Portin-si.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya
Please Subscribe to read the full chapter
Pagkatapos ng club period, pinayagan nang um-attend ng klase ang dance team. Tuloy, na-realize nila kung gaano na kalala yung catch-up na kailangan nilang gawin. Vinolunteer ako ni Taehyung para i-tutor sila. Napakagaling. Bigatin. Pwede papilahin sa Wowowee.
“Tapos walang pagkain samin, e. So dun na lang din tayo sa bahay niyo, Yana,” sabi pa ni Kuya Mo Taehyung. A+ talaga siya na friend.
“Dance team ka rin? Bakit kasama ka?” Legit kong pagtataka. Hindi naman ako umaayaw kasi wala naman rin akong legit na excuse para tumanggi.
“Kasi babagsak na rin ako. Hehehe...” Ahh. Ayun.
Nadaanan ko ng tingin si Jungkook. Nakatulala siya na parang may iniisip. Feeling ko na-trigger siya sa sinabi ni Taehyung tungkol sa pagbagsak pero hindi naman siya nagsalita.
“Hindi ako makakasama,” singit ni Jimin. “May lakad ako, e. Hehehe...”
“Hindi ka naman kasi talaga nag-aaral, Jimin,” sabi ni Chi habang nagpopolbo. Natawa kaming lahat habang nakanguso si Jimin na bumaling sakin.
“O, hindi ako nagsabi, ah,” laglag ko sakanya. Kung takot si Jimin sakin, mas lalong wala siyang palag kay Chi.
“O! ‘Luh, anong oras na? Ba’t ngayon ka lang?”
Bigla naming narinig yung barkada nila Seokmin sa likod. Pagtingin namin, si Mingyu pala; nakabalik na.
“Nakatulog ako, men.”
“Sus, nangangapit-bahay ka lang yata, e. Naghahanap ka ng bagong liligawan ‘no? Hahaha!”
“Tss. ’Di, ‘yoko na.”
“Mingyu!” Kaway ni Jungkook. Nakikaway na rin ako nang lumingon siya sa direksyon namin. Mukhang ok na ok naman na siya. “Nakaligtas ka sa ampalaya!”
Natawa kami bigla.
“Ha? Anong ampalaya?” Pagtataka ni Mingyu.
Napatingin ako kay Jimin. Aasarin ko sana ulit siya tapos biglang nanlaki yung mga mata niya. Akala ko magre-react siya kasi siya yung pinakamaraming nakaing ampalaya, pero ang sabi niya kay Jungkook, “Huy, tara na pala! Magtatawag pa tayo ng mga first year!”
Pababa na din kasi kaming lahat sa covered court para sa general assembly ng buong high school department. Kasama daw sa program yung showcase ng dance team ng compet piece nila.
“Ay, oo nga...” tumalon na si Jungkook mula sa pagkakasampa niya sa teacher’s table at kinuha na nila ni Jimin yung mga bag nila.
“Galingan niyo mamaya, manonood si Yana!” Pahabol ni Taehyung nang nakaakbay sakin.
Hindi sumagot o lumingon si Jungkook pero nakangiti siya habang kinukulit siya ni Jimin.
“Grabe, ang init! Ano ba yan!” Reklamo ni Chi, habang pinapaypayan kaming dalawa. Kumakalat sa hangin yung pabango niya. Amoy watermelon; yun kasi ang hilig na scent ni Chi ngayon.
“Uy, Chi, pa-number 3 naman niyan papunta dito.”
“Hala, sige. Mainit na nga ulo ni Chi ginagatungan mo pa,” sabi ko kay Tae habang ine-enjoy yung hangin at habang nagdidilim ang paningin ni Chi kay Tae.
Tumawa lang si MongTae bago tumayo para puntahan sila Ilhoon sa likod.
“Saan nakakakuha ng energy yung unggoy na yan sa ganitong init?” Napailing nalang si Chi, nagpapaypay pa rin.
“Akin na nga yan, ako naman magpapaypay,” kinuha ko sakanya yung cardboard na in-arbor namin kay Mina na gumagawa ng project niya kanina sa Home Econ.
“Ehe, labyu!”
“Ang tagal naman mag-start...” Inip na comment ni Ahra na taga-kabilang section sa may kaliwa namin.
“Atat na atat mapanood si Jungkook?” Pang-aasar ni Yumi na best friend niya.
“Shhhhh, Yumi naman, e!”
“Ano ka ba girl, alam na ng lahat! Wag ka ngang pa-demure! Saka sa dami ng may crush sa kanya wala kang pag-asa!”
“Wag ka makialam sa pagfa-fangirl ko! Baka gusto mong ibuking kita kay Sungjae!”
“Sige, ibuking mo ko para mas mabilis maging kami!”
Kumapit bigla sa braso ko si Chi, nagpipigil ng tawa habang nakikinig sa kanila. Siniko ko naman siya nang slight. “Aminin mo, excited ka na rin, ‘no?” My trusty friend leered at me.
“Ikaw, excited ka?” Nakita ko sa peripheral vision ko si Kuya Yoongi na naglalakad na parang bisor sa may area namin, “Hoy, Kuya Yoongi, ikaw, excited ka din ba?”
“Hahahaha!” Hinampas ako ni Chi ng pamaypay niya habang patawa-tawa siya.
“Psst, Yana,” umupo naman si Kuya Yoongisa tabi ko. “Ayos mukha, masyado kang obvious.”
Natawa uli si Chi. Wow, benta.
“Saya mo, ‘no?” Sabi ko sa kanya.
Tumango-tango pa sakin si Chi, “Labyu!”
“Ano, Kuya? Nakakapagod bang mag-ikot?” Baling ko kay Kuya Yoongi.
“Oo, ang init, e.” Sabi niya habang hinihila-hila yung laylayan ng shirt niya para mahanginan siya.
“Ba’t kasi hindi na lang tayo sa auditorium?” Alma ni Chi, “Tinitipi
Please Subscribe to read the full chapter
Comments