Tuwelb-bi.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo SiyaKinabukasan, pinansin at kinausap naman ako ni Jungkook. Normal lang. Hindi naman sa naging mas friendly siya sakin. Parang gano’n pa rin naman kami: civil, magkaklase. Parang walang nangyari at parang wala akong sinabi na awkward. Hindi ako maka-decide kung matutuwa ba ako na mukhang hindi naman siya naiilang o naiinis, o madi-disappoint na parang walang epekto sa kanya yung feelings ko. Pero sabi ko sa sarili ko, ok na. Ano namang mapapala ko kung malulungkot ako dahil do’n? Mabuti na ngang maayos naman kami at mukhang wala naman siyang negatibong reaksyon.
Hindi ko siyempre nakakalimutan na kailangan kong kausapin si Chi tungkol sa mga nangyari at sa mga nangyayari. Dahil nga kaibigan ko siya (at isa sa napaka-bilang lang na mga babaeng kaibigan), syempre may karapatan siyang makarinig ng paliwanag.
Ano pa nga ba? Edi long story short, sinabi ko lang rin sa kanya halos yung nilalaman ng diary ko. Although may ilang mga bagay naman na siyang alam gaya ng pang-aasar samin ni Jungkook bago pa siya nag-transfer sa school namin.
Kalmado lang si Chi at madalas din siyang mapangiti habang nagke-kwento ako. Hindi ko alam kung mag-aalala ba ko o hindi. Kaya nang masabi ko nang lahat pati yung pag-amin ko kay Jungkook, tinanong ko na siya para makasiguro. Nang marinig ko ang mga sagot ni Chi, hindi ko maiwasang mapabilib sa kung gaano siya nag-mature mula do’n sa Chi na nakilala ko noong una.
"Chi, di ka ba talaga nagalit sakin nung nalaman mong may feelings ako para kay Jungkook?"
“Well,” pumangalumbaba siya sa desk niya at tumingin sakin nang magsimula siyang magpaliwanag. “I wasn’t a fan of the idea at first, pero napag-isip isip ko na it's wrong for me to feel that way.” Nginitian niya ako at hindi ko talaga nararamdaman na pinipilit niya lang yung sarili niya. “Wala ka namang ginawang masama eh – you didn’t even act on your feelings. Na-guilty din ako na hindi ko man lang alam na all this time nasasaktan ka na pala..."
Napangiti lang rin ako para i-comfort siya. “Hindi naman gaano masakit eh. Keri lang yun, huehue...”
"Aaminin ko nakaramdam din naman ako ng konting doubts, Yana. Pero I looked back at our friendship mula nang lumipat ako dito, at naisip ko na wala naman akong dahilan para magalit sa’yo o ano. Kaibigan kita at tiwala naman akong hindi mo ko sasaktan dahil gusto mo lang."
Sa totoo lang, kinailangan kong marinig ‘to sa kanya. Hindi yung papuri niya sakin bilang kaibigan, kundi yung assurance na naiintindihan niya kung gaano ko siya pinapahalagahan. Ang laki ng kinagaan ng loob ko na napagusapan namin talaga to ngayon, at hindi namin basta na lang iniwan sa ere at pinabayaan na parang walang nangyari.
“Pero alam mo, Yana, medyo nagtatampo ako na di mo muna ishinare sakin na aamin ka na pala sa kanya...”
“Ah, biglaan lang kasi yon, eh.” I scratched the non-existent itch on my head. “Kahit ako nga hindi ko rin inasahan...”
Nanahimik siya saglit habang naka-pout at nakatingin sakin. Hindi siya mukhang nagtatampo – mas mukha siyang nag-iisip. Napaisip na rin ako sa ginagawa kong pag-amin. Sasabihin kaya ni Chi na mali yung ginawa ko? Ilang linggo kaya bago ako makatulog uli nang maayos kapag binigyan niya ko ng dahilan ngayon kung bakit hindi ko dapat yun ginawa at kung bakit ang tanga tanga ko talaga?
“Palagay ko lang kasi parang masyadong mabilis.” Jusko ayan na. “Believe me, this is not me trying to discourage you because I still have feelings for him or anything like that. Pero bilang kaibigan mo lang kasi, ayaw kitang masaktan sa parehong paraan na nasaktan ako. At ng parehong lalaki pa.”
Tumango ako. Alam ko na kung saan papunta to pero hinayaan ko siyang magsalita kasi baka kailangan ko rin talagang marinig. Lalo pa galing sa kanya mismo na nakaranas no’n first hand.
“Ingat ka lang sana,” hawak niya sa kamay ko, “na hindi ka niya gawing filler ng void na nararamdaman niya ngayon. Kasi na-realize ko, matagal na talagang halata na gusto nila ang isa’t-isa, pero pinili ko ring magbulag-bulagan kagaya nilang dalawa ni Dasom...”
