Tertin-bi.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo SiyaSa garden kami nauwi; ayaw niya daw kasi sa lib mag-aral kasi aantukin siya. In fairness samin, nakatapos naman kami ng kalahati ng Logic bago kami nagsimulang mapariwara sa pag-aaral. Sinimulan niya, eh. In-interview ba naman ako.
“Yana, may tatanong ako,” bigla niyang sabi.
“Go,” pahintulot ko pa, akala ko tungkol uli sa Logic.
“Anong first impression ko sa’yo?”
Jusko. ‘Yun ‘yon eh.
“Seryoso ka ba? Gusto mong malaman? Cheesy eh…”
Nanlaki nang slight yung mga mata niya, “First impression ko sa’yo, cheesy?”
“Hindi, ano ba!” Natawa naman ako sa akala niya. Ang cute niya kasi. Alam ko naaasar na kayo sakin sa kakaulit ko pero anong gagawin ko? ‘Yon yung nakikita ko eh. “Hahah…pa’no ko ba i-eexplain?” Umiwas ako ng tingin sa kanya at bumuntong-hininga. Bigla akong na-mental block.
Tumingin uli ako sa kanya at yung ngiti niya eh parang na-iintriga siya at excited na malaman yung sagot ko. “Dali, ano nga?”
“Hmm…ang weird pakinggan nito pero di ko alam eh. Yung feeling ko no’n familiar ka. Yung parang nakikita na kita dati around school, pero ang totoo hindi naman, kasi nga transfer ka no’n.”
“Ganun?” Kumunot yung noo niya na parang nagtataka rin. Flow fail.
“Bakit, ikaw ba?” Binalik ko na sa kanya yung tanong para hindi na niya ko pagpaliwanagin. Wala na rin akong masasabi, e. Bakit ba ngayon pa lumalabas yung pagka-weird ko? “Anong first impression ko sa’yo?”
“Tahimik. Kala ko masungit ka, ganun…” Medyo nakakadisappoint pero really, it’s nothing unexpected. Lumingon siya sakin nang tumahimik lang ako, “Sorry…”
“Ngeee. Ano ba, wag ka mag-sorry.”
Flow fail.
“Pero ‘yun nga. First impression lang naman, e. Alam ko na hindi ka naman talaga masungit,” ngumiti siya sakin. Polite and obligatory reply para hindi awkward.
“Eh, bakit mo pala natanong ‘yon?”
“Curious ako,” kumibit-balikat lang siya. Ay, wala man lang pa-elaborate si mayor? “Pero bukod dun sa feeling mo familiar ako, anong palagay mong ugali ko no’n?”
“Akala ko nung una, sobrang makulit ka at sobrang bibo kid, ganun. Pero ikaw pala yung tipong approachable to an extent lang. Napansin ko kasi kalaunan na may pagka-private ka, e. Saka…mahiyain.”
He just pressed his lips together and nodded a little. Hala, anong meaning nun? May nasabi ba kong mali? Is this another flow fail? Why do we keep having awkward silences? Oh my god.
Hindi ko na siya tinanong out loud. Ewan ko, parang hindi ko pa ramdam na dapat akong mag-probe o mag-explain. I felt like it would be a bit unnatural if I did.
Naisip ko kung itatanong ko ba kung anong tingin niya sakin ngayon. Pero hindi ko na rin tinuloy kasi ayoko namang i-overthink yung isasagot niya.
Buti na lang, dinala niya yung usapan. Nag-initiate uli siya ng iba pang mga topic, at kung personal man, diverted na siya sa ibang tao. Pansin ko, nangangapa pa rin talaga kami pagdating sa mga pwedeng mapag-usapan. Palagay ko parehas kaming aware na may linya na pwede kaming matapakan at pwedeng maging biglang awkward. At nang malapit na kong ma-praning dahil kasalanan yata ng nararamdaman ko para sa kanya na mauubusan na kami ng topic, bigla niyang sinabi, “ang awkward din natin dati, eh, ‘no?”
“Ah…yun…hahah…” Dati lang nga ba?
"Ayan ka nanaman, e!" Natawa siya. "Naiilang ka na naman."
"Eh, wala. Feeling ko kasalanan ko, eh…” sabay pa kaming umiwas ng tingin sa isa’t-isa at tumingin lang sa harapan. Sandaling natahimik bago ko siya tinanong nang halos pabulong na lang, “Bakit ka nga ba awkward saki
Comments