Tertin-ey.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya"Yana, mag-suggest ka naman ng mga kanta. Gusto ko nang i-update yung playlist ko sa Spotify, e. Kahit hindi mga bagong release.”
“Wag na! Nanakawin ko na lang yung iPod Classic ni Kuya na 160gb para sa’yo.”
"Ah, o sige." Napangiti si Simang habang iininom yung natitira niyang cranberry frappe. "Pag nabalitaan kong pina-blotter ako ni Namjoon alam na."
Nagkataong nagkita kami kanina sa Gilid Café kasi nag-crave ako bigla ng caramel macchiato at nadatnan ko siya do’n na gumagawa ng paper. Sa kanya ko nalaman yung lugar kasi medyo tago yun (literal na gilid). Mula nang ma-discover yun ni Simang, lagi na siya dun nagre-review o gumagawa ng requirements tapos shinare naman niya samin ni Jimin.
Ngayon, kasabay ko na siyang maglakad pauwi habang tinutuloy namin ang kumustahan. Patapos na yung hell week sa kanila kaya gusto na niyang balikan yung mga libangan niya. Mahilig sa music din ‘tong si Simang eh; kumakanta din. May tiwala siya sakin pag dating dito kasi una, gamay ko na yung type niyang music saka alam niyang isa sa pinaka main source ko si Kuya. Si Kuya kasi updated yun saka marami talagang alam na kanta at maraming nagsasabi na maganda ang taste niya sa music. Kasi nga music person naman talaga siya kahit engineering major siya.
"Pero seryoso nga, kailangan ko ng recs.” Ishinoot niya sa basurahan yung cup niyang wala nang laman. Pasok.
“O, sige.” Napaisip ako, “Kilala mo si Syd, ‘di ba? Try mo yung Moving Mountains niya, saka yung No Longer Lovers na rin ni Kassandra. Tapos yung ibang maiisip ko ime-message ko na lang sa’yo.”
“Sige, sige.”
“Ay, lately may gusto kami ni Jimin na kanta ni Lauv. LSS ako ngayon dun halos araw-araw. Minsan nakakairita na, pero gusto ko pa rin siya talaga. Yung I Like Me Better.”
“Ah narinig ko na yan. Ok nga siya. Tamang good vibes lang.” Pumasok na kami sa gate ng village.
“Good vibes din yung Autopilot ni Reese Lansangan.” Napangiti ako nang maalala ko.
“Ay, alam ko rin yan! Ikaw ah, in love ka yata, e.” Pag-iiba niya bigla ng topic, “Nakita kita nung isang araw, kaso may kasama ka kaya ‘di na kita nilapitan."
"Talaga ba? Grabe, e ba't parang ang saya mo?" Makangiti naman kasi siya parang wala nang bukas.
"Nakatira din siya dito sa village natin diba? Nakikita ko siya eh. Kayo ba nun? "
“Hindi, kaklase ko lang siya.” ‘Di ko maiwasang mapangiti. “Pero siya yung naaalala ko pag pinapakinggan ko yung Autopilot. ”
“O! E, ‘di may something nga!” She smilingly nudged me at my side, maintaining her excitement.
Hehe. May utang nanaman nga akong mga kwento sainyo, ‘no?
In a nutshell, this is pretty much our status as of right now: normal na makasabay ko si Jungkook pauwi (pero hindi naman laging kaming dalawa lang). It’s safe to say na tropa ko na siya. So yes, I’m kind of in the friendzone right now, and honestly I don’t really mind. Saka ina-assume ko na na magiging magkaibigan muna kami nang matagal if there’s even the slightest chance na magiging kami in the future.
Actually ayoko pa talagang isipin yun. Ang hirap lang umasa. Nakakatakot.
Eh ayun nga. Mula nung performance quiz namin sa Music, um-ok na talaga kami ni Jungkook. We’re closer than we have ever been, though still not that close (which I think is natural).
At nagkataon lang din talaga na mas pinaglapit kami ng mga sumunod na nangyari. It also helped that the past few weeks were good to me kasi hindi na ko masyado nase-stress sa feelings ko, so I’ve done nothing to complicate or ruin what we have.
