Ten-ey.

Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya
Please Subscribe to read the full chapter

          Nakaupo ako sa bleachers ng basketball court sa village namin habang nagsa-soundtrip, nang biglang may tumabi sa kanan ko at inagaw ang isa sa mga earphones ko. Si kuya Mino pala. ‘Di na ‘ko nagtaka, medyo malapit kasi yung apartment niya sa court eh.

          “Nakatambay ka na naman mag-isa dito,” komento niya, sabay suot niya ng earphone.

          “Para namang ‘di mo ko kilala. You know how I value my alone time.” I jokingly said, throwing some shade.

          “Ah gano’n? So, ano ‘to, pinapaalis mo na ‘ko?” Tumayo siya at nagpa-cute na kunyari nasaktan ko siya nang pagkalalim-lalim.

          “Galing kang school?” Tanong ko na lang, sabay hila sa dulo ng shirt niya para pabalikin siya sa pag-upo.

          “Oo,” sagot niya bago hiramin ang iPod ko. Hinayaan ko lang siyang mag-explore. Wala naman akong tinatago do’n eh.

          Kaya lang, huli na nang maalala kong medyo meron nga pala. Biglang nawala yung music at tinanong niya ko: “Uy, ano ‘tong Hindi Binalak?” Medyo nakaramdam ako ng panic. Napunta siya sa voice memos sa iPod ko.

          “Wala yan. Draft lang ng kanta...” sabi ko na lang.

          “O?” He smiled amusedly. “Nagsusulat ka pala ng kanta?”

          Nakangiti akong tumanggi, inwardly hoping that he won’t press on the topic. “Hindi. Joke lang yan. Nagpapaturo pa lang kasi ako kay kuya kung pa’no gumawa ng kanta.”

          Hindi naman nawala yung ngiti sa mukha niya. “That’s awesome!” Nakipag-low five siya sakin.

          No’ng isang araw kasi, nadatnan ko si kuya sa kwarto niya na gumagawa ng beat. Hobby talaga kasi ni kuya na magsulat ng rap lyrics dahil bata pa lang siya, hiphop na talaga yung pinaka natipuhan niyang genre ng music. Hindi nga lang niya lagi pinaririnig sakin yung mga ginagawa niya. Kadalasan, kailangan ko pang pilitin. Pero do’n pa lang sa ilang mga naiparinig niya sakin, masasabi kong may talent talaga siya. At hindi ko lang sinasabi ‘yon dahil kapatid ko siya.

          Ako naman kasi, pagita-gitara lang, pero hindi talaga ako pala-sulat ng mga sarili kong kanta. Ewan ko, parang nahihiya ako eh. Nasubukan ko na naman na dati, pero tipong pangkalokohan lang. Kung pagsususlat lang ng lyrics at paglalapat ng tono ang basehan, eh di kahit sino, pwede talagang makapagsulat ng kanta, ‘di ba? Kaya lang syempre, lahat pa rin naman ng bagay may standards. Kaya naisip ko no’ng araw na ‘yon, bakit hindi ko subukang seryosohin ang pagsusulat ng kanta?

         Nang lapitan ko si kuya, parang nag-alangan pa siya, pero in-entertain din naman niya ‘ko. No’ng una kasi ang sabi niya sakin mas maganda kung sumubok akong mag-isa munang matuto kasi personal feelings and thoughts naman yung puhunan ng isang kanta. Kaya lang sabi ko, gusto ko lang ng basic pointers galing sa kanya, gawa na rin lang na sanay siya at saka mas magaling siya mag-express. Edi ayun. Ang ginawa niya, pinaghanap niya ko ng sample instrumental track galing sa internet na mapaglalaruan. Magsulat daw ako ng lyrics para do’n, tas pakikinggan niya. Yung ganun. Naisip ko, siguro kasi gusto niya ‘kong makilala bilang isang lyricist. At dahil parang seryoso si kuya sa pagbibigay sakin ng ‘assignment’ na ‘yon, naisip ko na dapat yata seryosohin ko rin.

          Sineryoso ko rin naman. Haha. Medyo...

          “Nagsusulat ka ba ng kanta?” Binalik ko rin yung tanong kay kuya Mino.

          “Oo! Hiphop ang pinaka-genre ko.”

          “O? Parehas pala kayo ni kuya...” I pouted and nodded in understanding.

