TMA 16

Tutoring Ms. Aphrodite


"Baliw ka!" umalis sa pagkakaakap si Irene, tawa lang ng tawa si Seulgi. Ramdam nya yung malaking ginhawa dahil naiiyak na nya kanina. Tinignan nya si Seulgi na bumuntong hininga.


"You're welcome" sabi ni Seulgi sakanya.


"Kahit na hindi ka magthank you, ramdam kong gumaan yung pakiramdam mo" sunod na sabi nito sakanya.


Tinitigan sya ni Seulgi, yung mga sunod na ginawa ni Seulgi, ang ikinagulat nya.


"Alam mo, ang ganda mo parin pala kahit umiiyak ka," pinunasan ni Seulgi ang mga bahid ng luha sa mukha ni Irene ng kanyang kamay. Hinawi din ni Seulgi ang mga hibla ng buhok na natatabing sa mukha ni Irene tsaka sya nagpatuloy sa pagsasalita.


"Mali sya na iniwan ka nya, kasi ikaw.. Nakikita ko na mabuti kang tao. Masaya kang kasama. Mapagbigay ka din naman. Matigas lang ulo pero okay narin pagtyagaan" sabi pa nya na ikinatawa nilang pareho.


"Seulgi, sorry. Sa mga nagawa ko before. And thank you kasi hindi ka nagsawa na maniwala sakin" saad ni Irene.


"Anytime Princess" sagot ni Seulgi. Hindi maiwasan hindi tignan ni Seulgi si Irene. Napaka gandang babae naman kasi talaga nito, nakatitig si Irene sa view ng palubog na araw.


"Ang ganda ng view, nakakarefresh" tugon ni Irene.


"Oo. Sobrang ganda" sagot ni Seulgi habang nakatingin sya kay Irene.


Umulan, umulan, umulan.. Nabasa sila ni Irene dahil hindi sila agad nakasilong. Ang kaninang magandang view. Naging malaview dahil sa tindi ng pinagsamang ulan at hangin. Dali daling nagpasundo si Irene sa kanilang family driver.


"Dun kana muna samin magpatila. Papahatid nalang kita kay Kuya Enteng mamaya. Baka kasi magalala si Tita Anni sa itsura mo" saad ni Irene. Sumangayon lang si Seulgi. Mukha narin kasi syang basang sisiw. Kung bakit naman kasi hindi nya nadala ang kanyang payong. Nasundo sila ni Kuya Enteng pagtapos ng 1 oras na byahe. Nakarating sila sa subdivision na parang pamilyar kay Seulgi.


Hindi na nagulat si Seulgi sa laki ng bahay nila Irene. Normal na ito. Dahil noong bata pa sya, ganito rin ang mansyon ng amo ng kanyang nanay. Dumiretso sila sa kwarto ni Irene para magpalit ng damit.


"Maligo ka muna. Tas ako after" sabi ni Irene. Sumunod naman si Seulgi. After nyang maligo, nakita nyang may mga extra na na damit na nakahanda para sakanya. Lumabas sya ng kwarto. At narinig nya si Irene na nakikipagusap sa ibaba.


Pumasok ulit sya sa kwarto ni Irene dahil ayaw nyang maging usisera. And para may privacy narin si Irene. Pagpasok ni Irene ay parang naestatwa ito sa pintuan. Agad humarap si Seulgi sakanya at halata na nagaalala.


"Bakit? Hindi ba ito yung damit na para sakin? Teka sorry. Huhubarin ko." nagmamadaling sabi ni Seulgi.


"No! Wag na. Nagulat lang ako. Bagay pala talaga sayo ang fitted. Nasanay na kasi kong laging loose ang suot mo" sabi ni Irene. Nakahinga si Seulgi ng maluwag, pero agad din itong sumikip ng sabihin ni Irene na nasa bahay na ang kanyang ama at gusto daw nitong makilala si Seulgi.


"Tekaaaa. Hindi ako ready. Sabihin mo nalang na hindi ako nagugutom at umalis na kamo ako" nagigimbal si Seulgi sa nangyayare. Makakasalo nya sa pagkain ang tatay ni Irene. Kinakabahan sya.


"Huy ano kaba. Si Daddy lang yon" sabi ni Irene. Lalong kinabahan si Seulgi.


"Ayon na nga e. Daddy mo yon!" worried na sagot ni Seulgi. Wala rin naman syang nagawa. Wala rin syang ginawa kundi ang magbow sa harap ng daddy ni Irene, kung di pa sya hinila ni Irene ay magbbow nanaman sana ito.


"Seulgi, ikaw ba ang tutor ni Irene?" usap nito sakanya. Hindi pa nakakasagot si Seulgi ay may follow up na tanong agad ito. Daig pa nya ang nakasalang sa interview dahil sa tindi ng kaba na nararamdaman nya.


