Tertin-si.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo SiyaNag-review na naman ulit kami ni Jungkook nung uwian nang kaming dalawa lang kasi nang-iwan na naman si Jimin. Parang tanga. Pero that time around, sineryoso na namin ni Jungkook ang pag-aaral. And already, I felt myself breaking another wall for going through with it. Sanayan lang talaga na makasama ko siya, ‘no?
Nung mga pagkakataon na nagawan ko siyang nakawan ng tingin habang nagko-concentrate siya sa pagre-review, I thought that I should push my feelings aside for now. I’m going to go with the flow and try really hard not to think about it too much.
Mas ok siguro yun para samin parehas.
Nagmeryenda kami sandali bago kami naghiwalay sa harap ng gate ng bahay. Magaan lang. Naramdaman kong nakapag-unwind naman kami pagkatapos mag-aral. Todo thank you din siya kasi nag-aalala siya na baka maapektuhan yung membership niya sa team pag bumaba nang husto yung grades niya. Halata rin na hindi siya sanay humingi ng tulong.
In-encourage ko naman siya at pinaalala ko sa kanya na hindi madali yung ginagawa nila kaya kako, I’m hoping that he isn’t so hard on himself (at na wag siyang tutulad kay Jimin na kalat hahaha). Bago siya tuluyang magpaalam, nakangiti pa siya nang ipaalala niya sakin yung deal namin na magsisimula na sa Monday.
Hindi mapang-asar yung ngiti niya. Nakakainlab Friendly-casual lang.
At dahil sa mga nangyari nung araw na yun, medyo nahirapan akong matulog kinagabihan. Syempre isip nanaman ako nang isip. Binalikan ko nanaman yung mga nangyari at nag-imagine ng mga pwede pang mangyari. Habang nakahiga ako sa kama at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, sumigaw mula sa sala si Kuya, “Papatayin ko na yung Wifi!”
Saka ko naalala yung inaamag ko nang Facebook, pati na rin yung mga kantang pinangako kong ime-message kay Simang. Parang isang buwan na yata akong hindi nagla-log in. Perfect way to distract myself, I guess? Naisip ko pa.
“’Wag muna! Ako nalang magpapatay mamaya!” Sigaw ko pabalik kay Kuya.
Pumalatak pa siya at sinabihan ako na ‘wag magpuyat.
About ten minutes in, I stumbled on a post:
‘Jeon Jungkook is listening to I Like Me Better - Lauv,’ it says with a tagged caption to match, ‘Choi Dasom I miss you.’
The world around me stood still for a beat tapos nagsimulang pumintig nang mabigat yung puso ko.
That moment I started to question kung panaginip lang ba yung mga nangyari mula nung music recit namin but I realized immediately that I was being ridiculous.
Naalala ko rin yung sinabi kong ipapahinga ko muna yung nararamdaman ko kay Jungkook, so I told myself that I should start getting used to things like this.
Tinapos ko lang yung message ko kay Simang at nag-log off na rin ako kaagad.
Sabado kinabukasan, kaya pumunta si Jimin sa bahay para mambuwisit magpaturo sa Logic, pero naasar ako kasi hindi niya binibitiwan yung phone niya. Papagalitan ko na sana siya nang bigla kong maalala yung sinabi ni Kuya Hoseok kahapon na tumakas siya sa training nila mga tatlong beses nung linggong ‘yon at nalaman nilang sumisimple siya ng nood sa volleyball training nila Minjung.
“Hoy, Jimin.” Hindi pa rin siya
Comments