TMA 52 - part b (past encounters)

Tutoring Ms. Aphrodite

*flashback*


"Maximo, nagpupullout na ang mga investors ng kompanya. Pano na to? Malapit na tayo mabaon sa utang. Kung hindi tayo makakahanap ng magiinvest, malulugi tayo! Sama samang mauubos lahat ng pera natin!" sabi ni Yao na isang pipitsuging investor sa kompanya ko.


"Wag kayong magalala. Nakausap ko na ang CEO ng H2Corporation balak nilang maginvest ng malaking pera pa sa kompanya natin, as a matter of fact, may meeting ako sa COO nila today." pangungumbinsi ko naman sa mga ito. Nagtinginan sila at pumayag din naman kaya tinapos na namin ang paguusap sa board room para makapaghanda ako sa presentation ko mamaya sa isa sa mga kilalang company sa Singapore.

 

"Sir? Andito na po si Mr. Hong from H2Corporation" sabi sakin nang aking sekretarya.

 

"Sige. Asikasuhin mo muna at susunod na ko" bilin ko dito.

 

Nang handa na ang lahat ay nagtungo na ako sa board room kung saan nagaantay ang possible investor ng aking kompanya.


"Mr. Henry Hong?" nakatalikod ito at tinitignan ang view mula sa labas ng aking all glass board room.

 

"Welcome to the Philippines. Im Maximo Del Mundo of--" naputol ako sa pagsasalita ng itinaas nito ang kanyang kaliwang kamay at humarap sakin. Bata pa pala ang COO ng H2Corporation.

 

"Save it Mr. Del Mundo. I knew you already, ive read the proposal. By the way, im Chanyeol Hong, im the only son of Henry Hong, and im the COO of H2C. Let's sitdown and talk about business, yeah?" sabi nya sa akin.



"Okay. Mr. Hong, if you've already read the proposal, then it means alam mo na ang magiging cause--" pinutol nanaman nya ang aking pageexplain.

 

"I can invest tons of money on your company. Pero I have a different proposal for you Mr Del Mundo. Ibenta mo sakin ang 30% ng shares mo sa company." Seryoso nyang sabi.



"Wh-what? Are you serious?" natatawa kong tanong.



"Yes. Magiinvest ako sa palugi mong kompanya. Think of it as a collateral, pag nakaahon ka. Bilhin mo sakin pabalik" confident nyang sabi.


Nagdadalawang isip ako, at the same time I'm impressed. He reminded me of myself bago pa ako maging CEO ng sarili kong kompanya. Eager at pag may gusto hindi natatakot sumugal.



"Give me time to think, dapat kinuconsult to sa buong board" sabi ko sakanya.



"Of course Mr. Del Mundo" sagot nito sakin



"But you better think fast. Pag ganitong, pabankrupt na kayo" sabi sa akin ni Mr. Hong. Tinanguan ko sya at masinsinang inisip ang kanyang proposal. Hindi ko na ikinunsulta sa ibang board members ito, dahil for sure magpapanic lang sila. Mawawalan sila ng tiwala. Pinirmahan ko ang kasunduan na ittransfer ko ang shares ko kay Chanyeol. Bahala na sa isip ko, hindi ko naman hahayaan na mabaliwala lahat ng hirap ko sa kompanyang to, madami ang nakasalalay sa akin.

 



 

"Konti nalang mauubos ko na ang paninda at makakauwe narin ako, pakyawin mo na to suki" sabi ko sa ale na kausap ko.

 

"Ay nako nanay, kung di lang kayo masarap magluto ng kakanin, ay hindi nyo ko mapipilit. Osya sige. Bibilhin ko na lahat yan" sabi ng suki ko dito sa isang subdibisyon na pinaglalakuan ko.


"Nay, para kayong naninilaw, okay lang ba kayo?" puna sa akin ng bumibili.