          “Parinig ako nito ah?” sabi niya, sabay pindot ng play. I was hoping he wouldn’t listen to it, pero wala na. Kung humindi ako, alam ko namang kukulitin pa rin talaga ako nito hanggang sa pumayag ako. I sighed in defeat. Wag niya lang talaga akong tatanungin kung para kanino ‘yon.

          Limang segundo pa lang yata natawa na si Mino. Napangiti na lang rin ako sa tabi niya habang nakapangalumbaba. Naalala ko na naka-ilang hampas sakin no’n si Namjoon. Nung ni-record ko kasi yung draft nung kanta, nakabantay siya, tas tangina ang hirap lang magseryoso do’n kahit seryoso si kuya na i-evaluate yung ginawa ko. Ang awkward kasi! Hindi ako sanay. Pigil pa nga si kuya na hindi magsalita habang nagre-record ako, kaso nakulitan din talaga siguro siya sakin. Medyo rinig tuloy yung tawa niya sa output. Ayun. Pero masaya, sobra. Unang beses kaming nag-bonding sa pagsusulat ng kanta.

          Naging tahimik at seryoso kami ni kuya Mino nang magsimula na ako sa verse. Naisip ko no’n kung masinsinan niyang pinakikinggan ‘yon dahil rap ‘yong ginawa ko. Medyo nanliit din tuloy ako at hindi ako makatingin sa kanya. Pagdating ng chorus, napakunot-noo siya, tas bigla siyang natawa no’ng na-gets niya.

         “Ano ba yan!” Sabi niya nang matapos yung track, sabay tinanggal na niya ‘yong earphone sa tenga niya at ibinalik sakin yung iPod ko. Nakangisi lang ako nang sabihin niya sakin, “ewan ko sa’yo. May pagka-siraulo ka rin talaga eh...”

         “Thanks. I’ve heard.”

         “’Di ko na rin pala itatanong kung para kanino ‘yan,” ngiti niya sakin. “Alam ko namang para sakin eh.”

         “Oo, gwapo mo eh!” Sinakyan ko na lang at nag-low five kami.

         ‘Di ko pa nga pala nake-kwento sa kanya si Jungkook. Buti na lang, hindi na siya nagtanong dahil wala rin akong ganang pag-usapan ‘yon. Bago ako iwanan ni kuya Mino do’n para umuwi, ang sabi niya mag-practice pa raw ako saka gawin kong regular yung pagsususlat. Meron naman daw something yung lyrics ko at matututo pa raw ako kung gagawa ako lagi.

          Masaya din naman palang gumawa ng kanta. Hindi lang dahil sa pwede mong anihin na puri mula sa ibang tao, kundi sa pagiging salamin no’ng mabubuong kanta kapag nagpapakatapang kang harapin yung mga nararamdaman mo. It’s liberating, at sa kaso ko, tingin ko pwede ko siyang gamitin para kumustahin yung sarili ko.

          Kung ipagpapatuloy ko ang pagsusulat ng kanta, magiging private agenda lang siguro siya sakin. Hindi kailangan marinig ng mga tao ang mga kanta ko, kahit pa nung mga taong naging dahilan para maisulat ko yung mga kanta na yun. I know it sounds selfish that way, but it’s how I can protect my feelings. Pero gets ko rin naman yung mga tao na mahilig mag-share ng mga kanta nila. I guess there’s comfort in knowing na may mga taong parehas rin ng nararanasan. Kaya lang, ako kasi, hindi naman ako gano’n ka-galing magsulat ng kanta at mag-express ng nararamdaman ko sa mga salita, iisipin lang ng iba, ‘eh narinig ko na yang linya na eh, wala namang bago dyan.’ Kaya parang, bakit ko kailangang pakinggan yung comment at criticism ng ibang tao kung hindi naman ako aspiring musician o entertainer?

          I don’t have to take anyone’s two cents about my emotions and experiences. Hindi naman sila yung nakaranas ng mga bagay na naranasan ko at nakaramdam ng mga bagay na naramdaman ko para sabihin sakin kung anong mali sa mga naisulat ko. Alam mo ‘yon? I don’t want to have to care. Kaya, mabuti pang sarilinin ko lang.

