Por.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya
"Trinoma tayo."
"Sige."
78, 362, 218 votes ang pumasok.
78, 363, 217 ang sumagot ng 'oo'.
1 gago ang sumagot ng hindi - at ako 'yon.
'Kala niyo kayo lang may load, ha?
"Sa'n mo gusto?" Tanong ni Jungkook.
"Timezone?"
"Tara..." tinignan ko siya at tinignan niya rin ako. Medyo nailang ako, kaya napatawa siya nang konti.
Pa'no ko ba ipapaliwanag 'yong nararamdaman ko ngayon?
Weak
I have been crying and crying for weeks
How'd I survive when I can barely speak
Barely eat
On my knees
But that's the moment you came to me
I don't know what your love has done to me
Think I'm invincible I see
Through the me
I used to be
Siguro ganito ka-perfect: magkatabi kaming naglalakad, tahimik lang, pero parehas kaming nakangiti, awkward tweetums phase (nagkakahiyaan pa kuno); everything in slow motion; we have Chris and Keri in the background singing...
You changed my whole life
Don't know what your doing to me with your love
I'm feeling all Super human
You did that to me
Super human heart beats in me
Nothing can stop me here with you...
"Badtrip! Na-lowbatt ako!" Sabi no'ng lalaking naka-loudspeaker ang phone habang nagsa-soundtrip. Kaya pala may tugtog...
"Sige, pare! Salamat, ha?" Pamamaalam ko sakanya. Kunyari close kami.
"Una na 'ko! Magcha-charge pa 'ko e!" Sumagot din naman ang loko, tinanguhan ko siya.
"Kookie Jeon!" Napalingon ako sa kaliwa, dahil may narinig akong may tumawag kay Jungkook. Nalaman ko na lang na wala na rin pala siya sa tabi ko. Nakita kong nakapamulsa niyang sinalubong ang isang babae na taga-kabilang section. Pero hindi lang siya ordinaryong schoolmate; she’s one of the best faces in our batch, let alone the whole school: si Choi Dasom, ang childhood best friend ni Jungkook.
You know, bago naging si Jungkook at si Chi, medyo hindi maganda ang vibes ko kay Dasom. Pero no’ng panahon na mag-on na sina Chi at Jungkook, nakasama ko si Dasom one time sa in-campus weekend enrichment program. Nawala din eventually ‘yong negative feelings ko tungkol sakanya dahil mas naging malinaw ‘yong idea ko ng kung anong klaseng tao siya. She’s girly, but not excessively so. Masayahin din siya at friendly pero edgy at marunong namang lumaban sa mga taong nagto-talk sakanya. Tapos, saktong confident lang at may respeto sa sarili. Totoong tao. There’s really no reason to hate. I figured, siguro, nainggit lang ako dahil close siya kay Jungkook.
Pero ngayong naalala kong wala na si Jungkook at Chi, ewan, parang bumabalik nanaman ata ‘yong residual negative feelings ko towards Dasom. I feel even worse because she doesn’t deserve someone feeling like this towards her.
"Ba’t mag-isa ka?” Ang bati ni Jungkook sa kanya, sounding a little stern, at hindi man lang nakangiti.
“E, wala. Gusto ko lang,” kibit-balikat ni Dasom. Walangya, nahiya ako bigla sa pagka-vibrant ng presence niya. Lutang talaga ang ganda niya. Hindi mo rin naman masasabing nadaan lang sa pagkamaputi ‘yong ganda niya, e. Pwede siyang alayan ng kanta ni Taeyang ‘cause her eyes, nose, and lips are really pretty, too.
‘Di ko rin maiwasang mapansin ang itsura nila ni Jungkook kapag magkasama nang ganyan. Why am I catching Shinichi and Shiho feels from them? Sila pa naman ang ship ko sa Detective Conan. Na-OP ako bigla. Suddenly, bigla akong naka-relate kay Ran. Parang gusto kong umalis na lang.
Pambihira, inaatake nanaman yata ako ng pagka-awkward ko. Nakakainis.
Nag-bend sideward si Dasom para silipin ako sa may likuran ni Jungkook, tapos ini-anggulo niya ‘yong ulo niya patingala kay Jungkook. She leered at him. "Ikaw, hindi ka nag-iisa, ha?” Sinabi niya sa tono na parang nanga-ngantiyaw.
“H-ha? A-”
“Hi, Yana!” iniwan ni Dasom si Jungkook bago pa man maituloy ng tao ‘yong sasabihin nito sakanya at nakangiting lumapit sakin. Grabe, parang alam ko na ‘yong feeling ni Sunako Nakahara sa Yamato Nadeshiko. Ilang appliances kaya sa bahay namin ang pwede i-charge sa ngiti ni Dasom? Silaw kung silaw ang aabutin mo. ‘Di ako na-inform na nandito ka pala, ‘te; sana dinala ko ‘yong shades ko.
“Ah, hi...” I lamely replied.
“Kasama mo ba si Jungkook?” tanong niya sakin.
Napatingin ako kay Jungkook, na palapit na samin, pero nakatingin siya kay Dasom. Ang weird, dahil parang nag-aalangan ako sa sasabihin ko. Gaano ba kahirap na sabihing, 'oo,' lalo na kung 'yon naman ang totoo?
"Hindi," panimula ni Jungkook, na inunahan na 'kong magpaliwanag, "nagkasalubong lang din kami ngayon dito."
Wow. He lied. He actually denied na kasama niya nga ako. Na magkasama kaming pumunta dito ngayon – more specifically, na niyaya niya ako. I think, I’ve officially confirmed the reason for my gut feelings. Binaling ko ang tingin ko kay Dasom.
“Sus, gano’n din ‘yon!” Dasom scoffed, as if she found Jungkook’s statement lame. “Magkasama na rin kayo, e.”
“Bahala ka nga,” pagtataray ni Jungkook, sabay iwas ng tingin. “But I trust you’d know that right now, I wouldn’t keep an exclusive company,” ang sabi ni Jungkook, pagpapaalala siguro na kaka-galing niya lang sa isang break-up. He cleared his throat and his eyes returned to her. “Magta-timezone kami; kung wala ka namang gagawin, gusto mo bang sumama?”
“Sige ba!” Dasom inched towards Jungkook. “Ang tagal na rin nating walang bonding, e.” When she was close enough, she
Comments