 

"Ah oo naman, salamat sa pagbili nyo. Sa uulitin" sagot ko sakanila. Matagal na kong may iniinda sa aking katawan, pinagbabawalang bahala ko lang ito dahil ayokong magalala masyado si Seulgi sa akin.


Sumakit bigla ang akin tiyan, para itong pinipilipit at para akong kakapusin ng hininga. Napaluhod ako sa kalsada dahil sa sakit na nararamdaman ko.


"Tita Anita! Ano pong nangyayare sa inyo?!" hindi ko man lang namukaan ang babaeng tumulong sakin dahil ang alam ko lang ay ng titignan ko sya, ay nawalan na ko ng malay.

 



"We've done some tests Ms. Miranda. Base sa ultrasound, may bukol sa liver si Misis, medyo malaki na ito, kailangan natin syang ipabiopsy para malaman kung malignant or benign ang tumor nya sa liver" sabi ng doctor.

 

"Hindi po ako ang pwedeng magdesisyon nyan. Dapat ko po muna syang kausapin" sagot ko sa oncologist na kausap ko. Inantay kong magkamalay si Tita Anita, alam kong nagaalala sya ngayon pero kailangan nyang gumaling sa lalong madaling panahon.

 

"Asan ako?" medyo mahinang tanong nito sakin.

 

"Tita, nahimatay kayo sa may subdivision, buti nalang at nakita ko kayo.. Uhm, tita, kung mamarapatin nyo, kailangan nyo po sigurong magpatest pa ulit. Willing ko po kayong tulungan, ako po sasagot sa gastos dito sa ospital, malunasan lang po natin ang.." pagsabi ko non, ay pinilit bumangan ni tita Anita sa kama.



"Tita, teka lang po, wag po muna kayong tumayo.." pagpigil ko sakanya.

 

"Tzuyu, matagal ko nang alam. Pinilit ko na tong labanan noon. Pero wala rin namang nangyayare, hayaan mo nalang ako, hindi ako natatakot sa sakit ko. Matagal ko ng pinaghandaan ang araw na babawiin na ko ng Diyos dito sa mundong to." seryoso nyang sabi sakin. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

 

"Pano si Seulgi.. Tita, paano sya pag hindi nyo nilabanan ang sakit nyo?" pagaalalang tanong ko kay Tita

 

"Sasabihin ko rin sakanya. Pero hindi pa ngayon. Kailangan ko ng umuwe." tumayo sya. Agad ko syang inalalayan.



"Hahatid na kita tita" sabi ko. Tumango naman sya. Habang nasa kotse kami hindi ko maiwasan hindi magisip para kay tita Anita at kay Seulgi.. Bukal sa puso kong tulungan sila kung may kailangan sila, hindi ko sila pwedeng pabayaan. Naputol ang aking pagmumuni ng nagsalita si Tita Anita.

 

"Hinahanap ko ang totoong tatay ni Seulgi. Kailangan ko na syang ibalik sa totoo nyang pamilya, yung alam kong may magaalaga sakanya pag nawala na ako" malayo ang tingin ni tita Anita ng sinabi nya yun saakin. Hindi ako makasagot. Hindi ko masabi kay tita na alam ko ang lahat. Na kilala ko ang totoong ama ni Seulgi, na yun din ang planong gawin ni Cee, ang bawiin ang nagiisa nyang anak.

 

"Ang tangi ko lang dasal, ay tanggapin ni Seulgi ng matiwasay ang paglisan ko sa buhay nya at ng matanggap sya ng totoo nyang pamilya" sunod pa nitong sabi.

 

"Tita, wag nyo pong sabihin yan. Kung magpapagamot po kayo, pwede pa po kayong magstay sa buhay ni Seulgi" kontra ko sakanya, nginitian lang nya ko. Isang pagod na ngiti na gusto kong ikaiyak. Dumating kami sa kanilang bahay, inihatid ko parin sya para sigurado akong walang mangyayare kay tita.

