TMA 46

Tutoring Ms. Aphrodite


*flashback*


"Annie, kailangan ko ng tulong mo" halos nanghihinang sabi ni Yuri.



"Bakit? Anong nangyare sayo? Asan ka?" medyo tumaas ang boses ni Annie.



"Asa mansyon ka ba ngayon? Andian ba ang bruha?" tanong ulit ni Yuri.

 

"Wala. Wala rin yung magaling mong ex" sabi ni Annie.

 

"Annie, buntis ako" biglang sabi ni Yuri dito.

 

"Anong ibig mong sabihing buntis ka??! Pano? Sino ang ama?" kwestyon ni Annie sa kaibigan nya.

 

"Hindi ko naman kayang buntisin ang sarili ko diba, malamang yung gago kong ex ang ama, hindi ako ready sa bata Annie.. Balak ko tong ipala.." diretsong sabi ni Yuri, pero agad din syang kinontra ni Annie.



"Gaga ka ba?! Kikitil ka ng inosenteng buhay?! Nahihibang kana" madiin nitong sagot.

 

"Magiging delikado lang ang buhay ng bata kung bubuhayin ko sya Annie, alam mo naman na need kong magtago ngayon. Pag nalaman nilang may anak ako sa ex ko, tiyak magiging target nila ang bata" sabi ni Yuri



"Gagawan natin ng paraan. Bat hindi mo nalang sabihin sa ex mo yung totoo? Hindi ka naman talaga nangloko. Na wala kang ninakaw sa kanila at hindi mo gusto ang kompanya nila. Yung bruhang kerida nya ngayon ang kumakamkam na dapat para sa inyo ng magiging anak mo!" wika ni Annie.

 

"Tulungan mo kong itago ang anak ko" sabi ni Yuri

 

*End of flashback*

 



 

"Nay? Bakit pala hindi ka sumasagot kagabi ng tawag? Nagalala ako sayo." sabi ni Seulgi. Kasalukuyan nyang tinutulungan ang kanyang nanay sa pagaayos ng ilalako nitong paninda.

 

"Masama ang pakiramdam ko kagabi anak at nalimutan kong magcharge." sabi ng matanda kay Seulgi.

 

"Nay, anong gusto mong pasaubong pagkauwe namin ng La Uñion?" tanong ni Seulgi sa ina.

 

"Buhangin anak. Gawin nating parang manila bay yung harapan ng bahay natin para sosyal." sabay tawa nilang mag-ina.

 

"Nanay talaga puro kalokohan e" tatawa tawang sabi ni Seulgi.

 

"Gusto ko naman maranasan mag sun bathing anak. Kahit man lang sana humiga sa buhangin." pagbibiro pa ni aling Anita.

 

"Nako nay, magtatakbuhan ang kapitbahay pag nag bathing suit ka" pangaasar ni Seulgi, hagalpakan nanaman sila ng tawa.


Bukas na ang alis nila Seulgi patungong La Uñion. Kaya pagtapos nyang tulungan ang kanyang nanay ay nagpaalam na syang magaayos ng kanyang gamit. Excited sya. First time nya pupunta ng La Uñion, mas nakakaexcite dahil kasama nya si Irene. Ganito pala ang inlove wika nya sa kanyang isipan.


 



 

"I cant go ng di kasama si Eric, sinabihan sya ni mama na dapat sa lahat ng lakad ko, nandon sya" sabi ni Yongsun na hinihilot ngayon ang sintido nya.

 

"Boo!!!!! Kj ng mama mo. Ilagay mo sa sako tsaka mo iligaw yung fiance mo" sabi naman ni Yeri.



"Wala naman akong choice. Isasama ko." walang emosyon na sabi ni Yongsun.


Habang nakapila sila sa canteen ay nakita nila si Moonbyul kasama si Dahee at masaya itong naguusap. Hindi maiwasang hindi mapalitik si Yongsun.

 

"Tsk, nawalan na ko ng gana" iritadong sabi nito kela Yeri.

 

"Balita ko sasama si Dahee satin sa La Uñion ah" walang kamuwang muwang na sabi ni Yeri.

 

"Wait what?! Bakit? Kasama ba sya sa barkadahan?" gigil na baling ni Yongsun sa kanila.

