Seben.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya“Sorry, Chi…” sabi ko sa kaibigan ko habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
“Ang unfair niya! Sana man lang naging honest siya nung una pa lang; pinagmukha niya kong tanga!”
“’Wag mo na siyang isipin. Just…forget him.” I feel like an effing hypocrite right now, saying this.
“Hindi gano’n kadali ‘yon!” Baka nga…
“Bakit mo ba kasi siya minahal?” Kunot-noo kong tanong. Tulalang nakatitig sa lap ko.
“Eh ‘di ba ikaw rin naman?! So, bakit hindi mo itanong sa sarili mo ‘yan?”
“Mahal?” umiling ako. “Hindi ko siya mahal.”
“Oh come on, Yana! Don’t even pretend anymore as if I don’t already know.”
“Basta’t ‘wag mo na lang siyang iyakan.” Binaling ko yung paningin ko sa pader. “He’s not worth it after all...”
‘Yan talaga ang gusto kong sabihin, pero bakit parang pakiramdam ko, gusto ko lang na kumbinsihin ang sarili ko na ‘yon ang isipin ko?
~*~
“Hi, Yana.” Bati sakin ni Dasom, na may mailiit na ngiti sa labi niya, not trying to be pretentious na ok ang lahat.
“Uh, sorry pala ‘yong do’n sa kanina, ha? Nadamay ka pa tuloy…”
“’Di ba dapat si Jungkook ang magsabi niyan?” a bit amused, this time napangiti siya nang legit. Might be that that legitimately pretty smile of hers is one of the reasons why Jungkook is legitimately in love with her. “Wala ka namang kasalanan, e.”
“Well…actually, si Jimin ‘yong medyo may kasalanan kung ba’t nagkagano’n si Chi. Ka-lalaking tao kasi napakadaldal, kaya ‘yan tuloy, nalaman pa ni Chi sa iba imbes na kay Jungkook mismo…”
“Ahh. Hindi naman pala ikaw ang nagsabi kay Chi, e…”
“Of course not.” I began explaining. “Ayoko silang pangunahan dahil alam kong ito ang mangyayari. As much as possible, gusto kong makapag-usap si Chi at Jungkook. E kaso nga, ‘yong si Jimin…Talaga namang kala mo, reporter ng GMA News TV na may award-winning documentary–siya na nagpaliwanag.”
Natawa tuloy si Dasom dahil nagawa ko pang magbato ng punchline sa ganitong sitwasyon. Humingi ako ng pasensya sa pagka siraulo ko.
“So, ‘di kayo bati ni Jimin ngayon?”
Huminga ako nang medyo malalim at kumibit-balikat. “Parang gano’n…”
Naiinis ako kay Jimin, e. Alam kong gusto niya lang magkalinawan na ang lahat. Kung meron sigurong isang tao bukod sakin mismo na gusto ang katahimikan ng isip ko, siya na ‘yon. But I just hate the fact that he created this fuss just to earn me that. I don’t hate Jimin, but right now I just hate what he did…
“Well…” ngumuso si Dasom sa kung ano mang nasa likod ko para lingunin ko ito. Sinundan ko yung line of vision niya at nahuli ko si Jimin na nakatingin sa’kin na may bahid ng inis sa ekspresyon niya. Napaiwas din siya bigla ng tingin, at nakakunot pa rin ang noo niya nang ginawa niya ‘yon, pero nakabasa rin ako ng pagka-guilty sa mukha niya. Minjung (the nice girl who legitimately likes him at na kulang na lang, ligawan siya) tried to comfort him but he shrugged her off and walked away. Napailing ako. Bakit ba niya ginagawa ‘to?
Hay. Saka ka na nga, Jimin. Magkakaayos din naman siguro tayo. Babawi na lang ako sa’yo.
“Um, Dasom…” panimula ko. “May gusto lang sana akong itanong.”
“Yes?” Ngiti niya sakin para siguro maging kumportable akong magtanong. Pero sa totoo lang, hindi ako nag-aalangan sa magiging reaksyon niya sa tanong ko. Siguro mas bothered ako sa maaari kong makuhang sagot mula sa kanya. Bahala na.
“Mahal mo ba si Jungkook?”
Nakakaloko ‘yong bigla siyang nanahimik at biglang nag-poker face. Hindi pumapalo o kumakalabit man lang papunta sa isang ngiti o sa isang pagsimangot ang ekspresyon ng mukha niya. Pero ilang segundo, sinagot niya rin ako nang nakangiti.
“Oo naman.” Oo naman. Sigurado. Legit ka rin. ‘Di kayo na. Tapusin niyo na paghihirap ko, utang na loob. Maging legit na kayo. Please lang. Mga now na-
“Yana, mamayang 4pm sa rooftop. Punta ka, ha?”
“H-ha? Bakit?”
“Basta.” Sabi niya lang bago siya kumaway sakin at iwan ako do’n.
Bilib din ako sa elasticity ng mukha ni Dasom. ‘Di napupunit balat niya kahit parang buong araw siyang nakangiti. It’s like all we need is that lingering bright smile of hers and we’re all set for a freaking eternal firework show. Why don’t I have that smile? Kasi ba, dahil bukod sa ngiti na ‘yan, si Jungkook ang wala ako na meron siya?
~*~
Dahil masunurin akong bata (and maybe ‘cause I’m developing a crush on Dasom), pumunta ako sa rooftop gaya ng sabi niya. Hindi ko naman inaasahang ito ang eksenang aabutan ko.
“Sorry do’n sa kanina…” sabi ni Jungkook. Psh. Gaya-gaya.
“It’s nothing.” Umiling-iling si Dasom, trying to comfort another worried soul. “Ano nga pala ‘yong gusto mong sabihin?’
Gustong sabihin?
“’Yong kanina…” sumeryoso lalo ang boses ni Jungkook at tumingin nang maigi kay Dasom, perhaps urging her to do the same. “Totoo ‘yon. Nakipag-break ako kay Chi, dahil sa’yo.”
Uyuyuy. Wait. Teka lang, masakit. Oo, gusto ko nang tanggapin na magiging kayo din. ‘Di ako tanga, alam kong diyan din naman talaga ang punta niyo, at kanina minamadali ko na kayo, pero wait. Pwede mamaya na lang pala? Bukas? Bukas na lang maging kayo. Hihinga muna ako. Kasi shet putangina. ‘Di pa ko ready
“Kasi Dasom…” Humahakbang na palapit si Jungkook kay Dasom.
Effing shet di ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung aalis ba ko o ano.
Pero gusto ‘tong marinig.
Pero ayoko rin.
Yung puso ko wait. Bat ang bilis ng tibok? Tapos, parang biglang may na
Comments