          Sa kaso naman ni kuya Mino, hinayaan ko na nga lang siyang marinig yung kanta. Kaibigan ko naman kasi siya saka hindi ko naman siya nakilala bilang judgemental. Para na rin siguro maging fair ako sa kanya kasi ang open niya sakin. Alam ko nga yung love life niya e (kahit di ko naman talaga tinanong haha). At kaya ko lang hindi ikinekwento sa kanya si Jungkook eh hindi dahil sa wala  akong tiwala sa kanya o nahihiya ako sa kanya. Gusto ko lang talagang bawas-bawasan ang pag-iisip tungkol kay Jungkook, ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
amusingmurdermachine
*croo croo*

Comments

You must be logged in to comment
orange-shadows
#1
Chapter 28: Wait lang. Rupok o landi? Yana, mamili ka please. Charot.

Lost ako sa unang part,need kong ire-read ulit from the start. Parang feeling ko nagbakasyon ako nang matagal from work. Anyway, huhu. Namiss ko 'to!

Pero ayon,grabe impact sakin nghuling linya ng chapter na 'to. Huhu. "Kasi nga matagal ko nang pinili kung saan ako titingin." Ano ba 'yan, Yana? Why can I relate? Charot.


Recently lang napapaisip lang din ako 'e. If yung mga tipo ko bang nagugustuhan e talagang may pagkasa-demonyo nang bahagya ang ugali eh. Kahit anong segway ko sa sarili ko to choose liking nice and kind guys, I end up with ones who have weird sense of personality and wit. Eme, chos.


Kaya ba talaga nating diktahan sarili natin or talagang may set of qualities talagang pina-prioritize utak natin? Hahahaha, ano raw.



Yana, i-play mo Nobody Compares To You. Charot!
HyukBingsu
#2
Chapter 28: hala jimin :((((
jannetterayearth15
#3
Chapter 2: Kulit almusal candy hahaha
jannetterayearth15
#4
Chapter 1: ???
HyukBingsu
#5
Chapter 26: BAGONG MOTTO SA BUHAY: HUMAYO KA AT LUMANDI
orange-shadows
#6
Chapter 25: Nakakaloka. Hindi ko alam kung may pa-damoves or pahaging ba si Jungkook, nakakaloka. Ayoko na.

Hahahahaha, naku Yana baka isang ihip ka lang sobrang karupukan mo. Kukurutin kita. Hahahahaha. Charot lang.

Hahahahahahaha. Ang saya lang na habang binabasa may napipicture ka talagang imahe ng mismong eksena rin na nangyari sa'yo. Punyetang crush yun.
orange-shadows
#7
Chapter 24: I have two answers, Ate. Weird ba? Hahaha. I'm just contemplating on this thought for such a long time.

O1 - Wala sa existing characters. Highschool life eh. Hehe. I mean, high school is like the stepping stone of knowing who you are, who you want to be, what your aspirations are and such. Puro self-discovery and such. I love the friendship and everything and whatsoever.

Tapos feeling ko Yana ought to find more of herself sa college. Feeling ko sobrang mas marami pa siyang pwedeng madiscover and such. I mean karamihan ng most meaningful friendships founded sa high school life. Kung may sakali mang madiskubre siyang love sa college life or sa adult life, takbuhan niya ang nagpabloom ng youth niya which is her solid friendship with her HS barkada. Ewan ko. Feeling ko gano'n eh. Hahahaha.

O2 - Jimin. Hahahaha. I'm a er of friends turned lovers kind eh. Kasi I'm a firm believer na kapag naging foundation ng isang relationship ang friendship, parang WOOH GO LANG. kasi you know the vulnerabilities of the other and you just get them and such.

Basta huhu siguro kung ibabase ko sa mga pinagsasabe sa ON LOVE talk noon ni Alain de Botton saka about the relationship thingy advices presented on The School of Life.

Feel ko, doon talaga hahahahahaha di ko masuportahan masyado but ohmygod huhu idk I'm such a er of Jimin and Yana's friendship.
your_dream
#8
Chapter 24: Thank you for that wonderful question char. Malamang sa malamang edi si Jungkook kasi gusto ko makita kung paano babaguhin ng mga na-experience nila ni Yana together para maging isa siyang better boyfriend unlike before with Chi, I guess? I’m really thinking if Jungkook would change or he’d still be stuck wondering about Dasom kasi baka malay mo masyado lang sila naging kumportable sa isa’t isa at ‘di lang nabibigyan ng pagkakataon. Jungkook ayos mukha kasi JungNa all the way talaga ako uwu
trishkookie
#9
Chapter 23: Ba't kasi di nalang kayo ang magkatuluyan yana at jimin? XD


Myged thank you so much sa update authorrrrr
HyukBingsu
#10
Chapter 23: kala mo ok na. akala lang pala :------)