Ten-bi.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya“Jimin, ako na kasi magdadala ng sarili kong bag.” Abot ko ng kamay ko para bawiin sa kanya yung backpack ko. Iniwas naman niya lalo sakin. “Saka ‘di mo na ‘ko kelangan ihatid. Baka kasi alam ko naman kung nasaan yung classroom natin.”
Kung ituring naman ako nito, para akong Babaylan sa bayan nila eh. Kulang na lang, mag-mano sakin, jusko. Mahal na mahal talaga ako nito.
Mahal na mahal ‘pag may kailangan siya.
“Huy, ano ba,” tinusok ko siya sa tagiliran, gamit yung gilid ng kahon na dala ko. “Kahit naman hindi mo ko suhulan, bibigyan kita ng kopya ng notes. Biruin mong nakikinig ako sa lahat ng klase para lang sa’yo.”
“Nambola ka pa!” Welga niya. “Kala mo maloloko mo ‘ko? Eh si Jungkook naman talaga yung inaalala mo eh. Dakilang sabit lang ako sa benefits ng minamahal mo.”
Minamahal? Tangina, ang korni lang talaga nito.
“Ang arte mo naman talaga. Fifty-fifty naman ‘no!” Depensa ko na lang. “‘Di lang para sa kanya, kaya ko ‘yon ginagawa.”
“O, kahit na, umamin ka pa rin. Sabi mo kanina, para lang sakin, e.”
“Jusko, sinukat pa. Same benefits naman ah, kahit singkwenta pa kayong makinabang do’n.”
“It’s the thought that counts!”
“O, sige, mag-iisip na ko kung ilang hampas ulit ang ibibigay ko sa’yo ‘pag ‘di ka pa tumigil.”
Nakatawang tumakbo palayo sakin si Jimin, dala pa rin ang mga bag namin. Stress.
Syempre, may utang akong kwento sa inyo tungkol sa nangyari kahapon.
“Yana, mahal kita.”
“Talaga?” tanong ko, bago pa maisara ni Jimin ang maliit na distansya sa pagitan ng mga labi namin. Pinakiramdaman ko siya at pinanood nang maigi nang sabihin niya sakin na mahal niya ko. Hindi siya nakatingin sakin o kaya naman nakapikit; tulala siya na parang may ibang iniisip. Ako pa nga ang nakatingin sa kanya nung sinabi niya yun eh.
At sa hamon ko, napaatras siya nang nakangiwi. Natawa tuloy ako sa problemado niyang itsura.
“Ano?” bumaling ako nang tuluyan sa direksyon niya at pinatong ang kaliwang hita ko sa sofa, “Kaya mo bang panindigan yang sinasabi mo?”
Nakatungo siya at hindi makasagot.
“Jimin, tingin ka sakin.” Kumagat siya sa ibabang labi niya, pero sinunod naman niya yung sinabi ko at tinignan ako sa mata.
“Ngayon, ulitin mo yung sinabi mo.” Sunod kong utos.
“O, tapos ano?” Palatak niya. “Sasapakin mo ‘ko?”
Natawa uli ako. “Wag mo iniiba yung usapan…”
Pumikit siya at huminga nang malalim. Pagkatapos, sinubukan niya uling tignan ako nang diretso. “M-mahal kita.”
Hindi ko alam kung tatawa ba ‘ko o magpe-face palm muna eh. Sabi ko na lang sa kanya, “Aminin mo, ang weird ‘di ba?”
“H-hindi weird! Mahal nga kasi kita!” Depensa pa niya. Ang OA niya lang umiling, parang feeling ko tatalsik na yung mga tutuli niya eh.
Seriously, it doesn’t take a genius to figure him out. Madali kasing basahin si Jimin. Parang nakakainsulto pa nga kasi halatang-halatang nagsisinungaling siya eh. Gusto kong sabihin, pre, kung aarte ka, medyo galingan mo naman. Hay. Pero masaya na rin ako na hindi magaling magkunyari si Jimin. At least, hindi kami nagkakalokohan.
“Alam mo, tama na. Buko na kita. Nadulas si Taehyung, kaya nung pasukan ko pa alam.”
Hindi maipinta yung mukha niya, pero basically, sinasabi nito: ‘ nakita ako ng crush ko na naka-bra’t ililbing kita nang buhay, Kim Taehyung.’
"Anong sinabi niya sa’yo?” Tanong niya nang medyo maka-recover.
“Well, hindi detalyado, pero andun yung main point: na may something sa inyo ni Minjung.”
“Kim Taehyung, patay ka sakin…” bulong niya sa sarili niya.
“O, ano? Ngayon alam mo na yung pakiramdam ko noon?”
“Yana naman eh…”
“Sorry na! Sige, sabi ko nga moment mo ‘to eh.” Nakangiti kong pinanood siyang maging miserable. Sadista ba ‘ko, o na-e-nejoy ko lang na namu-m’roblema rin siya gaya ko? “Pero don’t you think it’s about time para i-kwento mo sakin kung ano talagang meron sa inyo ni Minjung?”
Yoon Minjung is the batch athletic goddess. Mayaman, maganda, talented at achiever, pero kahit gano’n, ok din ang ugali niya. Mukha lang masungit sa umpisa kasi tahimik at medyo introverted (gaya ko), pero cute siya kasi hindi mo aakalaing may pagka-inosente siya minsan. Mukha kasi siyang mature. Pero kahit meron siyang innocence of a child (gaya ni Jimin), may pagka pranka talaga siya. Malalaman mo pag ayaw niya sa tao o sa isang bagay. Minsan, hindi na niya kailangan sabihin, pero halata sa kilos niya. She’s the type to not take any bull from anyone. Dahil do’n, ang tingin sa kanya ng ilan, e bratinela (kesyo din siguro dahil mayaman ang pamilya niya), pero sa panigin ko, nagiging totoo lang naman siya. Hindi naman siya yung tipong nambabastos pag hindi niya gusto yung tao, e. Pag kailangan namang pakisamahan, ginagawa naman niya. Pero dahil do’n, di talaga maiiwasan na ma-intimidate ang mga tao sa kanya kahit maraming humahanga sa kanya.
Para maipinta niyo naman sa utak niyo: chinky eyes, pero medyo tan yung balat, sakto lang ang height, toned arms and legs, long hair at mukha talagang diyosa kapag naka attire at naka-ponytail. Halos ayaw na siyang paglaruin sa intrams dahil sobrang lupit niya. Basketball, Volleyball, Tennis, maski Chinese garter – name it, she’ll beat you at it. Waterlou niya lang eh, swimming kasi may phobia siya sa chlorine. Hindi ko alam kung bakit.
Jimin went on about how he got to know her during dance camp last summer. They hit it off really well and all that . Jimin is basically that chic lit protagonist na naging close sa crush niya. Bwisit, ang swerte. Pero ang nakakainis talaga, siya pa itong may ganang magpakipot. Ramdam na nga niyang may gusto rin sa kanya, ayaw pa
Comments