 

"Plus one sya ni Byul. Okay lang din naman samin since kaibigan naman namin si Dahee" sabi naman ni Nayeon

 

Hindi naman makapaniwala si Yongsun sa naririnig nya. Tinignan nya ulit si Byul at si Dahee. Napabuntong hininga nalang sya at napailing.

 




Dumating ang Thursday, ang lahat ay excited. Natapos nila ang kanilang mga exams at mamaya ay luluwas na sila paLaUñion. Nasa meeting place na si Chaeyoung at Jeongyeon bitbit ang kanilang mga bag, sila Wendya at Joy naman ay dumating narin na may bitbit na mga snacks para daw hindi sila magutom. Nagsidatingan narin sila Nayeon at Mina kasama si Yeri. Sunod na dumating si MoonByul, kasama niya si Dahee na agad din naman sinalubong ng barkada at winelcome. Hindi nila namalayan na papalapit narin pala sila Eric sakanila


"Hello girls, im Yongsun's fiance. Eric." sabat nito sa mga babaeng naguusap. Napasimangot naman si Byul. Nginitian at naghello din naman ang iba dito. Hindi katagalan ay dumating narin sila Irene at Seulgi.

 

"Wait nga! So ano to? Ako lang walang kapartner?!" napagtanto ni Yeri nung binilang nya ang mga kasama nya at halatang lahat ay may katabi na sa minibus na nirentahan nila.

 

"Ako din wala" sulpot ni Tzuyu sa likod ni Yeri.

 

"Omygee! Wag mo kong gugulatin ng ganon! Hindi ko pa nga nakikita si Saeron ay aatakihin na ko sa puso dahil sa gulat sayo" eksaheradang saad ni Yeri. Kinatawa naman ng lahat ito.

 

"Ang cute mo" tanging sabi ni Tzuyu. At umupo na ito sa pwesto nya.

 

"Wala na tayong naiwan? Andito na tayong lahat diba? Gora na kuya! Alis na tayo!" sabi ni Nayeon.

 

"Go!" "La Uñion here we come!" "Yeeeeessssss" "Happy Sembreaaaakkkk" kanya kanya nilang sigaw.


Habang nasa byahe ay nagpasimuno si Mina na magrosary muna sila for safe trip. Agad naman syang sinuportahan ni Chaeyoung.

 

"Balak ba magmadre ni Mina?" Pabulong na tanong ni Jeongyeon kay Nayeon. Kinurot naman sya nito na kinatawa lang nya.

 

Pagkatapos magdasal ay kanya kanya na sila ng ginagawa, ang iba ay natulog, yung iba kumakain ng snacks na dala nila Wendy.

 

"Okay ka ba?" tanong ni Seulgi sa katabi nya. Umayos ng upo si Seulgi at isinandal ang ulo ni Irene sa balikat nya at agad din naman hinawakan ni Irene ang braso ni Seulgi, na parang ayaw nya itong umalis sa tabi nya. Napangiti naman si Seulgi.

 

Nakarating sila sa San Juan, La Uñion magbabandang 5am na nang umaga. Nag early check-in sila sa EZ Hotel, at nagdesisyon na dalawang malaking kwarto nalang ang kanilang ookupahan para hindi sayang. Pero hindi pumayag si Eric. Kaya nagkaron ng separate na kwarto sila ni Solar.


Room 1:

Nayeon, Jeongyeon, Mina, Chaeyoung, Tzuyu at Yeri


Room 2:


Seulgi, Irene, Moonbyul, Dahee, Wendy at Joy.

 

Nang maayos na ang lahat ay nagpower nap silang magbabarkada. Hindi naman makatulog si Moonbyul kaya naisipan nyang magikot sa hotel. Nakita nya si Solar na nakaupo sa buhanginan, nilapitan nya rin ito at naupo sa tabi nya.


"Kamusta ka?" tanong nya sa babaeng sinisigaw parin ng puso at isip nya.

 

"Okay lang" walang emosyong sagot ni Solar.

 

Hindi na muling nagsalita ang dalawa at hinayaan nalang nila ang ingay ng dagat ang pumagitan sa kanilang katahimikan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
1023 streak #2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!