Portin-di.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo SiyaTorete lang akong napatingin kay Chi. Pakiramdam ko namumutla ako pero hindi na niya pinuna.
“Mamaya na tayo lumapit, Yana…” mahinahon niyang sabi at naramdaman kong unti-unting bumabalik yung katawan ko sa lupa dahil sa pagka-kalmado niya. Pero binalik ko yung tingin ko sa stage at nakita ko si Jimin na umiiyak. Hindi siya nakahawak sa kung ano mang bahagi ng katawan niya na pwedeng napuruhan sa pagbagsak niya, pero nakita kong takot siya.
Parang nadurog yung puso ko sa nakita ko, lalo na nung habang pinipilit ko yung sarili ko na bumalik sa pagkakaupo ko sa tabi ni Chi.
Nang makita ko si Minjung sa tabi niya, inisip ko na lang na mas makakabuti rin kay Jimin na hindi na ko lumapit.
Pinanood lang namin sila Tae, Coach Son, Jungkook, at yung iba pang members ng dance team na i-assist si Jimin. Nang matapos yung first aid, nakasunod sa kanila si Minjung papuntang clinic. Tinignan ko ang mukha niya at pakiramdam ko parehas na parehas ang itsura ng reaksyon namin.
“Magulo pa talaga kasi sila Jimin, e,” biglang basag ni Chi sa katahimikan habang pabalik na kaming dalawa galing sa covered court nang matapos yung general assembly. “Hindi talaga masabi ni Jimin yung nararamdaman niya. Kaya si Minjung sa totoo lang, hindi na niya alam yung gagawin. Nag-away pa sila kelan lang kasi nilalapitan si Minjung ni Doyoon.”
Tumango lang ako. I still feel somewhat stunned, and then somewhat drained.
Si Doyoon yung MVP ng men’s volleyball team ng school namin. May reputasyon kasi siya na medyo hindi talaga maganda. Kung tama ang pick up ko sa sinsabi ni Chi, malamang naging overprotective si Jimin, tapos si Minjung naman nainis dahil naguguluhan lang siya lalo sa mga kilos ni Jimin.
Sa totoo lang, hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon. Parang may overload. Parang naguguluhan ako.
“Naintindihan mo naman ‘di ba, Yana?” Baling ni Chi sakin. “There’s no room for another misunderstanding between the two of them right now.”
Alam kong pinapaliwanag ni Chi sakin kung bakit niya ko pinigilan kanina. Alam ko rin na valid yung rason niya at na wala naman siyang masamang intensyon. Kaya nga nagi-guilty ako na parang sumama yung loob ko. Mukhang nakaramdam si Chi, and because of that I feel worse.
Bakit ba ‘ko nagkakaganito?
“Silip lang tayo saglit sa clinic?” Yaya ni Chi. Tumango naman ako.
In-assess na yung lagay ni Jimin at naabutan namin na dadalhin na siya sa ospital para daw ipa-X-ray. Sa itsura nila, mukhang napasama nga ang bagsak ni Jimin. Nagkasalubong kami ng mata saglit pero umiwas lang din siya ng tingin. Pinabayaan ko lang muna siya kasi alam kong hindi niya rin ako kakausapin. Palagay ko kaliangan niya ng time mag-isa. Nang nakausap ko si Minjung, sabi niya sasama lang siyang ihatid si Jimin, pero aalis na din siya kaagad. Natawagan na rin naman yung mga magulang ni Jimin; hinihintay na siya nila Tita sa ospital malapit sa school.
Si Coach Son nalang ang sasamang maghahatid bukod kay Minjung. Mukhang ayaw na din ni Jimin magpasama talaga. Baka nga mas masakit pa sakanya yung posibilidad na hindi siya makasasali sa compet kaysa sa mismong injury niya.
Kasi ‘yan si Jimin nakita ko na ‘yang umiyak noong ayaw siyang pasalihin sa dance team ng mga magulang niya nung umpisa. (Nagkataon na andun ako at na ako lang ang nando’n nang magbreakdown siya. Siguro nga, isa yo’n sa mga dahilan kung bakit kami naging close.) At kahit sobrang takot siya sa mga magulang niya para suwayin sila, nagawa niyang ilihim yung pagsali niya nang limang bu
Comments