Eyt
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo SiyaKelan pa ‘ko naging ganito ka-martyr? Ito ba yung ‘calling’ na sinasabi nila? Nakatadhana ba kong mag-madre balang araw? Habang naglalakad ako nang sobrang bagal sa corridor, iniisip ko pa rin talaga. Bakit ko ba sinabi yun? Naiinis ako sarili ko. Hindi ko dapat sinabi yun.
“Hoy, Yana, ba’t hindi ka pa umuuwi?” Dahil medyo masama nga ang timpla ko, muntik ko pang sagutin yung nagsalita ng: eh ba’t di ka mauna? Badtrip kasi eh, ang siga. Buti na lang, nakilala ko agad yung boses, kundi baka nabatukan pa ‘ko nang wala sa oras. Si kuya Yoongi kasi yun, isa sa mga prefect namin. Ka-village ko siya pero sa lugar namin, ‘Suga’ ang tawag sa kanya kasi ang lupit niyang shooting guard sa basketball.
Hinarap ko siya at napakamot ako ng ulo. Hindi ko rin kasi sigurado kung pa’no ko sasagutin yung tanong niya eh.
“O, ba’t parang may umaway sa’yo?”
Haha. Actually...
“’Di. Wala,” sabi ko na lang, and I think I sounded sarcastic kahit ‘di ko naman sadya. Kelan pa ‘ko naging ganito ka-transparent?
“Sus,” napangisi siya, mukhang hindi kumbinsido, saka niya inilabas sa bulsa niya ang mga kamay niya para mag-inat at sumandal sa railings. “Sino pang nandun sa rooftop?”
Tumingin siya sakin nang hindi ko siya sinagot. “Huy,” usig niya.
“Si Jungkook,” sabi ko na lang sa pinakatahimik kong boses na narinig pa rin naman niya.
“Hanep, mukhang lumalablayp ka na ah,” pang-aasar niya. “Kala ‘ko kupas na kayo eh.”
“Nako, kuya, ‘wag mo kong simulan.”
“Woooo...” kalahating-hiyaw niya. “Bakit? ‘Di ba matagal mo nang crush ‘yon? Ba’t kayo magkasama? Umamin ka na? Na-basted ka ba?”
Ikaw kuya, ready ka na bang maitulak paibaba ng ground floor?
“Hahahaha! Sige, ‘di na kita aasarin,” sabi niya nang bigyan ko siya ng blankong tingin. Mukhang nabasa niya yung utak ko. “Uwi ka na. Kung ano man ‘yan, magkakabati rin kayo,” kibit-balikat niya. “Kung hindi, edi kawawa ka. Hanggang next school year mo pa siyang kaklase.”
Ay wow. Salamat, ha?
“Ikaw, kuya? ‘Di ka pa uuwi?” tanong ko na lang sa kanya.
“’Di pa, e. Naghahanap pa ‘ko ng mga mahuhuli gaya mo,” he grinned at me. “Sasabayan ko siguro siya pag-uwi.”
“Weh, kuya. Damubs ba yan? Ikaw yata may crush kay Jungkook, e.” Alam kong walang sense yung biro ko, pero what the hell.
“Ba’t hindi? Mukhang ‘di siya interesado sa’yo eh,” sakay naman niya.
Itinawa ko na lang yung katotohanan sa sinabi niya. Gago talaga ‘to. Bakit ba ang gagago ng mga kaibigan ko? Or, generally yung mga tao sa paligid ko?
Nang makauwi ako, gusto ko sanang lumabas para mag-skateboard. However, I decided against it, afraid that I’ll run into him or something. Sobrang ayoko siyang makita ngayong gulong-gulo ang utak ko kasi alam kong hindi yun makakatulong. I know because that’s how it’s always been ever since I started liking him. Nakakainis na nga eh.
Ibinaling ko muna ang atensyon ko sa pagtugtog ng gitara para makalimot kahit saglit lang. Kaya lang, hindi pa rin umubra. Para 'tong init at pawis na kailangang iligo. Nakaka-distract.
Naranasan niyo na ba yung ganito? Yung nakagawa kayo ng bagay na alam niyong pride niyo yung naitaya? Right now, it’s a feeling that I couldn’t just shake off. Bakit ko ba yun sinabi? Nadala ng emosyon? Anong emosyon? Heat of the moment? Kung ‘heat’ lang rin ang pinag-uusapan ‘di ba dapat minura ko siya dun sa galit? Eh bakit hindi yun yung ginawa ko?
Nakakainis lang kasi ang OA ko na eh, diba? Why am I so bothered about a few words that I said? Siguro dahil alam kong hindi ako ganun. Siguro dahil alam kong 'pag tinanong ako kung bakit ko sinabi yun, wala akong maisasagot. O siguro kasi kahit hindi mangyaring may magtanong, mawiwindang pa rin ako sa kaiiisip kung anong iniisip niya tungkol sa sinabi ko. Kasi siguro, natatakot ako sa bigat nung implication nung sinabi ko.
Hindi ko alam. Hindi ako sigurado sa kahit na ano, pero pakiramdam ko gusto kong depensahan yung sarili ko, but how can I do it when I can't even validate my own words because I don't even understand what they really meant?
