Nayn.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo SiyaPaggising ko kaninang umaga, parang ayaw kong bumangon para pumasok. Kabado ako, na takot, na ewan. Pero naisip ko di na ko dapat bumabad sa ganitong klaseng pakiramdam at sa pag-iisip. I shouldn’t be too hard on myself. Bakit ko ba pinarurusahan ang sarili ko, eh wala naman akong masamang ginawa.
Pagdating ko sa classroom, wala naman pala siya. Saka ko naalalang may training nga pala sila (member kasi sila ni Jimin ng official competing dance troupe ng school) kaya excused sila sa klase.
It feels as if the butterflies are trying to make a smoothie out of my stomach. Ayokong makita siya pero nang malaman ko na wala siya sa klase, nakaramdam rin naman ako ng pagkadismaya. Sala sa init, sala sa lamig, eh. But anyway, I guess it’s best if we don’t run into each other for a while. That way, I won’t have to be anxious about something going wrong again. ‘Di pa nga ako maka-get over sa ginawa ko kahapon.
Siguro rin, pag na-delay ang paghaharap namin, pag hindi na fresh ang mga naganap, parehas na lang kaming aarte na parang walang nangyari. The thought is sad, but maybe it would be easier for me in the long run.
Samantala, medyo nagulat ako nang yayain ako ni Dasom para mag-lunch. Medyo nag-alangan akong magpaalam kay Chi tungkol sa balak ko, but when I did, she graciously let me go. Of course, it’s strange for me to hang out with the girl who caused (although indirectly) my friend’s heartbreak, but I guess Chi was being mature and understanding. Kaya bilib din talaga ako sa kaibigan kong ‘yon, kahit pa minsan may temper rin siya gaya ni Jungkook.
Bago ako umalis ng classroom, sinigurado kong may kasabay si Chi na mag-lunch, tapos dinala ko na rin yung pang-review ko sa quiz mamaya papunta sa kinaroroonan ni Dasom. Malamang, hindi na ‘ko nakapag-aral kahapon. Panira talaga yung crush crush na ‘to eh.
Nang makarating ako sa may entrance ng canteen, tinanaw ko na ang katagpo ko (parang magkikipagtanan lang, shet). Madali ko namang nakita si Dasom, pero ‘di ko muna siya nilapitan at pinanood ko muna siya mula sa kinatatayuan ko. Mag-isa lang siya sa apatang mesa, naka-earphones habang may binabasang manga at kumakain ng cheese fries. Ang badass niya, hindi siya nag-surrender ng gadget.
Natanaw ko rin sa ‘di kalayuan si Jungkook, pero side view lang niya ang kita ko dahil nakatagilid siya. Pambihira, halos masiraan na ko ng bait sa kaiisip kahapon kung pa’no ko siya haharapin ngayon, samantala siya ganyan lang na pakain-kain ng pudding? Hanep.
Hmm. Pero hindi sila magkasabay ni Dasom. Ibig ba sabihin nito, hindi sila ok? Napatalon ang mga balikat ko nang medyo humarap si Jungkook sa direksyon ko, pero nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, sa iba pala siya tumingin. Pasimple lang, pero sa kinatatayuan ko, nahalata ko na si Dasom ang pinanonood niya. Poker-face lang siya, pero he gazes intently at her every chance he gets. Maya-maya, natameme ako bigla nang mapatingin na talaga siya sa direksyon ko. Pero mabilis lang at umiwas agad siya ng tingin. Yung itsura niya parang naiinis na nahihiya; siguro dahil nahuli ko siyang nakatingin kay Dasom.
Binalik ko na lang uli ang tingin ko kay Dasom at parang naintindihan ko na kung bakit siya pinapanood ni Jungkook. Napansin kong pinagtitinginan si Dasom ng mga tao. At ngayon, meron pang papalapit na dalawang babae na nagtatawanan at nagbubulungan nang malakas, halatang pinariringgan si Dasom. Nainis ako at nalungkot na rin nang maisip ko kung bakit siya naka-earphones. Para siguro hindi marinig ang mga tao sa paligid niya gaya ng mga palakang ‘to. I saw Dasom’s facial expression harden for like two seconds and then she kept herself together and focused on the book she’s reading. She seems strong but I feel that she’s not completely unfazed.
Napa-double-take si Dasom sa direksyon ko at sa wakas nakita na rin niya ko. Ngumiti siya sakin at niyaya ako sa table niya habang yung dalawang esa eh salitan ang mga tingin papunta sakin at kay Dasom. ‘Di pa rin sila umaalis nang palapit na ‘ko kaya binagsak ko sa mesa yung dala kong libro at notebook na parang siga at nagulat naman yung dalawang hilaw na palaka. Nakatayo pa rin sila do’n at nakatingin sakin, kaya sinamaan ko sila ng tingin bago ako umupo. Nagbulungan na naman sila, pero sa wakas naisipan na rin nilang lumayas.
“Yana…” Pagharap ko kay Dasom, nakatawa siya, “ang cute mo.”
Petite naman akong tao, pero bakit ang awkward pa rin pag nakakarinig ako ng ganyang compliment?
“Luh. Ang weird mo namang mag-thank you,” sabi ko na lang.
“Teka, wala ka bang balak kumain?” Pinuna niya ang mga dala-dala ko.
“Actually kasi, ito yung lunch ko eh,” biro ko sa kanya. “’Lam mo na, diet.”
“Diet kambing?” Tumawa siya at naki-ride, “o, pero wag mong kakainin ‘tong libro ko, ha?”
Hindi na namin pinag-usapan yung tensionadong ere kanina. Hindi na ako nagtanong kahit curious at concerned ako sa lagay niya. Ewan ko. Naapektuhan lang kasi ako sa reaksyon niya kanina. Kahit kasi most likely, sanay na siya sa ganon, I guess it’s never a good feeling to be judged by people who don’t know about you. Perhaps this is affecting me because I’m quite a private person and I don’t want others invading my space as they please.
Matapos ng ilan pang palitan ng punchline at pag-iinsist niya na wag akong mag-skip sa pagkain ng lunch, pumunta na rin si Dasom sa pakay niya ng pagyayaya sakin ngayon.
“Ok lang bang magkwento, Yana?” Tanong niya sakin.
“Oo naman. Tungkol saan ba?” Ngumiti lang siya nang tanungin ko siya no’n. Bakit pa nga ba ako nagtatanong? We only have one striking thing (o sige na nga, person) in common to talk about. Bumuntong-hininga ako at tumango, “sige lang.”
“First, let me confess something.” Binitiwan na niya yung libro niya at isinantabi ang lalagyan ng fries. “Nalaman kong gusto mo si Jungkook because frankly, I’ve been watching from the beginning.”
Wow. Panimula niya pa lang, parang pasabog na. Ano kayang ibig niyang sabihin?
“Matagal na kong in love sa best friend ko,” patuloy niya. “Bag
Comments