Anyway, nagsimula ang lahat nang inimbitahan kinaladkad ako ni Jimin para manuod sa practice nila. Alam kasi niyang may pagka critic ako pagdating sa kanya kaya sinamantala na niya yung talent kong pang-ookray dahil talagang kabado daw sila kung makakalusot sila sa elimination round ngayong taon sa dance competition na sponsored ng Puma. Marami kasi silang magagaling na members na nagsi-graduate na last year.
Nagkataong nadoon si Jungkook nung kinukulit ako ni Jimin. He casually went like, “oo nga, Yana. Nood ka…” habang nagliligpit siya ng mga gamit niya sa desk. Tapos, cue yung mapang-asar na pagngiti ni Jimin sakin na muntik na niyang ikamatay dahil nabanas ako sa itsura ng pagmumukha niya.
Pero syempre nanood pa rin naman ako at sa totoo lang, ‘di ko alam kung bakit sila kinakabahan. Malinis naman na yung execution nila, maganda yung mix ng songs nila, pasok naman yung performance time. At mantakin niyo, meron silang astig na three-part hat trick (si Jimin, Kuya Hoseok, at Jungkook), si Kuya Hoseok minsan kala mo walang buto, si Jimin kung anu-anong air flip ang pinag-gagagawa, meron pang part na naka-blindfold siya habang sumasayaw.
Kung hindi lang halatang-halata yung pagkaseryoso nilang lahat, mapapaisip pa siguro ako kung totoong kinakabahan nga si Jimin o kung gusto niya lang ipakain sakin yung mga pang-aalaska na ginawa ko sa kanya dati.
Tungkol naman kay Jungkook, ang moody niya, sa totoo lang. May mga pagkakataon na ang hyper niya, tas sinusubukan nilang hawaan ni Kuya Hoseok yung mga teammates nilang masyadong nate-tense. May mga moments din naman na parang ang lalim ng iniisip niya habang umiinom ng tubig (nung isang beses na tanungin ko siya tungkol do’n, ang sabi niya nahihirapan siyang magdecide kung anong memeryendahin niya. Tumawa lang rin ako pero di ko alam kung nagsasabi siya ng totoo na yun lang ang bumabagabag sa kanya).
May pagkakataon na tumatabi siya sakin pagkatapos nila ng isang round kahit wala naman siyang sasabihin. Kung minsan, mga one-liner lang (“May homework ba sa English?,” “Sabay ka uli samin uuwi?” o kaya, “Bakit hindi tayo nahihilo kung umiikot ang mundo?”). Kung minsan, wala talaga. Kung minsan, sumusulyap lang siya.
Ang nakakatuwa lang na naalala ko, nung unang araw kong manood, katabi ko si Taehyung na nakaupo sa sahig at katatapos lang nila Kuya Hoseok ng isang round ng routine. Napalingat lang ako saglit para i-text si Namjoon na nasa school pa ko at baka ma-late ako ng uwi, nang biglang tumili si Tae. Paglingon ko sakanya, nakatawa siyang nagtatakip ng mga mata, na akala mo pa-demure na dalaga. Napatingala ako at nakita si Jungkook na nakahubad halfway yung shirt. Napatingin din si Jungkook sakin, pero umiwas lang din siya agad ng tingin at tuluyang sinuot yung shirt na parang wala lang, tapos hinampas niya nang nakabungisngis si Tae sa mukha gamit yung hawak niyang pinagpawisan na damit. Hahaha! Inasar pa kasi siya ni Tae na nagba-blush (kahit normal lang namang mamula pagtapos magsayaw nang todo).
Bukod do’n, napapasabay na rin ako sa kanilang tatlo nila Taehyung tuwing lunch kasi si Chi pumunta ng Macau dahil may kasal at family reunion sa lugar ng mga kamag-anak nila don. Wala namang kibo si Jungkook ng pagse-second the motion nang yayain ako ni Taehyung, pero nakita ko siyang pangiti-ngiti lang sa gilid.
Nakakaloko, beshie.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments