TMA 45

Tutoring Ms. Aphrodite

Setting
Room 1029 (Hospital)
Tuesday
Time: 2:37pm



"May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Kaya mo bang bumangon? Anong gusto mo?" rinig kong tanong ni Seulgi kay Irene.

 

"Gusto ko ng tubig" mahinang sagot ni Irene kay Seulgi na dali dali namang kumuha ng tubig at sinalinan ang plastic cup para makainom si Irene.

 

"Sabi ng doctor pwede ka naman na daw kumain. Gusto mo ba ng prutas? Ipagtatalop kita. Madaming dinala daddy mo kanina. Dumaan sya kaso tulog ka. Ayaw ka na nyang pagising, punta daw syang presinto para maasikaso yung isasampa nyang kaso sa mga gumawa sa iyo nyan" bakas sa boses ni Seulgi na nagtitimpi lang sya ng galit, baka dahil narin nasakatan si Irene kaya ganyan sya.

 

"Sa-sabi ni daddy, sasampahan nya ng kaso yung mga bumugbog sakin?" tanong ni Irene kay Seulgi. Tumango naman si Seulgi habang patuloy na pinagbabalat ng orange si Irene. Pagtapos ay sinubuan niya si Irene ng orange. Dun palang ako nagreact. Nakalimutan ata ng dalawang to na andito rin ako sa kwarto.

 

"Uhmkalamonamanmagjowa"  fake akong sinamid sa inaakto nitong dalawang nasa harap ko. Agad din akong tinignan ni Irene ng masama at natawa naman si Seulgi.

 

"Sana pala sumama na ko kela Joy kung alam ko lang na ganito rin aabutan ko" eksaherada akong nagbuntong hininga.



"Gusto mo ba ng orange Yeri?" tanong ni Seulgi sakin.

 

"Pagbabalat mo rin ba ko?" flirty kong tanong pabalik kay Seulgi, agad naman umismid si Irene sakin.

 

"Pwede nam.." sasagot sana si Seulgi pero agad din sumabat si Irene.

 

"Ako lang pwede nya ipagbalat. Diba?" sabay pabebe ni Irene kay Seulgi.

 

"Ah eh. Oo naman" nahihiyang sagot naman nitong isa. Halos mamula ang mukha ni Seulgi ng nginitian sya ng pagkatamis tamis ni Irene.

 

"Kayo na ba?" di ko na maiwasan di magtanong.

 

"Sorry. Wag nyo na kong pansinin dito. Gawin nyo na yang ginagawa nyong paglalabing labing. Check ko nalang IG ng baby Saeron ko" dagdag ko pang sabi.

 

"Baby ka rin ba?" pangiinis ni Irene sakin. Inirapan ko sya agad, na ikinatawa nya at tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagcheck sa account ni Saeron.

 

"Yeri, Irene, baba muna ko saglit. Nagtext si Yongsun, pinapapunta ko don para maayos ko mga paperworks para makauwe na si Irene." Sabi ni Seulgi samin.

 

"Okay" sabay namin sagot ni Irene. 


Nang makalabas na si Seulgi, ay binalot na ulit kami ng katahimikan ni Irene. Tinignan ko sya at tinignan din nya ako. Siguro nagaantayan lang kami. Kaya ako na ang unang bumasag ng katahimikan.

 

"Ano ba talagang nangyare?" pagusisa ko. Nakita ko ang nangingilid na luha ni Irene.

 

"Hi-..hindi ko alam. Gusto nila kunin yung kotse at pera ko" sagot nya. Pero hindi ako kumbinsido. Masyado ko nang kilala si Irene at alam kong may tinatago sya samin.



"Mamsh, kung magsisinungaling ka. Wag sakin." sabi ko at narinig ko syang magbuntong hininga. I knew it!



"Pag sinabi ko sayo to. Promise me na hindi mo sasabihin kela Yongsun.." pagwawarning nya sakin. Tinanguan ko lang sya at nagmuestra na nagzip ng bibig at cross my heart sign.

 

"Ganito kasi yon" panimula nya. At nagkwento na sya kung anong nangyare.

 

Pagkatapos siguro ng kinse minuto ay binalot nanaman kami ng katahimikan ni Irene. Nashock ako sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kung icocomfort ko ba sya or need ko syang batukan para magising sya sa mga maling desisyon nya sa buhay.

 

"Anong plano mo ngayon?" tanong ko sakanya.

 

"Kahit ano naman maging desisyon mo may masasaktan parin mamsh. Pero kung ako sayo dun ka sa instinct mo." sunod ko pang sabi.

 

 



Setting
Del Mundo's Residence

 



 

Inaalalayan naman ni Seulgi si Irene papasok ng kanilang bahay. Nadischarge na ito at napagpasyahan na sa bahay ng daddy na nya muna sya uuwe. Safe at para mapanatag si Seulgi.

 

"Dito ka ba matutulog?" tanong ni Irene kay Seulgi. Tumango lang ito. Agad din naman ngumiti si Irene.

 

"Pero dun ako sa sahig hihiga. Kasi malikot akong matulog baka madaganan kita" seryosong sabi ni Seulgi.



"Di naman daw ganun kalala yung fracture. Parang nalamog lang siguro. Kaya okay lang na sa kama ka matulog. Tabi tayo." usap naman agad ni Irene sakanya.


Nang nakahiga na sila ay bumaling si Irene kay Seulgi.


