIGHT!" sigaw muli ni Irene. 

Nakita ni Irene ang pag ngiti at pagwave sakanya ni Seulgi.

"Worth it" sabi ni Irene.

 



 

-Scene 9-

Setting: Music Lounge


May performance ngayon sila Wendy, pero hindi iniexpect ni Irene na kakantahan din sya ni Seulgi.


"Dinidedicate ko nga pala ang kantang to sa pinaka magandang babae na nakilala ko" sabi ni Seulgi

"Irene DelMundo, para sayo to" pahabol pa nya.

Halos matunaw sa kilig si Irene.

 

 



 

-Scene 10-

Setting: Kwarto ni Seulgi

 


Kasalukuyang malakas ang ulan at hindi na makakauwe si Irene. Tabi sila sa kama. Biglang kumidlat. Napatakip agad ng tenga si Irene at sinara ang kanyang mga mata. Natawa si Seulgi.


"Alam mo, ang cute mo" sabay tanggal ng mga kamay ni Irene sa kanyang tenga.


"Hmm, dont laugh. Natatakot ako" sabi ni Irene.


"Dont be. Im here" sabi ni Seulgi at inakap niya si Irene, nilagay niya sa balikat nya ang ulo ni Irene, sinisik naman agad ni Irene ang kanyang mukha sa leeg ni Seulgi. Kumdilat ulit, pero imbis na matakot, kumalma na ang puso ni Irene.

 

"Iloveyou Prinsesa ko" bulong ni Seulgi sa tenga ni Irene habang hinaplos ang likod nito.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!