Siks.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya“YANA! ANONG GINAGAWA MO?!” nag-aalala akong nilapitan ni Namjoon.
“KUYA, PABAYAAN MO NA KO!” pormang depensa ko, handa nang tumakbo palayo. “Minsan lang naman, e!”
“Anong minsan?! Magtatastas ka lang, ito pa’ng napagdiskitahan mo!” Pinaikot ko ang mata ko nang ituloy niya ang paglilitanya niya. “Akin na nga ‘yang short ko! Wala ka na namang magawa, e!”
Hay, nako. Ang KJ talaga nito.
“E, tatahiin ko rin naman pagkatapos e!”
“Boga ka ba?! Tatastasin mo, tapos tatahiin mo rin?! Gawain lang ‘yon ng mga taga-Mandaluyong!”
“Hahaa! Kuya, bagay sa’yo naka-shades! Ganyan ka na lang habambuhay!”
“Che!”
~*~
“Yana, lumayas ka nga dito’t mag-skateboard ka sa labas.”
“Wala ako sa mood.”
“Lalabas ka, o mag-isang magpapadulas ‘tong board mo sa kanal?”
“Wala ako sa mood mag-stay sa loob ng bahay! Sabi ko nga, pupunta na sa park at magse-skateboard. Kuya naman, ‘di mo pa ‘ko pinapatapos, e.”
Inabot na sa’kin ni Namjoon ‘yong board ko, at kinuha ko naman ‘yon nang nagkakamot sa ulo. Kailangan ng Head & Shoulders.
“Hay nako,” bulong ko. “Makapagpasagasa nga…”
“Anong sabi mo?”
“Sabi ko, ingat ka. Baka kasi magahasa ka dito, kuya, at masyado kang gwapo."
“Ayusin mo buhay mo, Yana. Hanapin mo si Jimin.”
Para mas lalong masira ang buhay ko?!
“Kuya, ‘pag pinagawa mo sa’kin ‘yan, magpapasagasa na lang ako.”
“Ano ulit?!”
“Kuya, baka magahasa ka talaga, e. Mag T-shirt ka nga!”
“Yana, alam ko kung saan mo tinago ‘yong isa mo pang skateboard.”
“Kuya naman! ‘Di ko kayang gamitin ‘yong dalawa nang sabay!”
Ipahiram ko raw kay Jimin ‘yong isa. Kuya talaga, o…
Siguro na-sense niya na malungkot ako. Alam niya kasing nakakawala ng problema ‘yong pagse-skate board para sa’kin, e. Pero sa bagay, pwede rin namang gusto niya lang talaga akong palayasin sa bahay.
Medyo malungkot pa rin ako. Siguro nga, ito napapala ko sa pagiging selfish. Hindi ko man lang inisip si Chi no’ng sumama nga ako kay Jungkook, thinking it was a date. Naiinis talaga ako sa sarili ko.
“Ate, pinapabigay ng boyfriend mo.”
“Uy, ikaw pala!” Napangiti ako sa dalang fishball no’ng kapatid ni Jungkook. Talaga naman. Yana, ‘yong pagkain ‘yong binati, imbes na ‘yong taong nagdala? Bastos.
“Kunin mo na, ate,” ngiti si Jungwoon sakin. Clearly, isa siyang mahusay na businessman dahil hindi niya kinakain ang nine-negosyo niyang produkto. Hindi siya bungal at maayos ang mga ngipin niya. Matalinong bata, nagmana sa kuya.
Speaking of his kuya, bakit nga ba ako binigyan ni Jungkook ng fishball? Peace offering siguro? Pero bakit naman? Nag-away ba kami? Hindi naman, kung tutuusin. Siguro, naalala niya lang talaga ‘yong nangyari kaninang umaga na nagpalipas ako ng gutom. Sweet naman…
Ano ba, Yana?! Ayan ka na naman, e!
Pero teka nga…
“Ate, pinabibigay ng boyfriend mo…”
Ito talagang batang ‘to. Kanina ka-date ko lang ‘yong kuya niya – ngayon, boyfriend ko na?! Bwisit. Siya pala ata may kasalanan kung bakit ako nag-assume na date ‘yong kanina, e.
“Pssst, Yana!” Ito na pala ‘yong kumag.
“O.” Iniabot ko na kay Jimin ‘yong isa kong board.
“Ano ‘to?”
Please Subscribe to read the full chapter
Comments