Eleben.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya“Kamusta?”
Ako ba kausap niya? Sa loob ng bag niya kasi siya nakatingin at naghahalungkat. Malay ko ba kung may lamang-lupa pala siyang baon at kinukumusta niya ‘yon.
“Yana?” Tawag niya.
Ay, ok. Mukhang ako nga.
Kumagat ako sa ibabang labi ko at napaisip ng magandang punchline. Kailangan cool, casual at hindi awkward (kahit parang medyo awkward na talaga kami ngayon pa lang). Iniisip ko kung magpapanggap ba ‘ko na walang nangyari, mag-aastang patay-malisya na as if hindi kami nag-iwasan nang dalawang linggo matapos ng weird na “away” namin, matapos niya kong makitang kausapin ng best friend niyang minamahal niya pala, matapos akong makapagsulat ng kanta tungkol sa kanya, matapos magka-girlfriend ang nerd kong kuya, matapos akong tangkaing syota-in ng best friend ko dahil naawa sakin na nasaktan ako dahil sa taong ‘to, at matapos kong ipakitang may paki pa rin ako sa taong ‘to – pagkatapos ng lahat ng nasa listahan na ‘yan. Gusto kong maging casual kasi gusto kong lumebel sa kanya. Alam ko kasing hindi siya nag-o-overthink kagaya ko ngayon.
Sa tagal kong sumagot, napabuntong-hininga na lang si Jeon Jungkook, “bakit ko ba ‘yon tinatanong na parang magkaibigan tayo?”
Aray naman po. Burn, ha. Yung tipong burn na wala man lang decency na magbigay ng notice. Pamilyar na pamilyar na ko sa ganitong pakiramdam.
Nakakainis. Nakakaasar na para akong gago na nakakapit sa bawat kibot, bawat kilos niya. Na kaunting bitaw niya lang ng mga salitang gaya nito, naapektuhan ako, nasa intensyon man niya ‘yon o hindi, halimbawa, na saktan ako. Pero dahil nag-occur na sakin nang mabuti na mali ‘to, simula ngayon, ipinapangako ko sa sarili ko na hindi na ko magiging ganito ka-sensitive.
(Well, susubukan ko...)
Though I’m itching to say something, wala akong balak na maunang magsalita. Siya naman ang nagpakita ng pagkakaro’n ng pakay. I mean, why else would he sit beside me?
'Di rin nagtagal at binasag na uli niya ang katahimikan: “Ito na nga pala yung notebook mo.”
Syempre, hindi niya hiniram sa’kin ‘yon. Syempre, nagkusa lang akong magsipag-sipagan making ng lessons para sa kanya (at sige na nga, kay Jimin na din). Pero syempre hindi ko rin nagawang ibigay sa kanya ‘yon mismo. Syempre, ipinapabigay ko lang kay Taehyung ‘yon o kaya nilalapag ko lang sa table niya pag likely na mapapadaan siya sa classroom. Syempre, nagpapaka-Santa ako kahit hindi pa naman talaga Pasko at santa, kahit malayo pa naman ang Mahal na Araw. Hindi ko nabanggit sa inyo, dahil sabi ko nga gusto kong bawas-basawasan ang pag-iisip ko sa kanya, but it’s not like I can help it. Pero alam niyo, wala eh. Kahit talagang hindi ko nagustuhan nung sinabi kong hindi ko siya kayang i-resent kahit ano pang gawin niya, totoo talaga yata yung sinabi kong ‘yon.
Dalawang linggong interval. Dalawang linggong pahinga mula sa kanya, kahit pa ‘ni isang araw hindi naman talaga nagpahinga ang utak ko sa pag-iisip kung ok na ba sila ni Dasom, kung nag-aalala pa rin ba siya para sa kaibigan niya, kung ano pang ibang inaalala niya, kung ok naman ba yung pinaghahandaaan nilang competition, kung kumakain ba siya sa tamang oras o inaabuso niya na naman yung sarili niya – kung anong lagay niya, in general. Dalawang linggo ko siyang hindi halos mahagilap at bihirang makita, kaya siguro na-miss ko siya. Natural lang naman siguro ‘yon? (Or hindi, ba?)
Halata namang hindi nakatulong yung distansya sa gusto kong mangyari na makalimot. Kaya pagkatapos ng dalawang linggo na ‘yon, nagsawa na rin yata ako sa katatanong kung bakit ba ‘ko ganito.
“Sorry,” wika niya.
“Para sa’n?” Tanong ko na may halong hamon, kahit hindi ko siya magawang tignan nang diretso sa mata.
“Kasi late kong ibinalik yung notes?”
I automatically scoffed at his reply, but I didn’t say anything nor bother frowning. My initial reaction was disappointment, but it was ironically followed by approval. Maybe it’s not too late. Maybe if you keep disappointing
Comments