"Sumusunod ba sayo ang anak ko? Matigas ang ulo nyan" dagdag pa nito. Rinig na rinig ni Seugi ang pag angal ni Irene.


"Daddy!" sigaw ni Irene. Pero parang walang narinig ang daddy nya at parang si Seulgi lang talaga ang kausap nito.


"Sir, okay naman na po yung grades ni Irene. Sa lahat po ng exercises and activities na ginagawa natin for the past few weeks ay nagbunga na po. Pero opo. Matigas po ang ulo nya." sagot nya sa ama ni Irene na ikinamaktol nanaman nung isa at ikinatawa naman nung tatay ni Irene.


"Haha. Buti at magkakasundo tayo dian, very good. Then I guess, aantayin ko nalang ang result ng exams nya sa midterm, tama?" tumango lang si Seulgi at nagpatuloy na silang kumain. 


Nang matapos sila, ay inutusan si Irene ng kanyang ama na magpunta sa study room at may ipinahanap na dokumento dito. Pagkaalis ni Irene. Naging seryoso ang mukha ng tatay ni Irene, binalingan nito si Seulgi at sinabihan na sundan sya nito sa garden.


"Seulgi. Sumama ka sakin sa garden. May kailangan tayong pagusapan" seryosong saad nito. Kinabahan nanaman si Seulgi. Sa di mawaring pagkakataon. Pakiramdam nya ay hihimtayin sya ng wala sa oras.


"Anong tingin mo sa anak ko?" seryosong usap nito sakanya.


"Sir?" nininyerbyos na tanong ni Seulgi sa tatay ni Irene.


"Wag mong ipaulit sakin ang natanong ko na" mariin na sagot ng ama ni Irene.


"Sir, uhm, okay naman po si Irene talaga. Opo, matigas po talaga ang ulo nya pero, sumusunod naman na po sya. Hindi naman na po sya mareklamo at di narin naman po sya nanghuhula ng mga sagot. She's doing her best sir to please and to meet your expectations. I can prove it. Kulang lang po sa push si Irene noon. Pero simula naman po nung nagaway kami, nagkaintindihan naman na po kami, sabi naman po nya di na nya uulitin ats---" agad tinaas ng tatay ni Irene ang kanyang kamay, dahilan para tumigil si Seulgi sa pagsaslita.


"Anong tingin mo sakanya bilang babae?" tanong ulit nito sakanya.

 

"Ho? Ah sir, hindi po ako ganon?" patanong ang pagsagot ni Seulgi, kaya agad syang tinaasan ng kilay ng papa ni Irene. Alam na ni Seulgi kung kanino nagmana si Irene.


"Sagutin mo nalang ang tanong ko" sabi nito ulit.


"Sa tingin ko po sir. Napaka ganda po ng anak nyo. At iba po sya sa mga babae na nakilala ko. Meron po kasi syang paninindigan. Hanggat di po nya nakukuha ang gusto nya di po sya tumitigil. Pursigido rin po. And mabait naman po sya paminsan minsan. Kaso sir, syempre may mga flaws din po sya. Hindi naman po maiiwasan yon. Kahit po ako may flaws. And yun po talaga yung ikinaUnique ng bawat isa. So kung tatanungin nyo po ako. Opo. May tendency po akong magkagusto sa anak nyo kasi nga po iba po sya sa lahat. Nasabi ko na po ba na maganda yung anak nyo?" sunod sunod na sabi ni Seulgi. Tinawanan sya agad ng tatay ni Irene. Ikinakunot naman ng noo ni Seulgi ang nangyare.

 

"Seulgi. Ang sabi mo kanina, hindi ka ganon. Pero bakit mo sinasabi sakin na may pag-asang magustuhan mo ang anak ko?? Wala naman akong tinanong kung may gusto ka sakanya" tumatawa parin ang ama ni Irene. Napaisip agad si Seulgi. Halos mangisay sya sa kahihiyan. Nasabi pala nya na may posibilidad na magkagusto sya kay Irene! "Eto na ata ang katapusan ko." Isip ni Seulgi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter_chan22 #1
Chapter 2: This is very promising 🤭
_m3owrene
#2
Chapter 65: Waiting with respect for book 2 🥺
AnneTokki #3
Chapter 65: Wow, hope for continuation 😭💗
forgotme #4
Chapter 65: Waiting din sa partTwo... 😁
Maatt_booii #5
Waiting pa rin s book 2 🙏🙏🙏
brdfillet #6
Chapter 65: pasensya na po, pero mukhang masisiraan na talaga ako sa pag-iisip. pero that was intense as heck, like akala ko sweet na romcom to pero, pusang gala. galing mo, author-nim!! sugod na 'ko sa next book! haahahahahaaha
Jenlisinbyaaah #7
Chapter 65: LUHHHHHHHHH
Varcenciel21
#8
Chapter 65: LUH AHHHHHHH
GreenLightning
#9
Chapter 61: Get well soon po author!