TMA 31

Tutoring Ms. Aphrodite


Nagising ko na parang manhid na manhid ang braso ko at parang hindi ko maigalaw ang aking katawan. Sinubukan kong kumilos pero may biglang umungot. Teka?! Nasan ba ko?! Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang liwanag, inilibot ko ang aking paningin, hindi ko to kwarto. Tinignan ko kung san nanggagaling ang mumunting paghinga na nararamdaman ko sa may leeg ko, bumungad sakin ang napakagandang mukha ni Irene. Halos magdikit na ang aming mga mukha.


Kaya pala hindi ako makagalaw, naka patong ang hita at braso ni Irene sa aking bewang. Halos pumatong na sya, ganito kaya talaga syang matulog? Parang ayaw nya kong pakawalan.

 

Naalala ko nanaman ang nangyare samin kagabi, ipinagtapat ko na sakanya na gusto ko sya. At sabi naman nya ay ganun din sya sakin. Hinawi ko ang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Ang ganda ganda nya.


Sinong mag aakala na ang dating uhugin na bata sa playground ay magiging ganitong kaganda. Kaya siguro hindi ko sya nakilala agad. Sinubukan kong itrace ang kanyang mukha. Gusto kong itatak sa puso ko ang nakikita ko ngayon. Itatatak ko sa isipan ko ang moment na to. Dahan dahan kong iniangat ang mukha niya, nagiging manyak ata ako dahil sa babaeng to. Trinace ng hinlalaki ko ang kanyang pisngi, sa ilong at labi. Kinakabisado ko ang bawat nunal na meron sya, kung gaano kahaba ang mga pilikmata nya, ang matangos nyang ilong, at ang manipis nyang labi. Dadampian ko sana sya ng halik, pero bigla syang nagsalita na ikinagulat ko.
 

"Bat moko tinitignan ng ganyan? Gandang ganda ka na ba sa akin?" may ngiti sa kanyang mga labi.

 

"Akala ko nasa langit na ko kasi may katabi akong anghel" banat ko sakanya.

 

"Nye nye. Ang corny" mabilis nyang pineck ang mga labi ko. At nagnose to nose kami. Hilig nya atang ibinabangga ang ilong nya sa ilong ko. 

 

"Good morning!" Pabulong nyang sabi.

 

"Morning, pwede na ba bumangon? Need ko na mag toothbrush. Baka hindi pa nga tayo breakin mo na ko dahil sa morning breath" sabi ko sakanya.


Umayos sya, akala ko pwede na kong bumangon. Nang patayo na ako, ay bigla nya akong itinulak ulit pahiga at nanlaki ang mga mata ko ng bigla syang pumatong sakin.


"Wala akong pake sa morning breath mo" sabay siil nya sakin ng halik. Napaungol ako sa ginawa nya.

 

"Your moan sounded so delicious" pineck nya ulit ako at umalis na sya sa pagkakapatong. Nagpigil ako ng hininga. Mukhang any moment bibigay ako pag ganito ng ganito si Irene.

 

"Lets go na. Order ako ng breakfast." sabi nya sakin. Hinihila na nya ang aking braso.

 

"Bat oorder kapa? Ako nalang magluluto" sabi ko sakanya. Agad nagliwanag ang kanyang mga mukha.
 

"Talaga??" tanong nya sakin.

 

"Opo." sagot ko habang bumabango.

 

"Yey!!! Sarapan mo ha." pagbabanta nya sakin. Para nanaman syang bata. Ang cute cute nya talaga.

 

"Yes prinsesa" saad ko. Ngumiti sya sa sinabi ko.

 

Nagtungo muna ako sa banyo para maghimalos at magtoothbrush, si Irene naman ay nagccheck ng pagkain sa kanyang ref.

 

"May problem tayo" sabi nito sakin paglabas ko.

 

"Ano yun?" tanong ko naman


"Wala akong stock ng food, I only have bread and cheese" malungkot na sabi nito sakin.


"Maggrocery tayo?" sabi nya pa.

 

"Sige. Okay lang din naman. Need ko lang din tawagan si Nanay" sagot ko naman. Pumasok ulit ako ng kwarto para masabihan ko si nanay sa mga gagawin ko ngayon. Una sa lahat, umamin na ko kay nanay sa nararamdaman ko kay Irene. Okay lang daw naman sakanya basta daw masaya ako at alam ko yung pinapasok ko. Nang makausap ko na si nanay ay lumabas ulit ako ng kwarto para tanungin si Irene kung pwedeng humiram ulit ng damit ng marinig ko na parang may kausap sya. Naramdaman nya siguro na palabas na ako kay agad nyang binaba ang cellphone at humarap sa direksyon ko. Para syang kinabahan.

 

"Okay ka lang?" tanong ko sakanya. Tumango naman sya at agad tinago ang kanyang phone. Nang pareho na kaming natapos sa pagligo ay umalis na kami at nagpunta na sa grocery store.

 

"Gusto mo ba to?" tanong ko sakanya. Tumango lang sya at kumuha ng mga snacks, para daw sana pag magssleep over ako or may movie nights or kahit simpleng study session may kutkutin kami.


"Pwede yung Pringles nalang?" tanong ko sakanya. Agad naman syang pumayag. Akala ko talaga simple at yung needs lang ang bibilhin nya pero napuno ata namin yung shopping cart. Mayaman talaga sila ever since. Nang makabalik kami sa condo nila Irene, tinulungan ko sya sa mga pinamili, mukhang hindi na breakfast ang kakainin namin, brunch na.

 

"Try mo, baka maalat" habang inaabot ko yung kutsara sakanya. Pagkatikim nya ay inaantay ko syang magcomment pero mukhang no feedback ata sya. Natakot tuloy ako baka hindi pasado sa standards nya ang luto ko.

 

"Ano to?" Tanong nya sakin.

 

"Kaldereta, hindi ba masarap?" worried kong tanong sakanya.

 

"Masarap. First time kong kakain nyan." pag amin nya sakin.

 

"Di ka ba pinagluto before ng mommy or daddy mo?" tanong ko sakanya. Nag iba ang expression nya. Yung bang parang hindi ko mabasa.

 

"Hindi. Sanay ako sa mga chef na nagluluto para sakin." monotone ang pagkakasabi nya. Nagsorry tuloy ako. Baka kasi naoffend ko sya.


"Sorry. Masyado kong chikadora." trinatry kong lighten yung mood.


"Okay lang. Andami ko lang din siguro namiss out noon. Aga rin kasi kaming iniwan ni mommy" seryosong sabi nya habang nakatungo. Agad ko syang nilapitan at itinaas ang kanyang mukha.

 

"Hayaan mo. Lagi na kitang ipagluluto. Tska gawin natin yung mga di pa nattry" suggestion ko. Agad namang nagliwanag ang kanyang mukha.


"Promise?" excited nyang tanong.


"I promise princess" sabi ko. At inakap ko sya. Hindi ko alam kung gano katagal kaming magkaakap sa ganong posisyon.


"Uhm, Seulgi? I smell something burning" sabi nya sakin. Agad akong kumalas sa pagkakaakap sakanya. Tawang tawa naman sya dahil halos matuyo na yung niluto ko. Hindi naman sya choosy. Kinain parin naman nya iyon, puno lang ng kwentuhan at tawanan ang pagkain namin. Nagvolunteer syang maghugas ng pinggan, pero alam ko naman na hindi sya sanay kaya tinulungan ko parin sya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
#2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!