Piptin.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya“Makakapasok ka na ba sa Monday?”
“Oo.”
“Jimin, magpahinga ka na. Daan kami dyan ni Kuya mamaya.”
“’Di, ‘wag na. Ayos lang.”
“Sige, mag-inarte ka pa; hindi kita dadalhan ng sinigang.”
“Bilisan niyo! ‘Wag kayong papetiks-petiks! Now na! ASAP!”
“Ayan. Beri gud.”
Hindi na talaga makakapag-compete si Jimin. I can’t say there was much hope in the first place kasi nga wala nang one week away yung laban nang ma-injure siya. Pero alam mo ‘yon? Masakit pa rin syempre pag narinig mo na yung definite na hindi.
Dahil sa nangyari nung nakaraan, naramdaman ko ulit na kahit gaano kami magbangayan ni Jimin, magkaibigan talaga kami. Na isa siya sa mga tao na hindi ko kayang tiisin kapag alam kong may pinagdadaanan. Yung kapag alam kong nasasaktan, nasasaktan din ako. Hindi nga lang ako ganun kagaling sa mga pep talk o ano, kaya ang kaya ko lang gawin eh makinig o kaya i-divert ang atensyon niya sa ibang bagay.
'Di ko alam kung magaling lang magtago si Jimin o talagang tanggap na niya, but he seems to be taking this better than we expected. Kasi ba naman ito na yung compet na matagal na niyang gustong salihan mula nung trainee pa lang siya sa dance club - actually, mula pa nga yata nung middle school.
Siguro nakatulong rin na ok sila ni Minjung ngayon at nag-uusap na ulit sila. So may maganda ring kinalabasan yung aksidente kahit papa'no.
"Yana, halika dito hinahanap ka ni Tita!" biglang tawag ni Kuya mula sa labas.
"Uy, si Tita Baby ba yun?"
"Feeling ko. Sabado ngayon, e."
"Sige. Pasabi nalang kung bakit hindi ako makakadaan dyan sainyo."
"Feeling mo naman hahanapin ka niya."
"Hoy, 'kala mo dyan, mas love ako ni Tita kesa sa'yo 'no!"
Natahimik ako for like two seconds saka ako pumalag. "Sipsip ka kasi. Bye."
Binabaan ko na siya ng telepono. It was a rather bland comeback, but whatever.
Normal naman naming biruan 'yan ni Jimin, pero deep inside bitter ako nang slight. Sa nakikita ko minsan, parang totoo kasi. Pa'no ba naman, nang una palang makilala ni Tita Baby si Jimin, tuwang-tuwa na siya sa bansot na 'yon. Samantalang ako, parang anim na buwan pa yata bago ko napangiti si Tita mula nang inalagaan niya kami ni Kuya.
Dalawang tao ang tumayong magulang namin mula nang mag-US sila Mama: si Lola at si Tita Baby. Wala pa kong ten years old no'ng umalis sila Mama kaya ilang taon rin kaming inalagaan ni Lola at Tita. Kaso kasi, nag-asawa na rin si Tita kinalaunan at last year naman, nawala na si Lola. Dahil legal age naman na si Kuya, ang nangyari, siya na ang naging guardian ko tapos tuwing Saturday dinadalaw na lang kami ni Tita at ng asawa niya. Minsan, pag busy, si Tita na lang.
Sa totoo lang, takot ako kay Tita Baby kasi mahigpit siya sa'min, lalo na noon. Mas takot pa nga ako sakanya kesa kila Mama at Papa. (Well, kung tutuusin, hindi naman talaga ako takot kay Mama at Papa.) Sa'ming dalawa ni Kuya, ako yung pariwarang bata, kaya malamang siya yung lumalabas na favorite ni Tita. At wala namang ibang Tita o Tito namin na naging malapit saakin - si Tita Baby lang. Tapos, tumayo pa siyang mother and father figure namin habang lumalaki kami, so siguro may pagka-sensitive ako pagdating sakanya. Lalo pa dahil hangang-hanga ako sakanya at siya talaga yung naging role model ko bukod kay Kuya habang lumalaki ako.
Syempre, in a sense, malaki rin ang paghanga ko kila Mama at Papa sa pagpapatuloy ng nasimulan nilang business - pangarap nila yun, e. Pero, parang hindi ko lang kasi nakikita yung sarili ko na magiging kagaya nila balang araw. Parang mas gusto kong maging katulad ni Tita Baby na kahit simple lang ang buhay, masaya. Kahit nung panahon na hindi pa niya nakikilala yung napangasawa niya at panay ang kantiyaw sakanya na pagiging matandang dalaga, masaya siya. Parang walang kulang sa pagkatao niya. Kahit hindi siya kasing hustler ni Mama - ng bunso niyang kapatid - pagdating sa career at kung ano pang mga praktikal na bagay sa buhay, kuntento si Tita Baby sa simple at tahimik na buhay.
Anyway, babawi na lang ako. Yayayain ko na lang si Tita Baby na sumama pag hinatid namin yung sinigang kila Bansot.
Tinanggal ko yung towel ko sa ulo at lumabas para salubungin si Tita Baby. Kakaligo ko pa lang, pero nasabon na uli ako.
"Ano, Yana? Hinihintay mo bang lapitan ka ng suklay at ihagod yung sarili niya sa ulo mong matigas?" Shet, nakalimutan ko...
"Nako, magpapaalam pa ka'mo yung suklay sa kanya kung pwede." Gatong pa ni Kuya. "Ganyan 'yan palagi, Tita."
"Hi, Tita." Kinuha ko na lang yung kamay ni Tita para magmano. Mas gusto niya kasi. Hindi siya yung tipo ng tita na sasawayin ka pag
Comments