"Seulgi gising ka pa?" tapik ni Irene sa katabi nya.

 

"Hmm?" sagot ni Seulgi pero hindi sya lumilingon kay Irene. Nakapikit parin ito.

 

"I'm sorry" mahinang sabi ni Irene.



"Para san?" tinignan na ni Seulgi si Irene.



"Kung nagsosorry ka kasi feeling mo naaabala mo ko, hindi. Gusto ko kasama kita. Gusto ko safe ka. Kaya wag kang magsorry okay? Masaya ako na katabi kita ngayon." seryosong sabi ni Seulgi, agad nyang hinila papalapit si Irene sa kanya at pinapatong niya ang ulo ni Irene sa kanyang balikat habang hinahaplos ang likod nito.


"Sleep na tayo" sabi nya, tumango naman si Irene at mahigpit syang inakap sa bewang. Ramdam na ramdam nya ang bilis ng tibok ng puso nya. Hinalikan nya si Irene sa noo at natulog na rin.

 



 

Makalipas ang ilang linggo ay exam week na nila Seulgi. Magaling narin ang mga sugat ni Irene. Kakatapos lang nilang magtutor at pauwe na sila ng  may napansin si Irene na sumusunod sa kanila.



"Seulgi, punta muna kaya tayo sa mall?" nagpapanic man ay madiiin nyang sinabi ito kay Seulgi.

 

"Huh? 5pm na. Bakit tayo magmamall? Exam na natin bukas. Dat nagpapahinga na tayo" sabi naman ni Seulgi.

 

"Diba mag la-La-Uñion tayo? Kailangan ko nang mamili ng mga gamit. Kasi aalis tayo after ng exam sa Thursday diba?" pangungumbinsi ni Irene sakanya.

 

Napapayag naman nya si Seulgi. Agad silang nagmadali papunta ng mall. Makalipas ang 3 oras, napansin ni Irene na parang wala na yung sumusunod sa kanila, hindi parin sya panatag, kaya pinilit nyang duon na matulog si Seulgi sa kanila.

 

"Wait. Magpapaalam muna ako kay nanay." sabi ni Seulgi sakanaya. Nang laki ang mga mata ni Irene ng maaninagan nya ang pamilyar na suot ng sumusunod sa kanila. Agad nyang hinila si Seulgi papasok sa grocery. At sinilip nya ang sumusunod sakanila. Nang malapit na ito ay bigla nya itong hinarap. Nagkagulatan pa ang dalawa.



"Tzuyu?!" sigaw ni Irene.



"Sorry. I meant to call you guys kanina kasi nakita ko kayo. Kaso mas nanaig sakin na gulatin ka." tatawa tawang sabi ni Tzuyu kay Irene.


Pinaningkitan naman agad ni Irene si Tzuyu ng mata.



"Kanina mo pa ba kami sinusundan?" di maiwasan tinanong ni Irene ito.

 

"Kanina. Nung nakita ko kayo sa 2nd floor" walang kagatol gatol na sagot ni Tzuyu.


Nakikinig lang si Seulgi sa kanilang dalawa at tila gulong gulo sa nangyayare.



"Anyway, kumain na ba kayo? My treat" biglang sabi ni Tzuyu.

 

"Sa bahay kami kakain" sagot ni Irene.

 

"Dali na. Minsan lang to, plus, I need to talk to you guys about the L.U plan" sabi ni Tzuyu.

 

"Tara na. Kumain na tayo. Kanina pa din ako gutom" sabat ni Seulgi. Ngumiti lang si Tzuyu at inaya na sila sa restauarant.

 



 

"Anita?" tawag sakanya ng lalaki.

 

"Kailan ka pa bumalik dito?" tanong ni Anita sa lalaking kaharap nya.

 

"Akala mo ba matatakasan nyo ko? Kailangan natin magusap" sagot nito sakanya. Sinenyasan ng lalaki ang kanyang mga tauhan na sapilitan dalhin si Anita sa sasakyan.


"Teka! Bitawan nyo ko! Chan..~!!" sigaw ni Anita. Pero agad din tinakpan ng tauhan ang kanyang bibig. Onti onting nakaramdam ng pagkahilo si Anita at naramdaman pa nyang binuhat sya papasok sa van. Hindi na sya nakapalag.

 



 

"Bat di ka mapakali dian, galaw ka ng galaw" sita ni Irene kay Seulgi. Habang nakahiga sila sa kama.


"Hindi pa nagrereply si nanay. Kanina ko pa tinatawagan. Cant be reached" halata na nagaalala si Seulgi.


"Baka nalowbat lang? Or baka tulog na? Nagmessage ka naman diba? Matatanggap nya din yun for sure" kalmadong sabi naman ni Irene.


"Siguro nga. Osige. Halika na. Matulog na tayo" aya naman ni Seulgi kay Irene.

 



 

3rd Person POV

 

"Okay na ba?" tanong ng babae

 

"Oo. Unti onti nang nagtetake place ang mga plano. Salamat sayo. Hindi mo ko binigo" usap naman ng lalaki sa babaeng kaharap nya ngayon.

 

"I would do anything for you. Alam mo yan" sagot ng babae. Nginitian naman sya ng lalaki bilang sagot nito sakanya.


Konting konti na lang Seulgi, malalaman mo rin ang totoo.

 

 




 

Author's Note.

Thankyou all for supporting this story. Will you stick with me til the end? 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki 50 streak #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!