Twelb-ey.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo SiyaKasabay kong umuwi si Jimin nung dismissal. Pinayagan silang sumibat nang maaga ni Coach Son para makapagpahinga sila at para makahabol na rin sa requirements. Kaya ‘yon, dahil sa tawag ng best friend obligations, kinailangan kong tulungan si Jimin at nag-library muna kami bago ko siya sinamahang magmeryenda.
At gawa na rin na nagkaro’n kami ng oras para magkumustahan, binalita ko na sa kanya.
“Hoy, umamin na ‘ko. Ikaw na sunod.” Casual kong sabi, at muntik namang mabulunan sa sago si Jimin.
“Umaamin na an-Ha?! Seryoso?” Nagulantang siya dahil parang kahapon lang namin pinag-uusapan ‘to. “As in umamin ka na talaga kay Jungkook?!”
“Oo ngaaa,” kumpirma ko.
Tinignan niya ko nang mga ilang segundo bago uli siya nagsalita, “alam mo, hindi ko alam kung tama yung timing na pinili mo o ano e…”
“Ha? Ano namang ibig mong sabihin?”
“Alam mo na…” siniko niya ko nang mahina sa tagiliran bago sumubo ng squidball. Napairap naman ako.
“Kung alam ko, hindi ako magtatanong, Jimin.”
“Hay nako. Si Dasom!”
“O, anong meron?”
“Seryoso ba? ’Di mo talaga alam?” Nalukot ang noo niya. “Pumunta na siya sa Canada kaninang umaga! Sumama na siya sa parents niya na matagal nang nag-migrate dun…”
Natahimik naman ako do’n. Hindi ako makapaniwala sa na-realize ko…
Jusko, alam ko na ‘tong plot na ‘to eh. Meteor Garden ‘to! Ako si Shan Cai, si Jungkook si Huaze Lei, si Dasom si Tengtang Jing. Tangina, oo nga! Wala kaming originality!
Wala. Nahihiya talaga ako.
Hindi ko talaga maintindihan si Dasom. Seryoso. At ngayon pa talaga niya naisipang umalis? Medyo may pagkasadista din yata siya, e…
Pero baka naman kaya niya tinulak palayo si Jungkook e, dahil kailangan na niyang mag-migrate? Pero wow, sobrang melodramatic naman kung gano’n...
Hmm. E, ano namang gagawin ko sa nalaman ko? Hindi ko rin naman ata magagawang lapitan si Jungkook para i-comfort siya tungkol do’n dahil hindi talaga ako marunong mag-comfort ng mga tao. Mas magaling ako sa pagpapalala ng kalungkutan nila, kung tatanungin niyo si Jimin.
Kahit pa kasi umamin na ko ng feelings ko sa kanya, at kumbaga logical lang na iparamdam kong totoo nga ang mga ‘yon, hindi lang talaga kasi natural yung pakiramdam na bigla-bigla at todo ko nang ipapakita sa kanya yung lahat ng hinold back ko sa loob ng dalawang taon. Siguro, nag-aalangan ako dahil ayoko naman siyang ma-creepy-han sakin, o kasi natatakot rin akong harapin agad yung rejection? At isa pa, ayoko rin naman kasi syempreng ipilit yung sarili ko sa kanya…
“So, ano na balak mo niyan pagkatapos mong umamin?” Baling sakin ni Jimin. Pinalobo ko ang mga pisingi ko at napaisip.
Ewan ko. Ano nga bang mangyayari pagkatapos? Pero kung tutuusin, bakit naman kailangan ko ng balak?
“Hoy, Jimin! Wag mo iniiiba yung usapan,” ang sagot ko na lang sa usisero kong kaibigan. “Umamin ka na din!”
“Uy, si Simang, o! Nasa playground!” sigaw niya, sabay takbo papunta sa taong nakaupo sa may kiddie table sa tabi ng sandbox, kunyari hindi narinig ang sinabi ko.
Nabanggit ko na yata yung kaibigan namin na si Simang? Kapit-bahay siya ni Jimin, pero ang nakakatawa, mas nauna ko pang naging ka-close si Jimin at si Simang bago pa silang dalawa mismo ang naging close sa isa’t-isa.
Mas matanda siya samin ni Jimin; kasing-edad niya si Kuya kaya college na rin siya. Mga walang modo lang talaga siguro kami ni Jimin kaya hindi namin siya ina-“ate” o tinatawag man lang sa totoo niyang pangalan na ‘Seulgi.’ Pero ayos lang din naman talaga kay Simang ‘yon kasi mabait siya. May pagka mahiyain din siya, at sobrang dalang niyang magalit nang seryoso (alam namin ni Jimin at ni Kuya kasi kahit lagi namin siyang inaaasar, hindi siya naiinis). At kahit may pagka-moody at bugnutin siya minsan, dahil lang talaga yun sa sobrang tutok niya sa pag-aaral. May pagka-grade conscious talaga si Simang dahil pangarap niyang maging chemist (yan yung isa pang dahilan kung bakit namin siya inaasar na mangkukulam).
"Naks, galing talaga mag-drawing! I-drawing mo nga rin ako minsan..." pasimpleng landi ni Jimin, palibhasa, may crush siya kay Simang dati. Kaya lang, may boyfriend na kasi ang isang ‘to. LDR nga lang sila…
Mahilig at magaling mag-sketch itong si Simang. ‘Yan lang ang libangan at stress reliever niya.
“Simang, may pinagdadaanan na naman ba yung grades mo? Parang ang dami mong nai-drawing ah…”
Ngumiti siya. Ang cute, hihi. Gusto kong pisilin yung cheeks niya, kaso may hawak ako, e. “Hindi naman. Marami lang talagang free time kasi kakatapos ko lang nung requirements na malapit nang ipasa.”
Kahit Simang yung tawag namin sa kanya, best asset niya talaga yung ngiti niya. Payatin siya at hindi katangkaran pero para sakin maganda siya. Yun nga lang, dahil subsob siya sa pag-aaral, hindi siya masyado nakakapag-ayos ng sarili. Ang sabi rin ni Simang, base sa experience niya at ng mga college friends niya, sa sobrang time-consuming ng college at sa pagod na idinudulot nito, kadalasan hindi na raw nila kinakayang pumorma masyado, o kaya kinatatamaran na lang nila at mas pinipili nilang
Comments