Mukhang kailangan ko talaga yatang magmuni-muni at pag-isipan ang mga bagay na pinaggagagawa ko. Perhaps I'm at the point of no return wherein I’m damned if I do and damned if don’t confront the problem.
Sa’n nga ba nagsimula ‘tong kalokohan na ‘to?
Hinanap ko yung luma kong diary na itinigil ko nang sulatan, isang buwan matapos maging si Jungkook at Chi. Pinagtiyagaan kong balikan ang mga cringe-worthy entries. Hindi ako araw-araw kung magsulat dati, pero bawat pahina ay garantisadong blackmail material (pero magaling akong magtago kaya walang kaalam-alam si Namjoon o si Jimin tungkol dito).
First year, first day of school (grabe lang ‘yong araw na ‘yon parang ang dami agad na nangyari) naging seatmate ko ang transferee na si Jeon Jungkook. Nagkataon ring partner ko siya sa class number at halos katapat sa pila pag assembly. Napansin ni Taehyung (yung unang kaibigan ni Jungkook sa klase) na lagi na lang kaming magkapartner ni Jungkook, kaya siya at yung barkada niya ang nagpauso sa klase ng “loveteam” daw namin ni Jungkook. Tapos mula nun, kunyari ‘pag may roleplay, ginagawa nila kaming mag-asawa o mag-syota sa script. Ako naman si marupok, kinilig. Hindi ko nga lang pinapakita. Kahit ako kasi nawi-wirduhan sa sarili ko. Tuloy, kadalasan, kunyari dedma ang lola niyo tuwing magkaka-moment kami pero ang totoo, kulang na lang mag-cartwheel ako pauwi.
Kahit wala naman akong problema sa karamihan ng mga babae kong kaklase, sobrang bilang lang ang mga ka-close ko. Kasi siguro dahil yun sa hindi ko sila kayang sabayan sa mga usapan ng mga crush at pagbo-boyfriend. Wala nga akong babaeng kaibigan na nakakaalam na crush ko si Jungkook, e. Problema kasi pag sinabi mo sa mga kaibigan mo na may gusto ka sa isang tao, ang tendency, aasarin ka nila lagi, o gagawa sila ng paraan para ireto ka dun sa tao. Ang epekto, mas lalo kang kikiligin at mas lalalim yung feelings mo. Eh pa’no pala pag di ka gusto ng crush mo? Tapos hindi ka pa umaamin, halata na niya. Tas magiging awkward lang kayo. Ayoko yun mangyari. Pero sa totoo lang, ang gusto ko talaga mangyari, maka-get over ako sa crush na yun. Kasi hindi ko naman ginusto yun, e. Kahit pa sabihin natin na madali akong na-attract sa kanya, hindi naman siguro yun lalala kung hindi kami inasar ng mga kaklase namin. Siguro, tutal lagi ko siyang nakakatabi nun, masasanay din naman ako sa presensya niya at magiging kumportable, enough para kausapin siya nang normal.
Bukod nga kay Dasom, si Jimin, si kuya Yoongi, at si Taehyung lang talaga ang mga nakakaalam na crush ko si Jungkook, at kahit sa kanila hindi ko rin naman ginustong sabihin. Kay Jimin ko unang inamin dahil punyeta siya, ayaw niya kong tantanan nang pangungulit. Nakwento ko na rin tuloy kay Jimin na sa totoo lang, first day pa lang, napansin ko na talaga si Jungkook kahit marami pang ibang transfers no’n. Na hindi man siya yung pinaka-gwapo sa paningin ko nun, (at kung tutuusin mas nagwapuhan pa nga ako kay Yook Sungjae na valedictorian daw nung elem) si Jungkook talaga yung nag-stand out para sakin.
Kinilig naman ang gago sa sinabi ko. Tapos, malaman-laman ko pa, sinabi rin pala niya kay Taehyung at sa prefect na ka-close niya. Kaya ayun, na-trauma na ko at wala na kong pinagsabihan. Mula din nun, binantayan ko na nang maigi si Jimin, at ironically, yun ang dahilan kung bakit kami naging close.
On the other hand, ‘wag na kayong magtaka kung bakit hindi kami naging close ni Jungkook. Iwas akong kausapin siya dahil na-awkward na ‘ko sa mga pang-aasar na ginawa nila Jimin. Nagkataon na di rin siya yung tipong madaldal kapag hindi niya kaibigan yung kausap niya. Madalas tuloy, small talk at obligatory talk lang ang kinahihinatnan namin.
Isa pa, ako talaga yung tipo na pag gusto ko yung tao, mas lalo akong hirap na kausapin, kaya ‘di ko na lang ginagawa. Ang awkward naman kasi eh. Gusto ko siya, ta’s hindi niya alam – ang weird nun para sakin. Tapos kasi pag susubukan kong kaibiganin yung taong gusto ko, alam ko sa sarili kong may ulterior motive ako. Ayoko lang ng ganun. I feel dirty. Weird ko ba?
Siya naman, kaya siguro siya parang awkward din sakin kasi na-sense niyang awkward nga ako sa kanya. Alam niya ring tahimik ako at hindi niya alam kung pa’no ako tatantiyahin. Like, kung pa’no ako i-a-approach, pa’no ak
Comments