Unang beses kong ma-guidance office. Ang ironic lang na ang dami ko dating ginawang kalokohan (lalo na nung elementary), pero ni isang beses hindi ako nahuli. Ngayon pa talaga ako napatawag, kung kelan wala naman akong kasalanan.
May group project-making kasi kami at si Jimin ang naka-toka sa pagdadala ng magazines na pwedeng kuhanan ng cut-outs na pang-design. Kaya lang, dahil tinanghali siya ng gising, kung ano na lang yung unang nakita niyang kumpol ng magazines, yun na lang ang dinampot niya. Hindi niya napansing FHM pala ng kuya niya yung nadala niya (well, sabi niya, sa kuya niya daw yun).
Dahil sa pagkatalo sa bato-bato-pik, sa corridor ang naging work station ng grupo namin. Nagkataong ako yung naiwan saglit dahil nangangalap ng mga kulang na materyales yung iba kong ka-grupo (mula sa ibang grupo – ano pa nga ba?). Ako naman kasi, naghahanap ng letters na gugupitin para buuin yung words na ilalagay namin sa illustration board (yung tipong pang serial killer na threat letter kasi yata yung peg ng leader namin eh), kaya ayun, nahuli ako ng isang teacher habang nagbubuklat nung magazine.
Ang saya.
Chill chill lang akong sumama do’n sa super strict naming teacher (wala naman kasi ako sa mood na ma-badtrip sa kanya, at syempre, technically, bawal din naman talaga yung sa school lol). Nung pinagpaliwanag nila ako, sinabi kong ako yung nagkamali sa pagdadala imbes na sabihin ko pang si Jimin talaga. Malamang kasi masasabon lang yun sa bahay nila kasi mahigpit ang parents niya. Kaya ito, bibigyan daw ako ng Notice to Parents. Ayos lang. ‘Di naman siguro magagalit si Kuya.
Siguro. Hahaha.
“You may go.” Pinaalis na ko sa office para kuhanin na lahat yung natirang magazines na dinala ‘ko’ at para daw mai-surrender ko na.
Paglabas ko, nagulat ako nang makasalubong ko si Jungkook at Kuya Yoongi na paalis na din ng guidance. Nando’n pala sila sa kabilang kwarto, yung office nung isang counsellor. Halatang badtrip si Jungkook, pero mukha namang sympathetic lang si Kuya Yoongi sa kanya. Kaya pala wala pa siya kanina sa classroom, naisip ko pa.
Nang itanong ko kung anong nangyari, si Kuya Yoongi ang sumagot dahil nanatiling tahimik si Jungkook. May nakahuli daw kay Jungkook na naninigarilyo, at dahil naka-uniform habang school hour, dinala siya sa sekyu na nagbabantay sa entrance gate ng school para isumbong. Nagkataong papasok daw nun si Kuya Yoongi, kaya sa kanya na pinaubaya si Jungkook.
Nagulat syempre ako. Hindi naman gano’ng klase si Jungkook, e. Siguro mukha lang siyang maloko at maligalig minsan, pero inosente kaya siya sa mga ganyang bagay...
“Totoo ba? Nanigarilyo ka talaga?” Medyo maingat ang tono ko sa pagtatanong, yung hindi gaano halata na concerned ako, pero hindi rin naman yung tunog nakikiosiyoso.
“Oo, bakit?” Napatahimik na lang ako do’n. Una, sa gulat, dahil totoo nga, at ikalawa, dahil yung tono niya saka yung tingin niya medyo parang naghahamon. Problema nya? Parang ito na naman yung Jungkook na nakasalamuha ko sa rooftop ah.
“Tara na, balik na tayo,” pag-yayaya ni Kuya Yoongi. Na-sense niya rin siguro yung tension sa ere.
Parang lason pala yung pagkakagusto sa isang tao na hindi ka gusto pabalik. Minsan, nawawala ka sa lugar kung hanggang saan ka lang, tapos nasasaktan ka kahit hindi naman dapat. But nothing can console you because you just can’t help feeling the things you feel. Kahit gusto mong i-rationalize at isiping hindi ka dapat masaktan, hindi naman mawawala yung pakiramdam nang ganun-gano’n lang. Kaya kung sobra mong mahal yung taong yon, baka isang araw, mabaliw ka na lang.
Pero sa kaso ko, nagsisimula pa lang naman ako, kaya...ok pa. Push! Hahaha...
Kahit hindi imposible, ayokong isipin na nagkakaganito siya dahil sa pagalis ni Dasom. (At palagay ko, kahit naman si Dasom hindi rin matutuwa kapag nalaman niya ‘to.) Kaya naman
Comments