 

"Tita. Pagisipan nyong maigi. Mas makakabuti kung magpapatingin kayo sa espesyalista" pagkumbinsi ko ulit. Hinawakan nya ang aking mga kamay, parang nagsusumamo na hayaan nalang sya sa kanyang mga desisyon.

 

"Pwede ba kong humingi ng pabor?" sabi nito. Tumango ako at inantay syang magsalita.

 

"Wag mong sabihin kay Seulgi ang sakit ko. Hayaan mo ako ang magsabi sakanya, at kung pwede ay wag nyong iiwan ang anak ko kung sakali mang.." hindi na sya nakapagsalita dahil narinig namin ang boses ni Seulgi at papalapit na ito samin.


Hinigpitan nya ang kapit nya sa aking kamay at pinisil ito, hudyat na sumunod ako sa mga gusto nyang mangyare. Tinignan ko si Seulgi. Tsaka ko binaling ang tingin ko kay tita Anita. At matipid nya kong nginitian.

 



 

"Tzuyu, nahanap ko na ang unica ija ko" sabi ni Cee sakin, matapos naming kumain ay dinala nya ko sa conference room. Nakahanda ang projector at lahat ng papeles sa harapan ko.


"Mabuti naman kung ganon Cee. Kailan mo sya balak kausapin?" tanong ko dito.

 

"Humahanap pa ako ng tiyempo. Hindi madali ang gagawin ko, maaari hindi nya ko tanggapin." malungkot na sabi ni Cee.

 

"Si Anita nalang ang pagasa ko Tzuyu, sya ang pwedeng kumumbinsi sa anak ko na sumama sakin" nilingon ko si Cee, "Anita".. Ang nanay ni Seulgi.. Si Seulgi ang nagiisang anak ni Changmin Rionalde?

 

"Cee? Si Anita Amarillo?" gulat kong tanong

 

"Oo. Alam kong kilala mo sila Tzuyu, kaya alam kong matutulungan mo ko" muli nyang sabi.


 



 

"Changmin?" sabi ko sa lalaking kaharap ko.

 

"Long time no see Annie! Sorry kung kinakailangan kitang dakpin ng ganyan, baka kasi takbuhan mo ako" sabi nito sa akin



"Walanghiya ka! Pagkatapos mong wasakin ang buhay ni Yuri! Hindi pa ba sapat ang buhay ni Yuri para lang patunayan sayo na hindi sya manloloko?!" galit kong sigaw sakanya.

 

"Alam ko Annie, nagkamali ako. Kaya ako nandito para itama ang mali ng nakaraan, kailangan na akong makilala ng anak ko" sabi ni Changmin sakin.


 





"Teka. Ang ibig mong sabihin, kilala mo ang tunay na tatay ni Seulgi??" tanong sakin ni Moonbyul, habang nagkkwento ako sakanya ng mga nalalaman ko. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan sya at hindi nya ko lolokohin.

 

"Mahirap yang ginagawa mo. Nagiging tulay ka ng nakaraan at kasalukuyan" sabi nya ulit sakin.

 

"Whatever it takes, basta para kay Seulgi" sagot ko.


Sinabi ko lahat ng nangyayare, mula sa pagtulong ko kay tita Anita, kay Irene at kay Changmin.

 

"Its been you all this time?" gulat na sabi ni Byul.

 

"Yeah. Im planning to tell Seulgi din pero, masisira ang plans. I dont know if you'll believe me pero.." nakatungong sabi ko.

 

"For all its worth. I think you should be more honest with yourself first. Naniniwala ako sayo. And I admire you for what you're doing. Kaso, ikakapahamak mo yang mga ganyang sikreto." sabi ni Moonbyul

 

"I know and im ready to face the consequences kahit kaligayahan ko yung kapalit." buong sinseridad kong sagot kay Moonbyul.

 

*end of flashback*

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!