Twelb-si.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo SiyaTypical. Bumalik bigla yung mga pang-aasar nila samin gaya nung dati, pero halos dedma lang naman si Jungkook.
“Edi ok. Maayos yung guitarist ko kaya malamang magiging mataas ang grade ko,” ang sabi niya, dahil alam naman ng klase na marunong ako mag-gitara at na magaling siyang kumanta.
"Oo nga, pre,” akbay sa kanya ni Ilhoon,“kahit sa music man lang, 'no, makatikim ka ng line of 9?"
Nagtawanan sila. Grabe lang. Hanggang ngayon inside joke pa rin pala yung naka-zero siya sa English (kahit nakatulog lang naman talaga kasi siya nung exam dahil sa sobrang pagod sa training)?
(But oh my god – the first ‘ko’ in that sentence. Para ‘yon lang kinilig na ko. Muntanga.)
“May naisip ka na bang kanta?” basag ko sa katahimikan nang matapos akong magtono ng gitara. I’ve come to my senses; I don’t see the point of keeping awkward around each other anymore. It just got old and tiring. Hindi kami makaka-move on kung patuloy naming iisipin yung maliliit na bagay. Alam kong importante rin ang trifles, pero alam mo ‘yon? Kung bawat kibot at kilos ng tao lalagyan mo ng kahulugan at basehan para sa sarili mong ikikilos, baka wala kayong patunguhan. At gusto kong may patunguhan kami.
“Lost Stars ni Adam Levine.”
Nangapa naman ako ng chords at itinuloy ang pag-uusisa ko sa kanya. “Lagi mo ba ‘tong kinakanta?”
“Hmm, lately, oo.”
Maya-maya, sabi ko,“may nabuo na kong set ng chords. Subukan natin kung tama?” Tumingin siya sakin saglit na parang nagulat. Hindi niya siguro in-expect na gano’n lang kabilis ang pagkapa.
Napangiti lang ako at nagsimulang mag-strum. Hindi ko na siya kailangang sabihan kung kelan ang tiyempo ng pasok niya – alam na niya. Yan ang gusto ko sa singer kapag tumutugtog ako, e.
Kalagitnaan, patigil-tigil ako kasi nag-aadjust ako ng maling chords. Binago ko yung F at ginawang F7 para mas kuha yung feel nung tunog, at ginawang Gsus4 yung isang G sa chorus kasi mas eksakto pala siya sa pandinig ko. Bandang huli ko lang na-appreciate yung ganda ng boses niya, nang stable na ko sa adjustment ng chords, pero parang hindi ko rin masyadong ramdam yung pagkanta niya kung ikukumpara sa usual na pagka-soulful niya.Siguro nga dahil masyado na niyang gamay yung Lost Stars, nabawasan na yung feeling.
“Gusto mo bang mag-try ng ibang kanta na hindi mo pa praktisado?”
“Ayos lang,” tumango siya, sabay sandal ng likod niya sa upuan. “Pero ikaw na munang mag-isip...”
Kinuha ko yung iPod ko sa bulsa ko at naghanap-hanap. Ano bang gusto kong marinig na kantahin niya? Pagkakataon ko na ‘to! Wooo! Grabe, feeling ko ako yung napiling caller sa radyo para mag-request…
May naisip na talaga ako, e. Gusto ko sana siyang pakantahin ng Youth ni Troye Sivan, o Beautiful Soul ni Jesse McCartney, o kaya naman Rainbow ng South Border (paluma nang paluma, e no?), pero di ko alam kung magugustuhan niya yung mga ‘yon. Pagka-scroll ko banda sa mga C, saka ko naisip na nakita ko na yung hinahanap ko.
“Catching Feelings, alam mo?”
Nakakaloko na parang nagiging habit na niya yung titingin lang siya sakin na parang may sinasabi yung mga mata niya, pero hindi ko naman maintindihan. Pero sa pagkakataong ‘to, dahil kabisado ko yung lyrics nung kanta, nagka-idea ako na tinamaan siya do’n sa kanta, kaya siguro napatingin siya nang gano’n.
“Oo, pero hindi ko kabisado...” nag-aalangang sagot niya.
“Aralin mo muna, ta’s bukas na lang tayo magsimulang magpractice,” kuha ko sa backpack ko, para itago yung pick sa maliit na bulsa.
“Inuutusan mo ko?”Ngisi niya.
Kung biro ‘yon, o pagpapaka-witty, hindi ko na pinatulan. Kumibit-balikat na lang ako. “Papalitan natin ‘pag ayaw mo,” sabi ko, habang isinisilid yung gitara ko sa case.“Kahit ako rin naman kasi, ‘di ko pa gamay yung pagtugtog ng kanta, kaya kanya-kanyang practice na muna.” Tinignan kouli siya nang matapos ako sa pagliligpit.“Uwi na tayo, on cooking duty ako ngayon sa’min, e.”
Pahinga ka na rin
Comments