TMA 33

Tutoring Ms. Aphrodite


Papasok na ko ng school ng makasalubong ko si Tzuyu. Nagkahiyaan pa kami pero eventually sya din yung nagbreak ng awkwardness na bumabalot samin.


"Morning Gi!" bati nya sakin, agad naman akong sumagot at inaya na nya ko papunta sa klase.


Nakareceive ako ng message na on the way palang si Irene. Kaya naman  sa may minigarden nalang kami magkikita mamaya.


"Nasabi mo ba?" tanong ni Tzuyu sakin habang naglalakad kami sa hallway.

 

"Oo, nasabi ko na." pabulong kong sabi. Tinitimbang ko kasi yung feelings ni Tzuyu. Alam ko naman na okay na sya pero ayoko rin naman nung kakaconfessed nya lang sakin, tas alam ko nasaktan ko sya, biglang ako naman si insensitive magkukwento pa sa nangyare. Masyadong awkward.

 

"Okay lang ako. Promise" narinig nya ata mga isinisigaw ng isip ko. Tinignan ko sya, mukha namang syang nag sasabi ng totoo.
 

"Alam mo naguguilty parin ako" sagot ko sakanya.
 

"Ano ka ba. Mas maguilty ka kung pinaasa mo ko tas hindi mo naman pala ko paninindigan" nakangiti nyang sagot. Minsan talaga iisipin ko sa lahat ng taong nakilala ko, itong si Tzuyu yung pinaka mature mag isip.
 

"Atsaka, gugustuhin parin naman kita kahit anong mangyare." dagdag pa nya. Ikinangiti ko yon. Napaka sincere ng pagkakasabi nya. Swerte talaga yung susunod na mamahalin nitong si Tzuyu.
 

Habang naglalakad kami ay nakita namin si MoonByul at si Solar na naguusap sa may locker area. Mukhang seryoso ang usapan dahil halos di na kumurap si MoonByul. Nakita nya ko at matipid nya kong tinanguan. Mamaya ko nalang siguro sya tatanungin. Nang makarating kami sa classroom ni Tzuyu, agad na akong nagpaalam at nagtungo narin sa klase ko. Mabilis na lumipas ang oras, pagkatapos ng morning classes ko ay nagpunta na ko sa minigarden kung san kami dapat magkita ni Irene. Vacant nya ng 11:30-1:00pm at ako naman hanggang 12:30 lang. Nakita ko sya na nagmamadaling  patungo kung saan ako naroon.

 

"Kanina kapa? Sorry. Si Prof. IU kasi ang tagal mag palabas ng students. May result na pala yung mga exams ko, hindi ko pa tinitignan. Gusto ko kasi ikaw una makakita" sabay abot nya ng test papers nya. Okay, sa totoo lang ako yung kinakabahan kasi ako ung una nyang tutor so ako incharge ngayon sa midterm grade nya. Deep breath... Inhale. Exhale.
 

Inabot ko ang exam papers and chineck ko ito isa isa. Nagpabaling baling ako ng tingin sa test papers at kay Irene na kanina mukhang excited pero ngayon ay nakakunot na ang noo dahil hindi parin ako nagcocomment.


"Babagsak parin ba ko?" mahinang tanong nya. Pinipigil ko na talagang hindi tumawa. Nakakaproud na halos 93 pataas ang grades nya at halos lahat ng lessons ay natandaan nya.

 

"Oo. Nako patay ka sa papa mo" pananakot ko rito. Sumeryoso ang mukha nya. In 5, 4, 3, 2....
 

"Congratulations!!! Pasado ka sa lahat ng exams mo!!" excited kong sabi. Medyo nagulat pa sya kaya agad nya kong pinalo sa tiyan.
 

"Bat kailangan mo pa kong asarin?? Kinabahan ako!" nakapout na sabi nya.
 

"Joke lang e. Tignan mo pasado ka lahat oh." habang pinapakita ko yung mga scores nya. Napansin kong nakatitig lang sya sakin.
 

"May dumi ba ko sa mukha?" tanong ko.
 

"Thankful ako sayo" sabi nya at sabay kiss sa pisngi ko. Hindi ko alam kung hinimatay ba ko o natulala. Pero ang alam ko lang ay gusto ko syang nakikitang ganito.
 

"Celebrate natin ang pagpasa ko?" bulong nya sakin. Kinilabutan ako dahil sobrang lapit sa tenga ko ng labi nya. Di ko rin sure kung siniseduce ako nitong babaeng to.
 

"San mo gustong kumain?" aya ko sakanya.
 

"Ikaw... San mo gusto?" sagot naman nya


"Ikaw ba manlilibre?" tanong ko. Sinamaan nya ko ng tingin


"Haha okay okay. Pagluto nalang kita ulit?" tanong ko. Pumayag naman sya sabi nya kakausapin daw nya ang tito nya para ako nalang daw ulit ang magtutor sakanya. Pumayag naman ako. Naglunch kami sa di kalayuan na karinderya. First time nanaman daw nya ito. At sa awa naman ng Diyos ay swak naman daw sa panlasa nya yung pagkain.
 

This time, ako naman ang ihinatid nya sa klase. I continued with my day. Ng bandang uwian, sinabihan ako ni Irene na sa condo nalang kami magstart ng lessons para daw comfortable kami pareho. Umokay lang ako.

 




3rd Person POV

 

"Pre, baka mangyare na mamaya." sabi ng lalaki kasama nya.

 

"Edi good. The earlier the better" sagot naman nang kasama nito.

 



 

"Seulgi!" tawag sakin ni MoonByul. Agad ko syang nilingon. Nagjog sya palapit sa pwesto ko.
 

"Pwede ba tayo magbonding mamaya?" tanong nito sakin.


"Huh? Huy Monday palang" sagot ko dito. Nakita ko na parang ang lungkot ng mukha nya.


"Osige. Tawagin natin sila Wendy?" segunda ko naman agad.


"Salamat Seulgi" sabi nya. Alam naman na namin kung san magkikita, kung san sila kumakanta nila Wendy, agad kong tinext si Irene na baka hindi kami matuloy, pero agad din naman syang nagreply na sasama nalang daw sya sakin kung san kami pupunta.

 

Nang maguwian na, agad kaming nagpunta sa isang studio kung saan kami nagbobonding magbabarkada. Alam namin may pinagdadaanan si Byul, kaya tahimik lang kami. Nagulat pa sila kasi kasama ko si Irene. Nagstart na sila magjamming nila Wendy.

 

"Bat tayo andito?" tanong sakin ni Irene. Sinabi ko yung dahilan. Agad naman syang tumango.

 

"Seulgi, ikaw na" aya sakin ni Wendy. Tumayo ako at lumapit sa may mic. Cheesy kung cheesy pero gusto kong kantahan si Irene. Tinignan ko sya. Halatang lito pa sya dahil nakakunot nanaman ang noo nya. Kinuha ko ang gitara at nagstrum na.

 

"Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Meron pang dalang mga rosas suot nama'why
Maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'why maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo..

Hindi ba't parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man
Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'why maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo
...."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
#2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!