Wan.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya“Focus.”
“Uhuh.”
“Sundan mo ng tingin.”
“’Eto na nga e.”
“Pero ‘wag mo lang basta tignan.”
“Ano ba dapat?”
“Lapitan mo.”
“Lalapitan ko?!”
“Oo. Saka mo paluin.”
“Ha? Ba’t ko naman gagawin ‘yon?” humarap ako sa best friend kong si Jimin.
“Para pumuntos, malamang!” sabi niya.
“Gano’n ba ‘yon? O sige.” Seryoso akong napatango at sinunod ang sinabi niya, pero bigla naman siyang nagreklamo.
“Anong ginagawa mo?”
“O, e, sabi mo titigan ko e!”
“Tanga! ‘Yong bola ang sinasabi ko, hindi si Jungkook! Kita mong nagba-volleyball tayo dito e! Siya pa rin ba iniisip mo?! Alalahanin mong nasa kabila siya ng net! At alam mo ibig sabihin no’n? Ibig sabihin, magkalaban kayo, engot! Ga-” sinuntok ko siya nang malakas sa braso. Kalalaking tao, ang daldal e. “Aray!”
“Manahimik ka na lang kasi, ‘di ba?! Sa ospital ka pupulutin ‘pag nakahalata siya na—”
“Yana! Yung bola!”
“A-a-anong gagawin ko?!” Parang tanga kong binigyan ng warm welcome ang bola at tumayo do’n with open arms.
Huwaaw. Ang galing talaga ni Jungkook! Ang lakas tumira! Kaya lang, masakit palang matamaan ng bola sa ulo? Napaupo ako no’n, a!
“Sorry!” Sumigaw siya galing sa kabilang banda ng net.
“A…ok lang…” Sige, mas mahina pa dyan, Yana. Baka sakaling lapitan ka niya at i-check kung ok ka lang.
“Lagi niyang ginagawa ‘yan, e, no?” Napatalon ang mga balikat ko. Bwisit ‘tong si Jimin, nanggugulat.
“Ano? Hindi naman siya laging nakakatama ng bola a…” pagtatanggol ko kay Jungkook.
“Hindi ‘yon ang tinutukoy ko,” palatak at iling niya habang nakapamewang.
“E, ano?”
Naputol ang usapan namin nang sumigaw ng “foul!” ang P.E. teacher.
“Injured si Chi!” sigaw ng isa naming kaklase. Before I knew it, tumatakbo na palapit kay Chi si Jungkook.
“Anong nangyari sa’yo, ok ka lang?” Mukhang napasama ang bagsak ni Chi. ‘Di man lang siya nakasagot dahil siguro sa sakit. Inalalayan na lang siyang tumayo ni Jungkook.
Napayuko na lang ako at itinigil ang panonood sa kanila.
“’Yan ang sinasabi ko e,” gatong nanaman ni Jimin.
Comments